Kabanata 21

Kabanata 21

Ilang Beses

"Rosie, intindihin mo na lang si Jacob." Sabi ni Maggie.

Tinitignan niya akong mabuti habang tinatali ang buhok sa harap ng salamin.

"Kailangan niyang mamulitika sa daddy ni Jasmine. Importante yun sa negosyo."

Padabog kong nilapag ang suklay at inayos naman ngayon ang mukha ko.

"Rosie!" Untag ni Maggie.

Suminghap ako at hinarap siya, "Alam ko. Kaya nga imbes na kaladkarin ko siya papunta dito, naghahanap na lang ako ng ibang mapaglilibangan, diba?"

Umiling siya, "Okay. Pero alam kong galit ka, buti pa sabihin mo kay Jacob-"

"Maggie, kung sasabihin ko kay Jacob, uuwi yun dito. Wala pa namang nangyayaring masama kaya hahayaan ko na lang siya. Ang importante ay wala akong ginagawang masama dito." Nagkibit-balikat ako.

Kinuha ko ang bag ko at umalis na lang. Walang Jacob na maghahatid sakin sa kung saan ako pupunta kaya nag commute ako. Bawat segundong nakasakay ako sa jeep, si Jacob ang iniisip ko. Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Nagiging paranoid lang ba ako dahil sa insecurities ko kay Jasmine? Tanungin ko kaya si Jasmine? Komprontahin ko kaya si Jasmine? Tanungin ko kaya si Jacob?

AHHHHHHHHHH!

Wala ako sa sariling dumating sa mall.

"ROSIE!" Sigaw ni Jamie at iba pang mga models.

"Akala ko di ka pupunta?" Tanong ng isa.

Pinilit kong ngumisi, "Ah. Bored kasi ako kaya eto, sumama."

Tumango sila.

Tinignan ko ang bawat isa sa kanila. Ganito pala sila manamit pag walang ramp. Magaganda pumili ng damit ang mga models. Si Jasmine kaya, ganito rin? AHHH!

Nadistract ang pag iisip ko nang nasulyapan ko ang mukha ni Brandon. Nakanga-nga siyang tinitignan ako head-to-foot.

"Bakit?" Sinimangutan ko siya.

"Su-Sumama ka?"

"Bakit? Ayaw mo? Alis na ako?"

"Hindi! Of course, gusto ko!" Umiling siya at ngumisi habang tinitignang mabuti ang mukha ko.

Nakita ko rin si Kira.

"Rosie! Akala ko talaga di ka sasama. Anyway, wala si Ms. Bubbles. Tsaka Sampu lang yata kayong sumama. Busy yung iba, eh. Alam mo na... Pag hindi ramp, hindi sumasama kasi wala namang pera sa lakad na ito. Libre lang." Tumawa si Kira at inayos ang buhok niya. "Kumain muna tayo!"

Sumunod ako sa kanila. Pumasok sila sa Italianni's.

"Hinay-hinay sa kain, ah? May ramp ulit this Saturday. Sa mall na ito."

Nanlaki ang mga mata ko, "Talaga?"

"Oo. Pero yung damit niyo lang sa Sortee ang susootin niyo. Ganun pa rin ang eksena."

"Pero-"

"HEP!" Pinutol ako ni Kira. "Don't tell me di ka sasama kasi uuwi yung boyfriend mo tuwing Sabado? Sumama ka nga ngayon, next Saturday pa! May bayad yan tsaka naka kontrata ka kaya sasama ka."

Bumuntong-hininga ako, "I know..."

Uuwi naman kaya si Jacob next Saturday? Paano kung hindi? Pag umuwi siya, ibig sabihin mababawasan ang time namin sa isa't-isa dahil may ramp ako. May pakealam pa ba siya kung mabawasan ang oras namin para sa isa't-isa? Gayung hindi nga siya umuwi ngayon para maka aattend sa isang birthday party? Baka naman hinihingi niya na ang kamay ni Jasmine doon sa Alegria?

OMG! Paano kung nabuntis niya si Jasmine?

Nabitiwan ko ang tinidor ko.

"Bakit, Rosie?" Tumaas ang kilay ni Jamie nang nakita ang nangyari.

"Ah... W-Wala." Umiling ako at dinampot ulit ang tinidor.

This is stupid. Seriously, I don't know what to do. Gusto kong magpakamature sa relasyon naming dalawa. Gusto ko siyang pakawalan para maging successful siya in the future. Gusto kong sabay kaming matuto ng mga bagay. Ngayon, bakit ganito na? Bakit ang sakit na? Bakit hindi ko kaya?

Tama ba ang magduda ako?

O dapat magtiwala na lang ako sa kanya?

Ang alam ko, mas mature yung magtiwala at intindihin siya.

"You okay?" Tanong ni Brandon sakin.

Hindi ko namalayang magkatabi pala kami ni Brandon. Tinanguan ko na lang siya.

"Parang hindi naman yata." Ngumuso siya.

Tinignan kong mabuti ang mukha niya, "No. I'm okay."

"May problema ba kayo ng boyfriend mo?"

