CHAPTER EIGHT
Pinagpasalamat ni Czarina na halos mga bata ang mga gurong sumalubong sa kanila ni Rorik sa Bataan Polytechnic College at siyang nagdala sa pagdadausan ng awarding. Safe ang identity nilang dalawa. Maliban sa dati niyang kindergarten teacher na si Mrs. Anita Adlawan, wala nang nakakakilala sa kanila roon.
The awarding ceremony was uneventful. Nakuha niya ang parangal nang walang sagabal o kung ano pa mang eksena. Kaso, nasapawan siya ni Rorik. Ang pahayagan nila ang star dapat sa seremonyang iyon subalit mas tinilian at pinalakpakan ang ex niya nang tawagin na ito sa entablado para bigyang parangal din sa suporta nito sa mga iskolar ng eskwelahan. Tila lahat ng kababaihan doon ay nabighani ng gandang lalaki ni Rorik. Naging interesado pa ang iba kung mayroon silang relasyon nito dahil halos sabay daw silang dumating.
"Baka nobya ni Sir Rorik iyan?"
"Tingin ko, hindi. Kasi hindi sila sweet sa isa't isa."
Pasimpleng lumingon si Czarina sa mga nagsalita. Nagkakatitigan sila ng isang magandang estudyante. Pinamulahan ng mukha ang dalagita. Marahil naisip na nitong narinig niya ang usapan nilang magkaibigan. Yumuko ito nang bahagya sa direksiyon niya at kinalabit pa ang kasama. Umalis sila sa bandang likuran niya.
Mayamaya pa'y may tinawag sa entablado. Umakyat ang magandang estudyante. Napakurap-kurap si Czarina nang marinig ang rason kung bakit. Ito pala ang nangunguna sa lahat ng mga iskolar na pinapaaral ni Rorik at ngayo'y kinakamayan na ng huli at kino-congratulate sa kanyang achievement. Ayaw man niyang aminin, pero may kakaiba siyang naramdaman. Iniwas na lang niya ang mga mata para hindi na masaksihan ang nagaganap sa entablado. Napatingin na lamang siya rito nang marinig ang hiyawan at palakpakan ng audience. At nakita niyang nakaakbay na pala ang dating nobyo sa kilig na kilig na dalaga habang kinukuhanan sila ng larawan.
"Bagay!" sigaw pa ng isang bakla sa audience.
Ang sarap ng tawanan ng lahat. Sa palagay ni Czarina, alam ng lahat na crush ng dalaga ang kanyang benefactor.
Laking pasalamat ni Czarina nang matapos na ang awarding. Hindi na kasi dumalo si Rorik sa munting salu-salo dahil may sumundo rito. Although Czarina felt kind of disappointed na hindi na ito makakasama, nagpasalamat na rin siya lalo pa't naispatan niya sa grupo ang echosera niyang kindergarten teacher na tanong nang tanong na naman tungkol sa naging buhay niya sa Maynila.
"Magkakilala pala kayo ni Ms. Garza?" anang presidente ng eskwelahan kay Mrs. Anita Adlawan. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanila ng dati niyang guro.
"Yes, sir. Estudyante ko po si Ms. Garza nang kinder siya at kilala po ang pamilya nila Czarina dito sa Bataan noong araw."
Pagkarinig doon, biglang kumulo ang tiyan ni Czarina sa kaba. Ang lahat kasi ng nakakilala sa kanya ay alam din ang kanyang love story. Naging usap-usapan siya sa kanilang nayon noon dahil sa pagsuway niya sa kagustuhan ng ama. Umibig siya sa isang kargador sa palengke na ginawang scholar ng kanilang private school. Umabot pa sa puntong nagmuntik-muntikanan na silang magtanan. Nasaksihan ng mga malalapit nilang kapitbahay ang mga eksena sa labas ng mansion noon kung saan pinapahabol sa alaga nilang pitbull si Rorik. At ayaw niyang maikuwento na lang bigla iyon ni Mrs. Adlawan sa presidente ng Bataan Polytechnic College. Nahihiya siya na makita nitong parang nabaliktad na ngayon ang sitwasyon. Ang dating nobyo na inapi at hinamak ng kanyang ama ay mas nakaaangat na sa buhay ngayon.
"Maraming salamat, ma'am, pero tingin ko hindi naman kami ganoon ka kilala," salo agad ni Czarina bago pa makasagot si Mrs. Adalawan. Pagkasabi no'n, hinarap niya ang presidente ng eskwelahan at sinabing, "Oo nga pala, Dr. Puno, nagpaabot ng pasasalamat sa inyo ang aking boss, si Sir Ed Santos. Ikinararangal daw po niya na mapili ninyo --- ng estudyante ninyo ang aming pahayagan para bigyan ng ganitong karangalan kahit nagsisimula pa lamang kami."
