Kabanata 7

Kabanata 7

Nagpatalo Sa Ideya

Pagkatapos akong make-upan, nagbihis na ako ng gown. Nakasabay ko pa doon si Jasmine. Sobrang ganda nung gown niya. Bumagay ang gold na kulay ng gown sa kutis at make up niya.

"Okay ba?" Ngumiti siya at umikot nang walang kahirap-hirap.

Hindi ko kayang umikot sa stilletos na gamit ko. Sanay na sanay nga itong si Jasmine sa ramp. Maganda at confident pa kaya bagay sa kanya ang finale. Napalunok tuloy ako sabay tingin sa sarili kong gown.

"Gah! You're too beautiful." May nagsalita sa likuran.

Napalingon ako kay Brandon na diretsong nakatingin sakin. Tinignan ko ulit si Jasmine na panay parin ang tingin sa salamin.

"Not her... You!" Itinuro niya pa ako.

Nakasoot siya ngayon ng suite na kulay gold na may kakaibang design. Humalukipkip ulit siya.

"Excuse me..." Sabi ko kay Jasmine na hindi naman ako pinansin dahil abala siya sa pag-aayos.

Tinalikuran ko silang dalawa. Lalagpasan ko na sana si Brandon pero hinawakan niya ang braso ko.

"Nawawalan ka ba ng confidence kung wala siya?"

Kumunot ang noo ko at binawi ang braso ko.

Ngumisi siya.

"Hindi..." Umirap ako at lalagpasan na talaga sana siya ngunit...

"Nawawalan ka. You can earn your confidence, Rosie. Hindi lang siya ang paghugutan mo ng tiwala sa sarili. Pwedeng ako."

Napalingon ako sa kanya. Nag init ang pisngi ko pero gusto ko siyang prankahin para matigil na itong kagaguhan niya.

"Pwede ba? You don't even know me! Tigilan mo ako. Tigilan mo kami ng boyfriend ko! Mag kagusto ka na nga lang sa iba! May mahal na ako at di na kami maghihiwalay kaya wa'g ka ng mangarap." Dire-diretso kong sinabi yun.

Humagalpak siya sa tawa pagkatapos kong sinabi yun. Bakit siya natatawa?

Hinawakan niya ang tiyan niya sa kakatawa. Uminit pa lalo ang pisngi ko. Aalis na sana ako sa harapan niya pero bigla siyang nag seryoso at hinawakan ulit ang braso ko.

"Wala naman akong sinasabing gusto kita, ah?"

WALA BAH? SHEEEEEEEEEET! Kinagat ko ang labi ko sa kahihiyan.

"Uyyy!" Bigalng sumulpot si Jasmine.

Napatingin agad siya sa kamay ni Brandon na nakahawak sa braso ko. Ako mismo ang tumanggal sa kamay ni Brandon para matanggal na ang tingin ni Jasmine doon.

"U-Uhhh... Uhm... Nagsisimula na!" Pasigaw niyang sinabi ang huling pangungusap.

"WHAT?" Nanlaki ang mga mata ko at dinalaw agad ng mala-kabayong pagkabog ng puso.

Sinuklay ni Brandon ang buhok niya gamit ang mga daliri at tumingin sa backstage.

"Let's go!"

Tumango si Jasmine at nagsimulang maglakad papuntang backstage.

"Ladies, first." Naglahad siya ng kamay para paunahin ako sa paglalakad.

Umiling ako. Gusto kong makipagtalo sa kanya pero ayokong mag aksaya pa ng lakas. Una akong naglakad, sumunod siya.

Sumipol siya sa likuran ko.

"Wa'g mong kalimutang kumembot mamaya." Tumawa siya.

Gusto kong lumingon sa sobrang inis pero hindi ko ginawa. Ayokong naiinis ako kahit kanino. Ayokong mag aksaya ng panahon sa mga taong tulad niya.

Tinignan namin ang mga modelong rumampa sa harap ng halos isang libong audience. Ang nasa harap ng ramp ay mga bigating tao. May mga artista, singer, director at iba pang sa TV lang nakikitang mga tao. May mukhang sikat na mga businessman pang dumalo. Pinagpawisan tuloy ako kahit sobrang lamig dito. Pinaypayan ko ang sarili ko habang umuupo sa isang upuan.

Hindi ko na nga lang titignan yung stage para di na ako kabahan. Kahit di ko tinitignan, nakikita ko rin naman ang mga modelong kinakabahang lumabas sa stage. Nakikita ko rin ang mga kakatapos lang rumampa. Busy ang backstage.

Bigla akong may naramdamang nagpunas sa noo ko.

Napalingon ako sa banda niya at umilag agad nang nakita kong si Brandon iyon.

"You're sweating."

I swear to God, gusto kong magmura ngayon.

Napatayo ako agad at napaatras palayo sa kanya.

Ngumisi siya.

