Kabanata 26
Kabanata 26
Baka Sakaling
Sa sobrang tindi ng emosyon ko, napanaginipan ko ang lahat ng mga nangyari. Pero may ibang scenes na hindi makatotohanan.
Nagising akong umiiyak nang madaling araw dahil napanaginipan kong iniwan ako ni Jacob nung sinampal ko siya...
"Tama na, Rosie! Mabuti na lang hindi pa kita pinakasalan, dahil di ko kayang makasama ang isang tulad mo habang buhay." Tinalikuran niya ako.
Ramdam na ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko at nagising akong humihikbi. Nakakatrauma. Hindi na nga ako masyado nakatulog, pag nakatulog naman ganito ang inaabutan ko sa panaginip ko.
Madaling araw akong nagising pero alas nuwebe na akong lumabas ng kwarto. Akala ko huhupa ang pamumugto ng mga mata ko pero walang nangyari. Eto pa rin at mukhang lumalala. I want a shower.
Pagkalabas ko ng kwarto, tumambad agad si Jacob sa sala. Bigla siyang tumayo nang nakita akong lumabas ng kwarto.
Umiling ako at sinisi na lang si Maggie sa isipan. Pinapasok niya kahit alam niyang may alitan kami ni Jacob.
Nakaawang lang ang bibig ni Jacob habang hinihintay akong magsalita pero nilagpasan ko siya.
"Rosie, kumain ka na." Nakangising sinabi ni Maggie sakin.
Kumakain silang dalawa ni James sa hapagkainan. Pareho ko silang inirapan.
"Bakit mo siya pinapasok?" Tanong ko.
Nagkibit-balikat siya, "Bakit hindi?"
"Tsss..."
Nilagpasan ko rin sila at dumiretso na sa banyo. Pero bago ko pa na buksan ang shower ay may sinasabi na si Maggie sa labas.
"Rosie, kausapin mo siya ulit-"
Umiling ako, "Tapos na. I need space kaya pwede bang tulungan mo naman ako." Umirap ako sa kawalan.
I can't believe this.
"Sumama ka sa kanya sa Alegria." Diretsong demand ni Maggie.
"Ha? Para saan? Baka mapatay ko lang yung kabit niya pag nagkataon."
"Hindi niya yun kabit, Rosie..." Sabi ni Maggie.
Binuksan ko ang shower. Tumigil din naman si Maggie sa kakasalita nang narinig niyang bumuhos na ang shower. Narealize niya sigurong useless akong kausap ngayon. Sana marealize din yun ni Jacob.
Pagkatapos kong maligo, nandoon parin siya sa sala. Nanonood siya ng TV pero nang nakita akong humahakbang papuntang kwarto ay bumaling agad sakin.
Ayaw ko siyang kausapin. Hindi rin naman niya ako kinakausap kaya okay na rin siguro ang ganito.
Hindi iyon ang tanging araw na nagpunta siya sa bahay. Araw-araw siya sa bahay. Walang imik.
Talaga bang iniwan niya na ang Alegria? At mukha pang wala siyang ibang kompanyang inaapplyan kasi buong araw siya sa bahay. Kahit wala ako, kahit nasa school ako, nasa bahay parin siya.
Sabi ni Maggie, buong araw lang siyang nakatunganga doon. Minsan, pumupunta siya sa kwarto ko at naglilinis.
Uminit ang pisngi ko nang nalaman yun kay Maggie alas-onse ng gabi, isang araw. Nakatulog na si Jacob sa sofa. Sinisilip ko siya minsan pero hindi ko tinatagalan ang pagtitig ko sa kanya. Para bang inaalagaan ko ang pagkamunhi ko imbes na patawarin siya. Ayaw kong mawala na lang bigla ang atraso niya sakin dahil sa pagmamakaawa niya. Alam ko, nagiging hard na ako sa kanya pero hindi ko siya kayang basta-basta mapatawad pagkatapos ng nangyari.