Napatikhim ang lalaki. He looked kind of uncomfortable. Inayos-ayos nito ang kurbata na tila nahihirapan sa paghinga bago siya sinagot nito.
"Ang totoo niyan---huwag sana kayong masaktan---we chose your paper as a moral support to Architect Rojas for his new investment."
"Po? New investment po?"
At pinalinawag ni Dr. Puno na ang dati niyang nobyo ang halos may-ari na ngayon ng kanilang newspaper kung kaya para na rin daw nilang pinarangalan ito sa pagbibigay ng award sa kanilang pahayagan. Nabili raw kasi ni Rorik ang mahigit seventy percent ng shares ng kompanya nila.
Napanganga na lamang sa gulat si Czarina. Hindi siya nakapagsalita. Parang unos na rumagasa sa kanyang isipan ang kaganapan nitong mga nakaraang linggo. Sumikip ang kanyang dibdib nang mapagtanto na hindi si Ed Santos ang may kagagawan kung bakit napabalik siya sa trabaho. Si Rorik Rojas!
**********
Sinalubong si Rorik na parang rock star ng mga taga-palengke kung saan siya nagtatrabaho noon. Medyo nailang ang binata lalo pa nang lapitan siya ng mga manang at halos ay durugin sa yakap at halik. Ito ang mga tindera na nagpapakarga noon ng kanilang mga paninda sa kanya.
"Naku, Rorik! Hindi ka na maabot, anak!"
"Rorik, pre! Sikat ka na, idol!" At naki-high five ang dati niyang naging kasamahan doon na kargador pa rin magpahanggang ngayon.
Tumawa siya sa mga ito. Medyo nalungkot siya nang makita na halos hindi nagbago ang antas ng buhay ng iba niyang mga kakilala at dating katrabaho roon.
"O, sagot ko na ang tanghalian ng lahat, ha?" sigaw niya sa mga nandoon. "Punta kayo kay Aling Nena. Bayad na ang lahat niyang luto ngayon."
Masigabong palakpakan at hiyawan ang sagot ng mga taga-palengke. Pinakamalakas ang sa hanay ng mga kargador. May kaunting kurot iyon sa kanyang puso.
Kumaway-kaway sa kanila ang mabait na may-ari ng karinderya ilang metro ang layo mula sa tindahan ng mga prutas kung saan naroon ang binata ngayon. Nagsigawan na naman ang mga tindera, kargador sa palengke, at mga tambay doon. Lalo siyang pinagbunyi ng mga ito.
"Sige, mga kasama! Enjoy your lunch!" At nagpaalam na si Rorik sa mga ito.
Ang sunod niyang pinuntahan ay ang dating dalampasigan na lagi nilang pinupuntahan ni Czarina noon sa tuwing kailangan nilang tumakas kay Don Gustavo. Pagkakita ni Rorik sa pamilyar na mga punoy ng niyog na nakahilera ilang metro ang layo mula sa dalampasigan, napasinghap siya at napapikit. Bumalik sa nakaraan ang kanyang isipan. Parang naririnig ulit niya ang malulutong na tawa ni Czarina habang nag-a-ala Tarzan ito sa isang nakalaylay na sanga ng niyog. Itutulak naman niya ito at pareho silang magtatawanan kapag ito'y bumagsak sa buhangin.
Hindi namalayan ng binata na tumulo na ang kanyang luha. Na-miss niya ang ganoong bahagi ng kanyang kamusmusan. Kung maaari nga lang, gusto niyang balikan ang mga iyon kahit isang araw lamang. He would give up anything just for a day with Czarina when they were both teenagers.
Kaagad siyang nagpahid ng mga luha nang maramdaman niyang hindi na siya nag-iisa roon. He grabbed his sunglasses from his head and puti it over his nose. Mabuti na lang at ginawa niya iyon dahil paglingon niya, nakita niya ang dating nobya na tila gulat na gulat nang makita siya roon.
"Rorik?" tila paninigurado nito.
