CHAPTER NINETEEN

Naguguluhan si Czarina. A part of her wants to quit her job, but another part says otherwise. Paano niya itatawid ang buhay nilang mag-ina? Oo nga't nabigyan ng eskwelahan ng full scholarship ngayon si Rory, pero marami namang iba pang gastusin tulad ng gamit sa eskwela, damit, field trips, at kung anu-ano pa. Sa damit pa lang, hirap na siyang bigyan ito ng something na hindi naman nahuhuli sa mga kaklase. Mayroon kasi silang no-uniform Wednesday.

Although hindi mapaghanap si Rory, sinisikap pa rin niyang magkaroon ito ng bagong damit kahit once a month lang. Sa sitwasyon kasi nito na laging nabu-bully, ayaw niyang maging dahilan ng pang-aapi rito ng ibang bata ang paulit-ulit nitong pagsuot ng lumang damit.

"Ignore the woman. Magsasawa rin sa pang-aapi sa iyo iyan," ang laging advice sa kanya ng kaibigang si Emily. Na ang ibig sabihin ay si Wynona. Ganunpaman, may mga pagkakataong hindi siya nakakatiis. Lalo pa kung nananadya talaga ang bruha. Tulad ngayon.

"I was the one who approved those stories, Wynona," aniya in gritted teeth. "Nasimulan na natin ang pag-serialize ng interview ni KD-11. Bakit hindi pa natin ituluy-tuloy? That is what the public want to read. Nag-survey tayo nito, remember?"

"That was weeks ago, Czarina. Don't you look at our numbers? Nakita mong hindi tayo nag-improve kahit na naglagay tayo ng special feature tungkol kay KD-11. Ano pa ang gusto mong proof na naka-move on na ang Filipino readers natin sa lalaking iyon?"

"What are you talking about? We did not lose our readers. Katunayan, nadagdagan pa tayo!"

"Yeah. A few thousands was enough to cover the cost of interviewing him." And she rolled her eyes. Na-tempt si Czarina na dukutin ito, pero nagpigil siya.

"Anong cover the cost ang pinagsasabi mo? He returned the check for crying out loud!"

"Still. Hindi lang ang talent fee niya ang tinutukoy ko rito. Sayang ang espasyo sa paper natin kung gugugulin lang sa walang kwentang interview tungkol sa isang athlete na hindi naman naglalaro for the country. Ano'ng pakinabang natin sa kanya? Saka, tigil-tigilan na natin itong paglulumuhod sa mga foreigners porke may isang patak ng Filipino blood! That's all I wanna say."

"May I remind you whose idea this is? Hindi ba't ikaw ang atat na maisali ang interview sa kanya sa bi-weekly paper natin? Kayo ni Luisa. This was your project."

"The keyword is 'was'. Yes, this WAS our project na inagaw mo."

"Iyan ba ang dahilan kung bakit tayo nagtatalo ngayon? Dahil the guy chose me over you and your friend? Dahil ako ang pinili niyang mag-interview sa kanya?"

Ganoon sila nadatnan ni Ed Santos. At nagalit ito. Imbes daw mag-isip ng maaaring ikaganda ng kanilang papel ay away ang inaatupag nila.

"To settle this issue, I want this fvcking athlete's interview totally scrapped from our paper! And that's final!" galit nitong wika at binagsak sa table ni Czarina ang panibagong memo na nagsasabi na hindi lang ang bi-weekly paper nila ang nagkaroon ng budget cut ngayong buwan kundi ang daily newspaper na rin. Hindi raw satisfied ang mga investors nila sa lackluster performance ng dalawang publications.

"Sampong newspapers at bi-weekly papers lang ang sumali sa ginawad na parangal ng Journalist Association of the Philippines nitong nakaraang buwan at kasali tayo roon, pero ni isa sa atin walang naipanalong award! Kasi, imbes na mag-isip ng makabuluhang kuwento, heto kayo at away ang inaatupag n'yo lagi! Punyeta! Nadawit tuloy ang dailies namin sa pesteng performance ninyo!"

