Kabanata 16
Kabanata 16
Malabong Mangyari
Mahaba at mabagal ang panahon. Bawat minuto ay ramdam na ramdam ko. Lagi akong nakaabang sa cellphone ko o sa relo ko. Lagi kong tinitignan kung may text ba si Jacob o malapit na bang matapos ang araw para makapagvideo-call na kami.
May mga araw na pagod si Jacob pero nagsisikap parin siyang pasayahin ako. May mga araw namang ramdam na ramdam ko ang pangungulila nila.
"Kanina ko pa hinihintay na sagutin mo texts ko." Lagi niyang sinasabi. "Miss na miss na kita, Rosie... Sana nandyan ako. O sana nandito ka..."
Kinukurot ang puso ko tuwing naririnig ko siyang nagrereklamo. Sinasabi ko rin sa kanyang na mi-miss ko na siya pero ayokong iparamdam sa kanya na sobra-sobra ang pangungulila ko sa kanya dahil baka magbago na naman ang isip niya at bumalik pa dito.
"Hello, Rosie?" Nabigla ako sa tawag ni Kira.
Biyernes nang gabi at nandito ako kina Jacob. Sa wakas! Makakauwi na rin siya pagkatapos ng isang linggo sa Alegria. Dami kong gustong itanong sa kanya. Nag uusap naman kami gabi-gabi pero iba pa rin yung sa personal.
Naka alarm na ang orasan ko ng 6AM. Yun kasi ang expected time of arrival nila. Alas nuebe silang bumyahe kaya mukhang darating sila sa oras na yun. Kailangang gising ako para agad kong maaninaw ang mukha niya.
"Yes? Good evening, Kira! Napatawag ka?" Tanong ko.
"May bagong collection si Ms. Bubbles. Sa Sunday night ang ramp. No rehearsal kasi sa Sortee natin gagawin."
"Ha? Sortee? Yung isla? Bakit?"
"Yun kasi yung theme, 'Summer Night'"
Paano naging Summer ngayon eh July na?
"Sunday night?" Nag isip ako.
Wala na si Jacob sa oras na yan. Uuwi siguro siya Sunday morning para nasa Alegria na siya sa gabi.
"Summer night? Tapos anong sosootin? Kailan ang alis?"
"Gowns din, ano ka ba! Uhm... 6PM yung ramp. By 9PM siguro nakaalis na tayong Sortee. 3PM naman tayo aalis ng Maynila. Wa'g kang mag-alala, kalahating oras lang ang byahe, may private plane na gagamitin para sa inyong mga models."
Kinagat ko ang labi ko.
Ayokong sumama. Alam kong mas maganda ito kasi gowns na naman. Hindi aangal si Jacob. Pero gustong-gusto ko nang iwasan si Brandon as much as possible.
Mukhang alam yata ni Kira ang iniisip ko kaya agad siyang sumingit.
"Hindi pwedeng hindi, Rosie. You are still under the contract!"
Napasinghap ako, "O-Oo. I know."
"Ano ba talagang ayaw mo? Alam mo bang finale ka na naman kasi ang ganda ng feedbacks sayo? Bakit wala kang kaamor-amor sa ginagawa mo?"
"Hindi naman sa ganun-"
"Ah basta! Be there, okay? Sige na... Tatawagan ko pa ang iba. Bye-bye!"
"Yep. Bye!"
Binaba ko na. Nakatulog na lang ako sa pag-iisip sa ramp modeling na iyon. Siguro ganun na rin ang gagawin ko, ang iwasan si Brandon. Ganun naman palagi. Pero minsan napaka annoying niya na hindi ko kayang di siya pansinin at pahiyain.
