Kabanata 30
Kabanata 30
Dalhin Mo Na Lahat
"Uhm... May driver akong dala. Okay lang ba sayo kung tabi tayo sa l-likuran." Tanong ni Jacob palabas ng Bahay ni Lola.
"Okay lang naman." Sabi ko at dumiretso na sa sasakyan nila.
Hindi ako nakatulog kagabi sa kakaisip sa lahat ng nangyari. Napatawad ko na si Jacob pero nakaka-awkward pag agad akong magiging sweet sa kanya pagkatapos nang nag aalab naming away.
Nahuhulog agad ang mga mata ko palabas pa lang kami ng Alegria. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Napuyat talaga kasi ako kagabi sa kakaisip.
"Rosie?"
Napatalon ako sa pagtawag ni Jacob.
"E-Etong unan oh." Sabay abot sakin ng malaking unan.
"Thanks." Kinuha ko ito at nilagay na agad ang ulo ko.
"Hindi ka ba natulog kagabi? Bakit inaantok ka?"
Nakapikit na ako nang narinig ko ang tanong niya, "Hmm. Mejo."
"P-Pwede namang sakin ka sumandal."
Dinilat ko ang mga mata ko para sulyapan siya.
Nag-iwas siya ng tingin.
"Di na... Baka mabigatan ka sakin. Okay na ito..."
"Mabigatan? Ngayon pa ba ako mabibigatan? Ilang beses na kitang binuhat."
Binigyan ko siya ng masamang tingin kaya nag-iwas na lang ulit siya ng tingin.
Alam kong miss na miss mo na ang lambingan natin. Miss na miss ko na rin yun pero dahan-dahan lang. Unti-untiin natin hanggang sa makapag-usap na tayo ng maayos.
Hindi ko na alam kung ilang oras akong natulog, nang dumilat ako, nasa lap na ako ni Jacob nakahiga. Naaninag ko agad ang mga mata niyang nanlalaki pagkakita niyang gising na ako.
"R-Rosie, b-bigla ka na lang sumandal sakin. Hindi naman kita pinilit na dito matulog. Sumandal ka kaya ganito nangyari. Ayaw ko namang nahihirapan ka habang natutulog. Sorry kung naabutan mong ganito-"
"Okay lang." Sabi ko sabay ayos ng pag-upo.
Nagpapanic parin siya nang tumingin na ako sa labas. Mabilis ang patakbo ng driver nila pero hula ko malayu-layo pa kami sa Maynila.
"Ilang oras akong natulog?" Tanong ko.
"Uh... Lima. Bumili nga kami ng pagkain. Eto, oh!" Sabay pakita niya sa pagkain. "Nagpahinga kasi sila ng 30 minutes habang natutulog ka. Kumain din sila. Ayaw naman kitang gisingin kasi mahimbing yung tulog mo. Kumain ka na."
"Ikaw? Kumain ka na ba?"
Napatalon siya sa tanong ko, "Hindi pa rin."
"Bakit?" Tanong ko.
"H-Hindi kasi ako makagalaw nung natutulog ka kaya hinintay ko na lang na magising ka."
Tumango ako at kinuha yung pagkain na binila niya. "Kumain na tayo."
"O-O sige."
Kumain kaming dalawa sa likod ng sasakyan. Tahimik siya habang kumakain kami. Dahil tuyo yung lalamunan ko, isang subo ko pa lang sa ulam, nabilaukan agad ako...
"Rosie, okay ka lang? Eto tubig!" Nagpanic ulit siya nang binigyan ako ng tubig.
Ininom ko naman agad. Pagkatapos kong uminom galing sa 1 liter na mineral water ay napahinga ako ng malalim.
"Okay ka na?" Tanong niya.
Tinignan niya ang mineral water at lumagok na rin dun. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Bumalik yung mga alaala ko noon. Yung pagiging obsessed niya sa indirect kiss naming dalawa.
"Akin yan, ah? Ako yung unang uminom. Bakit ka uminom dun?" Tanong ko.
"Ha? Bakit? Anong big deal sa pag inom ko dito?" Nabigla siya sa sinabi ko.