"Nag-aalala lang naman ako. Sayang yung make up mo... Hmmm. Pero sa bagay, di naman kailangan ng make up. Perpekto ka naman, with or without it."

Umiling ako at tinalikuran ulit siya.

"'Tol! Tama na nga yan!" Sabay tawa nung isa pang model na kasama namin sa finale.

Mag isa akong nanood sa stage dahil ayoko ng istorbo sa nakakatense na moment na ito. Narealize kong mabuti pa tignan ko na lang ang cellphone ko at baka nagtext si Jacob.

Nang nakita ko na ang cellphone ko, tama ang hinala ko. 15 ang message niya doon. Ang dami pang missed calls.

Ilang sandali lang ay tumawag siya...

"Hello?"

"Jacob!" Sabi ko.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya, "Tapos na ba kayo?"

"Di pa eh. Nagsisimula pa lang. Uhm... mga 10 minutes, lalabas na ako sa stage. Ikaw?"

"Andito, nakikinig sa professor ko."

Narinig ko sa background niya ang pagsasalita ng professor nila.

"Bawal gumamit ng cellphone pag may klase, Jacob!"

"Sino nagsabi?"

"Haaay nako naman!" Napangiti ako.

"Kinakabahan ka ba?" Tanong niya.

"Uhm... Mejo."

"Gusto mo bang halikan kita para di ka na kabahan?"

Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya.

"Jacob!"

"Hmmm. Rosie... Hmmm. Sarap mong humalik... Sarap kagatin ng labi mo... Sarap lahat... Hmmmm. Sarap..." Paungol niyang pagsasabi.

"SSSSHHHHHHHHHHET!" Tinakpan ko ang mukha ko habang ngumingiti. "Tumigil ka nga!" Pabulong kong sinabi.

"Huhubaran na kita. Panira tong gown mo... Hmm... Bango mo... Bango ng leeg mo, Rosie... Hmmm."

"JACOB!" Napasigaw ako sa kahihiyan.

Hindi ko alam kung bakit nahihiya ako gayung kaming dalawa lang naman ang nakakarinig.

"Pababa na ang halik ko... hmm.. Hm... Bango mo... sheet... Bango mo... Nakakaadik ka..."

"ROSIE!" Dinig ko ang sigaw ni Kira sa malayo.

Nakangiti parin ako habang tinitignan si Kira.

"KAYO NA!"

"OMG! Jacob... Later na... Bye."

Narinig ko ang tawa niya bago pinutol ang linya.

Agad akong lumapit sa kay Kira na pinapahilera na ang finale.

"Bakit ang pula ng pisngi mo? Bakit nakangisi ka dun kanina? Katawag mo boyfriend mo?" Tanong niya.

Lumingon si Brandon sakin. Iniwasan ko ang titig niya at ibinaling na lang kay Kira ang tingin.

"Oo eh." Sabay kagat ko sa labi ko.

"Hmmm? Okay!" Tumawa si Kira. "Wala ba siya ngayon dito?"

"Wala eh. May pasok."

"Kung ako boyfriend mo, di ako papasok, makita lang kita ngayon." Singit ni Brandon.

Nagkatinginan kami ni Brandon.

"But well, you're not her boyfriend kaya ayusin mo na lang paglabas mo ng stage mamaya." Tumawa si Kira at nataranta na kasi magsisimula na ang finale.

Nag bago ang mood ng instrumental music. Mas naging slow ito at naging dramatic din ang lights ng stage. Hindi ko pa rin maalis ang boses ni Jacob sa sistema ko. Dagdagan pa ng mga alaala kong nag pu-push up siya kanina. Langya talaga ang lalaking iyon. Natawa na lang ako at umiling sa kawalan.

Napansin kong nakatitig parin si Brandon sakin kaya napatingin din ako sa kanya. Siya naman ang nag iwas ng tingin ngayon. Hindi ko alam kung bakit.

Lumabas na ang mga finale gowns. Kaming tatlo na lang ni Jasmine at Brandon ang natitira dito.

Humingang malalim si Jasmine saka dahan-dahang lumabas. Ayan na naman ang mala tsunami walk niya habang nakanga-nga ang ngiti sa audience.

"Ang ganda niya talaga." Manghang mangha ako sa confidence at kagandahan niya.

Napapalakpak ang audience sa kanya.

"Mas maganda ka." Bulong ni Brandon habang nakatingin sakin.

Napatingin ako sa kanya pero kumunot ang noo ko.

Ngumisi siya, "It's my turn now... Goodluck Roseanne L. Aranjuez."

WHAT? Alam niya ang buong pangalan ko? Nag research? Tapos itatanggi niya pang may gusto siya sakin.

Naglakad siya sa ramp at nabigla ako sa reaksyon ng audience. Nagtilian ang mga babae at halos nag standing ovation ang mga artista.

"That's Brandon Rockwell for you... Kaya pang finale." Sabi ni Kira nang nakatingin sa stage.