*TINGTINGTINGTINGTING!*
Nagulat ako sa tunog ng alarm. Tumayo agad ako sa kama at inayos ang white spagetti strap at white shorts na soot ko. Sinuklay ko ang magulong buhok ko para maging presentable sa pagdating ni Jacob. Nag toothbrush rin ako dahil lagi niya akong binabantaang hahalikan niya agad ako pag nagkita ulit kami. Umiinom ako ng tubig sa banyo niya at lalabas na sana ng kwarto nang narinig kong bumukas ang pintuan.
Napatakbo agad ako palabas ng banyo. Nakita ko si Jacob na nakangisi at naghihintay ng yakap.
Napatili ako at napatalon sa braso niya. Tumawa siya at hinalikan agad ako ng maiinit na halik. Gosh! Buti na lang talaga nag toothbrush muna ako.
Dahan-dahan niyang sinarado ang pintuan habang hinahalikan ako. Yung isang kamay niya nakahawak sa legs ko. Yun lang talaga ang naka support para mabuhat niya ako. Yung isang kamay niya kasi nakahawak na sa strap ng spagetti top ko.
"Sana di ka na nag-abalang magsoot ng damit, Rosie." Bulong niya sa tainga ko bago sabik na hinubad ang soot ko.
Nilapag niya agad ako sa kama. Tumindig ang balahibo ko nang nakita kong mabilis niyang tinanggal ang t-shirt niya. Nag enjoy pa ako habang tinitingala ang sparkling abs niyang nag fi-flex sa paghubad niya ng t-shirt. Ang swerte ko talaga!
Wala akong ibang naisip kundi sana laging ganito tuwing umuuwi siya dito. Di bale nang tulog siya pagkatapos ng nangyari... Gusto kong lagi siyang sabik sakin.
HInalikan ko ang noo niya at nilagyan ng kumot. Pagod ito sa byahe. Alam ko na! Ipagluto ko kaya ito ng almusal? May cook din sila dito pero mas maganda sana kung ako yung magluto ng almusal. Alam kong disaster akong magluto kaya magpapatulong na lang ako sa cook. Siguro okay na yung bacon. Alam kong madali lang yung lutuin, di kailangan ng effort, pero for starters yun muna.
"Okay na yan, Rosie." Sabi ng cook nila sakin habang nilalagay ko sa plato yung nalutong bacon at hotdog.
"Hindi ba ito sunog or something?" Tumaas ang kilay ko.
"Hindi. Tama lang yan. Pero itong isang ito, sunog." Sabay turo niya sa isang hotdog.
Tumango ako at inalis yung hotdog na yun.
"ROSIEEE?" Sigaw ni Jacob galing sa kwarto namin.
"Jacooob?" Sigaw ko naman dito sa kitchen.
Gising na pala siya.
"Nasan ka? Ba't iniwan mo ako?" Kumunot ang noo niya nang nakita ako sa dining table na nilalapag ang almusal namin.
Niyakap niya ako galing sa likuran.
"Hindi mo ako pwedeng iwan nang di ko sinasabi." Bulong niya sa tainga ko.
"Jacob, nagluto lang naman ako ng almusal natin. Gutom ka na ba? Lika! Kumain na tayo!"
"Talaga? Nagluto ka!?" Tinignan niyang mabuti ang niluto ko.
Nanliit pa ang mga mata niya sa pagtitig. Sinapak ko na.
"Kainis ka! Minamaliit mo ba ako?" Tumawa ako.
"Hindi noh! Ngayon ko lang narinig na nagluto ka eh!" Tumawa din siya.
"Syempre! Para sayo!!! Miss na miss na kita! First time yan ah?"
Hinalikan niya ang pisngi ko.
"Bait talaga ng asawa ko! Kahit mas madalas masungit at maarte, mahal ko parin!"
Sinapak ko ulit.
"Kainis ka!" Umirap ako.
Tumawa siya at umupo na. "Ayan, kakain na ako ah! Ginutom mo ako tsaka pinagod kaya nakatulog ulit ako."
Uminit ang pisngi ko at napatingin sa paalis nang cook nila.
"Jacob!" Umiling ako.
Kumakain na kasi ang kumag.
