Kabanata 65
Kabanata 65
Celebrate
Nabigla ako nang nakita kong nandoon din sina Leo, Teddy, Louie at Ron sa sumunod na araw.
Ang lalaki nang ngiti nila nang nakita akong palabas ng kwarto ni Jacob. Maagang maaga pa kasi kaya siguro akala nila dito ako natulog.
Umiling ako, "Naliligo pa si Jacob."
Mas lalong lumaki ang ngisi nila. Nagsisikuhan pa ang mga ito habang naka upo sa sofa nina Jacob.
"Di ako dito natulog ah?! Maaga lang akong pumunta dito." Sabi ko kahit na umiinit ang pisngi.
Sorry na. Sobrang tindi lang talaga ng epekto ni Jacob sakin kaya minsan nawawala ako sa sarili ko.
"Okay. Defensive masyado." Sabi ni Leo at ngumisi na naman.
Uupo na sana ako sa tabi nila pero pinigilan ako ni Ron.
"Rosie, sa harap ka na lang. Basta lumayo ka ng konti." Aniya.
Pumula ang pisngi niya at di makatingin sakin. Nakita kong umiling si Teddy.
"Rosie, masaya kami na kayo parin talaga ni Jacob hanggang ngayon kahit ang dami ng nangyari."
Ngumisi ako at tinignan ang mga mukha nila, isa-isa.
"Alam mo bang nasuntok kaming lahat ni Jacob nung wala ka?"
"Huh?"
"Oo." Sabi ni Leo. "Yung lokong yun! Konting asar lang nagwawala na eh nung bumalik kang Maynila? Grabe. Tatlong beses niya akong nasuntok noon." Umiling siya.
"Sorry, Rosie pero tingin talaga namin noon, wala na siyang pag-asang makuha ka ulit. Ang sama rin kasi ng ginawa niyang pagtataboy. Nasaktan siya dahil pinsan niya si Callix. Nasaktan din siya nang narinig ang mommy mong interesado siya sa pera nina Jacob kaya kinumbinsi namin siyang wa'g na siyang mangarap na magiging kayo pa." Napalunok si Teddy. "Sorry, Rosie. Alam naming hindi ka ganun. Pero yun talaga ang tingin namin sa mga panahong yun. Pinagsusuntok niya kaming lahat." Sabay turo kay Ron. "Lalo na si Ron. Tapos si Leo."
"Buti na lang talaga at kayo ulit ngayon. Baka hanggang ngayon ay wasak pa yang si Jacob. Halos mamatay yan sa kakainom noon." Sabi ni Louie.
Napalunok ako sa mga sinabi nila. Naiisip ko yung pag iyak ni Jacob sa labas ng bahay habang lasing siya. Umuulan noon at halos magmakaawa na siya sakin matanggap ko lang ulit siya. Sumakit ang dibdib ko. Hindi ko na maintindihan kung bakit hindi ko siya agad tinanggap. Nabulag ako sa galit ko. Pero mabuti na rin yun para ma-prove ko na talagang deserving siya sa chance na ibibigay ko.
"Rosie!" Tawag ng nakasimangot na Jacob sa taas.
Bumaba siya sa stairs nang nakita akong naka upo sa sala nila kasama ang mga kabanda.
"Jacob, tayo na?" Sigaw ni Leo.
Nakipag-apir siya sa kanilang apat. Sarap tignan na loyal yung mga kaibigan niya. Kahit na ang sama pala ng ugali ni Jacob nung wala ako, nandyan parin sila. Lumaki talaga si Jacob na mahal na mahal siya ng mga taong nakapaligid sa kanya. Lumaki ako na wala masyadong kaibigan, siguro hindi nila masyadong nagugustuhan ang ugali ko. Pero ngayong nandito na si Jacob, hindi ako makapaniwalang may magmamahal sakin ng sobra. Sa katauhan niya pa.
Tinalikuran sila ni Jacob para humarap sakin. Nakakunot ang noo niya.
"Akala ko saan ka na nagpupupunta. Hmmp!" Kinuha niya ang kamay ko at humarap sa nakangising kabanda niya. "Tara!"
Sinalubong kami ng hiyawan sa school nila. Kahit hindi na nag-aaral ang batchmates namin sa school na yun, sikat na sikat parin sila. Naghihintay sina Eunice at iba pang kaklase namin noon.
