Kabanata 27

Kabanata 27

Walang Pangamba

Nag-iwas ako ng tingin. Naramdaman ko na kasi ang pag-iinit niya sa mga tingin niya pa lang. Hindi ko kayang tignan ang mga labi niya. Kahit paano, naaalala ko parin yung halikan niya. Yung pagkabiglang ipinakita niya.

"Ako na mauna." Sabi ko.

Tumango siya at napalunok sa sinabi ko.

Umatras siya para bigyan ako ng daan. Agad akong pumasok sa loob. Nakatitig siya sakin habang sinasarado ko ang pinto. Napapikit ako nang sinarado ko iyon. Hindi ko alam kung bakit pinagpawisan ako sa titigan naming dalawa. Binuksan ko na lang ang shower at naligo. Sana pwedeng pawiin ng tubig na 'to ang lahat ng pagdududa ko kay Jacob. Sana kaya nitong i-cleanse ang utak ko sa lahat ng bumabagabag sakin. Sana kaya nitong alisin sa utak ko yung halikan nila.

Pagkatapos kong maligo, nasa labas na naghihintay si Jacob. NAKNANGPUTSPA! Hindi ako makatingin sa kanya. Nakalimutan kong magdala ng damit kaya eto at nakatuwalya lang ako. Ito pa naman ang tuwalya kong maiksi. Yung tipong yuyuko ka lang, makikita na ang lahat. Basang-basa pa ang buhok ko kaya tuloy-tuloy ang tulo nito sa katawan ko.

Nagkasalubong ang tingin namin ni Jacob. Diretso ang tingin niya sa mga mata ko. Nakahalf-open na naman ang bibig niya. Ngumuso ako at nagpatuloy sa paglalakad.

"Ikaw na..." Malamig kong sinabi.

Tumango siya at tinignan ang banyo. Nagmadali ako sa paglalakad para makapagbihis na. Ayaw ko nang naabutan niya akong halos walang saplot. Alam kong hindi ito ang unang pagkakataon pero ewan ko kung bakit mas lalo akong na-co-conscious ngayon.

Nagbihis ako ng long denim pants at itim na spagetti strap. Sinusuklay ko ang buhok ko nang biglang pumasok si Jacob nang nakatuwalya lang rin. Bumalandra na naman ang sparkling abs niyang walang kupas. Ibinaling ko agad ang tingin ko sa ibang bagay. Nagkunwari akong may kinukuha sa drawer ko. Nang narinig kong unti-unti niyang sinarado ang pintuan ng kwarto, nabunutan ako ng tinik.

"Sa labas na ako magsusuklay. Magbihis ka na lang muna dito. Sa labas na rin ako maghihintay."

"O-Okay... Uhm... Sige."

Nilagpasan ko siya nang di tinitignan. Bakit kahit wala pa naman kaming ginagawa ay pinapangunahan na ako ng paninindig ng balahibo?

Mabilis siyang nagbihis. Hindi ko pa nga naayos ng mabuti ang buhok ko ay tapos na siya. Nakatingin lang ako sa salamin habang siya naman ay nakatingin sakin.

Hindi na talaga siya nahiya sa pagtitig sakin kahit kitang-kita ang repleksyon niya sa salamin. Binalewala ko siya at nagpatuloy sa pag-aayos ng buhok. Ilang sandali pa ang nakalipas bago ko siya kinausap.

"Jacob, ihanda mo na ang sasakyan. Alis na tayo. Ayokong ginagabi sa kalsada." Sabi ko.

Tumango siya at nagmadaling lumabas.

Nang ready na ang lahat, bumyahe na kami. Bumili kami ng pagkain bago sumabak sa 9 hours na byahe...

"Sorry ah? Drive thru lang kasi di ako marunong magluto." Sabi ko nang naalala yung pagluluto ni Jasmine.

Hindi ko alam kung bakit sinabi ko yun. Basta ang alam ko, gusto kong ipaalala sa kanya ang mga flaws ko. Baka kasi masyado na siyang nasanay kay Jasmine.

Sumulyap siya sakin. His jaw clenched. Nakita ko agad ang galit sa mga mata niya.

"Hindi naman kasi cook ang kailangan ko, kundi ikaw."

Ngumuso ako at napatingin sa labas. Galit ang tono ng boses niya. Alam kong naramdaman niya ang gusto kong iparating. Kaya ang nangyari, halos buong byahe ay wala kaming imikan.

"Rosie, pwede bang pahinga muna tayo. Nangangawit na kasi ako." Aniya half-way papuntang Alegria.

Tumango ako.