Napanganga si Czarina nang makita ang panibagong slash sa budget nila. Ang laki! Kung susumahin lahat ng kinaltas simula noong unang memo na natanggap niya, halos forty percent na ng original budget ang tanggal. Paano na ang ibang kuwentong pina-follow up ng team niya? How would they even do a story na ang main informant ay nasa ibang probinsya kung halos wala nang budget for travel and accommodation?

Napakagat-labi siya sa ginawa ni Ed Santos. Oo't hindi niya nagustuhan ang panibagong budge cut, pero mas nabwisit siya sa sinabi nitong h'wag nang ituloy ang pag-serialize ng interview with KD-11. Parang sinabi na rin nito na kampi ito kay Wynona. Heto nga ang huli at tila nagbubunyi sa sinabi ng dati nilang bosing.

"I cannot allow it to happen, Sir Ed," patuloy pa rin ni Czarina. "We have already started printing the interview. Hahanap-hanapin iyon ng mga mambabasa."

"Then tell them that it was already in the last issue. Period! Ayaw ko nang pag-usapan ang tungkol dito, Ms. Garza. Though I may not be directly supervising your work and Wynona's, sa akin pa rin naman makikinig si Architect Rojas. At nakakahiya ang performance natin noong nakaraang parangal! Tayo lang ang walang award na naiuwi!"

Wala na ngang nagawa si Czarina tungkol sa interview niya with KD-11 na siya rin mismo ang nagsulat para sa bi-weekly paper nila. Naiyak na lamang siyang nagsumbong kay Emily. Ayaw man sana niyang magbitiw sa trabaho, pero hinihingi na ng pagkakataon. She wouldn't give Rorik the satisfaction of seeing how much hurt and embarrassment she has endured because of his desire to make her life miserable.

"Sigurado ka ba riyan? Juicekolord, Czarina, maghunos-dili ka, girl! Hindi madali ang maghanap ng trabaho ngayon. May Rory ka pang binubuhay."

"I have no choice, Emily. Palagay ko, iniipit na ako ng management. Kita mo, ha? Hindi naman bumababa ang performance namin sa target, slightly higher pa nga, pero pinapamukha sa akin na palpak ang pamamalakad ko. I should have resigned weeks ago."

"Paano kayo mabubuhay ng anak mo kung magbibitiw ka rito?"

"Sir Ed allowed me to take all my stories with me. Wala na raw siyang pakialam sa interview ko with KD-11. Katunayan, nanggigigil siya roon. He blamed it for our 'lackluster' performance in the recent awarding ceremony held for all the daily newspapers and bi-weekly papers in the country. Iyon din ang sinisisi niyang dahilan kung bakit lumamig daw ang pakikitungo ni Architect Rojas sa kompanya. Mukha raw kasing may galit ang taong iyon sa atleta. Naisip ko nga, maaaring jealousy iyon kasi KD-11 is living his dream. Dati rin kasing football player si Architect Rojas sa pagkakaalam ko. Kaso nga lang, dahil sa hirap ng buhay, mas binigyan niya ng pansin ang career niya as an architect," sagot niya sa kaibigan. She made sure she sounded matter-of-factly.

"Ang babaw. Mukhang hindi naman ganoon si Architect Rojas. Anyways, I wish you luck, my dear. Sana ay makahanap ka agad ng trabaho."

Ngumiti nang mapakla si Czarina. No'n tila nag-sink in sa kanya na hindi na siya bahagi ng Philippine Top News Stories, Inc. At pinanlamigan siya sa takot para sa kanila ni Rory.

**********

"Ms. Garza resigned from her post?!"

Napakurap-kurap si Ed Santos sa narinig na pagdagundong ng boses ng kanilang major stockholder na si Architect Rorik Rojas. Parang iniisip nito na, hindi ba ito ang gusto nitong taong ito kung kaya inipit nang inipit ang bi-weekly paper ng kompanya?

"I just meant to challenge her because she can do better than her current performance! I did not expect her to resign from her post! You should have rejected her resignation letter!"