Umiling ako at di na lang nakipagtalo.
"A-Akin ka naman, ah? Pati labi mo akin kaya okay lang naman sigurong halikan ko kung ano yung akin."
Pumikit ako at nagpigil ng ngisi. Shit kang Jacob ka! Bakit napapangisi mo ako sa simpleng mga sinasabi mo?
Uminit ang pisngi ko nang narealize na nakikinig pala siguro ang dalawang driver na dala niya. Pareho naman silang dalawang walang imik kaya tumahimik na lang ako. Ugh! Jacob! Pagkatapos naming kumain ay sinubukan ko ulit matulog. Ngayon, sa balikat niya na ako sumandal para matulog.
"Pwede namang dito, Rosie." Sabay tapik niya sa hita niya. "Magkaka stiff-neck ka niyan."
"Gusto ko dito." Sabi ko.
"Ha? Ah... Eh... O sige."
Nilagay ko ang kamay ko sa sparkling abs niya. Damn! Miss na miss ko na ang pakiramdam ng katawan niya. Isang linggo ko rin itong nakikitang palakad-lakad sa bahay namin nang di ko ginagalaw kaya ayan tulog, nanginginig ako habang nakapatong ang kamay ko sa abs niya.
Naramdaman kong natigilan siya sa ginawa ko. Nanigas yung katawan niya.
"Matutulog na ako, Jacob." Bulong ko sa tainga niya.
Hanggang saan kaya ang isang ito? Hanggang saan yung pagti-tiis niya sa mga panunuya ko? Natatawa ako kaya pinikit ko na lang ang mga mata ko. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng buong katawan niya habang nakasandal ako doon. Sabik na sabik na siya pero pinipigilan niya.
Kahit na naaliw ako sa mga iniisip ko, sa sobrang puyat ko kagabi, nakatulog parin ako.
Nagising lang ulit ako nang gumalaw si Jacob. Hindi ko alam kung bakit naging biglaan yung pag galaw niya.
Hapon na nang dinilat ko ang mga mata ko. Tumigil na sa pag andar ang sasakyan. Orange na ang kulay ng langit, sigurop ay papalubog na ang araw. Sinuyod ng mga mata ko ang paligid at nakita kong nasa tapat na kami ng apartment namin.
Padabog na binuksan ni Jacob ang pintuan ng sasakyan niya.
"Jacob?" Tawag ko.
Sinundan ko siya nang tingin. Mabilis siyang naglakad. Nahagip agad ng mga mata ko kung saan siya patungo. Nakita ko si Brandon, nakasandal sa sasakyan niya habang nakaabang sa apartment namin.
"Oh my God!" Binuksan ko ang pintuan at tumakbo na para pigilan silang dalawa.
"ANONG GINAGAWA MO DITO!?" Sigaw ni Jacob kay Brandon.
Napatalon sa bigla si Brandon sa pagsugod ni Jacob.
"Dude, easy. Binibisita ko lang si Rosie." Sabi ni Brandon.
"Brandon..." Pumagitna agad ako sa kanilang dalawa.
Mabilis na ang paghinga ni Jacob at nakakuyom na ang mga kamay. Oo nga pala... Naexplain niyang mabuti ang side niya pero hindi ko pa naeexplain ng mabuti yung sakin.
"Sorry, umalis ka na, please." Sabi ko kay Brandon.
Naghalf-open ang bibig niya nang tinignan niya ako, "I thought you're single."
Kitangt-kita sa mga mata at tono ng boses niya ang disappointment.
"Binalikan mo talaga?" Tanong niya na parang nakakatawa ang pagbabalikan naming dalawa.
"Walang hiya ka! Anong pakealam mo kung balikan niya ako?" Sumugod si Jacob pero hinawakan ko ang dibdib niya para pigilan.
"Jacob, kumalma ka. Hayaan mo siya. It's a waste of time. Ako na ang bahala dito." Bumaling ako kay Brandon.
"Rosie... nakita mo siyang may kahalikang iba diba? Sinabi sakin ni Jasmine ang nangyari sa inyo kagabi. Naisip kong di mo na siya babalikan kahit anong explanation pa ang matanggap mo kasi alam kong matalino ka."