"Kainin na lang muna natin yung ano... mo... uhm..." Umiling siya at nakita kong pumula ang pisngi niya, "yung binili mo."

Nagkasalubong ang kilay ko. Hindi ko alam kung dirty-minded ba ako o talagang may something doon sa sinabi niya.

Tumango na lang ako para hindi na maging mas lalong awkward dahil sa sinabi niya...

Kinuha ko ang biniling mga pagkain. Binigyan ko siya. Nakapark kami sa isang bayan apat na oras bago mag Alegria. Mararaming lumang bahay dito. Yung tipong sa mga horror movies mo lang nakikita. Minsan iniisip ko may mga cannibal na sa lugar na ito. Buti na lang at nakalock ang pintuan ng sasakyan. Maliwanag naman ang lugar pero madalang ang mga tao.

"Tapos ka na?" Tanong ni Jacob nang binaba ko na ang pagkain ko.

"Oo." Sabi ko at tumingin sa labas.

"Nag da-diet ka ba dahil sa modeling mo?"

"Hindi naman." Napalingon ako sa kanya.

Hindi ko maintindihan kung bakit ang pula-pula ng pisngi niya at mukha siyang may tinatago... para bang mabibilaukan siya kung di niya sasabihin sakin.

"Bakit?" Kumunot ang noo ko.

"W-Wala..." Nagpatuloy siya sa pagkain.

Uminom ako ng tubig at kinain yung mentos na binili ko rin kanina. Natapos din siyang kumain pero hindi niya agad pinaandar ang sasakyan. Sinandal niya ang likod niya sa upuan.

"Pwede naman tayong magpahinga ng 30 minutes. Tulog ka muna. Gigisingin lang kita pag nag 30 minutes na." Sabi ko.

Umiling siya, "Hindi ako matutulog. Gusto ko lang magpahinga muna. Sa Alegria na ako matutulog." Aniya.

Nagkatinginan kami. Hindi ko talaga alam kung saan nanggagaling yung paninindig ng balahibo ko tuwing nagkakatinginan kami. Slow-motion pa siyang napalunok habang tinitignan ako.

"Uhmmm... Rosie, yung, cleavage mo, nakikita. Pwedeng pakiayos." Nakita kong pumula ulit ang pisngi niya at nag iwas ng tingin.

"Ah? Sorry." Inayos ko ang damit ko at tumingin na lang ako sa labas.

"Ah... Tsaka..."

Kinagat niya ang labi niya.

"Ano?" Tanong ko.

"May... ano... ketchup sa pisngi mo."

"Ha?" Pinunasan ko ang pisngi ko.

Bumaling siya sakin at napalunok ulit siya.

"Nandito." Unti-unti niyang nilapit ang kamay niya sa pisngi ko.

Pinunasan niya ang ketchup pero hindi niya agad tinanggal ang kamay niya. Nakita ko na lang na bumilis ang paghinga niya at inilapit niya na ang mukha niya sa mukha ko. Tinulak ko siya...

"Jacob, hindi pwede-" Sabi ko.

Natigilan siya sa ginawa niya.

"Ayokong hinahalikan mo ako. Naaalala ko ang halikan niyong dalawa. Sorry pero hindi ko kaya..." Bumuntong-hininga ako.

Kumuyom ang panga niya sa sinabi ko.

Pero hindi siya lumayo. Hindi ko na rin siya tinulak dahil kahit na alam kong sabik na sabik na siya sakin, marunong parin siyang magpahalaga sa damdamin ko. Pumikit siya at nilapit ang pisngi niya sakin...

"Hindi kita hahalikan, wa'g kang mag-alala. Pero please... gusto ko lang makalapit ng kahit konti."

Dinig na dinig ko ang pagbilis ng hininga niya habang inilalapit ang sarili niya sakin. Kumabog agad ang dibdib ko. Dilat ang mga mata ko at nakikita ko ang reaksyon niya. Tumindig lalo ang balahibo ko nang dinilat niya rin ang mga mata niya. Isang dangkal na lang ang layo ng mukha namin sa isa't-isa.

Dahan-dahan niyang hinaplos ang pisngi ko... Isang kamay niya ay nakalagay sa gitna ng upuan namin. Pababa ang paghaplos niya. Dumaan ang kamay niya sa leeg ko, sa braso, sa kamay, sa baywang, sa hita, pabalik sa baywang, leeg, tainga, mukha, labi...

"Miss na miss na kita... Yung lambing mo... halik mo... yung pagtawag mo sa pangalan ko... yung tamis ng labi mo... yung pakiramdam pag inaangkin kita... yung pakiramdam na ang swerte ko dahil akin ka... yung pakiramdam na kumpleto ako kasi nandyan ka... yung amoy ng buhok mo..." Inamoy niya ang buhok ko.

