Kabanata 22
Kabanata 22
Magsama Silang Dalawa
Lumipas ang isa pang linggo ng wala si Jacob. Tumatawag parin siya araw-araw pero hindi na tulad nung unang linggong nagkahiwalay kami, hindi na siya nag titext oras-oras. Tawag na lang ang inaasahan ko sa kanya. Dalawang tawag sa isang araw.
Thursday nang napansin kong iniiwasan niyang banggitin si Jasmine.
"Hello, Rosie?"
"Jacob... Kumusta na?" Tanong ko.
"O-Okay lang. Ikaw? I miss you so much. Sana pwedeng umuwi ngayon. Isang buwan na lang matatapos ko na ang Field Study na ito." Aniya.
"Miss na din kita. Okay lang yan. Malapit na rin naman. Uuwi ka naman ngayong Sabado diba?"
"Uhm... Syempre! Hindi ka parin ba natutulog sa bahay?"
Napalunok ako sa sinabi niya, "Oo. Sorry. Nabobore kasi ako doon. Dito kasi sa bahay, madaldal si Maggie kaya ayun."
Napabuntong-hininga siya, "Sorry, Rosie... Alam ko dapat umuwi ako last Saturday. Haay."
"Bakit nagsisisi ka? Hindi ba maganda naman yung birthday ng daddy ni Jasmine?" Natigilan ako.
"Oo n-naman. Kumusta ang studies mo? Malapit naba ang midterms?" Tanong niya.
"Okay lang naman. Ikaw? Kumusta negosyo niyo ni Jasmine?"
"Okay lang din. Hmmm... Kailan ba ang next ramp mo?"
Bakit parang iniiba niya ang usapan? OMG! Ito na ba yung sinasabi ni Brandon?
"Jacob... Binibigyan ka pa ba ng pagkain ni Jasmine?"
"H-Huh?" Natahimik siya ng ilang segundo, "Ba't mo naitanong?"
"Diba araw-araw ka niyang binibigyan ng pagkain? Taste test?" Sabi ko.
"Oo. Noon. Pero ngayon, di na... Teka... Ba't siya pinag uusapan natin?"
BAKIT HINDI!? BAKIT NGAYON MO PA NAPAPANSIN NA TUMATAWAG KA NAMAN MINSAN SAKIN PARA PAG-USAPAN NATIN SIYA?
"Wala naman. Natanong ko lang."
"Rosie..." Suminghap siya. "I miss you..."
"Bakit di ka na niya binibigyan ng pagkain ngayon? May nangyari ba?" Tanong ko.
"ROSIE! Ano ba yang iniisip mo!?"
Narinig ko ang pagtalon niya.
"Bakit? Nagtatanong lang naman ako!"
"Bakit parang iba ang tono mo? Wala naman akong ginagawang masama dito."
"Ba't ka defensive?" Huminahon ako.
"Kasi kung anu-ano na ang iniisip mo."
Natahimik ako.
"Rosie, kung ayaw mo na ako dito... Uuwi ako diyan. Sabihin mo lang."
Umiling ako at pumikit. I knew it... Doubts... Hindi applicable sa lahat ang sinabi ni Brandon. Maaring may point siya pero hindi ito applicable para samin ni Jacob. I'm sure of that!
"Sorry, Jacob." Sabi ko.
Napabuntong-hininga siya.
"Tumigil ka na..." Aniya.
Kinagat ko ang labi ko.
"Tigilan mo na ang pag-iisip mo ng mga ganyan, Rosie."
Napawi lahat ng pangamba ko sa nakalipas na tatlong linggo. Pangamba at pagdududa lang ang mga iyon. Wala ng iba pa... Hindi na ako mag aaksaya ng panahon para isipin pa ang mga iyon.
"I'm sorry."
Pinunasan ko ang luhang dumaan sa pisngi ko. Kinagat ko ang labi ko at iniwasang magsalita pa para di niya marinig ang pag-iyak ko.