Sabi ni Leo, nakiusap daw si Eunice sa principal kung pwede bang hiramin ang covered court para makapagreunion kami. Hindi pumayag yung principal dahil labag daw yun sa mga 'puclic schools' kaya binayaran niya na lang. Oo, mag ho-homecoming daw kami ngayon. Sa isang community college daw nag aral si Eunice, sa kabilang mas maunlad na bayan.
Kahit na di naman dapat ako kasali dito (kasi di ako gumraduate dito), dahil kay Jacob, walang imik yung mga gustong mag protesta.
Tumayo silang lahat nang naaninaw ang buong banda. Sa hulihan, naghoholding hands kami ni Jacob. Sabay-sabay ang paglaglag ng panga nilang lahat nang nakita kami ni Jacob.
"Rosieee?" Sabi nung isang kaklase ko.
Nagbulung-bulungan silang lahat. Sumimangot si Eunice nang nakita ako pero nagkibit-balikat na lang siya.
"I saw this coming." Aniya at sumulyap kay Leo.
Hindi mapawi ang bulung-bulungan. Pinalibutan ako ng mga kaklaseng babae at lalaki para tignan akong mabuti. Nakalaglag parin ang panga nila nang nilapitan ako.
"Lanya! Sobrang ganda mo na! Sobra na talaga!" Sabi nung isang kaklase ko noon. "Sayang at nagkabalikan kayo!"
Tinitigan siya ni Jacob at hinila niya ako palayo sa kanila.
"Halikan mo ako, Rosie at baka masuntok ko sila, isa-isa." Bulong niya.
Tumawa ako sa sinabi niya. Sumimangot naman siya.
"Ganda niya ba kamo? Sayang kasi nagkabalikan kami? Pagsusuntukin ko kayo-" Tinakpan ko ang bibig niya.
Kahiya talaga 'tong si Jacob. Sumimangot pa siya lalo. Hindi niya man lang tinitignan ang mga bumabati sa kanya. May isa pang nagbigay ng regalo.
"Jacob, gusto ko ako ang maunang magbigay ng regalo sayo. Eto oh." Pulang pula ang pisngi ng batchmate naming iyon habang binibigay ang regalo niya.
"Thanks!" Kinuha ni Jacob at binigay sakin.
Hindi niya na ulit tinignan ang ibang tao. Buong atensyon niya nasa akin lang. Ang sama-sama naman ng lalaking ito. Noon, ang bait niya. Binibigyan niya naman ng atensyon ang mga tao, lalo na ang mga babaeng gustong makipagkaibigan sa kanya.
Tumili yung iba habang tinitignan siyang humahakbang papuntang first row ng mga upuan.
"Gwapo mo talaga Jacob! I love you talaga!" Sigaw ng tatlong babae.
Alam ko. Maging sa Maynila ay pinagkakaguluhan siya kaya di ko talaga masisisi ang mga taga Alegria.
"Mahal na mahal kita Jacob!" Sigaw nung isa.
Umiling ako habang tinitignan siyang nakatingin sakin.
"Hindi mo ba sila naririnig? Ang daming may gusto sayo oh? Sa Maynila hanggang Alegria, ang haba ng buhok mo huh?" Tawa ko.
Sumimangot siya, "Asan?" Sabay tingin niya sa paligid.
Mas lalong tumili ang mga babae. Nakita ko ngang umiling si Leo. Halos sambahin kasi si Jacob dito. Alam kong may mga nagkakagusto rin kina Leo pero iba talaga ang dating ni Jacob sa kanila. Maging sakin. Kaya di ko sila masisisi.
"Di ako makapagconcentrate. Yung iniisip ko na naman ngayon ay ikaw, ako, atsaka yung kama."
Binatukan ko na habang tumatawa siya.
"Jacob! Sht ka naman! Nasa gitna tayo ng homecoming niyo! Birthday mo bukas! Ano ba yang pinag iisip mo at pinagsasabi mo? Kainis ka talaga!" Uminit ang pisngi ko.
Pinulupot niya ulit yung braso niya sa baywang ko at inilapit yung mukha niya sa leeg ko. Sht! Tumindig ang balahibo ko. Natahimik lahat sa ginawa niya.
Tapos nag sigawan nang nakarecover. Oh my god! Masyado talaga siyang PDA! Kaloka!
"Hindi na kahoy yung bubuhatin ko ng nakahubad, Rosie. Ikaw na!" Tumawa siya at iniwan ako sa upuan na nasa harapan nang tinawag na sila ni Eunice sa stage.
"Hello, Alegria!" Sigaw niya nang umakyat na siya.
