CHAPTER EIGHTEEN
Hindi alam ni Czarina kung ano ang susunod na gagawin. She was just dragging her feet to work dahil hindi niya kayang mag-share ng silid kay Wynona. Masulyapan pa lang niya ang mukha nitong nag-go-gloat sa nangyari sa kanya, nasisira na ang kanyang araw, how much more iyong makakasama pa niya sa iisang silid?
Kanina, nagkaroon agad sila ng tarayan galore. Nag-agawan silang dalawa sa swivel chair na gawa sa leather na dati na niyang gamit. Pati ang mesa na ginagamit niya'y gusto pang kunin. Mabuti na lang at this time, sa kanya kumiling si Ed Santos. Hindi man nila ito direktang boss, may say pa rin naman ito sa mga pina-publish na papers ng Phil News Inc. lalo pa't sa kanya lang nakikinig ang major stockholder nitong CEO ng RL Fajardo Company, si Architect Rorik Rojas kung kaya sa ayaw man nila o sa gusto pakikinggan pa rin nila.
"You win this time, girl, pero h'wag pakakasiguro. Tingnan mo ang nangyari sa posisyon mong ito? At ni hindi ka pa nagwa-one month nito, ha?" At ngumisi ang Wynona bago kumendeng-kendeng papunta sa kanyang mesa.
Napailing-iling na lang si Czarina. Sinikap niyang kontrolin ang emosyon. Sabi nga ng mama niya noon, 'ang pikon, talo!'. Hindi siya padadaig sa babaeng ito. She can gloat all she wants, hindi siya paaapekto. That's right. Sisikapin niyang h'wag itong pansinin habang iniisip niya kung ano ang susunod na hakbang. Hindi pupwede itong she's at the mercy of her ex-boyfriend. Sigurado siyang may pinaplano na namang pasakit sa kanya ang damuho para lang makaganti.
Natigil siya sa pagmumuni-muni nang mag-ring ang telepono. Dahil nasa mesa niya iyon, siya ang dumukwang at mag-aangat sana sa awditibo nang bigla iyong hinablot ni Wynona. Ang bruha at tumakbo pa talaga para sumagot lang ng tawag. Napanganga siya sa pagiging isip-bata ng babae. Lahat na lang gagawin maungusan lamang siya. Napangiti na lang siya sa ginawa nito. Pinakita lang nito kung sino sa kanila ang subordinate. Tama nga lang naman na ito ang sumagot sa phone.
"Gusto mo doon na lang ipatong sa table mo? I do not mind it," nakangiti niyang sabi rito.
Wynona gave her a dagger look and slammed the phone down. Mayamaya ay tumunog uli ang telepono. This time ay hindi na pinansin ng babae. Napilitan si Czarina na damputin iyon.
"Hey, Czarina? Is this you, love?" malambing na tanong ni KD-11.
Medyo naalibadbaran si Czarina sa 'love' pero hindi na lang siya nag-react.
"Oh hello, KD. Yeah, this is me, Czarina. What's up?"
Nagreklamo agad ito na pangalawang tawag na raw nito. Bakit daw iba kanina ang sumagot? Saka pinagbagsakan pa raw siya ng telepono.
Napasulyap si Czarina kay Wynona na nagbingi-bingihan na nang mga oras na iyon. Napangiti siya nang mapagtanto kung bakit ganoon na lang nito binagsak kanina ang telepono.
**********
May kung anong kumurot sa puso ni Rorik nang makita sa indoor football field ang anak ni Czarina kasama ang mga ka-team nito. Kahit sa practice ay pinaghuhusayan ng bata ang paglaro. Hindi tuloy niya napigilan ang pangiliran ng mga luha sa nakita. The child reminds him of his childhood. Ganoon din siya kaseryoso noon sa football. He thought iyon ang aahon sa kanya sa kahirapan. Noong una nama'y napakinabangan niya ang galing sa larong iyon. It was the reason why the owner of the school where he and Czarina went to in high school gave him a chance to be their scholar. Kasi nakitaan daw siya ng galing sa football. Kaso, isinuko niya ang lahat ng pangarap nang mapansin siya ng dalaga. Noong mga panahong iyon, naging mundo niya ito. Wala siyang ibang ginusto sa buhay kundi ang makatuluyan ito. Kahit alam niyang sukdulan hanggang langit ang pagkasuklam sa kanya ng ama nitong si Don Gustavo at ilang beses pa siyang muntik-muntikanan nang mapatay, sumugal pa rin siya.