"Naglinis na naman siya kanina sa kwarto mo. Yung pinagpilian mo kasing mga damit nakakalat sa kama mo kaya ayun. Tignan mo, walang alikabok. Biruin mo, marunong pala sa gawaing bahay yang senyoritong yan." Tumawa si Maggie.
Kumunot ang noo ko.
Damn! Uminit ang pisngi ko. Ililigpit ko ng maayos ang mga damit ko, lalo na yung mga underwear! KABANAS! Bakit naiisip ko ito?
Kinaumagahan, nagising na naman akong nanonood siya ng TV sa sala. Nakangisi siya habang pinapanood yung palabas pero bumaling agad siya sakin gamit ang seryosong mukha nang nakita akong palabas ng kwarto.
Humikab ako at tinali ang buhok ko. Maaga pala akong nagising. For some reason... mas maaga akong nagigising nitong mga nakaraang araw. Palagi din akong nagmamadaling umuwi. Alam ko... Hindi ako manhid at di ako denial... sasabihin at aaminin ko sa sarili ko na dahil nandito si Jacob sa bahay ay nagmamadali akong umuwi. Kaya lang, pag uwi ko, nilalagpasan ko lang siya. Wala din naman siyang imik.
Ngayon ang pang anim na araw na nandito siya. May mga damit siya sa kwarto ko. Siguro ay kinukuha niya yun habang nasa school ako.
Umupo ako sa sofa, isang metro ang layo sa kanya at kinuha ang remote control para ibahin ang palabas.
Napalunok siya at nanigas sa kinauupuan niya.
"Ba't nandito ka parin?" Tanong ko.
Ito ang kauna-unahang pagkakataong kinausap ko siya.
Napalingon siya sakin pero tamad kong nililipat ang channel habang hinihintay ang sagot niya. Hindi siya umimik kaya dinagdagan ko.
"Sabi ko, cool-off. Hindi mo ba yun maintindihan?" Tanong ko.
Bumaling ako sa kanya.
"W-Wala naman akong ginagawa. P-Pwede mo naman akong balewalain. H-Hindi naman kita pinipilit na p-pansinin ako." Mabilis ang paghinga niya.
Ramdam na ramdam ko ang kaba niya.
Umiling ako at bumaling ulit sa TV.
"A-Alam ko namang ayaw mo ako dito pero kasi hindi ko kaya yung hinihingi mo... Hindi ko kaya ng cool-off. Matagal akong naghintay para magkita ulit tayo at hindi ako papayag na ito ang mapapala ko."
Napalunok ako sa sinabi niya. Kahit na humingi ako ng cool-off, hindi ko maintindihan kung bakit gusto ko itong ginagawa niya. Dahil sa ginawa niya, hindi na ako umiiyak gabi-gabi. Hindi ko na masyadong naiisip ang mga away namin. Dahil araw-araw siyang nandito, nakakalimutan ko na ang sama ng loob ko.
"P-Pero... kung t-talagang ayaw mong nandito ako." Napalunok siya. "Kung talagang di mo ako maatim dito, aalis ako. Sabihin mo lang, susundin ko."
Pumikit ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Dinig na dinig ko ang malakas na kabog ng puso ko.
"Sabihin mo lang na ayaw mo ako dito sa bahay niyo, pwede naman ako sa labas. At kung ayaw mo parin akong nakikita dito, pwede namang tuwing wala ka na lang..."
SHT! Langya talaga ang lalaking ito! Hindi ko mawari kung sobrang inosente niya ba o talagang sobra ang pagmamahal niya sakin.
"Jacob... dalhin mo ako sa Alegria." Sinabi ko ng di nag-iisip.
Dahil hindi ko na kailangang mag-isip. Kung ano ang nasa puso ko, ito ang sasabihin ko, ito ang gagawin ko.
Masakit mang isipin, kahit na ganun ang nangyari, kahit hindi pa niya lubusang nakuha ang trust ko, handa akong magpatawad. Handa akong magpatawad. Unti-unti ko na nga siyang napapatawad. Yun nga lang, kailangan kong maliwanagan. I want the truth. Gusto kong marinig ang lahat ng sides sa storya. Kay Jasmine, kay Jacob, sa daddy ni Jacob, kay April, sa lahat ng tao sa paligid... Gusto kong malaman.