Naghiyawan ang mga tao. Ako naman dito nagmumura habang inaayos ang sarili sa pag upo. Sht! Jacob! Uwi na tayo! Dun na lang tao sa kama? Oh my godness!
"Namiss niyo ba kami?" Sigaw niya.
"OOOOOOO!" Grabe, halos mabingi ako sa sagot nila.
"Namiss rin namin kayo!" Sabi ni Jacob sa kanila. "Pinangako ko sa sarili ko na hindi ako babalik kung di ko siya kasama kaya ngayon lang ulit ako nakabalik. Kasi sa wakas, kasama ko na siya." Nakatingin siya sakin the whole time na sinabi niya yun.
Dinumog na naman ako ng batchmates namin. Todo na lang ang ngiti ko habang nginingitian nila ako. I swear may umiyak pa doon.
Syempre, nakita nilang lumaki si Jacob. Akala nila ay isa sa kanila ang magugustuhan niya pero mali kasi nung dumating akong bigla, sakin siya agad nahulog. Masakit siguro yung naramdaman ni April. Sa kanilang lahat, si April ang pinakaclose sa kay Jacob. Umasa siyang sa kanya mahuhulog si Jacob dahil ang bait-bait ni Jacob sa kanya, pero nang dumating ako, biglang nawala si Jacob sa kanilang lahat. Buong atensyon niya, nakabuhos sakin. Kaya maiintindihan ko kung hindi nila yun matanggap ng tuluyan. Dumating lang kasi ako para kunin si Jacob sa kanilang lahat.
"Rosie, buti naging kayo na ulit. Hindi mo nakita si Jacob nung 2nd term na umalis ka na." Umiling sila.
Lumapit din si Eunice sakin at ngumiti.
"Jacob is back." Sabi niya. "As in... really back."
Tumango ang mga babaeng nakatingin sakin.
Nasaan kaya si April?
"Kakanta kami, okay lang ba sa inyo? Tagal ko na kasing di nakakakanta dito!" Sabi ni Jacob.
Ngumiti siya at kinindatan ako. Naghiyawan ang lahat.
"Ilan ang gusto niyo?" Tanong niya sa mga tao habang inaayos nina Leo ang mga instruments nila.
"SAMPUUUU! LAHAATTTT!" Iba iba ang sigaw ng mga tao.
"Hmmm..." Sumimangot si Jacob. "Tatlo lang? Bibilisan ko ah? Di na kasi ako makapaghintay na tumabi ulit sa kanya. Baka mabaliw ako pag natagalan ako dito." Humalakhak siya.
Halos marinig ko ang pagbuntong-hininga nilang lahat. Sayang talaga si Jacob! Sobrang in love na kay Rosie! Shettttt!
Shet ang swerte ko!
Kinanta ni Jacob ang mga paborito ko. Chasing Cars. Look After You. Whatever it Takes.
Tulad ng sabi niya, tatlo lang talaga ang kinanta nila.
"Jacobbb! Mag artista kaaa!" Sigaw ng marami.
Tumawa na lang si Jacob at tinignan ulit ako.
"Ewan ko, gusto ko lang maging ama ng mga anak namin eh." Sabay turo sakin.
"OMG YOU'RE PREGNANT?" Sigaw ni Eunice.
Ayun! Dinumog na naman ako ng mga tao. May iilan na talaga akong nakitang umiyak. Walang hiyang Jacob talaga! Tumatawa lang siya sa stage habang tinitignan silang nagtatanong sakin (at hindi na niniwala sa sagot ko).
"Hindi ako buntis." Sabi ko ng pang isang milyong beses sa ika isang milyong nagtanong sakin.
"Hindi po siya buntis, sorry Rosie. Baka mamaya iwan mo ulit ako."
Umiling ako habang tinitignang tumatawa siya. Crazy boy!
"Gusto ko lang samantalahin ang pagkakataong ito para sabihin sa inyo na mahal na mahal ko si Rosie, hindi na mababawi. Sobrang hulog na ang loob ko sa kanya. Sana wala nang humadlang saming dalawa tulad nang paghadlang samin last year. Gusto kong malaman niyo na hinding hindi ko siya susukuan kaya useless yung paghadlang niyo samin. Kung ayaw niyo sa kanya, wala akong pakealam kasi mahal na mahal ko siya. At kung huhusgahan niyo siya, ako ang babanggain niyo."