"Architect Rojas? Sir? Why don't you get inside the football field? Pwede namang panoorin ang mga bata habang nagpa-practice," nakangiting sabi sa kanya ng isang guro nang madaanan siya nitong pasilip-silip sa indoor field.
"Oh no! I'm okay here. I won't stay long anyway."
"Are you sure?"
"Yeah."
Medyo nairita siya sa babae. Hindi lang siya nagpahalata. Naudlot kasi ang pagmumuni-muni niya.
"All right. But just so you know, you are welcome to watch them." At niluwangan nito ang bukas sa entrance door ng football field bago nagtuluy-tuloy sa kung saan ito pupunta.
Sa una lang nag-atubili si Rorik. Nang makita niyang magkakaroon ng exhibition game ang mga manlalaro ng dalawang grade level, ang grade two at grade three, pumasok na siya at naupo sa bleacher. Doon siya pumuwesto sa unahan kung saan kitang-kita niya ang mga batang naglalaro. Napalingon sa kanya ang mga mommies na nanonood din ng practice. Isinuot na niya agad ang dark sunglasses bago pa siya i-eye-to-eye contact ng mga ito.
Nang maka-score ang anak after like almost fifteen minutes, napatayo siya sa bleacher at napahiyaw. Dahil kakaunti lamang silang nanonood at siya lang ang lalaki roon, nilingon siya agad ng mga mommies. Narinig pa niyang nagtanungan ang mga ito kung sino siya at kaanu-ano niya ang batang 'bully'.
Pagkarinig kung paano nila tinatawag ang anak niya, nagtanggal siya ng sunglasses at kinompronta agad ang mommy na nagbanggit niyon.
"Oh. Nothing, Architect Rojas." At ngumiti pa ang babae. Siniko ito nang bahagya ng mga kasamahan at tila sinabihan ng 'I told you so!'
Nang sumunod na maka-score uli ang bata, napatalon na siya sa inuupuan. Ni hindi niya pinansin ang cell phone na ring nang ring. Nasa anak ang kanyang atensyon. Oblivious na siya sa paligid nang makompleto ng bata ang hat trick o ang pag-iskor ng tatlong sunud-sunod na goal ng isang manlalaro. Natapos ang laro na niyayakap ng mga ka-team niya ang anak nila ni Czarina at kinarga pa ng mas malaki-laki rito.
Samantala, ang koponan ng grade three ay nag-iyakan. Ayaw nilang tanggapin na natalo pa sila ng grade two, lower level sa kanila. Pinagdiskitahan nila ang kanyang anak dahil ito raw ang dahilan kung bakit hindi sila nanalo.
"C'mon, girls. This is football. In football, there are winners and losers. It happens," saway ng referee ng game.
Ang referee ang pinagdiskitahan ng mga brat na bata. May sumigaw dito ng unjust refereeing daw. Nakisawsaw na rin ang mga mommies ng mga ito. Inirapan nila ang kanyang anak. Nakita talaga ni Rorik kung paano tila natakot ang bata bago nagkunwaring hindi affected. Parang kinuyumos ang puso niya sa nasaksihan. Pinangako niya sana sa sarili na h'wag masyadong i-impose ang presence sa bata gayong tila ayaw pa nito sa kanya, pero napilitan siyang lumapit nang tila walang nagawa ang mga referees at coaches ng teams sa pagsaway sa mga atribidang mommies.
"What the heck are you guys doing? Panghihimasukan n'yo ang laro ng mga bata? Magagalit kayo dahil natalo ang koponan ng mga anak n'yo?"
Napa-sigh of relief ang mga mommies ng grade two team dahil pumagitna na siya at mukhang kakampi sa kanila. Medyo takot kasi ang mga itong bumangga sa mga ina ng mga batang grade three. Nagtataka tuloy siya kung bakit.