May kung anong kiliti pa ring dulot sa kanya ang malamyos na tinig ng babae. Sa kabila ng ginawa nito, sa hindi pagsunod sa kanilang usapan noon, sa pagpili sa desisyon ng mga magulang imbes na makipagtanan sa kanya, mayroon pa rin itong epekto sa kanyang kamalayan. At aminado siyang kahit nagkaanak na ito't lahat, napanatili pa rin nito ang hubog ng katawan. Siya pa rin ang pinakamagandang babaeng nasilayan niya. Heto siya ngayon at nakasuot na lamang ng kulay rosas na sundress na halos hindi umabot sa tuhod. Sa ulo nito'y halos nakapatong lang ang kulay berdeng sombrero na tumatakip sa sinag ng araw. Pagtingin niya sa sapin nito sa paa, iyon pa rin ang suot nito. Ang kanyang paboritong istilo. Isang kulay pink na thong na may manipis na berdeng strap. Dumudugtong ito sa tila pulseras na nakapaikot naman sa kanyang bukong-bukong. She looked every inch a woman in her outfit. Napukaw na naman ang pagnanasa niya rito. Kinailangan niyang mag-concentrate sa ginawa nitong kasamaan noon para hindi mawindang ang kumpare niya't bigla na lang siyang ipahiya sa babae.
"Who do you expect?" kunwari'y kaswal niyang sagot.
"W-wala. Nagulat lang ako. Bakit ka nandito? Akala ko'y bumalik ka na sa Maynila."
"For the same reason you are here."
Nakita niyang tila napasinghap si Czarina. Hindi ito nakapagsalita agad. Napatingin ito sa puno ng niyog kung saan sila naglalambitin lagi noon. May nakalaylay na namang sanga roon. He was tempted to run to it and do what he loved doing when he was young. Kaso ayaw niyang bigyan ng false hope si Czarina. Hindi nito dapat maisip na may damdamin pa rin siya rito. Hindi maaari. She should see him as a strong man.
"Binili mo pala ang newspaper namin." Flat ang tinig ni Czarina. Walang emosyon.
Napatingin si Rorik sa babae.
Aminado siyang gusto niyang makakuha ng ma-emosyong reaksiyon doon. Na maglulupasay ito sa galit dahil pinamukha niya rito kung ano na ang agwat nila sa buhay ngayon. Simula nang hindi siya nito siputin sa huling attempt nilang magtanan at mapag-alaman niyang nakinig ito sa dikta ng ama, nangako siya sa sarili na ipapamukha niya rito ang kanyang tagumpay sakaling makamtan ito balang-araw. Kaso, bakit imbes na mainsulto si Czarina tila wala lang ito sa kanya?
"Yeah, I did. I could sense a good investment from a mile away."
Gumalaw ang mga kilay ng babae. Bahagyang tumaas ang isa. Tila hindi siya pinaniwalaan pero hindi nito kinwestyon ang kanyang sinabi.
"Salamat sa tiwala. It's good to know that despite what happened between us, pinagkatiwalaan mo pa rin ako. I appreciate that."
Si Rorik naman ngayon ang nagtaas ng kilay.
"Iyong pagkakatalaga sa iyo sa iyong posisyon ngayon ba ang ibig mong sabihin?" Bahagya siyang napangisi kunwari rito. Ang bungisngis niya ay naging tawa nang tumango ang babae."Don't flatter yourself," aniya. "I asked Ed to hire the best people he could recruit and he decided to hire you back. Hindi naman ako nagtaka. I knew you to be a good writer ever since high school kaya alam kong deserved mo ang posisyon mo."
Ngumisi si Czarina.
"Sir Ed never thought of me that way."
Napatikhim si Rorik. Mukhang mabibisto nito na siya nga ang nagpumilit sa editor niyang kuning muli ito, pero hindi na iyon dapat malaman pa ni Czarina.
"Really? Iba naman ang sinasabi niya sa akin. Ikaw daw ang pinakamagaling niyang writer. You're just affected by your domestic responsibilities sometimes kung kaya pumapalya ka raw sa trabaho."
Nakita niyang biglang sumeryoso ang mukha ni Czarina at lalong nag-soften ang expression nito sa mukha. Tila bigla itong may naalala. May kutob na si Rorik kung sino. Ang bata. How he wanted to just grab her and give her a tight hug.
"Architect Rojas! I knew it was you!"
**********
Napalingon si Czarina sa pinanggalingan ng boses. Iyong dalagitang nabigyan ng award kahapon. Nakatapis na lang ito ng kulay asul na bahagyang nagtakip sa mahahaba at makikinis nitong mga hita. Ang suot nitong pang-itaas ay halter type na bikini top. Sa edad nitong disinuebe-bente años, well-developed na ang kanyang katawan. Sa tantiya ni Czarina hindi bababa sa thirty-six cup C ang dibdib nito. Napahawak siya tuloy sa sariling dibdid and she felt kind of insecure. Kahit nagkaanak na siya kay Rory, hindi man lang nagdagdagan ang numbers niya. Size thirty-four B pa rin siya.