"Architect Rojas, sir." At hinabol siya ni Ed Santos nang bigla siyang napatayo na lang mula sa pagkakaupo sa visitor's chair na kaharap ng desk ng matanda at tuluy-tuloy na siyang lumabas ng opisina. Sa elevator na siya naabutan nito.

"I want you to do all your power to reinstate her in the paper," aniya sa mahinang tinig.

Napa-'huwatt' nang malakas si Ed Santos. Halata ang pag-usbong ng galit nito.

"Oh, so you do not want to? Well, in that case, be prepared for the consequences."

Naisip agad ni Rorik na ibenta ang kanyang shares sa kompanya sakaling hindi magawan ng paraan ang pagbabalik ni Czarina roon. Sa oras na mangyari iyon, God knows kung ano ang pwedeng mangyari sa mga current employees doon lalung-lalo na sa matandang simula't sapol ay napansin niyang may lihim na galit sa dating nobya. Ang mga bata sigurong writers ay pwedeng magpatuloy sa trabaho nila, pero ang mga kagaya ni Ed Santos ay malamang mapapalitan. Tingin ni Rorik iyon din ang iniisip nito kung kaya, kahit na halatang labag sa kalooban ay nangako ito sa kanyang gagawin ang lahat mapabalik sa trabaho nito si Czarina.

**********

"Bakit, Mama?" tanong ni Rory nang bigla na lang siyang natigilan habang naglalakad sila patungong Fully Booked bookstore na nasa bandang likuran lang ng Italianni's sa Alabang Town Center. May nakita kasi siyang pamilyar na couple na pumasok sa loob ng naturang restaurant.

"Wala. May---may nakita lang akong kakilala---I thought na kakilala."

Hindi na nagtanong pa si Rory. She continued on licking her lollipop. Nang papasok na sila ng bookstore, ito naman ang natigilan.

"Bakit, anak?"

Naramdaman agad ni Czarina ang takot nito na pilit nilalabanan. Nang sundan niya ng tingin ang tinitingnan kanina ni Rory, nakita niya ang dati nitong bully na apo ng senador.

"It's all right. We are in a public place. Hindi na niya magagawa ang pang-aapi sa iyo rito."

Hindi sumagot si Rory. Nauna na lang ito sa section ng mga Japanese manga at nakibuklat-buklat roon ng mga librong naisalin na sa anime. Kumuha siya ng tatlo.

"Okay lang po, Mama?"

Tiningnan ni Czarina ang presyo ng bawat libro. Mahigit isang libo. Napakamot-kamot siya sa ulo, pero ayaw naman niyang mabigo ito dahil pinangako na niyang gagantimpalaan ito kapag nanalo sila sa kalaban na koponan sa district level ng larong football. At ipinanalo nga niya ang team nila noong nakaraang linggo.

"O-okay, sure. Iyan lang ba?"

"Ang dami na nito, Mama. Baka wala na tayong pera."

"When did you have money, ba?" tanong ng pamilyar na boses ng bata.

Pareho silang napalingon ng anak sa malditang bata na nakahalukipkip sa hindi kalayuan. She sensed Rory's anger right away. At napabilib siya kung paano nito kinontrol ang emosyon. Iniwasan nito ang kaklase. Sa halip ay hinila siya nito papunta na sa cash register.

Ang saklap lang dahil nang sina-swipe na ang card niya, ayaw gumana. Napatingin sa kanya si Rory na halos maiiyak na dahil nasa likuran na nila ang apo ng senador at nagpaparinig na ng kung anu-ano. Mayamaya pa, himala ng mga himala, ngumiti na sa kanya ang cashier at nagsabing 'okay na raw'. Nakahinga sila ni Rory nang maluwag.

Nang papalabas na sila ng ATC at tingnan nila pareho ang resibo habang nag-aabang ng dyip papuntang Zapote, no'n lang napansin ni Czarina na hindi naka-credit sa visa card niya ang mga nabili. Paanong nangyari iyon?

Hinila niya uli si Rory pabalik ng ATC.

"Bakit, Mama?"

"Nagkamali sila. Hindi nila na-credit sa visa card ko ang pinamili natin."