"This is none of your business, Architect Rojas. Why do you even care?" asik sa kanya ng isang ina. She even glared at him.
She kind of look familiar to him, hindi lang niya alam kung saan niya ito nakita noon or kung kilala niya ang pamilya nito.
Binulungan ng katabing mommy ang nanita sa kanya. Nang magsalubong muli ang kanilang mga mata, she smirked. Pinangunutan niya ito ng noo. Hindi na siya nakasagot dito dahil nakita niya from the corner of his eye na pasimpleng tumalilis na palayo ang anak nila ni Czarina. Hinabol niya ang bata. Sa locker room na sila nagpang-abot nito. Natigil siya sa paghakbang nang biglang napaupo sa isa sa mga benches ang bata at napayupyop sa nakataas na tuhod.
Hinayaan niya muna itong maglabas ng sama ng loob bago nilapitan at hinagud-hagod sa likuran. Pagkaramdam nito sa kamay niya, bigla itong nag-angat ng mukha at lumayo agad sa kanya.
"Go away! Go away!" sigaw nito sa kanya.
"Baby---I'm not an enemy."
"I do not need you! Just go away! I hate you!"
At umiiyak itong tumakbo palabas ng locker room. Nagkasalubong sila ng coach nito at ng iba pang bata na noon lang pumuntang locker room paglabas niya ng silid. They looked at him with a puzzled expression. Kaiba naman ang tingin sa kanya ng coach ng mga ito. Pinagdudahan siya sigurong minolestya niya o ano ang anak kung kaya ganoon na lamang ang ekspresyon sa mukha.
"You have a dirty mind, coach," ang sabi niya rito bago tuluy-tuloy nang lumabas ng locker room.
**********
Kanina, nang paalis sila ng bahay ay pinatatag ni Czarina ang damdamin ng anak. Sinabihan niya itong h'wag matakot kahit na may bago siyang mga kalaban.
"Natural sa tao anak ang pinuputakte ng kaaway kapag marami itong bunga."
Napatingala si Rory sa kanya nang tila nalilito. "What's pinuputakte, Mama? Saka ano'ng bunga? I'm not a fruit tree."
Natigilan si Czarina at nang ma-realize kung ano ang pinagsasabi nito, natawa siya nang bahagya. Naakbayan niya ito at nahagkan sa ulo sa labis na katuwaan.
"It's an idiomatic expression, anak. Ang ibig sabihin no'n, marami ang aaway sa iyo kapag marami ka ng mga bagay na gusto nila pero wala sa kanila. Tulad halimbawa ng galing mo sa football. A lot of mommies want their daughters to be good at it, too, pero natalo mo silang lahat."
Hindi na umimik pa si Rory.
"They want me to stop playing football, Mama." Pinangiliran ng luha si Rory. Lalo tuloy hinigpitan ni Czarina ang hawak sa balikat nito. Alam niya kung gaano ka importante sa anak ang larong iyon.
Pagdating nila sa conference room, sa principal's office, halos puno na ang table. Medyo na-intimidate si Czarina pagkakita sa mga mommies ng bagong kaaway ni Rory. Ang dami nila at base sa mga burluloy sa katawan, damit, sapatos, at bag, napagtanto niyang mas may sinabi ang mga ito kaysa roon sa mommy ni Daiyu Lee, ang unang nakaaway ni Rory sa eskwelahan.
"Thank you for coming to school today, Mrs. Garza," anang principal. "I do apologize for such a short notice. Emergency situation lamang ito kung kaya napatawag ako ng meeting."
Tiningnan siya mula ulo hanggang paa ng mga mommies na nakapaikot sa conference table. Ang mga anak ng mga ito na nakaaway daw ni Rory noong isang araw ay wala roon. Si Rory lang ang tanging bata sa silid kung kaya naramdaman niyang tila na-intimidate ang kanyang anak. Hiningi niya sana na h'wag na itong dumalo roon, siya na lang, subalit hiningi raw mismo ng mga magulang ng grade three team na pasalihin sa conference ang bata. At walang nagawa roon ang principal. Doon pa lang, may hinala na agad si Czarina na big time ang mga ito.