"I didn't know you'd be here today. Sana man lang ay nakapaghanda kami ng mga kaibigan ko ng munting tour sa inyo. Pero if you want po, I could take you on a boat ride around this island."
"Hi there. You must be---"
"Hazel. Hazel Rai Santelices po."
"Good to see you, again, Hazel. I might take your offer if you are serious."
No'n lang bumaling kay Czarina ang dalagita. "Ay, hello po, Ms. Garza." Tapos napatingin na ito muli kay Rorik at excited na nagsabi ng, "Talaga po? Sige po! Wait lang po, ha? Sasabihan ko si Kuya Nanding, ang may-ari ng boat."
May kung anong tumusok sa dibdbi ni Czarina sa narinig.
Papatulan ng hudas ang imbitasyon ng bata. Naka-two-piece bikini lang ito. At magbo-boat ride daw sila paikot sa isla.
Napamura nang malutong sa isipan si Czarina. Naisip niyang hindi coincidence ang pagdating doon ni Hazel. Sinadya ng dalaga. Marahil ay minanmanan si Rorik kung kaya natunton nito ang kinaroroonan ng lalaki nang mga oras na iyon. Wala na siyang pakialam doon dapat, pero hindi niya naiwasang mainis.
"Enjoy your ride, guys. Sige," kaswal niyang sabi sa mga ito para makaalis na rin siya roon. Hindi na dapat makita ni Rorik ang reaksyon niya sa imbitasyon ng dalagita rito.
"Kung gusto mong sumama sa amin, you are free to join us," imbita ni Rorik.
Biglang napahinto sa paglalakad si Czarina at nilingon ang dating nobyo. Hinawi niya ang mga hibla ng buhok na tumabing sa kanyang mukha at hinawakan ang sombrero para hindi liparin ng hangin. Sinipat niya ang mukha ni Rorik. Ang hirap maarok kung seryoso ito o hindi sa sinasabi dahil natatakpan ng sunglasses ang mukha. Ganunpaman, mabilis siyang tumanggi rito at dali-daling bumalik sa cottage na inarkila.
Ang balak sanang paggugunita sa matatamis nilang alaala ng nobyo sa lugar na iyon ay naunsyami. Nawalan na siya ng ganang umikot-ikot sa paligid. Inisip na lang niyang bumalik sa dati nilang mansion sa Dinalupihan at balikan pa ang isang bahagi ng kanyang kabataan bago ito makuha ng bangko nang tuluyan.
Habang nagbibihis sa cottage may narinig siyang tila kilig na kilig na tawa ng isang babae sa hindi kalayuan sa kanya. Nang dumungaw siya sa bintana, nakita niyang naglalakad na sina Hazel at Rorik papunta sa isang bahagi ng beach kung saan nakahimpil ang mga bangka.
"Ang landi mong bata ka! Bwisit ka! Bwisit!" nasambit niya nang malakas habang naiinis na nakatingin sa dalawa.
"Ma'am?"
Napapiksi si Czarina. Paglingon niya nakita niya ang staff ng resort na may dala-dalang fresh towel at bathrobe. Medyo nagulat ito. Marahil ay dahil sa sinabi niya.
"Oh no, it's not you, Feliza!" nakangiti niyang sabi rito. Binasa na lang din niya ang name tag nito sa bandang dibdib.
Ngumiti ang dalagita.
"Heto na po ang request n'yo, ma'am. Mayroon pa ba kayong ibang kailangan?"
Pagkakita ni Czarina sa mga dala-dala nitong nakalapag na sa sofa ng cottage niya, may naisip siya. Bakit ba siya tatakas? Eh ano kung mayroong ibang kinakalantari ang lalaking iyon? Eh di maghahanap din siya ng mapaglilibangan habang nandoon siya sa beach na iyon!
"Thank you, Feliza. That's all." At imbes na magsusuot na sana siya ng denim jeans at white T-shirt, pinalitan na lang niya ang panloob ng kulay puting two-piece bikini.
Pag-alis ni Feliza sa cottage, dinampot niya ang tuwalyang dala nito at lumabas na rin patungo sa dalampasigan. Handa na siyang makipag-head on collision sa dating nobyo at sa dalagitang kinakalantari nito.
"Ikaw lang ba ang marunong mag-two-piece?" bulong pa niya habang nakangiting tinitingnan ang nanghahalinang dagat. "Dream on! I'll give you a run for your money!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top