Ilang minuto pa ang nakalipas, walang nagsasalita saming dalawa. Hindi siya nagsalita. Hindi rin ako nagsalita.
"Jacob, sige na matulog na tayo." Mabilis kong sinabi 'to para di niya marinig ang paghikbi ko.
"Okay. Matulog na tayo. Wa'g mong ibaba. Hayaan mo lang." Aniya.
Parang kinurot ang dibdib ko sa sinabi niya.
"Gusto kong marinig ang paghinga mo. Kahit di kita nakikita. Kahit paghinga mo lang, Rosie. Gusto kong marinig. Dahil miss na miss na kita at di ko kayang ganito."
Hindi ako nakapagsalita sa pagpipigil ko ng luha.
"Rosie?"
Humikbi ako. Shet!
"Umiiyak ka?"
"Hindi." Nanginig ang boses ko.
"Umiiyak ka! Rosie! Tama na!"
"Matulog na tayo."
"Rosie, I love you." Aniya. I can almost hear his desperation.
"I love you, too."
"Bakit ang lamig mo sakin? Bakit pinuputol mo agad ang linya bago ko pa masabing, 'I love you, more'. Alam mong may dugtong pa ito diba? Bakit di mo na dinidinig yun? Hindi na ba yun importante? Wala ka na bang pakealam?"
"Importante... I'm sorry... I'm so sorry..."
I'm sorry for doubting you, Jacob. I don't deserve you. Akala ko siya yung magkakaproblema sa pagkakalayo namin pero eto ako at ako pala yung magkakaproblema.
Umiyak ako hanggang sa nakatulog ako. Hindi ko alam kung anong oras nakatulog si Jacob pero nagising akong lowbat ang cellphone ko.
Friday na at bukas magkikita na kami ni Jacob! Namumugto ang mga mata ko kaya ayokong pumasok sa school. Ayokong makita nina Ava, Callix at Belle ang mga mata ko ngayon. Paniguradong interview na naman ang aabutin ko sa kanila.
"Ba't ka nag iimpake, Rosie?" Tanong ni Maggie nang napadaan siya sa kwarto ko.
"Pupuntahan ko si Jacob sa Alegria." Sabi ko nang wala sa sarili.
"HA? Bakit? May nangyari ba?"
"Wala! Miss na miss ko na siya." Sabi ko habang nililigpit ang isang pares ng damit.
May mga damit naman ako kina Auntie Precy kaya okay na ito.
"Mag aabsent ka?" Nanliit ang mga mata niya at tinitigan akong mabuti, "Umiyak ka ba kagabi?"
"Hindi." Nag iwas ako ng tingin.
"Nag-away ba kayo? Nag talo ba kayo? Bakit anong nangyari?" Tanong ni Maggie.
Nandoon na rin si James sa likuran niya at nakikinig sa usapan.
"Hindi nga. Nagkabati na nga kami kaya pupunta ako dun."
"Mag isa ka lang? Sinabi mo ba sa kanya?" Tanong ni Maggie.
"Hindi. Kasi... lowbat ako. Isusurprise ko na lang siya."
Tumango siya, "O sige. Mag ingat ka. Umuwi ka agad. Diba may ramp ka bukas? Paano kung di mo abutan?"
"Actually, wala na talaga akong pakealam kung anong mangyari basta sa ngayon gusto kong pumunta ng Alegria para makita siya."
"Okay. Sige, mag ingat ka. Tsaka... iinform mo si Karl pag di ka makakasama bukas, ah? Unprofessional pag di mo sinabi."
"Oo."
Umalis na agad ako. Hindi na ako makapaghintay na mapadpad sa Alegria. Alam kong nakakaumay na naman ang matagal na byahe. Lalong lalo na ngayong mag bu-bus ako, mag isa, at sabik kay Jacob.
Hindi ako natulog sa 9 hours straight na byahe. Maraming gumulo sa isipan mo at kay Jacob umiikot lahat ng gumugulo.
