Kabanata 58

Kabanata 58

Halik sa Rooftop

Mas madali kong nakumbinsi si Jacob na maghintay ngayong nabigyan ko siya ng pag-asa.

Sa gabing yun, wala akong ibang naisip kundi mahal na mahal ko parin siya hanggang ngayon. Hindi ko makakayang may pumagitna pa saming dalawa pero para maitama lahat ng pagkakamali naming dalawa, kailangan namin ito. Ayokong maging selfish kahit na alam kong kailangan minsan. Siguro kailangan lang talaga ng tamang timing ang lahat.

Lunes na at pumasok si Jacob. Pagkapasok niya sa Biology 10, tahimik ang mga kaklase namin. Di ako tumingin o sumulyap man sa kanya. Nakatitig ako sa notebook ko. Siya naman, seryosong pumasok at di rin sumulyap sakin. Nakita ko ang mga tititg ni Callix sakin... titig ng mga kaklase naming dalawa. Bulung-bulungang di ko marinig at tsismisang alam kung patungkol samin ang bumalot sa classroom.

"Showbusiness." Bulong ni Karl sakin.

Mula nung nangyari sa Imperial Bay, si Karl na ang katabi ko. Nandidiri ng tumabi si Callix sakin (buti at ayaw ko rin siyang katabi). Si Belle at Ava naman ay sumama sa kanya.

"Jacob, buti pumasok ka na." Sabi ni Belle habang ngumingiti kay Jacob.

Para bang walang nangyari sa Imperial Bay kung makapagsalita si Belle. Umiiling na langs ina Leo at iba pang kabanda ni Jacob habang tinitignan siya. Si Jacob naman, mukhang bad trip. Hindi ko alam kung bakit. Gusto kong mag text pero parang weird naman kung habang nag uusap sila ni Belle ay nagtitext siya kaya hinayaan ko na lang muna.

"Ano, Jacob? Balik na ba ang gig niyo? Saan? Excited na akong marinig ulit yung boses mo.." Hinimas ni Belle ang braso ni Jacob.

Tumalon sa bigla si Jacob at halos masiko niya si Leo (na katabi niya) sa ginawa ni Belle. Nabigla si Belle sa ginawa ni Jacob pero ngumisi ulit.

"Marami kaya kaming naghihintay sa inyo." Sabay nguso ni Belle kay Leo. "Ansabi ni Leo nagbakasyon ka daw kaya ngayong nandito ka na." Humalakhak siya. "Ayan... excited kami."

"JACOOOB!" Sigaw ni Grace sa labas.

Napailing ako nang nakita ang isang batalyong babae na pumasok sa room namin. Di namin sila kaklase pero nakiusyuso sila kay Jacob.

"Narinig namin na pumasok ka na kanina, okay ka na ba?" Malambing na tanong ni Grace.

Tinulak niya si Belle para mas lalong mapalapit kay Jacob. Humalakhak din ang mga babaeng kasama niya at parehong nag-uunahan para mahawakan ang braso nat pisngi ni Jacob. Napalunok ako sa mga ginawa nila.

"ANO BA!" Tumayong bigla si Jacob.

Napanganga silang lahat at natigilan sa ginawa niya.

"Tumigil na nga kayo! Di kayo nakakatuwa ah!" Sigaw niya sa mga babaeng nakapaligid.

"J-Jacob?" Tawag ni Belle nang narinig ang nanginginig na boses ni Jacob.

Galit na galit talaga siya at di ko alam kung bakit.

"Dude, chill." Sabay tapik ni Leo sa balikat ni Jacob pero tinanggal ni Jacob ang kamay niya.

"AYOKO!" Sigaw niya kay Leo.

Anong problema ng kumag na to at bakit ganyan siya?

"Oo nga naman, Jacob? Di ba gusto mo ng atensyon ng mga babae, ba't ganyan ka ngayon?" Singit ni Callix sa malayo.

Napatingin kaming lahat sa kanya. Kitang kita ko na ang mabibigat na paghinga ni Jacob habang nagkakatitigan sila ni Callix.

"Di ako tulad mo!" Sigaw niya pabalik kay Callix.

Patay! Mag aaway na naman tong dalawa.

"Hindi? Pinapatawa mo ba ako?" Tumawa si Callix. "Magpinsan tayo. Yung dugo ko, nananalaytay din sa sistema mo... kaya alam ko! Diba kaya mo nga siya inagaw sakin diba? Kasi di ka makapagpigil."

Si Teddy, Leo at Louie, parehong pinipigilan si Jacob na sumugod kay Callix. Alam kong isang kalabit na lang ay sasabog na sa galit ni Jacob.

"Jacob, tama na." Bulong ko pero dinig na dinig to ng lahat.

Napabuntong-hininga si Jacob nang narinig ang boses ko. Umupo siya ulit na parang walang nangyari. Isa-isa akong tinignan ng mga tao dun... pati ni Callix.

Nakita kong si Callix naman ang galit ngayon habang tinitignan kaming dalawa.