Umiling ako.
Naramdaman ko na naman ang paninigas ng muscles ni Jacob. His jaw clenched. "Tangina mo, wa'g kang makealam dito! Wala kang alam! Mundo namin 'to kaya wa'g kang sumawsaw!" Sigaw niya.
"JACOB!" Sinimangutan ko siya.
Bahagya siyang kumalma nang narinig ang pagsigaw ko. Tinignan niya ako sa mga mata bago ako bumaling kay Brandon.
"Bobo na kung bobo pero babalikan ko siya kasi mahal ko siya. Napatawad ko na siya. It's not like he fell in love with someone else. Nilandi lang siya ng iba pero hindi naman siya nagpalandi. Misunderstanding lang ang lahat, Brandon. Kung tingin mo ay ganun ako ka taray para di siya patawarin ulit, nagkakamali ka sa akala mo sakin. I can forgive him cuz I love him." Huminga ako ng malalim.
Yumuko si Brandon pagkatapos kong magsalita, "Okay, then."
Hindi niya ako tinignan.
For the first time, aaminin ko sa sarili ko... gwapo si Brandon, at nararamdaman kong wagas siya kung magmahal, sana magmahal siya ng babaeng karapat-dapat para sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang trip niya sakin pero kahit di niya inaamin, nararamdaman kong espesyal ako sa kanya.
Bumaling siya kay Jacob, "Tinamaan ako sa girlfriend mo kaya alagaan mo siya kung ayaw mong agawin ko siya sayo." Tumalikod siya.
Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Brandon. Hindi siya umamin sakin! Kay Jacob siya umamin! Hindi niya man lang ako tinignan. Hindi niya man lang ako sinulyapan.
Narinig ko ang sarcastic na pagtawa ni Jacob, "Hinding hindi kita pagbibigyan, tandaan mo yan."
Sumulyap si Brandon kay Jacob. Nakangiti siya pero kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Hinila ako ni Jacob at nilagay sa likuran niya.
"Umalis ka na." Sabi ni Jacob.
Umiling si Brandon, "FMK, Jacob. Fvck, Marry, Kill... Rosie, April, Jasmine."
"Fuck and Marry Rosie, Kill you." Tumalikod si Jacob kay Brandon at hinila ako papasok sa apartment namin.
Tumitindig pa ang balahibo ko sa huling sinabi niya kay Brandon. Nandoon sina Maggie sa sala, nanonood na naman ng movie. Ngumisi lang silang dalawa at bumaling ulit sa TV. Para bang wala silang pakealam kung anong nangyari.
"Maggie, bati na kami." Sabi ng inosenteng boses ni Jacob.
Kumaway lang si Maggie na nakatingin parin sa TV.
"Expected, Jacob. Yung tanong ay hindi kung magkakabati pa ba kayo... yung tamang tanong ay kung kelan. Hmmp. Don't disturb. Maganda ang movie na 'to. Shhh. Alis." Sabi ni Maggie at humilig ulit kay James.
Hay nako! Sinasabi ko na nga ba yun ang iniisip ni Maggie simula pa lang. Dumiretso ako sa kwarto at tinignan ang mga damit kong nagkalat. Nilagay ko halos lahat ng damit ko sa luggage. Naabutan ako ni Jacob na nag iimpake.
"Rosie? S-Saan ka pupunta? Bakit ka nag iimpake?"
Ngumisi ako pero di ko siya sinagot.
"Pakiabot yung isang lotion. Pati rin yung isang damit diyan tsaka yung pants." Tinuro ko yung mga sinabi ko.
Hindi siya gumalaw.
"Aalis ka?" Lumunok siya.
"Oo."
"HUH? S-Saan? Bakit? Diba nagkabati na tayo-"
"Sa bahay niyo. Dun na ako titira. Unless kung ayaw mo?" Tumaas ang kilay ko.
Nalaglag ang panga niya sa sinabi ko at nagsimulang kumuha ng mga damit.
"Wa'g ka ng magtira ng damit dito, ah?" Aniya. "Dalhin mo na lahat ng gamit mo."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top