Nang sa wakas ay nakatapak na ako sa lupa ng Alegria, lumakas at bumilis ulit ang pintig ng puso ko. Falling in love again, huh? The place and the person... Napangisi ako habang pumapara ng tricycle.
"Manong, kina Auntie Precy Aranjuez." Sabi ko.
Tumango si mamang driver. Kilala kasi si Auntie dito sa Alegria kaya hindi ko na kailangang sabihin ang buong address.
Ngiting-ngiti ako nang nakita ko ang bakuran ng Bahay ni Lola. Wala si Auntie kasi may klase ngayon at baka nasa Mababang Paaralan ng Alegria pa siya para magturo. Ang bobo ko talaga! Sa sobrang excitement ko, nakakalimutan ko na ang mga maliliit na bagay.
Pumara ulit ako ng tricycle. Hindi ko alam kung saan ako pupunta... Sa bahay nina Jacob? Nandoon kaya siya? Sa Kampo Juan? O baka naman sa trucking?
"ROSIE?"
Nabigla ako sa nakita kong kumakaway sakin.
"April!" Kinawayan ko rin siya.
"Nandito ka? Alam ba ni Jacob na nandito ka?" Tanong niya.
Mag isa lang siya at mukhang may pinamili.
"Hindi eh. Pupuntahan ko sana. Alam mo ba kung nasan siya ngayon?" Tanong ko.
"Uhmmm. Malamang nasa trucking." Yumuko siya para tignan ang pinamili niya, "Malapit lang ang bahay namin dun. Gusto mo sabay na tayo? Padrop ka na lang sa trucking kay manong?"
Tumango ako at ngumisi. "O sige!"
"Manong, sa trucking ng mga Buenaventura. Tapos sa amin." Sabi ni April.
"Sa Rosie Buenaventura?" Ngumisi ang driver sakin.
Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Oo nga pala... Syempre, sikat na iyon dito. May malaking ROSIE BUENAVENTURA kayang nakalagay sa malaking gate.
"Pinamili ko yung baby ko ng gatas tsaka pagkain. Hehe." Sabi ni April.
Tumango ako, "Sorry wala akong dala. Di bale, sa susunod-"
"Naku! Wa'g ka ng mag-abala. Lagi naman akong binibigyan ni Jacob tsaka Jasmine. Binibisita nila ako sa bahay."
WHAAAT? Okay. Parang mejo natinag yung magandang vibes ko sa sinabi ni April. Natahimik ako.
"Uhmm. Rosie, okay lang ba talaga sayong mag kasama si Jasmine at Jacob?" Tanong niya.
"Huh? B-Bakit?"
"Uhmm... Wala lang naman. Uhmm. Kasi kung ako nasa lagay mo, hindi ko siguro makakaya." Ngumiti siya. "Ang taas ng tingin ko sayo dahil diyan."
Ngumiti din ako, "Syempre, di maiiwasan yung mga selos, diba? Pero iba si Jacob... Nagagawa niyang pawiin ang selos ko. Tsaka hindi naman siya mag chi-cheat. Kilala ko siya. Mahal na mahal niya ako."
Napalunok si April, "Alam ko."
Nagkatinginan kami.
"O, andito na pala tayo." Sabay turo niya sa malaking gate na may Rosie Buenaventura.
"Wow! O sige... Salamat, April! Manong, salamat! Eto po bayad ko tsaka ni April. Keep the change." Sabi ko sabay labas ng tricycle.
"Naku! Salamat, Rosie!" Sabi ni April.
"Salamat din! Ingat ka!"
"Ikaw din! Good luck!" Kumaway siya at umalis na ang tricycle.
Hinarap ko ang malaking gate at huminga ng malalim.
Kinawayan ko ang nagbabantay na security guards pero nakasimangot sila sakin.
"Sino ka? I.D?"
SHET!
"Rosie Aranjuez." Sabi ko sabay abot ng I.D. ko.
Tinitigang mabuti ng guard ang mukha ko sa I.D at mukha ko sa harap niya.
"Okay, pasok." Aniya.