I want a relationship with no bullsh1ts... Just plain truth.
Gusto ko ng walang tinatago. Kung mahal niya ako, maririnig at mararamdaman ko. Kung ayaw niya na, maririnig at mararamdaman ko rin. Walang paliguy-ligoy. Walang tinatago. At ito ang unang step para makuha ko yun.
Umaliwalas ang mukha niya at ngumisi.
"TALAGA?"
"Hindi para makasama ka... Para malaman ang buong katotohanan."
"Oo. Sige! Uhmmm..." Tumayo siya at inayos ang sarili.
Kinagat niya ang labi niya kaya nag-iwas ako ng tingin.
"Uhmmm. Dito na ako magbibihis. Tapos, ano, yung driver... ako na lang..." Ngumisi siya.
Sinimangutan ko na lang. Tumayo ako at humikab. Bahala siya... Cool-off parin kami, baka akala niya nabalik na ang status namin.
"Tsaka... R-Rosie, n-nakita ko yung... engagement ring sa ilalim ng kama mo kahapon. Uhmm... P-pwede bang..." Nag iwas siya ng tingin.
Nakita kong pumula ang pisngi niya.
"Sootin mo ulit yun?" Hindi parin siya makatingin.
"Titignan ko..." Malamig kong sinabi at umalis na para mag toothbrush sa banyo.
Nakalimutan kong magdala ng tuwalya. Mabuti na lang din kasi panay ang ngisi ni Maggie at James sa table habang nagkakape.
"Kumain muna kayo ah?" Panunuya ni Maggie sakin.
"Shut up, sis." Nilagpasan ko sila at bumalik na sa kwarto.
Pagkabukas ko ng pinto... Huli sa aktong naghuhubad ng t-shirt si Jacob. Bumalandra ang sparkling abs niya kaya napa...
"Oh! Sh1t naman!" Sigaw ko sabay labas ulit ng kwarto.
"R-Rosie? Sorry..." Sabi niya pero sinarado ko na ang pinto.
Agad siyang lumabas nang hindi pa naaayos ang damit. May dala din siyang tuwalya. Nag iwas ako ng tingin. Iniwasan ko ring makipag usap sa kanya kahit kinakausap niya ako.
"Sorry... Hindi ko ni-lock kasi hindi naman talaga tayo nag lo-lock ng pinto diba? Sorry-"
Pinagsarhan ko ulit siya ng pinto. Kinuha ko yung tuwalya ko at nagmadali na papunta sa banyo. Pero naabutan kong nag uusap si Maggie, James at Jacob sa kusina. Hindi ko na lang sila tinignan kasi mukhang ako yung pinag-uusapan nila. Natahimik kasi sila nang lumapit ako.
"Ligo muna ako." Sabi ni Jacob at nauna siyang humawak ng doorknob.
Umaamba na rin ako sa paghawak ng doorknob. Napatingin siya sakin. Uminit ang pisngi ko at nag-iwas ako ng tingin. Napakamot siya sa ulo at napaatras sa pintuan.
Narinig ko ang fake na ubo ni Maggie sa background at ang paghalakhak ni James.
"M-Mauna ka na, Rosie." Sabi ni Jacob sakin.
Hindi ako umimik.
"Tayo na, Margaret." Malambing na sinabi ni James kay Maggie.
Humalakhak si Maggie, "Bakit kasi di na lang kayo magsabay, baka sakaling di niyo na kailangang pumunta ng Alegria para maayos yan. NAKU!"
Bumaling ako kay Maggie para sana simangutan siya pero nagmadali na silang umalis ni James sa bahay.
"Jogging lang saglit." Sigaw niya nang nasa pintuan na palabas. "Matagal pala... Uhmmm mga 12 hours ang jogging namin kaya no worries. Bye!"
Nanliit ang mga mata ko sa sinabi ni Maggie. Bumaling ako kay Jacob na ngayon ay naka half-open na ang bibig habang tinitignan ang labi ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top