"Masarap ba?" Tanong ko.
First time ko namang kabahan kung masarap ba ang niluluto ko. Syempre kasi first time ko ring magluto para sa kanya.
"Mas masarap ka." Ngumisi siya.
Ayan na naman ang mga titig niya. Yung tipong alam mo kung saan patungo. Hay naku, my Jacob!
"Kumain ka na nga lang!"
Humalakhak siya at nagpatuloy sa pagkain.
"Gutom na gutom ka? Hindi ka ba kumain buong byahe?" Tanong ko.
"Hmmm. Kumain. May dala akong pagkain. Yung pinadala ni Jasmine."
Nalaglag ang panga ko. Hindi niya naman iyon napansin kasi panay ang kain niya ng almusal.
"Uhmm... Pinagluto ka niya?" Napalunok ako.
Uminom siya ng tubig bago ako sinagot, "Di ko alam. Binigay niya lang eh. Di ko tinanong kung sinong nagluto. Hindi rin naman yata niya nabanggit."
Tumango ako, "Hindi ba siya uuwi ng Manila?"
"Di eh. Model din pala siya. Akala ko sa school kayo nagkakilala."
"Oo. Uhm... Hindi kita naipakilala sa kanya noon. Isa siya sa finale nung first gig. Hindi mo ba siya napansin sa rehearsal?" Tumaas ang kilay ko.
"Hindi, eh. Alam mo namang ikaw lang ang inaabangan ko."
Pag ngayon kaya may modeling kami at kasali si Jasmine, aabangan niya rin kaya si Jasmine? Tumatabang na ang pag-iisip ko pero I need to keep this to myself. Pag nalaman niyang ganito ako makapag isip ngayon, baka mas lalo siyang magbantang umuwi na dito sa Manila.
"Kumusta kayo dun?"
Sumubo ako ng kanin para magmukhang kaswal na mga tanong ang itatanong ko sa kanya...
"Hindi ba kayo nag aaway or something sa negosyo?" Sinulyapan ko siya.
Nakatingin lang siya sa kinakain niya habang sinasagot ako.
"Hindi naman. Magkasundo nga kami eh." Tinignan niya ako. "Maganda yung ideas niya. Halos magkapareho kami ng ideas. Tsaka... dami kong natututunan sa kanya."
Ok. Baka naman guni-guni ko lang ang nararamdaman ko? Baka naman OA lang ito kaya di ko na lang papansinin. Negosyo ang inaatupag nila kaya hahayaan ko na lang.
"Araw-araw ba kayong nagkikita?"
Tinignan niya akong mabuti, "Oo. Kailangan eh. Trabaho." Nanliit ang mga mata niya. "Nagseselos ka ba sa kanya?"
"Hindi ah! Tinatanong ko lang naman kasi syempre gusto kong malaman ang ginagawa mo doon."
Tumango siya pero may bahid na pagdududa parin sa mga mata niya, "Alam mo, Rosie... Useless ang pagseseslos mo. Kahit masaya akong nagseselos ka rin pala... ayoko namang patagalin yan at baka iwan mo ako dahil lang sa selos na yan kaya tigilan mo-"
"Hindi ako nagseselos, Jacob. I just want to know... Ano ka ba!"
Napabuntong-hininga ako.
"Okay! Basta ah? Ayaw ko nang isang araw makikipagbreak ka na lang sakin dahil sa selos-"
"Hindi nga mangyayari yun. Uhmm. Tapos, ano pang ginagawa mo sa Alegria bukod sa pagtatrabaho?" Changing topic.
"Hmmm. Iniisip ka, syempre... Tsaka kahapon nga pala pumunta kami ng Alp para makapag outing naman yung mga empleyado... Yun din yung welcome party nila sakin."
Tumango ako.
Kasama niya rin si Jasmine doon. Hmmm. Hindi ko na lang muna iisipin. Malabong mangyari ang mga pangamba ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top