Dumating ang professor namin kaya umalis din yung ibang di ko classmate (tulad ni Grace). Pero buong klase ang nakatutok kay Jacob habang nag lelecture ang professor.

"Mas lalo siyang gumwapo! Ano ba kasing nangyari?" Bulong nung kaklase ko sa unahan.

"Girl, kaw lang talaga ang makakakontrol sa kanya. Alam mo yun? Ang cool nung kanina? 'Jacob, tama na.' Tapos tumigil siya." Tiling-tili si Karl habang naglalakad kami papuntang cafeteria.

“Whatever. Kailangan lang talaga siyang pigilan minsan. Galit na galit eh.”

“Sino ba namang di magagalit? Kanina pa kaya siya hinahabol ng mga babae. I mean... oo nga no? Ba’t siya galit eh lalaki naman siya? Ako lang dapat yung galit pag hinahabol ng mga babae diba?”

Umiling ako at tumawa sa sinabi ni Karl.

Mabuti at natutunan ni Jacob na umiwas na sa mga babae ngayon. Alam ko, gusto ko ng distansya kaya kailangang di muna kami magkasama.

Sa kabilang table, nakita ko si Jacob na katawanan ang mga kabanda niya. Umiling ulit ako habang umuupo sa pinakagilid na table kasama si Karl.

Nakita kong dumating si Callix sa cafeteria kasama si Josh at Edward. Tumingin siya samin ni Karl at kay Jacob tapos nilagpasan kaming parehi.

Napabuntong-hininga ako sa nangyari.

Kumain kami ni Karl ng french fries na may cheese dip habang nag s-study para sa upcoming midterms. Siya, nag-aaral sa kanyang course, ako naman sakin.

“R-Rosie, may cheese ka sa mukha.”

“Huh?” Pinunasan ko ng tissue ang mukha ko.

“Hindi natanggal!” Nainis si Karl habang tinuturo yung sariling pisngi, “Dito!”

Pinunasan ko ang kabilang pisngi ko.

“Tsss! Ako na nga!” Kumuha si Karl ng tissue at tinanggal ang cheese sa pisngi ko. Tumawa siya at, “Tapos? Ano? Nasan na yung binili kong lipstick, huh? Dun na lang yun sa drawer mo? Parang di siya mahal para di mo gamitin?”

Natahimik ang buong cafeteria nang may narinig kaming lahat na nabasag sa table nina Jacob.

Nakita ko ang kumag na nakahalf-open ang bibig habang tinitignan kami. Nabasag ang bote ng softdrinks na kanina niya pa hinahawakan.

“Oh my gosh!” Sabi ni Karl sabay tayo. “Patay tayo kay papa J!” Bulong niya sakin.

Napatingin ako kay Callix na galit din habang tinitignan kaming dalawa ni Karl.

“Tayo na, Karl.” Sabi ko sabay kuha sa gamit ko at tumakbo palabas ng cafeteria.

Nagtawanan kami nang nakalabas kami at napunta sa soccerfield.

“Langya! Ba’t tayo tumatawa! Patay na patay ako nito!” Tumatawa parin si Karl.

“Well, nakakatawa ito kasi alam nating dalawa na hindi tayo pwede. Pero sa kanila... hindi diba? Kasi di nila alam, diba?” Sabi ko habang hinahabol parin ang hininga.

May mahigpit na humawak sa braso ko at hinila ako palayo kay Karl.

“Ahhh! Ano ba?” Nakita kong si Jacob yun. “Jacob! Sabi naman sayo di tayo pwedeng magkasama!”

Hindi siya tumigil sa pagkaladkad sakin hanggang napunta kami sa rooftop ng building ng School of Business. Hindi pa ako nakakapunta dito pero hiningal ako sa dire-diretsong paglakad namin sa hagdanan.

Hindi pa ako tumitigil sa paghingal ko, napahilig na ako sa pintuan ng rooftop.

“Anong ginagawa mo, Rosie?” His jaw clenched.

Hinihingal parin ako. Ang lapit lapit ng mukha niya sakin kaya tumingin ako sa kaliwa para makahinga naman ako ng mas maluwang. Nakalagay ang magkabilang kamay niya sa pintuang hinihiligan ko kaya wala akong kawala.

“Jacob, ano... ba.” Hinihingal parin ako.

“Sabi mo ako! Pero bakit siya!?” Sigaw niya. “Pinipigilan ko na ang sarili ko sa pagtitig sayo nang makuha mo na ang gusto mo pero bakit ganito ngayon? Sabihin mo sakin, pinapaikot mo ba ako?!”

Hinampas niya ang pintuan nang nakitang di ako tumitingin sa mga mata niya at di parin nagsasalita.

“Balak mo bang maghiganti sakin?! Sinasadya mo bang saktan ako?!” Hinampas niya ulit ang pintuan.

“Jacob, wala ka talagang tiwala, noh?” Sabi ko.

Tinignan ko siya at nakita kong galit na galit parin talaga siya.