Pagkarinig doon ni Rory, nakitaan ito ng tila pag-aalala. At ayaw na ngang pahila pabalik ng Fully Booked. Baka nandoon pa rin daw ang kaklase.

"Just call them when we get home, Mama. Ayaw ko nang bumalik doon."

At ito nga ang nasunod nang hapong iyon.

Palaisipan kay Czarina kung paano sila pinakawalan ng bookstore gayong hindi pala nag-go through ang credi card niya. May kutob siyang may nagbayad ng pinamili nila, pero how did that person even know? Nakita niya itong tila masayang kasama ang batam-batang girlfriend papasok ng Italianni's.

Nang maalala kung paano hinawakan ni Rorik sa baywang ang college student from Bataan Polytechnique College, napakagat ng labi si Czarina. Just the fact na nasa Manila ulit ang dalagang iyon ay malinaw na pahiwatig na nagkakaigihan na sila ng kanyang dating nobyo.

"Mama, are you all right?"

No'n niya lang napansin na nakailang buntong-hininga na pala siya.

Mayamaya pa, may taxi na huminto sa tapat nila Rory. Lumingon agad ang anak sa kanya. Alam nitong nagtitipid silang mag-ina ngayon at medyo ipinilit nga lang iyong mga Japanese manga na matagal na nitong gustong bilhin kung kaya nagulat ito kung bakit hinintuan sila ng taxi.

"I thought we are riding a jeep today, Mama." Pero nakangiti ito. Halatang gustung-gusto na nga mag-taxi lalo pa nang mamataan sa hindi kalayuan ang paglabas ng itim na Mercedez sedan mula sa parking lot ng ATC. Itinuro nito ang kotse sa kanya. Iyon daw ang sasakyan ng apo ng senador.

Imbes na ayaw sana ni Czarian gumastos ng malaki sa pamasahe ay napasakay sila ni Rory sa taxi. Pagkapasok nila sa loob, minanduan niya ang mama na paandarin agad ito para hindi na sila maabutan pa ng itim na Chedeng.

Pagkahatid sa kanila ng taxi, nagulat silang mag-ina nang bigla na lang itong umandar nang hindi pa nila nababayaran. Sinigawan nila ito at winagayway pa sa ere ang dalawang daan na pamasahe sana nila, pero mukhang hindi na sila narinig ng mamang driver.

**********

Rorik felt so bad for his daughter when the card machine seemed to be rejecting her mom's credit card. May iilan nang naiinip na shoppers sa pila nila. Kabilang na roon ang apo ng senador. Nababatid niyang lalong magkakaroon ng rason ang batang bully na api-apihin ang anak nila ng dating nobya kung hindi niya gagawan ng paraan. He called the manager of Fully Booked and explained to her what was happening. Mayamaya nang kaunti ay tinawagan nito ang cashier na pa-'ganahin' na lang kunwari ang card nang makaalis na roon ang mag-ina. Binayaran na lang niya ang mga ito pagkaalis ng dalawa.

Sa pagmamanman ng kanyang driver, napag-alaman din niyang nagbabantay na ng masasakyan ang kanyang mag-ina sa tapat ng ATC. Nagboluntaryo pa sana si Mang Kulas na ito na ang maghahatid sa dalawa. Magkukunwari na lamang daw itong daddy ng isa sa ka-teammate ni Rory, pero naisip niyang hindi ito papaniwalaan ng mag-ina. Puro tisay ang mga kasamahan ng bata sa football team. Alangan namang magkaroon ang isa sa kanila ng tatay na sing itim ng driver niya.

Tumawag na lang siya ng taxi at ito ang inutusang maghatid sa mag-ina sa kung saan ang apartment nila. Binuntutan na lang nila ni Mang Kulas sa hindi kalayuan ang naturang taxi nang mapag-alaman niya kung saan nakatira ang daalwa. He has been dying to find out since he discovered that the child could be his, pero laging may sagabal. At least ngayon ay tuluy-tuloy na.

"Sir, bababa ba kayo? Hanggang dito na lang yata tayo, sir. Hindi kakasya ang sasakyan sa eskinita nila. Saka baka makahalata ang mag-ina."