"Wala." Simple kong sinabi.

"Kung ganun ba't ka andito? Sigurado akong hinding-hindi ka sasama ngayon pero nagbaka-sakali akong mapapadpad ka dito. And guess what, worth it ang pagbabakasakali ko kasi dumating ka."

Napalunok ako sa sinabi niya. Napatingin ako sa mga kasama naming busy sa tawanan. Mabuti na lang at binubulong ito ni Brandon sakin, hindi nila naririnig.

"At alam mo ba kung bakit nagawa kong magbakasakali ng ganito? Kasi alam ko, na sa oras na sumama ka... ibig sabihin, mas pinili mo ito kesa sa boyfriend mo. Pinili mo kami. Pinili mo ako."

Kumunot ang noo ko at uminom ng soft drinks.

"Not all the time, Brandon. Minsan... Hindi dahil pinili kong pumunta dito, kundi dahil wala akong mapagpipilian. Wala akong choice."

Napasinghap siya at napayuko.

Nabunutan agad ako ng tinik sa sinabi ko. Ang sama palang pakinggan ng sinabi ko lalo na sa part niya. Gusto ko sanang bawiin yun kaso ayokong umasa siyang magkakaroon kami ng kahit konting pagtitinginan. Dahil alam ko kung kanino lang ako magmamahal pero sa ngayon, hindi ako sigurado kung ganun din ba ang nararamdaman ni Jacob.

Tahimik si Brandon hanggang sa natapos kaming kumain.

"Oh my God!" Sigaw ng isang model.

Niyugyog niya ang braso ni Jamie at tinuro ang isang lalaking may kasamang babae. Sweet silang dalawa at parehong nakashades habang dumadaan sa Italianni's.

"Oh my God, Angela!"

Naglaglagan ang mga panga nila. Kumunot ang noo ko sa mga reaksyon nila. Tinignan ko si Brandon. Nakita kong natigilan siya habang tinitignan yung lalaki at babaeng dumadaan sa labas.

"Break na ba kayo, Gel?" Tanong ni Brandon kay Angela.

Umiling si Angela at agad kong nakita ang pagbuhos ng luha niya.

Dinaluhan agad siya nina Jamie at iba pang co-models namin.

"Oh my Gosh!"

Tensyonado ang table namin sa Italianni's. May umiiyak at walang umiimik.

"Sugurin mo!" Sabi ni Jamie.

Umiling si Angela habang pinupunasan ng tissue ang mukha niya, "Hindi ako ganung klaseng babae."

"Shet! Huling-huli siya sa aktong nakikipaglampungan sa ibang babae. My God!"

"A-Alam ko na eh. May feeling na ako." Humikbi si Angela.

Tinahan siya ng mga kasama namin.

"P-Pero hindi ako makapaniwala. Mahal na mahal niya ako..." Pumiyok ang boses niya. "Pero ngayon, eto."

"Ilang taon na kayong mag on?" Tanong ko.

Napatingin silang lahat sakin at silang lahat din ang sabay na sumagot.

"4 years."

Napalunok ako. Kalahati pa lang kami ni Jacob sa relasyon nina Angela. Mas matatag ang relasyon nila. Pero nagawa pa rin iyon ng lalaki. Paano kung isang araw makita ko si Jacob na may kasamang iba? OH MY GOD!

Naiiyak na rin ako habang tinitignan ang paghikbi ni Angela. Nag iwas ako ng tingin sa kanila. Uminom ako ng tubig at tumingin sa labas.

"Iyan kasi kayong mga lalaki, hindi nakokontento sa isa! Jusmiyo!" Sabi ni Kira. "Tahan na, Angela! Supalpalin mo nga yung mukha ni Isaac! Pagkatapos party tayo ngayong Sabado nang makalimutan siya? Okay!"

"Game!" Sigaw ni Jamie. "Sama tayong lahat ah? Pagkatapos ng ramp! Rosie?" Tumaas ang kilay ni Jamie sakin.

"Ha?"

Nilunok ko ang nagbabadyang mga luha para harapin si Jamie.

"Sama ka, ah? Ngayong Sabado?"

"Okay..."

"Good! Kumprontahin mo, Angela! Pagkatapos kalimutan mo."

"That's not easy, Jamie." Sabi ni Brandon. "Matagal na sila."

"Pero hindi imposible." Sabi ni Jamie.

"Oo. Pero magpapakatanga pa siya ng  let say, 8 years bago yun makalimutan. Doble pa sa relasyon nila."

Sinapak si Brandon ng isa pang model, "Kaya nga hahanap siya ng iba! Kaya nga mag paparty tayo next Saturday!"

"Well, kung makakahanap siya ng iba, madali." Sumulyap si Brandon sakin saka uminom ng tubig.

"Kayong mga lalaki talaga-"

"Oppps! Wa'g kaming igeneralize!" Sabi ng katabi ni Brandon.

"Oo nga. Not all. Tulad ko. I'm loyal as long as my girlfriend's loyal." Kinindatan ako ni Brandon.

"Paano ba kasi malalamang nagsisimula nang mangaliwa ang lalaki?" Tanong nung isang model na hinahaplos ang likod ni Angela.