"It's okay, anak," bulong niya rito habang pinipisil-pisil ang balikat ni Rory.
"We'll go straight to the point, Mrs. Garza," panimula ng lider-lideran ng mga mommies kahit hindi pa siya nakaupo. May emphasis sa Mrs.
Sa palagay ni Czarina, may alam ito tungkol sa kanila ni Rory dahil the moment she mentioned 'Mrs' nagtinginan nang makahulugan ang mga kasamahan nito. They all smirked at her.
"Your child was gloating after they won the friendly game kung kaya nag-iyakan ang mga anak namin. Hindi mo ba naturuan iyan? Sa sports, ang tunay na panalo ay iyong may humility. Your daughter has not proven anything yet, pero masahol pa sa professional football player ang asta. Tingin niya, star na siya," dugtong pa ng lider.
All mommies glared at Rory. Napahawak ang kanyang anak sa kanyang bestida. She could feel Rory's fear and at the same time her wanting to control her emotions. Parang tinutusuk-tusok ng karayom ang puso niya sa nararamdamang paghihirap ng kalooban nito. Iyon ang nagbigay ng katapangan sa kanya para sagutin nang prangkahan din ang mahaderang mommy.
"Mrs.---," binasa niya muna sa isipan ang name tag nito, "Schultz---Mrs. Schultz, it's not in my daughter's character to gloat over her team's little achievement. Alam ng anak ko na hindi nagma-matter ang laro dahil friendly game nga lang iyon. Saka hindi na kasalanan ng anak ko kung nasaktan kayo sa naging outcome ng laro. Eh sadyang magaling ang anak ko, eh. Hindi n'yo naitatanong football player ang ama nito!"
From the corner of her eye, nakita niyang napanganga si Rory. Parang nalilito.
Pinangunutan naman ng noo si Mrs. Schultz, sampo ng mga kasama nito. Natigilan ito saglit.
"Her dad is a football player? Are you---are you referring to KD-11?" hindi makapaniwalang tanong nito. And she sized her up na para bagang hindi katanggap-tanggap na inanakan siya ng isang hot football player.
Nagulat si Czarina sa tanong ni Mrs. Schultz.
Nagpatuloy pa ang bruhang babae. At ito na rin ang nag-conclude na marahil nga si KD-11 daw ang ama ni Rory dahil lately ay may alingasngas tungkol sa kanilang dalawa. Nag-assume pa ang mga ito na silang mag-ina ang binalikan ng football star sa Pilipinas kaya nandito ito ngayon.
Nagkagulo na ang mga mommies. Many of them expressed disgust na may halong inggit. Wala nang nakikinig sa principal.
"I said, quiet please. Mrs. Garza, take your seat and let us resolve the issue first. We are gathered here---may you please lend me your ears? Mrs. Schultz, Mrs. Martinez, Mrs. Linares, Mrs. Paclibar, Mrs. Fuentebella, and Mrs. Porras. Please?" pakiusap pa ng principal.
"Well, Mr. Principal, we do not care who that bastard's dad is, kesehodang si KD-11 pa, we want her expelled. Ipu-pull out namin ang aming mga anak, pati na iyong sa ibang grade level kung hindi ninyo mapapatalsik sa eskwelahang ito ang bata ora mismo," ani Mrs. Schultz.
"That is so unfair! My daughter did nothing to your children nor to you! You are all so unfair! You are using your power to scare my daughter."
Dahil sa kaguluhan, hindi na nila narinig ang pag-ring ng telepono sa conference table. Mayamaya pa, sumilip ang sekretarya ng principal at binigay sa huli ang portable phone.
"It's Mr. Ferreira---Don Fernando, Doc."
Si Mr. Ferreira ang isa sa mga benefactors ng eskwelahan at siyang may pinakamalaking kontribusyon sa finances ng school.
