Kabanata 42

Kabanata 42

Mga Kaibigan

Tinanggap ko ang sorry ni Callix at ang alok niyang maging mag KAIBIGAN ULIT kami. Alam kong mejo nakakadagdag problema ito pero ayokong kapag may binabanggit na LALAKI ay si Ja- lang ang naalala ko. Dapat may iba pang lalaki. Kung sana pwedeng makipag kaibigan sa iba pang lalaki. Buti rin at ang renewed friendship ko kay Callix ay nagdulot ng pakikipagkaibigan ng mga barkada niyang si Josh at Edward.

Alam ko namang kahit anong mangyari hinding hindi na ulit ako masasaktan ng ganun ka sakit. Sukdulan na yung kay Ja-. Manhid na ako sa kahit ano. Alam ko ding mahirap ng palambutin ulit ang puso ko. It will take more than sweet words and gifts.

Inintriga pa nga ang pagiging magkaibigan ulit namin ni Callix. Pinaparinggan ko ang mga nang iintriga...

"Kung gusto niyo, kayo na lang ni Callix nang matahimik kayo!" Sabi ko sa grupo ng babaeng nag uusap tungkol samin.

Ibinalik ko rin lahat ng ibinigay niyang gamit sakin. Sabi niya ay di naman daw kailangan pero sabi ko naman, kung gusto niyang magkaibigan ulit kami, hahayaan niya ako.

Mabagal ang panahon sa last term ko sa high school. Hindi ko alam kung talagang mabagal o dahil iyon sa pagiging tulala ko minsan habang naiisip si Ja-...

Ja-...

Hindi ko maituloy ang pangalan niya. 

Nung 18th birthday ko sa January nung sumunod na taon, sinurpresa ako ni Ava, Belle, Callix, Josh, Edward at Karl (na naging malapit lalo sa amin). Dinala nila ako sa isang bar kung saan uminom ako (for the first time) at na lasing ng grabe. Naaalala ko pa ang pagsasayaw ko pero kontrolado ko parin ang sarili ko.

"Nagbago ka na talaga." Ngumiti si Callix.

Ngumiti din ako pero agad napawi ito.

"Happy birthday!" Anila.

Pinalibutan nila ako habang dala-dala ang isang cake. Hinipan ko ito at nagpalakpakan sila. Ilang beses na akong nasabihang nagbago na at ayaw kong naririnig ito. Dahil tuwing naririnig ko ito, lagi kung naiisip kung ano o sino ang nakapagpabago sakin.

Nang gumraduate ako, umiyak ako na parang namatayan. Si Autie Precy ay lumuwas ng Maynila kasi wala si mama at papa. Silang dalawa ni Maggie ang dumalo. Hindi ako sigurado kung umiiyak ako dahil tapos na ang highschool o dahil tuwing nakikita ko si Auntie Precy naaalala ko ang Alegria.

"Rosie, simula nung umalis ka laging nagpupupunta si-----"

Tinakpan ko ang tenga ko nang sinabi yun ni Auntie Precy.

Napabuntong-hininga siya sa ginawa ko, "Ano bang nangyari sa inyo? Hindi ka pala nagpaalam sa kanya? Hindi mo rin siya binigyan ng new number mo?"

Hindi ako sumagot. Ayaw kong pag usapan. Galit ako... hanggang ngayon.

Slowly, I'm building an invisible wall around my heart. No, I won't let anyone in again. Though, I'm not even sure if I still have a heart. Sa loob ng limang buwan, limang lalaki ang nanligaw sakin at isa-isa ko silang binasted agad-agad, without giving them a chance to prove anything. I hated boys... so much. Pero kinailangan ko ng mga kaibigang lalaki dahil gaya ng sabi ko, ayaw ko ng si Ja- lang ang naiisip ko tuwing binabanggit ang salitang lalaki.

Nagpicture kami ni Callix nung graduation. Okay yung naging pagkakaibigan namin. Wala din akong pakealam kung sino ang maging girlfriend niya at mukhang wala naman siyang balak isiwalat sakin kung sinong dinidate niya these past few months.

