Panimula

Panimula

Isang taon na ang nakalipas simula ng na-engage kami ni Jacob. Hindi ako pumayag na magpakasal na agad kami. Syempre, mauuna ang pag-aaral. Mabuti na lang at pinayuhan din kami ng daddy niya at ni Auntie Precy na wa'g muna... unahin muna ang pag-aaral.

"Rosie... Tatanggapin mo ba yung alok ni Karl?" Tanong ni Maggie bago ako umalis ng bahay papuntang school.

Natigilan ako sa tanong niya, "Gusto ko sana, kaso, mahirap, tsaka, nahihiya ako." Nagkibit balikat ako.

Tumango naman siya.

Lumingon ako sa sasakyang nakapark sa labas. Nakasandal si Jacob doon habang inaaway ang isang pusang gala. Umiling na lang ako at nagsimulang mag lakad patungo sa kanya.

Nagkabati din ang magpinsang si Jacob at Callix. Syempre, naging okay na rin kami ni Callix. At dahil naging okay na kami ni Callix, sport na naman si Belle sakin. Magkaibigan na ulit kami nina Ava at Belle. Syempre, kahit na nasaktan ako sa nangyari, naintindihan ko din naman ang sides nila. Hindi nila alam na may relasyon na kami ni Jacob noon. May kasalanan din ako kasi inilihim ko yun sa kanila.

Well, wala naman talagang perpektong tao. Kaya pinatawad ko sila. Ika nga ni Jacob, kung ang Diyos nga ay nagpapatawad, ang mga tao pa kaya.

Binuksan niya ang pintuan para sakin at hinalikan ako. Tinulak ko siya at tumingin sa paligid. Sobrang PDA talaga nito, inirapan ko na.

Sinimangutan niya ako.

"Rosie naman.  Parang isang halik lang."

Tumakbo siya papuntang driver's seat at agad nag seatbelt. Walang ka kupas-kupas yung kagwapuhan niya. Hindi na ako magtataka kung may magyaya sa kanyang mag artista. Mas lalo siyang tumangkad sa konting panahon. Kumikinang ang balat niya. Hindi ko alam kung paano niya yun nagagawa basta sparkling ito... Nakakainggit dahil masyadong pale ang balat ko. Slightly messy hair, perfect nose and eyes, tapos ultra kissable lips. Parang nakakaakit siya palagi. Lalo na pag nakita mo na kung anong meron sa ilalim ng T-shirt niya. Uh-Oh!

"Tulala ka naman sakin. Ano? Tigil muna tayo?" Humalakhak siya at sumulyap sakin.

Sinapak ko na... Mahalay talaga ang pag iisip nitong si Jacob. Minsan nagsisisi ako kung bakit ako bumigay sa kanya noon. Sana hindi ko na lang siya tinuruang humalik... Sana pinatagal ko muna...

Sa sobrang frustrated niya saming dalawa, nakipagsanib puwersya siya kay mama sa pag kumbinsi sakin na magpakasal na kami. Kahapon, tinawagan niya si mama para sabihing magpakasal na talaga dapat kami nang magkaapo at magkaroon na ng bagong tagapagmana ang mga lupain nila.

"Wa'g mo nang ulitin yun, ah!?" Sabi ko sa kanya.

"Ang alin?" Tanong niya.

"Yung pagtawag mo kay mama!"

Umiling siya at ginulo ang buhok. Parang bata.

"Jacob, kailangan mong maintindihan. Mahirap lang kami. Kailangan kong matapos ang pag aaral ko bago ako mag settle down."

"Rosie, antagal pa ng tatlong taon. Mayaman ka rin naman ah? Kasi tayong dalawa na. Ano pang pinoproblema mo? Tsss."

"Hindi mo talaga maintindihan no? Palibhasa pinanganak kang mayaman. Ayokong husgahan na naman ako ng mga tao. Saka... pangarap ko rin na makatapos-"

"Pwede ka namang makatapos pag kasal na tayo, diba?"

"Ang sabihin mo, natatakot ka lang na may makakahadlang ulit satin."

Napabuntong-hininga siya.

"Alam mo, Jacob. Kung mahal mo ako, hindi mo naman kailangang matakot kasi mahal din naman kita. Nagmamahalan tayong dalawa kaya walang makakahadlang satin, kahit sino o kahit ano... Kung tayo talaga, tayo naman talaga-"

"Tsss! Ayoko talaga sa kasabihang yan! If we're meant to be, we will be? Kung tayo, tayo na ngayon! Simula na dapat ngayon! Hindi yang pinapaubaya natin sa tadhana ang lahat."

Tumawa na lang ako, "Eto na naman tayo. Basta, Jacob... Maiintindihan mo rin yan."

Humilig ako sa kanya. Inabot ko yung pisngi niya at hinalikan ko na. Ang cute-cute niya talaga pag nakikipagtalo. Gusto niya lang pikutin ako eh.

Nakita kong pumula ang pisngi niya. Natawa na lang ako at napailing. Sarap talagang tignan na sobra-sobra parin ang reaksyon niya sa kahit anong gawin ko. Talagang makikita mo iyon sa mukha at reaksyon niya.

"Sa bahay ka na tumira-"

"Jacob, hindi nga pwede..." Sabi ko.