“AAAAAAAAAAAAAH!” Ginulo niya ang buhok niya. “Nagtitiwala ako pero kung ganun yung nakikita ko, mababaliw ako!”

“Bakit? Wala naman kaming ginagawang masama ni Karl ah! Pinunasan niya lang yung pisngi ko-”

“At tumitingin siya sa labi mo!” Sigaw niya pabalik sakin.

Nilagay niya ulit ang kamay niya sa pintuan at idinikit niya ang sarili niya sakin. Damang dama ko na ang abs niyang nakadikit sa katawan ko.

Tumitingin siya sa labi ko kasi naman po... gusto niyang maglipstick ako! Bading yun! Bekibells!

“Magkaibigan lang kami. Ilang beses ko bang sasabihin-”

“Pero di kaibigan yung gusto niya para sa inyo! Rosie, mahal kita, mahal mo ako... magtitiwala ako pero jusko naman wala akong tiwala sa walang hiyang yun! Ang ganda-ganda mo na ang laman ng usap-usapan ng kilala kong lalaki sa school dito, ngayon, maging noon, sa Alegria, ay yung mukha mo o di kaya ay yang dibdib mo... o di kaya ay yung mga hita mo kaya pwede bang wa’g mo akong binabaliw?”

Natahimik ako sa sinabi niya.

“Alam kong paborito mong mag shorts pero please lang naman! Alam mo ba kung paano nila pag usapan yung kaswertehan nung Karl na yun? Maging si Callix ay kumbinsidong siya ang gusto mo, di ako! At alam ko rin na paborito mong kasama yung Karl nayun pero ano ba talaga? Kasi nababaliw na ako sa kakaisip!”

Chineck ko ang paligid at nakita kong wala talagang tao. Ito na yata ang pinakamataas na builidng sa buong school kaya walang makakakita samin dito.

Pinulupot ko ang braso ko sa leeg niya. Nakita kong naghalf-open ang labi niya at huminahon ang features ng mukha niya.

“Basta, kalimutan mo na yun. Kaibigan lang kami ni Karl at ikaw ang mahal ko. Sa ngayon, mag tiis muna tayo na ganito. Wa’g masyadong mainit ang ulo hanggang sa tuluyang makamove-on ang lahat-”

Hindi niya na ako pinatapos, hinalikan niya na ako agad-agad.

“Jacob...” Sabi ko inbetween kisses.

Nakita kong ngumisi siya nang narinig ang tawag ko.

“Kulang pa ‘to, Rosie...” Sabi niya.

Sinapak ko na. Alam ko ang ibig niyang sabihin at natatakot ako dahil alam kong tama siya. Sht! Miss na miss ko na siya at grabe yung frustrations ko na idinulot niya! NAKAKAINIS! NAKAKABALIW DIN!

“Tumigil ka!” Sabay tawa ko.

“Naghalikan na ba kayo ni Karl?” Biglang tanong niya.

Tumigil siya sa paghalik.

“Hindi!” Tumawa ako.

Sumimangot siya, “Ba’t ka tumatawa? Nagkahalikan na kayo, no?”

“Hindi naman ako tulad mo na kung sinu-sino lang ang hinahalikan.” Tumawa ulit ako.

Mas lalo siyang sumimangot.

“Siguro dito mo dinadala yung mga babae mo?” Sabay tingin ko sa paligid. “Tahimik, walang istorbo-”

Hindi niya ulit ako pinatapos, hinalikan niya na naman ako.

Tinulak ko siya. Hinila niya naman ako kaya nakatayo kaming pareho sa gitna ng rooftop habang naghahalikan. Shttt! Sarap humalik ng kumag! Nilagay niya ang kamay niya sa likuran ko at yung isa naglalakbay sa leeg ko pababa.

“Jacob! Ugh! Sorry!”

Naitulak ko si Jacob nang biglang bumukas yung pintuan ng rooftop. Sa sobrang gulat ko, napalayo talaga yung pagtulak ko sa kanya. Tinakpan ko yung bibig ko at nakitang sina Leo, Teddy, Ron at Louie yung pumasok. Nagtatawanan sila at isa-isang lumabas ng rooftop. Uminit ang pisngi ko nang nakita kong di talaga mapawi ang tawanan nila.

“Mga ulol! Kumatok kayo! Mga istorbo! Malis na kayo! Kainis kayo! Gag0! Umuwi na kayo!” Sigaw ni Jacob sa kanila. “Kumatok kayo!”

“Hindi mo naman kasi pag aari ang rooftop!” Sigaw ni Leo.

Naiiyak na yata sila sa tawanan. Mas lalong uminit ang pisngi ko.

“Sige na, sorry, pagpatuloy niyo lang yan.” Sabi ni Leo.

Nagwalk-out ako sa sobrang kahihiyan.

“Rosie!” Sigaw ni Jacob.

Kumaway na lang ako at tumakbo palabas.

“Mga walang hiya! Mga istorbo! Bugbugin ko kayong lahat!” Sigaw ni Jacob sa nagtatawanan niyang kabanda.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top