Wiling-wili ang mga tao sa kanya. Mukha siyang nang-aakit sa stage. Inaakit niya lahat ng tao doon. May nakita pa akong tumatalon-talon dahil nag flying kiss si Brandon sa kanya.

"Now, Rosie, your turn." Tinulak ako ni Kira.

Inisip ko na lang na kung kaya ni Jasmine, kaya ni Brandon, kaya ko rin. Gwapo at confident si Jacob. Kaya niyang kumanta sa harap ng maraming tao. Hindi niya ako naging girlfriend para lang sa wala. Minahal niya ako dahil halos perpekto ang tingin niya sakin kaya kailangan kong maging confident.

Naglakad ako sabay tingin sa mga tao. Nakalimutan ko na ang panginginig ng mga paa ko kanina. Mabilis ang flash ng mga camera. Hindi ko mabilang kung ilang beses akong kinunan ng picture.

Nag pose ako ng tatlong beses sa harapan. May narinig pa akong sumipol sa audience. Nakita ko ring nag standing ovation ang iilan sa mga artista at business man. Tinignan ko sila isa-isa. Hindi ko sinunod ang sinabi ni Kira na dapat di magtagal sa harapan. Ako ang panghuli kaya okay lang sigurong magtagal ako ng saglit.

Pagkatapos ko silang ngitian lahat ay tumalikod na ako. Nakita kong laglag ang panga ni Brandon habang naghihintay sakin. Silang apat ang naghihintay sakin para sabay-sabay kaming rumampa bago lalabas si Ms. Bubbles.

"You are so freaking hot..." Sabi ni Brandon habang naglalakad kami at lumalabas si Ms. Bubbles.

Pumalakpak kami at naghintay matapos ang speech niya. Nang natapos na, akala ko agad akong makakaalis ng stage, nagkakamali ako. Marami pang nag papicture. Nagkaroon pa ng konting photoshoot. Mayroong ako lang mag isa, meron ding kami sa finale group...

Dalawang oras pa bago ako tuluyang nakapagbihis. Sa dressing room, may iilang bulaklak na para sakin. May gifts din doon.

"The perks of being a model." Ngumisi si Jasmine at tinuro ang mga bulaklak at gifts na kanya.

Ang pinaka malaking bulaklak ay galing kay Jacob. Napangiti ako nang naalala ko ulit ang ginawa niya kanina.

Loko talaga yun!

Tinext ko:

Thanks for the flowers. Tapos na... Ikaw?

Jacob:

mamaya pa yata kami 4pm matatapos eh. Ni walang lunch break. Bili na lang daw kami ng pagkain tapos dito kainin sa AVR.

Ako:

Hmmmp. Okay. Bumili ka na. Mag lulunch siguro kami sa Imperial. Kita na lang tayo doon?

Jacob:

Mag bi-bikini ka ba?

Napangisi ako sa tanong niya.

Ako:

Oo pero sa ilalim lag ng shorts at t-shirt ko.

Jacob:

Salamat.

Natawa ako sa reply niya. Hay nako! Siguro saka ko na huhubarin pag nandyan na siya para makita ko ang inis niyang mukha. Umiling ako habang nagliligpit ng gamit.

"Rosie, tara na!" Sabi ni Kira.

Wala pa naman si Karl ngayon dahil tulad ni Jacob, may make up class din siya. Kaya si Kira lang o di kaya si Jasmine ang kilala ko dito.

"May dalawang van si Miss Bubbles, kaya lang occupied na ang lahat. May sasakyan ako pero occupied na rin. Sobrang dami niyo kasi. Kay Brandon ka na lang..." Aniya.

"WHAT?"

Napalunok ako.

"Let's go, Rosie! Kay Brandon din naman ako sasabay." Sabi ni Jasmine. "Actually, tayong apat kay Brandon." Sabay turo niya sa tatlo pang kasama namin sa finale.

Tumango ako at nagpatalo na lang sa ideyang iyon. Pero nang nakalabas na kami sa building, napasubo ako.

"Diyan ka na lang sa front seat, nasa backseat na kaming lahat eh." Sabay ngisi ni Jasmine na nakaupo na sa backseat.

"Ha? Uh... Exchange na lang tayo?" Sabi ko sa lalaking finale model (hindi ko kilala).

"Ikaw na lang diyan, Rosie. Tinatamad na akong lumabas dito. Sige na para makaalis na tayo. Huli na tayo eh." Sagot niya sakin.

"Rosie, you scared?" Ngumisi si Brandon sakin sabay tapik sa front seat.

Kumunot ang noo ko.

"Scared that I might steal your heart?"

Umirap ako at umupo sa front seat niya.

Try Jacob, Brandon. Hinding hindi mo maagaw ang puso ko sa kanya. Tinali na ako ni Jacob, at nakakapit na din ako sa kanya. Hinding hindi ako maagaw kahit nino.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top