"Kita-kita na lang tayo sa college, ah?" Sabi ng mangiyak-ngiyak na si Belle.

Hindi ako makapaniwalang naging okay naman ang pagsasama naming lahat sa loob ng six months. Okay naman pala basta wa'g lang masyadong close. Kahit na magkasama kami ng mga ito, detached parin ako. Siguro dahil natuto na ako sa nangyari sa Alegria.

Eight months na ang nakalipas nang nakabalik ako galing Alegria pero parang ngayong college enrolment pa ako nagising sa katotohanan na nasa Maynila ako. Ngayon ko pa lang nakita yung matatayog na buildings, masasayang malls at marami pang iba. Business Administration ang kinuhang kurso ni Callix, Josh, Edward, Karl, Belle at Ava. Ako lang yung nag BS Psychology. Pareho silang lahat na may negosyong aalagaan. Ako lang yung wala kaya useless kung mag Business Ad ako.

Natutuwa din ako sa frustrations ni Belle tuwing sinasabi niya samin ni Ava ang mga fail moves niya para maakit si Karl.

"Ayaw niya talaga! Naalala mo yung last time na nag Core tayo? Hinalikan ko na, ah? Pero tinulak niya ako? Seriously?" Umiling siya.

Oo, ganun talaga si Belle. May pagkamanyak. Tumawa nalang kami ni Ava. Hindi ko nga alam kung paano natatagalan ni Ava itong pagkamanyak ni Belle gayung opposite talaga sila. Maganda rin kasi si Belle kaya imposibleng may makatanggi sa kanya. Bago siya nagpursigi kay Karl, marami pa siyang dinate na lalaki tulad ni Josh, Jared (na fourth year pa) at marami pang iba. Ngayong mag co-college na kami saka pa siya na encourage na magpursigi ulit kay Karl.

Tumatawa na lang ako tuwing nagsasalita si Belle tungkol kay Karl.

"Rosie, ano? Close kayo, diba? Tell me, paano ko siya maaakit?" Lumiit ang mga mata niya, "May relasyon ba kayo?"

Tumawa ulit ako.

"Oh please, magsasabunutan talaga tayong dalawa! My god, andyan na si Callix oh, wa'g ka ng makealam kay Karl! Please naman! Sagutin mo ako!"

"Wala! Hindi ko alam. Misteryoso siya. Siguro may ibang gusto na siya." Sabi ko.

Nanliit ang mga mata niya kay Ava, "Sigurado akong nasa friend circle lang natin yung gusto niya. At alam kong hindi ikaw yun, Rosie dahil wala naman siyang kyeme kung ihatid ka ni Callix sa inyo... So it must be... YOU!" Tinuro ni Belle ang sarili niyang bestfriend.

"My god, Belle! Hindi! Ni hindi nga kami nag uusap nun!" Sabi ni Ava.

Ngumisi na lang ako kasi alam ko kung sino ang gusto ni Karl. At sa buong 'friend circle' namin nina Belle, Ava, Callix, Josh, Edward at Karl, si Karl ang pinakapaborito ko. Minsan pinagdududahan pa kami ni Callix na may something pero pareho naming dinideny ni Karl.

"Magkaibigan lang kami." Hindi ko mapigilan ang pagngisi tuwing tinatanong ako ni Callix.

"Mag kaibigan? Weh? Rosie, para naman tayong walang pinagsamahan..." Wika ni Callix.

Back to civil na ang trato namin sa isa't-isa. Though, I'm sure may girlfriend siyang di sinasabi samin dahil palagi siyang wala tuwing Sabado o Linggo dahil di umano sa 'pinsan' niya... Pinsan? Cousin as in cousintahan?

Hindi naman ako bitter saming dalawa kaya okay lang sakin kung totoong may girlfriend siya eh. Mabuti nga yun dahil ayaw ko talagang magkastain ang mejo civil na naming tratuhan ngayon. Kahit na ayaw ko namang maging close sa kahit kay Callix o kay Belle, comforting parin na magco-college ako na may mga kaibigan.