"Hmmm. Pag bukambibig niya na syempre yung babae." Sabi ni Brandon.

Napasinghap ako. Jacob... bukambibig mo si Jasmine. Tama kaya itong sinasabi ni Brandon?

"Ha? Paano kung kaibigan lang pala niya yun? Tapos lagi lang nakakasama? Syempre magiging bukambibig niya yun, diba?" Tumaas ang kilay ni Jamie.

"Well, yeah. Pero eto... Pag ilang linggo niyang bukambibig tapos isang araw... boom! hindi niya na binabanggit."

"Ha? Paano nangyaring nangangaliwa siya kung ganun? Diba dapat maging masaya ka kasi di niya na binabanggit ang epal?"

"Nope!" Umiling si Brandon, "Hindi niya na binabanggit kasi may nangyayari na... Kasi nagui-guilty na siya tuwing maiisip niya ang ginagawa nila. Kaya titigilan niya ang pagbanggit sa babae. Iiwasan niya ang mga tanong mo tungkol sa kanya."

Tumango si Angela at mas lalong umiyak.

So... Ganun... May point si Brandon. Sa ngayon, wala pa binabanggit pa lang naman ni Jacob si Jasmine kaya dapat hindi muna ako mapapraning? O baka naman step closer na talaga ito sa pagchi-cheat ni Jacob?

OH MY GOD!

Wala ako sa sarili hanggang sa nakarating kami sa loob ng sine. Nakakatawa ang pinanood namin. Sequel ito ng isang animated film. Nagpasya silang ito ang panoorin kumpara dun sa gyerang may gwapong bida para matawa si Angela.

I'm not sure if it's effective. Kasi ako... kahit wala pa namang ginagawa si Jacob, hindi na ako natutuwa sa jokes dito. Sobrang paranoid ko lang ba o talagang dapat lang akong magkaganito?

"You even watching the movie?" Tanong ni Brandon sakin.

Magkatabi na naman pala kami. Hindi ko na talaga namamalayan ang nangyayari.

"Yep." Sabi ko.

"Bakit naiiyak ka eh sobrang nakakatawa?"

Napatingin ako sa kanya. Kanina pa ba niya ako pinagmamasdan? Seryoso ang mukha niya habang tinititigan ako. Kitang-kita ang repleksyon ng movie sa mga mata niya.

*KRRRIIIIING-KRIIIIINGGG*

Napatalon ako at agad kinuha ang cellphone ko sa bag ko.

"Wa'g mong sagutin-"

"Excuse me..." Tumayo ako at umalis sa sinehan para sagutin ang tawag ni Jacob.

Nagpunta ako sa CR saka sinagot ang pangatlong tawa ni Jacob.

"Hello."

"Rosie? Bakit natagalan ka sa pag sagot ng tawag ko?" Tanong niya.

"May ginagawa kasi ako." Simple kong sinabi.

"Anong ginagawa mo?"

WHAT THE FUDGE! Hindi ko ito naisip ah? Paano kung magtanong siya ng ganito? Ano ang sasagutin ko? Mag sinungaling o yung katotohanan ang isisiwalat ko?

"Uhm, nanonood ako ng sine kasama yung mga models."

"Ah. Uhmmm. Ba't di mo sinabi saking may lakad ka pala ngayon?"

"Uhm... Kasi busy ka. Ayokong makaistorbo. Alam mo na-"

"Kahit kailan, di ka magiging istorbo sakin, Rosie! Ikaw ang first priority ko."

Kung ganun, Jacob, bakit nandyan ka at nandito ako? Bakit di ka umuwi sakin? Bakit yan ang inuna mo?

"Kumusta yung birthday ng daddy ni Jasmine?" Iniba ko ang usapan.

"Mamaya pa yun. Namamasyal pa kami dito sa Kampo Juan."

Napalunok ako.

"Wow! Talaga? Pano sa farm niyo? Namasyal na ba kayo don?" Tanong ko.

Sarcasm na ito pero alam kong di niya yun mararamdaman.

"Oo. Nung isang araw. Napadaan nga kami sa kubo." Humalakhak siya.

Napalunok ako. Kung noon ay nakakatuwa pang marinig ang kubo, ngayon, parang nandidiri na ako. Paano ba kasi, iniisip kong silang dalawa na yung gumagawa ng milagro doon.

Napapikit ako sa sobrang sakit ng mga iniisip ko.

"Uhmm, Jacob... Sige na... Nasa gitna kasi kami ng panonood eh. Ingat ka diyan. Ibababa ko na."

"Ha? Ah. Okay. Sige... Ingat ka rin. I love you..."

"I love you, too."

Pinutol ko at pinikit ang mga mata. Hindi niya pa naman iniiwasan ang topic na Jasmine pero kinukurot na ng sobra ang puso ko.

Hindi ko mapigilan ang luha ko... Parang waterfalls na tumutulo ng kusa.

He's drifting away. Ilang beses ko bang mararamdaman ito sa buong buhay ko? Ilang beses ba akong magbabakasakali para saming dalawa?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top