"Kainis naman! Lahat di pwede! Gusto kong nakabantay ako sayo palagi, Rosie... Kainis ka!"

"Maghintay na lang tayo kung kailan pwede na." Sabi ko.

Badtrip siyang pumasok sa unang araw ng school. Natatawa naman ako nang pumasok ako.

As usual, wala na naman ako masyadong nakakasalamuha sa mga kaklase ko dito. May mga ngi-ngiti-ngiting mga lalaki pa. Ilan sa kanila alam na si Jacob ang boyfriend ko kaya hanggang ngiti na lang ang nagagawa nila. Alam nilang basagulero yun at isip bata kung nagagalit.

Mas mabuti na rin yang walang nanggugulo. Nandito naman ako sa school para makapag-aral.

"Rosie!!!" Sigaw ni Karl pagkatapos ng klase ko.

"Karl..."

"Ano? I-me-meet natin yung tinutukoy kong floor manager ng BSM collections..."

"Hindi ako sigurado, Karl, eh!" Sabi ko.

Pero sa kalooblooban ko, gusto ko na talaga. Gusto ko ang ideya na ito dahil mas madali ang pera. Kailangan ko din kasi ng pera para di palaging si Jacob yung gumagastos para saming dalawa. Siya palagi ang may gift. Gusto ko rin siyang bigyan minsan pero mamahalin ang mga gusto kong ibigay. Hindi naman siya nanghihingi pero gusto ko lang talaga siyang bigyan. 

Isa pa, through this, hindi ko na kailangang humingi kina mama at papa ng allowance. Mabuti pa si Maggie, nagawa niyang mag trabaho noon para sa allowance niya. Ngayon, ito naman ang naiisip kong sagot sa mga problema ko.

"Kumusta, Karl?" Tumaas ang kilay ng nakameet naming floor manager ng BSM collections.

Sa isang coffee shop kami nag meet. Sa labas ng school.

"Okay lang! Eto nga pala si Rosie Aranjuez. Rosie, eto si Kira."

Naglahad ng kamay itong si Kira. Si Kira ay isang lalaking may blonde na buhok. Ngayong naglahad na siya ng kamay, nagdalawang isip ako kung lalaki ba siya o hindi. Mukhang, tulad ni Karl, binabae din.

Nagkamayan kami at nagsiupuan na para pag usapan ang offer nila.

"Tama ka, Karl. Bagay nga siya kahit sa ramp." Nihead-to-foot ako ni Kira.

"Sabi sayo eh. Hindi lang mukha. Pati katawan." Kumindat si Karl sakin.

Ang bading na ito talaga!

"Oh sige, eto na... Kailangan ni Ms Bubbles Manuel ng mga modelo para sa launching ng bagong collections niya."

Bago siya nakapagpatuloy ay pinutol ko na siya, "Ano bang susuotin diyan? Hindi ba yan bra at panty lang?" Tanong ko.

"Hindi. Ano ka ba! Kaloka! Gowns at mga damit ang linya niya. Syempre. May agency naman na contact yung BSM, kaso gusto ni Ms Bubbles ng bagong mukha. Hmmm. Mga panglima ka siguro sa kanila. To wear the finale gowns. Marami kasi yung pang finale niya."

Napalunok ako.

"Magkano yung T.F sis?" Tanong ni Karl.

"Nako! Walang problema sa talent fee. 10 thousand kada show... Pag kasali ka naman sa brochure niya, baka maging 25 thousand pa yan. Pag finale, 15k. Ano? Payag na!?" Nakangisi siya. Halos mabilang ko na ang mga ngipin niya sa laki ng ngisi.

"Strikto yung boyfriend ko, eh. Ayaw niya ng ganito." Sabi ko.

"Naku!!! Yung boyfriend mo ba ang may hawak ng buhay mo? Hindi naman diba? Tsaka? Anong klaseng boyfriend yan? Hindi ba lahat ng lalaki nangangarap ng modelong girlfriend? Girl! Kung mapapasali ka sa kahit isang show lang ni BSM, talagang magsisilapitan ang designers sayo... Lalo na kasi sa finale kita isasali. Makinis ka saka mestiza. Bagay na bagay ka sa mundong ito. You're gonna be big!"

Napainom ako sa inorder na coffee.

"Tama din siya, Rosie. Kausapin mo na lang si Jacob tungkol dito. I'm sure maiintindihan niya 'to. Tsaka anong magagawa nun? Sunudsunuran yun sayo! Don't tell me, iiwan ka niya pag maging modelo ka na? Imposible..."

Tingin ko dapat kausapin ko muna si Jacob.

"Sagutin mo na ako, girl!" Tumawa si Kira. "Para ma finalize na yung kasali sa ramp. Baka mapili ka pa sa brochure!" Aniya.

Nilatag niya ang shots kong kinuha ni Karl anim na buwan na ang nakalipas.

"Pag nakita ito ni BSM, baka isali ka niya talaga. Walang binatbat ang mga modelo sa agency dito sa shots mo eh."

Uminit ang pisngi ko sa puri niya. Hindi ko alam kung totoo yun o talagang kinukumbinsi niya lang akong sumali.

"O sige... Sali na ako." Suminghap ako.

Napapalakpak si Karl. Tumili din si Kira. Ngumiti na lang ako sa kanilang dalawa. Sa wakas! Trabaho!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top