Pagkabanggit sa pangalan ng striktong don, natigil sa pagdidiskusyon ang mga mommies. Pinakinggan nila ang sagot ng principal sa telepono. Maririnig ang paghinga ng bawat isa sa mga nandoon sa biglang katahimikan pagkasoli ni Dr. Jalandoni ng telepono sa sekretarya. Alam na kasi ng lahat na parating si Mr. Ferreira at batid din nila na iba kung magalit ang don.
Pagkapasok nga nito sa loob ng conference room ay medyo nataranta ang principal lalo pa nang isa-isa silang tinitigan nito nang matalim.
"What is this I heard about you ganging up on a child just because she made her team won fair and square?!" Dumadagundong ang tinig ni Don Fernando Ferreira. Nakakapangilabot, lalo pa't may kasamang toktok pa iyon ng baston sa conference table.
"You are threatening us with withdrawing your children from our school?! Well, then! If that is what you want! Cynthia!" At nilingon nito ang sekretarya ng principal. "Process the honorable dismissal of all their children! I do not want their brats here!"
"Oh no, Don Fernando. We just have a misunderstanding." At ngumiti nang matamis si Mrs. Schults sa don. Ilang beses pa itong humingi ng paumanhin. Pagkasabi n'yon, dali-dali na itong lumabas ng silid. Nagsipagsunuran na rin ang iba pang mommies.
Pagkaalis nila saka lang nakahinga nang maluwag si Czarina. Napaiyak siya sa relief. No'n siya pinakilala kay Don Fernando Ferreira. Nang sila na lang ng anak niya at ng principal ng eskwelahan ang natitira roon, lumambot ang ekspresyon sa mukha ng don. Masuyo nitong tinawag si Rory at hinawakan sa magkabilang balikat.
"I heard you did a hat trick the other day, young lady! I am sooo proud of you, my dear! Ipanalo mo ang school natin sa laban natin sa district, okay?" At tumawa-tawa ito. "Pag may mang-away pa sa iyo rito, ipaalam mo agad sa Lolo Fernando, maliwanag?"
Napasulyap si Rory sa ina bago alanganing ngumiti sa matanda.
"Do you like ice cream, hija?"
Nag-alangan uli si Rory bago tumangu-tango.
"Cynthia, bilhan mo ng Baskin Robins ang bata."
"Opo, Don Fernando."
Binalingan ng don si Czarina at nginitian. "I heard so much about you, dear. Ang ganda mo nga talaga." Tatawa-tawa pa ang matanda bago lumabas ng conference room. Bago ito tuluyang makaalis doon, nilingon nito si Dr. Jalandoni.
"Jose, sa susunod na may magreklamo pang parents laban sa batang ito, h'wag ka nang mag-isip pa. Patalsikin mo na agad ang mga reklamador. Maliwanag?"
"O-opo, Don Fernando."
**********
Pagka-ring ng cell phone ni Rorik, mabilis pa sa alas kuwatrong dinampot niya ito. Tama nga ang hinala niya. Ang madaldal na don ang nasa kabilang linya.
"You have a very talented daughter out there, Rorik. Narinig ko mismo sa coaches ng football team ng eskwelahan kung gaano ka galing ang anak mo. Mukhang manang-mana sa iyo, ah."
Nagulat si Rorik. Wala siyang sinabing ganoon sa don. Ang binanggit niya lang may bata sa school na inaapi-api lagi ng mga mommies at mga kaeskwela nito. He did not say more than that. Saan kinuha ng don ang ganoong conclusion? Iyon nga ang sinabi niya rito.
"C'mon, Architect Rojas! You are not the type to meddle in other people's lives if they are not close to your heart. I know you since you were a teenager, remember? Lagi ka naming paksa noon ni kompadre, sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa. And besides, carbon copy mo ang bata."
Hindi napigilan ni Rorik ang mapangiti. He was very flattered kaya lalo niyang pinaghinalaan ang resulta ng paternity tests.
"At ang ganda-ganda pala ng nanay, ha? No wonder, hanggang ngayon ay wala ka pa ring ipinalit. She's one of a kind."
"Oh no, Don Fernando. You're mis---"
Hindi na niya naituloy ang gusto pa sanang sabihin dahil binabaan na siya ng telepono ng damuhong matanda.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top