Kabanata 41

Kabanata 41

Bagong Buhay

Bawat araw sa semestral break, inubos ko sa kakaiyak sa kwarto ko sa bago naming apartment. Mas mura ito kumpara sa magandang bahay ni inuupahan namin noon.

"Nandito na ang card mo, Rosie. Makakaenrol ka ulit sa dating school na pinasukan mo." Sabi ni mama.

Tumango lang ako pero kita ko sa kanya ang pagdududa sa bawat ekspresyon ko.

"Rosie, okay lang naman kung sa Alegria ka na lang muna. Hindi naman kailangang-"

"Ma, hayaan mo na si Rosie. Ayaw niya sa Alegria kaya nga nandito siya diba?" Singit ni Maggie habang umiiling.

Hindi na ako nanibago o nabigla man lang sa panlalaki ng mga mata ng mga estudyanteng nakakakilala sakin sa school. Nakita kasi nila akong naglalakad na naman at tinatahak na naman ang school gayung anim na buwan akong nawala.

"Nabuntis siya, diba?" May narinig akong isang kaklase ko na bumulong sa kaibigan niya.

Parang wa epek na sakin lahat ng paninira ngayon... Sa sinapit ko ba naman sa Alegria? Immuned na ako sa lahat ng pintas at paninira.

"Rosie, sa'n ka galing at ba't ngayon ka lang nakabalik? Nabuntis ka?" Tanong ng isa sa mga 'kaibigan' ko noon na si Ava.

'Kaibigan' kasi hindi naman talaga kami yung tipong naghahang-out... nag uusap lang pag nandyan sa school pero hindi niya ako niyayayang mag-malling dahil yung bestfriend niyang si Belle ay may crush kay Callix.

"Nabuntis?" Plastik akong tumawa. "Hindi ako nabuntis." Umiling ako.

Nihead-to-foot niya ako at tumango. Hindi ako buntis... naisip ko agad yung nangyari samin ni Jacob. Agad kong pinikit ang mata ko at umiling, sana di ko na yun maalala. Buti rin at di niya ako nabuntis sa nagawa naming dalawa.

"Dami talagang tsismosa dito sa school pero ba't ka naman umalis? Saan ka nanggaling?" Tanong ni Ava.

Hindi ko na iyon nasagot kasi dumating na ang bestfriend niyang si Belle. Lumayo agad si Ava sakin nang nakita ang ngisi ni Belle na nagiging plastik nang nakita ako.

"ROSEANNE ARANJUEZ?" Niyakap ako ni Belle. "Nakabalik ka na?!"

Bwusit. Umirap ako at di pinansin ang sarcasm niya. Yumakap talaga, huh? Halos di nga niya ako hawakan noon eh.

"Saan ka ba galing? Malaki na ba yung baby mo?" Nakangisi pa siya habang tinatanong ako nun.

Hindi ko alam pero doon ko narealize kung ano ang nagbago sakin, kung ano ang resulta ng relasyon namin ni Jacob at mga nangyari sakin sa Alegria.

"Kung nabuntis ako edi sana naging ninang ka na kasi diba close tayo? Pero condolence ah, di ako nabuntis. Nagkataon lang na kinailangan kong umalis kasama ang pamilya ko."

Natahimik ang buong room, pati si Belle na ngayon ay hilaw na ang ngiti sa sinabi ko. Napatingin pa siya sa mga kaklase kong ngayon ay nakatoon na ang pansin sa kanya. Napahiya siya.

"Okay, whatever." Tapos pumunta na siya kay Ava.

Yun ang nagbago sakin... Wala na akong pakealam. Kung gusto kong lumaban, lalaban ako. Wala na akong pakealam kung anong sasabihin ng mga tao sa paligid. Nasaktan na ako ng sobra-sobra na sa tingin ko ay wala ng mas isasakit pa. Imbes na manahimik na lang ako, lalaban na lang ako. Ako na nga yung nasaktan, ako pa yung mananahimik? Hell, no! Hindi ako martyr. Hindi ako santa. Napatunayan ko yan lahat sa Alegria.

"Rosie." Napatingala ako sa isang lalaking nakatayo sa gilid ko.

Naaninaw ko ang pamilyar na mukha ni Callix kasama ang mga barkada niyang nalaglag ang panga nang nakita ako. Wa'g mo sabihing tingin mo rin ay nabuntis mo ako gayung wala namang nangyari satin noon? Bwisit! Alam kong hell dito pero nagpapasalamat parin ako at nandito ako kesa dun sa Alegria.

"Sinosoot mo parin yan?" Sabi ni Callix.

