Kabanata 61

Edit: Some parts maybe SPG:Sexwal. haha

-------------


Kabanata 61

Sorry

Natulog si Jacob sa sofa. 3:00AM nung lumipat siya dun. Kinaumagahan...

"Rosie? Kakain na!" Tawag ni Maggie.

Bumangon ako at inayos ang sarili sa harap ng salamin. Mukhang mas pula ang labi ko ngayon ah? Di kaya dahil to sa kakahalik ni Jacob sakin? Uminit ang pisngi ko habang iniisip yung nangyari.

"Oo. Eto na..."

Nagkatinginan kami ni Jacob pagkalabas ko ng kwarto. Ngumiti siya at sinalubong ako ng yakap.

"Ehmmmm..." Ngumisi si Maggie habang tinitignan kami. "Kain na tayo." Aniya.

Sa hapagkainan, hindi ako sigurado kung sadyang tahimik lang o awkward lang dahil may ginawa kaming milagro ni Jacob kagabi at pakiramdam ko ay may alam si James at Maggie.

"Nakatulog kaba ng maayos kagabi, Jacob?" Tanong ni James.

Napatingin kaming tatlo kay James.

"O-Oo naman." Sagot ni Jacob.

"Ako kasi hindi."

Pareho kaming natigilan ni Jacob. Halos lumuha na ako sa kaba dahil sa sinabi ni James.

"I mean... nung una akong natulog sa sofa nila noon, di ako nakatulog ng maayos. Buti na lang sa kama na ako nakakatulog ngayon. Hehe."

TALAGA? Really? Napabuntong-hininga kaming pareho ni Jacob.

"Anong problema niyong dalawa? Halos di kayo makahinga kanina ah?" Tanong ni Maggie. Tumaas ang kilay niya.

"Wala n-naman." Sagot ko at nagpatuloy kami sa pagkain.

Lumipas ang dalawang linggo na ganun parin ang tratuhan namin ni Jacob sa school.

Binibigyan niya ako ng flowers. Pero syempre, palihim lang yun. Hindi parin kasi sila nag uusap ni Callix. Kailangan pa ng time.

Sa binigay niyang flowers sakin sa araw na 'to, may note:

Rosie, punta ka mamaya sa gig namin oh, please? Lagi ka na lang wala eh.

Napangiti ako. Hindi ako pumupunta tuwing tumutugtog sila doon sa grill o sa isang bar/cafe dahil alam kong nandoon palagi sina Grace, Belle at JACOB-Fans club kung nasaan sila.

Tinext ko siya:

Ayoko. :P

Jacob:

Hmp! Palagi na lang!

Tuwing may gig sila, sa bahay siya umuuwi. Kaya ini-expect kong pupunta siya mamaya.

"Karl..."

"Hmmm?"

"Punta tayo mamaya sa gig ni Jacob?" Tanong ko.

Naisip ko kasing sorpresahin siya mamaya. Sigurado akong mabibigla siya kung nandun ako.

"Diba nandun sina Belle?" Sabi ni Karl gamit ang nandidiring mukha.

"Oo. Pero magtatago naman tayo. Pupunta tayo dun ng mejo gabi na. Yung malapit ng matapos yung gig nila." Sabi ko.

Tumango siya.

Ganun nga ang ginawa namin ni Karl. 10:30 nang dumating kami sa grill.

Sa sobrang daming tao, yung iba hindi na pinapapaok. Ganun ka grabe pag tumutugtog sila? Maraming babae na mukhang nagbihis talaga para sa gabing ito.

"Dinig ko kay Louie na pupunta sila ng 777 mamaya. Edi pumunta din tayo dun!" Sabi nung babae na nasa labas.

"Nah! Useless. Pagkatapos ng gig nila, palagi na lang silang pumupunta sa Club 777 pero hindi nila kasama si Jacob. Umuuwi si Jacob ng maaga." Sabi nung kasama niya.

Nagkatinginan kami ni Karl. Napangiti ako sa narinig ko.

"Iba 'to ngayon! Nandito yung pinsan niyang si Callix! I'm sure pupunta siya."

What? Nandito si Callix.

"Paano na yan?" Bulong ni Karl sakin.

"Di na lang tayo magpapakita. Magtago tayo! Hindi pwedeng umatras ngayong nandito na tayo." Sabi ko.