Hindi ako makahinga habang sinasabi niya yun. Tulala lang ako sa mukha niya. Seryosong seryoso kasi siya at tinitignan isa-isa ang batchmates namin.
"Sorry kung may nasaktan ako sa inyo last year. Sorry sa inasal ko. Sana makita ninyo na I'm a better person when I'm with her." Ngumiti siya. "Birthday ko na ulit bukas. You are all invited! Kita lang po tayo sa bahay namin. At sana humingi kayo ng kapatawaran kay Rosie dahil alam kong hindi lang ako ang nagkasala sa kanya, last year. Tayong lahat. Kasi hinusgahan natin siya sa video na yun. Salamat."
Alam ko kahit binabalewala ko lang kanina. May mga humihingi na ng tawad (example si Eunice) bago pa nagsimulang mag salita si Jacob sa harapan.
"I'm sorry, Rosie!" Sabay yakap sakin ni Eunice. "Tanggap ko na ikaw na!" Tumawa siya.
Marami ding yumakap sakin. Lalaki. Babae. I'm sure nagsisisi na naman ang kumag na yun habang tinitignan akong niyayakap kahit nino. Pero bahala siya. Hanggang simangot lang naman ang kaya niyang gawin eh pagdating sakin. Yinakap ko na rin sila pabalik. I miss Alegria!
Gosh! Umaapaw na yung luha ko dahil sa yakap nila.
Nang kumalas ako sa huling yunakap, hinila ako ng nakasimangot na Jacob at yinakap niya ako. Mukhang di niya na yata ako bibitiwan.
"Humingi ng tawad, hindi yumakap. Kainis!" Bulong niya sa tenga ko.
Hinarap niya ako at pinunasan ang luha.
"Si April?!" Narinig kong bulong ng mga nakapaligid samin.
Nag give-way sila sa nakangangang si April. Nakadress siya at nanlaki ang mga mata niya nang nakita niya kami ni Jacob.
"Sorry Jacob!" Tumakbo siya at niyakap si Jacob.
Napasinghap ako. Sakit rin pala no pag may yumakap sa kanya ng ganun? Siguro ganitong scene ang naabutan ni Callix sa bahay nina Jacob. Hinayaan ko na lang. Gayung nakatitig ang mga mata ni Jacob sakin. Namutla siya at nagmukhang balisa.
"April, kay Rosie ka dapat magsorry. Sa kanya ka nagkasala." Sabi ni Jacob.
Kinalas ni Jacob ang yakap ni April. Humarap si April sakin. Umiiyak parin siya.
"Sorry, Rosie." Aniya. Di niya ako niyakap. "Hindi ko alam kung paano ka harapin. Sorry talaga. Sorry sa video. Dahil doon nagkahiwalay kayo-"
"Okay lang, April. Wala akong pinagsisisihan. Yung video na yun ang nagpatunay sakin kung gaano ako kamahal ni Jacob kaya salamat na rin doon."
Napalunok siya sa sinabi ko.
"Really... Okay lang lahat." Sabi ko.
Pinulupot ni Jacob ang braso niya sa baywang ko.
Tinignan ko ang tiyan ni April. Hindi pa naman ganun ka laki pero alam mo talagang may dinadala siya. Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwalang buntis nga siya. Ang bait niya nung una kaming nagkakilala. I mean, parang di makabasag pinggan. Paano nangyaring ganun?
"Sinong ama ng dinadala mo, April?" Tanong ko.
Napatingin lahat sa kay April dahil sa tanong ko.
Suminghap siya at magsasalita na sana pero...
"Suuus! Sasabihin niya na naman na si Jacob para masira ulit sila ni Rosie!" Sigaw ni Eunice kung saan.
Umiling si April at umiyak ulit.
"Eunice, tama na yan." Sabi ko.
Napatingin ako kay Jacob. For the first time in history, hindi niya pinagtanggol si April. Seryoso ang mukha niya nang nagkatitigan kami.
"Si... Randy..."
"Sabi na nga ba..." Sabi nung nasa likuran namin ni Jacob.
Lalong umiyak si April.
Sinong Randy?
"Yung anak na baliw ni Aleng Doleng?" May narinig ako. "Kaya nga eh. Lagi silang magkasama eh. Naku!"
Unti-unti kong naaalala yung mga bilin ni mama sakin noon dito sa Alegria. May sinabi nga siya saking wa'g daw makipagkaibigan yata sa anak ni Aling Doleng.
"Sorry talaga. Rosie, Jacob." Aniya at umiyak pa lalo.