"Uhmm.. Salamat." Kinuha ko ang I.D. "Nasan po si Jacob?" Tanong ko.
"Nandoon sa office." Sabay turo niya sa office.
Agad akong pumunta sa sinabi ni manong guard. Busy ang buong trucking. Maraming trucks. Hinanap ko pa talaga yung truck na pinagdausan nung milagro namin ni Jacob noon. Uminit ang pisngi ko nang nakita ko yun. Ang weird sa pakiramdam.
Dumiretso na lang ako sa office.
Kakatok sana ako pero hindi sarado ang pintuan. Bahagyang nakabukas ang pintuan kaya sumilip ako.
Nanlaki ang mga mata ko nang nakita si Jacob at Jasmine na nagyayakapan. Naramdaman kong unti-unting gumuho ang mundo ko. Gumuho ang puso ko. Sumakit, kumirot at nahulog ang puso ko sa nakita ko.
No. This is impossible.
"Jacob..." Hinarap ni Jasmine si Jacob.
Nakangiti pero umiiyak si Jasmine na katingin kay Jacob. Napaawang ang bibig ni Jacob at diretso ang tingin niya sa mga mata ni Jasmine. He looked so stunned. WHAT THE FVCK IS HAPPENING?
"Salamat talaga... Salamat. Maraming salamat."
Napatalon ako nang nilagay ni Jasmine ang kamay niya sa leeg ni Jacob at walang pasubaling hinalikan ang labi ni Jacob. Malagkit at mejo matagal. Hindi naman french kiss pero nandiri ako sa sobrang tagal.
"Thank you, Jacob. I love you..."
Nakita ko ang windang na ekspresyon ng mukha ni Jacob.
"Pero-"
"Shhh!" Pinutol siya ni Jasmine.
Nanginig ang paa ko. Gusto ko silang sugurin pero nanghina ako. Gusto kog awayin si Jasmine at sumabatan si Jacob pero nanghina ang mga paa ko. Hinintay ko na magalit si Jacob dahil sa sinabi ni Jasmine pero hindi niya ginawa. Tumunganga lang siya dun. Tumunganga silang dalawa. Pareho silang nag isip sa susunod na gagawin nila.
Pero bakit, Jacob? BAKIT? 'Pero may girlfriend na ako?' Ibig sabihin pag wala kang girlfriend, okay lang? KAYO NA?
BAKIT TUMUNGANGA LANG SIYA? KUNG HINDI NIYA GUSTO SI JASMINE, SABIHIN NIYA NG HARAP-HARAPAN!
"I love you, Jacob." Inulit ni Jasmine.
Napapikit ako. Bakit wala kang masabi, Jacob? Bakit hindi ka nagagalit? Bakit wala kang maireact?
Tumakbo na lang ako. Ayoko na. Kung ako ang mahal ni Jacob, babalik siya sakin. Pero kung mahal niya talaga ako, dapat nung sinabi pa lang ni Jasmine na mahal niya si Jacob, agad niya na akong binanggit. Hindi eh. HINDI! Nag isip pa siya ng mabuti! Ni hindi niya ako binanggit kay Jasmine!
"Miss... Nasa loob ba yung girlfriend ni Sir Jacob?" Tanong ng isang driver sakin.
"OO! Nasa loob!" Sigaw ko at inirapan silang lahat sa gitna ng pag iyak ko.
TANGINA! Bakit walang nakapagsabi sakin na girlfriend niya na pala si Jasmine? Dapat di yan ROSIE BUENAVENTURA! DAPAT JASMINE BUENAVENTURA! Patakbuhin niyong dalawa yang trucking niyo! Mga lintek! Mga walang hiya! Aalis na ako dito. Aalis na ako kay Jacob! Iiwan ko na siya! Umasa akong wala talaga pero imposibleng wala gayung naghalikan sila at nagkaaminan pa. Alam kong di umamin si Jacob pero silence means yes, bullsh1t! MAGSAMA SILANG DALAWA!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top