"Okay... Sinabi mo eh."

Naririnig ko ng konti ang kanta ni Jacob sa loob na natatapos na...

"Ladies... and gentlemen... this is the last song for tonight. Kita na lang tayong lahat sa Club 777?" Sabi ni Jacob.

Nalaglag ang panga ko. Pupunta siya sa Club! Naghiyawan ang mga tao sa loob.

"Kita mo? Lika na! Doon na tayo maghintay!" Umalis ang dalawang babae nang narinig nila si Jacob.

Sa sobrang ingay sa loob, halos di ko na narinig ang pagsisimula ng kanta ni Jacob...

"And if you give me a chance

Believe it, I can change

I'll keep us together

Whatever it takes"

Nawala ako sa pag iisip nang narinig ko ng mabuti ang boses niya. Sobrang ganda ng boses niya. Nakakain-love!

"Well... expected talaga na nakakapanindig balahibo yung boses niya kasi nakakapanindig balahibo din naman ang mukha niya." Tumango si Karl sakin.

Ngumiti ako. Alam ko, marami akong kahati sa kanya ngayon... maraming may gusto sa kanya... At sa hinaharap, mas lalong dadami pa yun. Gwapo, mabait at talented siya. Natatakot akong ngayon ay sakin siya... Ngayong bata pa kami ay nasakin siya tapos pag dating nang ilang taon, baka makahanap siya ng iba... Iniisip ko pa lang nasasaktan na ako eh.

Naiiyak tuloy ako.

"Huy..." Siniko ako ni Karl. 

Napatalon ako, "Karl, dun na lang din tayo sa Club 777 maghintay?" Sabi ko.

Nilalamok narin kasi kami sa labas kaya buti ng doon maghintay sa Club.

Nang dumating kami, nakita ko yung dalawang babae kanina sa loob na may kasamang iilan pang babae. Hula ko nag aabang sila kina Jacob.

"Doon tayo." Sabay turo ni Karl sa isang table na nasa liblib na lugar ng club.

"Okay!" Sabi ko.

Mabilis dumami ang tao sa Club. Umabot sa point na di ko na makita kung sino ang kakapasok lang. Hindi ko na rin makita ang mga babaeng nag hihintay kay Jacob. Si Karl naman ay nag eenjoy sa pag sa-sight seeing, dumami na rin kasi ang mga lalaki eh.

"Karl, CR lang muna ako."

"HA?" Hindi niya ako marinig sa ingay ng house music.

Itinuro ko na lang ang CR. Masikip na ang bar. Halos di ako makadaan ng mabuti kasi nagsasayawan na ang lahat. Kung hindi ko makita si Jacob ngayon... itetext ko na talaga siya o uuwi na lang ako. Palpak naman tong plano ko oh? Baka naman lagi niyang sinasabing 'magkikita sa Club 777' pero di naman siya pumupunta?

Napabuntong hininga ako pagkarating ng CR. Walang tao sa loob except sa isang cubicle na may gumagamit yata...

Tinignan ko ang cellphone ko at nakitang alang mensahe o missed call man lang galing kay Jacob.

Kung umuwi na siya samin, tinext niya na dapat ako... pero hindi eh kaya malamang nandito siya.

"Ahh..."

WHAT? Boses yun ng lalaki ah? Sa ladies CR? May boses ng lalaki.

Napatingin ako sa cubicle na may gumagamit. Sinilip ko ang ilalim. Nakikita kasi yung mga paa/sapatos sa ilalim. Nakita kong sapatos yun ng isang lalaki.

Napasinghap ako. O. M. G. Lalaki! O. M. G.

Pinaypayan ko ang sarili ko at inisip na baka si Jacob yun? At may kasamang babae? O. M. G.

"Callix..." Ungol ng babaeng kasama niya.

Napabuntong-hininga ako... Hay! Shet! Akala ko si Jacob! Nakakalurkey!

"Teka..." Natigilan yung lalaki at biglang binuksan ang pintuan.

Saka pa nagregister sakin lahat ng narinig ko... SI CALLIX YUNG LALAKI! At tanginers nang binuksan niya ang pintuan sa cubicle nakita kong si Belle yung babae! Parehong nanlaki ang mga mata nila. Inayos agad ni Belle ang kanyang damit. Sinarado naman ni Callix ang kanyang zipper.