Umiling na lang ako. Nang bumalik na ulit kami sa bahay nina Jacob...
"Ba't di mo pinagtanggol?" Bulong ko.
"Rosie, mahirap magpatawad basta tungkol sating dalawa, tungkol sayo. Matatagalan pa bago ako magpatawad pero hindi ako sigurado kung makakalimutan ko ba yun." Aniya.
"Hindi niya naman kasalanan. May gusto siya sayo kaya siniraan niya ako. Ganun yun. Tapos naniwala ka pa."
Sumimangot siya, "Wala akong pakealam kung anong rason. Kaya nga iniingatan kita ngayon para mapatawad ko na ang sarili ko diba? At mahal na mahal kita."
Pinaglaruan niya ang buhok ko habang nag iisip ako sa kawawang April na yun. Hindi rin ako makapaniwalang maayos na ang lahat sa Alegria. Although, hindi ako sigurado kung maayos ba sa Maynila at hindi ko parin nasasabi kina mama at papa ang pagbabalikan namin ni Jacob, kontento na ako sa buhay namin sa ngayon.
Mag-aaral ako. Yun dapat ang unahin pero pwede ko namang pagsabayin ang pag aaral at si Jacob, diba? At di naman ako kailangang mangamba ngayong alam kong mahal na mahal ako ni Jacob. Alam kong maiintindihan niya yun. Masaya ako dahil kahit uhaw siyang pakasalan ako, kaya niya paring respetuhin ang desisyon kong mag aral muna. Kaya niyang maghintay.
"Hindi mo naman kailangang mag aral pa. Ako, mag aaral lang ako para makasama kita araw-araw." Yun ang laging linya na pagnahihirapan ako sa school.
Umiiling na lang ako. Alam ko. Dahil sa yaman nila, kahit isang dosena pa ang anak namin, kaya niyang buhayin yun. Pero gusto kong iprove sa lahat na kaya ko ring tumayo sa sarili ko. Na hindi ko siya pinaibig para lang sa yaman nila (tulad ng akala ng marami).
Ang daming masasamang nangyari samin ni Jacob, pero worth it naman sa mga masasaya. That's whats going to happen kung magbakasakali ka... pwede kang mabigo, pero bakit marami paring nagbabakasakali? Kasi worth it pag sumaya ka. Kahit ilang beses kang mabigo, kung sasaya ka naman sa huli, hindi mo na yun iindahin. Kaya maraming sumusugal. Kaya maraming nagbabakasakali.
"Rosie..." Bulong ni Jacob sa tenga ko habang sinasarado ang pintuan ng kwarto niya.
"Jacob, manood tayo ng movie? O di kaya mamasyal sa Kampo Juan? Laki na siguro ng improvement nun ano?" Sabi ko.
"Hmmm..." Hinila niya ako sa kama niya.
Umupo siya sa edge dun at pinaupo niya ako sa lap niya.
"Jacob!" Sigaw ko. "Hmmm?" Itinuro ko yung guitar niya. "Kantahan mo na lang ako sa Kampo Juan. Parang hinaharana? Sige na..." Sabi ko para idistract siya. "Diba yun ang hilig mo?"
"Ewan ko... Rosie... Parang iba na ang hilig ko eh..." Bulong niya.
Tumindig na naman ang balahibo ko. Ewan ko na talaga kay Jacob! Ang landi landi nito.
"Jacob!" Sabay pigil ko sa kamay niyang gumagapang na sa dibdib ko.
"Rosie, alam mo ba anong araw ngayon?" Bulong niya sa tenga ko.
"Oo! Bukas birthday mo na. October 17 ngayon, October 18 bukas, birthday mo."
"Hindi. Anniversary 'to sa nangyari dun sa kubo." Ngumisi siya. Naramdaman ko yun sa labi niya sa tenga ko.
Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Grabe si Jacob kung maka take note ng mga araw eh.
"Tapos?" Napalunok ako.
"Celebrate naman tayo." Tuluyan ng gumapang ang kamay niya sa dibdib ko.
"Halos araw-araw ka namang nagcecelebrate!" Sabi ko.
Ngumiti ulit siya. "Kasi araw-araw karing akin. Dapat icelebrate din yun."
Hinuli niya ang labi ko para mahalikan na ako. Mababaliw na yata ako kay Jacob. Sige. Gusto ko ring makita ang sparkling abs niyang basa sa sparkling sweat. Pero ang totoo, ang hirap niyang pigilan minsan. Errr.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top