Natigilan ako sa ginawa niya.

Habang inaamoy niya ang buhok ko, hinahaplos niya rin ang braso ko. Hindi ko na namalayang hinahalikan niya na rin ang leeg ko...

"Jacob..." Marahan ko siyang itinulak.

Natigil siya ng sandali pero pinagpatuloy din niya ang paghalik sa leeg ko.

"Leeg lang naman... hindi pa naman labi. Hindi naman kita hahalikan sa labi kung ayaw mo... alam kong naaalala mo pa yun pero sana pagbigyan mo ako nito para makalimutan mo na yun."

"Jacobbb~" Hindi ko alam kung saan nanggaling yung pagkabasag ng boses ko habang hinahalikan niya ng marahan ang leeg ko.

Natigilan siya at nanlaki ang mga mata niya. Uminit ang pisngi ko pero pinilit kong kinunot ang noo ko.

"Ayoko." Sabi ko kahit taliwas naman talaga iyon sa nararamdaman ko.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa relasyon naming tinanggihan ko siya nito.

"Ayoko..." Tumingin ako sa labas at pumikit.

Suminghap siya at umupo ng maayos. Hinampas niya ang manibela at sumandal doon.

"Sorry." Sabi ko.

"Okay lang. Alam ko naman. Hindi naman kita pipilitin... T-Talagang sobrang na miss na kita. Hindi ko na kaya. Ilang linggo din yun at alam mo namang hindi ako sanay na ano... Ugh! Rosie! Alis na tayo!" Hindi ko alam kung bakit pinaandar niya agad ang sasakyan niya.

Mabilis pa ang patakbo niya. Baka tatlong oras lang ang byahe dahil sa 100kmph, ah.

"Jacob! Dahan-dahan naman!"

Tinignan ko siya pero seryoso ang tingin niya sa daan. Matulin ang patakbo niya pero no-sweat ang mukha niya. Wala siyang ekspresyon na ipinapakita bukod sa seryosong tingin niya sa kalsada.

Tama ang hinala ko, nakaya niyang bumyahe ng tatlong oras lang papuntang Alegria. Alas sais kaming nakarating sa Alegria.

"Andito na tayo..." Seryoso niyang sinabi.

"Sa bahay ako nina Auntie Precy matutulog."

Natigilan siya. Ilang sandali siyang tahimik. Sumulyap siya sakin bago ako sinagot...

"Okay."

Pero hindi niya ako hinatid sa Bahay ni Lola. Diretso ang patakbo niya papuntang bahay nila.

"Jacob... sa Bahay ni Lola-"

"Ka matutulog. Hindi ka pa naman matutulog kaya sa bahay ka muna."

DAMN THIS GUY! Gumagawa talaga ng paraan ah? Pero bago pa kami dumating sa bahay nina Jacob, namataan ko na agad si Jasmine sa isang tindahan sa isang kanto. Kasama niya yata ang kapatid niya. Hindi iyon namalayan ni Jacob.

"Jacob, bababa ako dito."

Napasulyap siya sakin.

"Rosie, ihahatid naman kita mamaya... P-Pero kung ayaw mo na talaga akong makasama... sige, ihahatid na kita."

Bago niya pa mabago ang direksyon ng sasakyan ay pinigilan ko na siya.

"HINDI. Dito lang ako. Nandyan si Jasmine sa kanto. Kakausapin ko lang. Mauna ka na sa bahay niyo."

Nalaglag ang panga niya sa sinabi ko.

"Itigil mo, Jacob." Sabi ko dahil patuloy parin siya sa pagpapaandar.

Itinigil niya naman. Bumaling ulit siya sakin.

"Hihintayin k-kita." Untag niya.

"Wa'g na. Mahaba-habang usapan 'to kaya magpahinga ka na lang muna."

Ilang sandali siyang natulala.

"Bakit? Natatakot ka? Baka may tinatago kayong ayaw mong malaman ko-"

"WALA, ROSIE! Natatakot ako, oo, pero hindi dahil may tinatago ako sayo. Natatakot ako kasi baka kung anu-ano na naman ang isipin mo... ayoko na ng misunderstanding. Ayoko na ng nagbabakasakali. Gusto ko ng siguradong tayong dalawa. Ayaw kong araw-araw akong nangangamba sa pag-alis mo. Gusto ko yung wala ng pangamba, Rosie."

"Ako din, Jacob. Kaya hayaan mo ako." Binuksan ko ang pintuan.

Now, the truth.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top