Kahit na kay Karl ko lang talaga na open up halos lahat ng nangyari sa Alegria. Nagawa ko iopen sa kanya yun dahil alam kong tulad ko ay nahihirapan din siyang magtrust sa mga tao. Ilang beses na siyang nahusgahan at ayaw niya ng husgahan ngayon.

"Magkaibigan lang kami ni Rosie, tama na yan guys!" Sabi ni Karl nang kinulit ulit kami.

Nakita ko ang mga titig ni Callix kay Karl habang sinasabi niya yun. Parang galit siya kay Karl pero hindi niya magawang sabihin yun sa lahat dahil alam niyang close kami ni Karl. Ayaw niya man kay Karl, mas ayaw niya paring mag away ulit kami. Alam ko nyun, nararamdaman ko... Nararamdaman ko ang bawat moves ni Callix at alam kong gusto niya parin ako. At sigurado akong wala siyang babalikan sakin. Lagi ko yung kinaklaro sa kanya tuwing tinutukso ko siya tungkol sa 'cousin' niya.

"Dapat magka girlfriend ka na! O di kaya kayo na ni Belle!" Sabi ko sa harapan nilang lahat habang tumatawa.

"No way! You know, Rosie... kung sino ang gusto ko." Sumulyap si Belle kay Karl.

Tumingin naman si Karl sa malayo... at ilang sandali ay tumingin kay Edward.

Hell, yes! I know what he is... At kaming dalawa lang ang nakakaalam dun. At iyon mismo ang dahilan kung bakit sa buong 'friend circle' namin, siya lang ang pinagkakatiwalaan ko. Dahil alam kong pareho kaming ayaw ng husgahan...

"Sana nag Business Ad ka na rin." Bulong ni Karl sakin.

"Hay nako! Okay lang yan, Karl. Itext mo na lang ako kung mamimiss mo ako masyado." Sabi ko habang tumatawa.

He pouted, "Haba rin talaga ng hair mo ah? Yung ex mo talaga mukhang may gusto pa sayo hanggang ngayon."

Umiling ako, "Alam na alam mong ayaw ko sa mga lalaki, kaya nga ikaw ang paborito ko diba?" Tumawa ako.

"Huy, anong pinag uusapan niyo diyan?" Sumingit si Callix pagkatapos makipag usap kay Edward at Josh tungkol sa mga magagandang college girls.

"Wala. Yung ano... magbabar daw sana tayo bago mag start ang school." Sabi ko bigla.

Umiling si Callix, "Nagiging hobby mo na yata ang pagbabar, Rosie ah?"

"Ang saya eh!" True! Nakakalimutan ko ang lahat tuwing nagsasaya ako pero alam kong panandalian lang yun.

Umiling ulit si Callix, "O siya, isasama ko kayo nina Belle ngayong Sabado. Wala masyadong sayawan sa bar na yun ah. Pagkatapos natin dun, pwede tayong pumunta sa Club 777 o sa Core kung gusto niyo."

Tumili si Belle at Ava sa sinabi ni Callix. Excited na naman dahil magna-night out ulit kami.

"Rosie, ayusin mo na yung soot mo ah? Last time muntik na kaming mapaaway, ang iksi nung skirt mo." Sabi ni Edward.

Tumango si Callix.

Natawa na lang ako. Hindi ko alam pero sinasadya siguro ni mama na padalhan ako ng maiiksing damit kaya ayan at yun lang ang mga naisusoot ko.

"Okay, fine! Sorry na!"

"Hindi niyo naman talaga maiiwasan, eh. Maganda at sexy si Rosie, kahit na balutin niyo yan, makakaagaw parin yan ng pansin." Sabi ni Karl.

"Eh anong tawag mo sakin, Karl?" Sabay pulupot ng kamay ni Belle kay Karl. "Maganda rin ako diba?"

Natahimik si Karl.

"Diba? Diba?" Tanong ni Belle ulit na mukhang mapapahiya na.

Siniko ko si Karl.

"Oo." Wika niya at naghiyawan silang lahat.

Natawa na lang ako at umiling.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top