Nabigla naman ako dun sa panimulang bati niya sakin. Kalmado at mukhang hindi nang-aaway. Naaalala ko pa ang ginawa niya noon sa cafeteria bago ako umalis. Yung pagtawag niya saking gold-digger...

"Ito." Sabay hawak sa isinoot kong cardigan today.

"Ah? Ito ba? Sorry, bigay mo nga pala 'to. Nakalimutan ko na kasi yung mga binigay mo." Hinubad ko ito sa harapan ng mga malalaking mata ng kaklase ko.

Wala akong pakealam kung naka spagetti lang ako sa loob, ang importante ay makuha niya yung sa kanya dahil pagod na akong sumabatan. Simula nung sinumbatan ako ni Jac... Ayoko na! Ayoko ng isipin yung demonyong iyon!

Linagay ko sa balikat ni Callix ang cardigan at umupo ulit ng parang walang nangyari. Hindi ko alam kung bakit nakatunganga ang mga kaklase ko habang tinitignan akong tahimik na nakaupo pagkatapos kung maghubad ng cardigan.

Nang natapos ang klase, nabigla naman ako nang may iilang kaklase kong lumapit sakin. Hay nako! Siguro para makitsismis. To my surprise, wala ng nagtanong o bumanggit man lang ng katagang 'buntis;.

"Ang ganda-ganda mo na! Saan ka ba galing? Grabe, Rosie! Sobrang ganda mo na!" Sabi nung isang di ko naman close na kaklase habang tinitrace niya sa ere ang coca-cola body.

Tumawa yung ibang sumalubong sakin, "Sobra! Mas lalo kang kuminis!" Sabi nung isa.

"Saan ka ba nagpunta? Baka pag magbakasyon kami dun ay gaganda din kami tulad mo." Sabi ni Ava.

Umiling na lang ako sa kanila. Try niyong magbakasyon dun at baka masupalpal niyo ang mga tao. Pero, really, hindi ako makapaniwala sa reaksyon ng mga kaklase ko. Si Ava ay sumama pa talaga sakin hanggang gate kahit na nasa gilid namin yung annoying bestfriend niyang si Belle.

"Pasensya ka na kay Belle, ah?" Aniya nang umalis si Belle para batiin ang isa pang kaibigan sa isa pang section.

"Okay lang. Hindi naman talaga kami magkasundo nun simula palang." Sabi ko.

"Oo. Mejo threatened talaga siya sayo eh. Alam mo na, maganda ka, maganda rin naman siya pero sadyang maganda ka talaga kaya ganyan siyang makaasta sayo. Pinagbawalan nga niya akong mamansin sayo nung naging kayo ni Callix." Bulong niya. "Pero ngayong wala na kayo, okay na siya."

Tumango ako.

"I'm back!" Sabi ni Belle pagkatapos niyang makipag usap sa ibang kaibigan niya. "Uwi na tayo?" Tumingin si Belle sakin ng nakangisi.

"Sige!" Sagot ni Ava.

"Uy, Rosie, sorry kanina ah? Peace na tayo... Teka kilala mo ba si Karl? Yung gwapong new student? Oh my goddd..." At nagpatuloy siya sa pagsasalita tungkol sa Karl na tinutukoy niya.

Tingin ko ay wala na siyang amor para kay Callix. Hindi ko nga lang alam kung anong nangyari at bakit wala na. Kaya rin siguro ready na siyang makipagkaibigan sakin... I'm not sure if I'm ready for new friends. Its really hard to trust. HARD.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong mag-isip na: Tatraydurin ka nila in time... For sure.

Pero iniisip ko rin ngayon na mas mabuti pa itong si Belle kesa kay April. Una, alam ko kung kailan galit si Belle dahil ipapakita niya talaga yun, pero si April noon, sa sobrang bait hindi ko lubos maisip kung paano niya nagawa sa akin ang katraydoran na yun.

"Rosie..." Hinarangan kami ng grupo ni Callix pagkarating ng gate.

Napasinghap ako at umirap sa kawalan.

"Uy, Callix!" Sabi ni Belle. "Hmmm. Maiwan muna natin sila, Ava..." Sabay hila ni Belle sa kaibigan niyang si Ava.

"Uy! Teka." Sabi ko. Hindi ako sigurado kung kaya kong makipag usap sa isa pang lintik na lalaki.

Iniwan din siya ng mga kaibigan niya kaya kaming dalawa na lang. Kontrobersyal talaga kami. Halata iyon sa mga reaksyon ng mga tao.

"Sorry sa nangyari satin noon." Aniya. "Sana maging okay ulit tayo."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top