REALLY? Gusto kong tumawa pero dahil magkagalit kaming tatlo hindi ko nagawa...

"Uh? Sorry..." Tumalikod ako.

"Rosie!" Tawag ni Callix.

Huli na ang lahat... nakaalis na ako ng CR. Naabutan niya ako sa dancefloor. Hinila niya ang braso ko...

"Rosie!" Tawag niya.

"Bakit, Callix?"

Ang ingay. Halos di ko siya marinig. Kaya hinila niya ako palabas ng club.

"Callix, di mo naman kailangang mag explain. Okay lang sakin lahat. Hindi naman tayo... Hindi na naman kita gusto..." Sinabi ko agad bago pa siya makapagassume.

Tumunganga muna siya sa kawalan ng ilang sandali bago sumagot.

"Bakit mo kami tinalikuran?" Tanong niya.

"Anong gusto mo, panoorin ko kayong dalawa dun?" Hindi ko na mapigilan ang paghalakhak ko.

Really? Si Belle at Callix? Bagay! Parehong mga manyak! Napailing ako sa sarili ko...

"Sorry, Rosie." Sabi niya.

"Okay lang nga..." Sagot ko.

"Hindi... yung nangyari sa Imperial Bay."

Unti-unting nagbago ang ekspresyon ng mukha ko. Naramdaman ko yung galit dahil binugbog niya si Jacob... Naramdaman ko rin yung inis ko sa sarili ko that time.

"Hindi ka dapat sakin nagso-sorry, Callix." Sabi ko. "Nagalit din ako sayo dahil ginawa mo yun kay Jacob... Pero mas galit ako sa sarili ko kasi naglihim ako sayo."

Napalunok siya nang tumingin siya ng diretso sa mga mata ko. "Ano ba talagang meron sa inyo ni Jacob, Rosie? Kailan ba kayo nag kagustuhan? Nun bang pinakilala ko siya sayo? Nung nag partner kayo sa report? Kailan?"

Napapikit ako, "Callix... magkakilala na kami ni Jacob noon pa. Nung nawala ako sa first term nung 6th year tayo, pumunta ako ng Alegria at doon nag aral."

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Sinabi ko sa kanya kung paano kami nagkakilala at paano kami nagkahiwalay.

Napalunok ulit siya pagkatapos niyang marinig ang lahat (except sa kubo part).

"Damn! Dapat noon pa ako nag sorry." Aniya.

"Hindi pa naman huli ang lahat, Callix."

Kumunot yung noo niya at napatingin ulit sakin galing sa kawalan, "Sinabi mo ba sa kanya kung bakit tayo nagkahiwalay noon?"

Umiling ako, "Tingin mo dapat kong sabihin?"

Napabuntong-hininga siya at tumango, "Sino nga pala talaga ang pinili mo, si Jacob o si Karl?"

Napangiti ako at nagpasalamat sa panginoon dahil mejo smooth na kami ni Callix ngayon. Baka magkaayos na sila ni Jacob. Malapit na...

"Magkaibigan lang kami ni Karl."

Napabuntong-hininga ulit siya at tumango.

Ilang sandaling katahimikan...

"Nasan nga pala si Jacob?" Tanong ko.

"Umuwi eh. Umalis. Bakit? Di ba siya nagpaalam?" Tumaas ang kilay ni Callix.

"Hindi eh. Hindi niya naman alam na nandito ako." Tumingin ako sa loob at nagpasyang itext si Karl nang makauwi na kami. Baka kasi nandoon si Jacob.

"Talaga? Sana tinext mo. Nung umuwi siya may katawagan siya sa cellphone eh. Hindi ba ikaw yung kausap niya?"

"H-Hindi." Sabi ko.

Napasinghap siya at tumingin sa sasakyan niyang nakapark sa kabilang lot.

"Pupuntahan ko siguro siya nang makapagsorry ako." Ngumiti si Callix sakin.

Ngumiti din ako, "O sige... Paano si Belle?"

Pumula ang pisngi niya, "She can wait." At tumingin sa malayo.

Tumango ako.

Kahit na di ako sigurado kung talagang nasa bahay nila si Jacob o nasa bahay namin, hinayaan ko parin si Callix. Masaya na ako at ganun yung usapan namin. Sa wakas! Magkakaayos na sila! Sa wakas! Hindi na kami magtatago ni Jacob. This is it!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top