Tinanaw ni Rorik ang dalawa mula sa kinalululanang kotse at parang kinuyumos ang puso niya nang makitang nakatira lamang sila sa isang mukhang delapidated na townhouse. May sampong pinto sa building. Lima sa first floor at lima rin sa second floor. Ibig sabihin no'n ay sampo ang pamilyang nakatira roon.

He knew he has to do something about it. Pero alam din niyang mahihirapan siyang maialok ang tulong sa dating nobya. Saka mukha pang ayaw na ayaw sa kanya ng bata.

Tinawagan niya si Mrs. Pernis.

"Hello, Mrs. Pernis. Could you buy me some groceries? Same items do'n sa nabili mo na rin sa akin noong bumisita ako sa amin sa Bataan. But this time make it good for ten households. Dadaanan ka ni Mang Kulas later sa ATC para ihatid n'yo ang mga pinamili sa mga taong gusto kong pagbigyan niyan. Idaan n'yo sa kapitan ng village para magawan niya ng kuwento kung sino ang nagpadala niyan. Just make sure they will not be able to trace it to me. Maliwanag?"

"Okay, sir."

Ngumiti-ngiti si Mang Kulas habang nagmamaneho, pero wala rin itong mga sinabi lalo pa't tinapunan niya ng masamang tingin.

**********

"I am sorry for what happened to you because of me," malungkot na sabi ni KD-11 nang magkita sila sa Starbucks sa ATC ilang oras bago ang flight nito pabalik ng Australia.

"Don't worry about it. I have some prospects now. And even without a job, my interview with you has given me more than what I have expected," sagot dito ni Czarina na siyang totoo naman talaga. May mga nag-alok na sa kanya ng trabaho. Pero sa ngayon, pinagpasyahan muna niyang maging isang freelancer.

"I'm happy to hear that, Czarina. But just so you know, I am willing to help you migrate to Australia and find a decent job there in case you change your mind."

Isang matamis na ngiti ang sinukli ni Czarina sa footballer. "Don't worry about me, okay?"

"And my offer still stands if you change your mind." At tumawa ito, pero hindi umabot sa mga mata nito ang tawang iyon.

Na-guilty si Czarina. Alam niya kung bakit ito nalulungkot. Tinapat na kasi niya ito na kailanman ay hindi sila magiging couple. Sigurado na siya tungkol doon. Handa siyang maging isang single mom forever para maitaguyod nang matiwasay ang buhay ng anak. Hindi naman siya pinilit ng footballer. Bagkus, nirespeto nito ang kanyang desisyon. Iyong yakap nito nang mahigpit sa kanya nang ito'y tumayo na para sumunod sa driver na sumundo, ay yakap na ng pamamaalam. Lilipad na kasi ito pabalik sa bansa nila. Kaso ang eksenang dapat sana ay walang malisya ay nabigyan ng kulay nang biglang dumating doon ang kanyang ex na si Rorik Rojas.

"Well, well, well. Look who's here," anito. "No wonder your bi-weekly paper didn't do well when you were heading it. Here you are---mixing work with pleasure. So unprofessional!"

Nagulat sila pareho ni KD-11 sa binitawang salita ni Rorik. Pinamulahan ng mukha si Czarina lalo pa nang pagtinginan na sila ng mga parokyano ng Starbucks. Kilala pa naman sila pareho ng mga taga-alta sosyedad at maging ng mga social climbers na nagawi roon. Si Rorik sa larangan ng architecture at si KD-11 naman sa sports.

"Who's this guy?" anas ni KD-11 kay Czarina.

Hindi sumagot si Czarina. Tiningnan lamang nito nang masama si Rorik at hinila na palabas ng coffee shop ang footballer. Hiyang-hiya siya sa mga nakasaksi.

Hindi na nakita ni Czarina ang ibayong lungkot sa mga mata ng dating nobyo. Masahol pa ito sa basang sisiw nang makita ang dating nobyang kahawak-kamay ng footballer na minsa'y hinangaan din niya sa larangan ng football.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top