Kabanata 4
Kabanata 4.
Bakit at paano?
Naalala pa pala ni Maggie yung chika ko sa kanyang tungkol dun sa may sparkling abs pero suplado.
"Asus! Baka yan na ang pamalit mo kay Callix!" Sabi niya at kinurot ang pisngi ko.
"Hindi no!"
Pagkaisip ko dun sa sinabi niya, kinalibutan agad ako. Eww. Taga bukid, pamalit kay Callix? Pwedeng si Callix na lang ulit? Well, alam kong gwapo talaga yung suplado na yun. Sayang nga lang dahil isa siyang magsasaka dito sa bukid. Hindi ako ganun ka bobo para mainlove sa isang taong tulad niya. Una kong titignan ang panlabas na anyo (including bank account. lol). Alam ko kasing mahirap lang kami at ayokong dumagdag pa sa kahirapan namin.
"Naku! Kaya kayong dalawa girls?" Sabi ni mama isang linggo ang nakalipas nung lumipat kami sa BAHAY NI LOLA. "Okay na okay lang sakin kung mag boypren kayo! Ang importante mayaman!" Aniya habang kumakain ng adobong manok.
Kakarating ko lang sa hapagkainan sa umagang yun at bumugad na agad ang sermon ni mama tungkol sa mga lalaking papakasalan namin.
Nakasimangot na si Maggie pagkarating ko at nakatingin kay mama.
"Ba't ka nakasimangot eh mayaman naman si James?" Bumulong-bulong ako habang tinitignan siya sa harapan ko pero bago ko pa matapos ay sinipa niya na ako sa ilalim ng mesa.
"Ansabeh mo?" Nakatoon ang pansin ni mama sakin ngayon.
"Uhh, w-wala." Habang tinitignan ang mukha ni Maggie na halos sasabog na sa hiya at inis.
Si mama at si Maggie ay magkalaban sa pananaw na ito. Kung si Maggie ay may ayaw sa mga mayayaman at gwapo, importante naman kay mama ang mayaman at ang hitsura!
"Dapat gwapo! Sayang naman yung kagandahan ng mga ninuno ko at kagwapuhan ng mga Aranjuez kung mahahaluan lang ng... hmm... hindi naman sa nanlalait... pero yung mga... alam niyo na... pangit." Sabi niya na parang nandidiri pa sa salitang iyon.
Umiling si Maggie sa kawalan.
"At higit sa lahat, dapat syempre mayaman! Kasi naman, aanhin ang kagwapuhan kung walang bahay, kotse at pera di ba?" Si mama lang talaga ang nagsasalita sa hapag. "Pinaka importante ang pera... Besides, kung hindi masyadong... alam mo na... gwapo... pwede naman nating ishare yung kagandahan natin at magiging gwapo o maganda parin ang anak niyo." Ngumisi siya kay Maggie.
Si Maggie naman, kumakain parin ng seryoso.
"Kaya ikaw Maggie, sayang lang yang kagandahan mo kung di ka maghahanap ng mayaman at gwapo. Sana nga ngayon meron ka ng prospect eh twenty ka na at dalawang taon ka na sa kolehiyo." Si mama naman ang umiiling ngayon.
"Oo nga! Tsaka maganda pa huh? Matangkad, makinis, maputi, bagsak ang buhok, matangos ang ilong, at mahubog ang katawan... pero tingin ko Adele, kailangan mahal mo rin yung taong pakakasalan mo." Ani auntie Precy.
"Pwede rin. Pero tingin ko, mamahalin mo yung tao kung gwapo at mayaman siya." Tumango-tango pa si mama.
Hiyang-hiya na si Maggie sa mga pinagsasabi ni mama. Tinititigan niya ito at sa tuwing napapansin siya ni mama ay umiiling agad siya. Alam ko ang ibig sabihin ni mama tungkol sa gwapo at mayaman, yan naman talaga ang unang magugustuhan mo, pero syempre dapat mahal mo rin tulad ng sinabi ni Auntie Precy. Tsaka di naman kailangang ipangalandakan iyon ni mama na yun ang gusto niya. Para tuloy kaming 'gold-digger' (tulad ng tinawag ni Callix sakin).
"At ikaw naman Rosie... Naku at mag-ingat ka sa bagong eskwelahan mo. Kay bata-bata mo pa. Kaka-seventeen mo lang noong January at 6th year ka pa. Naku! Nandito pa tayo sa bukid... baka magkaboypren ka riyan ng anak ng magsasaka o yung anak ni Aleng Doleng na mejo may pagkabuang-" Sabi ni mama.
"Di na yun nag-aaral, Dele. Di yun nakapagtapos ng highschool." Sabi ni Auntie Precy.
"Nakuuu! Basta ha, Rosie! Doon ka na lang maghanap sa Maynila at marami doon. Wa'g dito!"
Natahimik sa wakas ang hapagkainan nung sinabi ni Auntie Precy...
"Enrolment na nga pala ngayon sa Alegria National High School, Rosie. Nasabi ko na ba yun sayo? Pupunta tayo mamaya pagkatapos kumain. Mabuti na yung maaga at sa magandang section ka ilalagay."
WHAT? IS THIS REALLY HAPPENING?
Oo at nangyayari talaga ito dahil ngayon ay nandito na kami sa Alegria National HS. Si Auntie Precy ay isang guro sa elementary school dito sa Alegria. Di na siya nag Maynila kasi 'happy' na daw siya dito sa mga bukid ng Alegria. What's so happy here? LOL
Ang Alegria National HS ay may tatlong dalawang palapag na building. Malapad ang eskwelahang ito, hula ko mga 5 hectares. May soccer field at basketball court (na hindi covered court), may iilang pine trees na kahoy na nakapaligid at kitang-kita na ito lang ang kapatagan sa susunod na dako kasi napapalibutan ito (saan ka man lumingon except sa gate) ng bukid at burol.
"Iyan ba yung pamangkin mo Precy?" Titig nung babae na nakaupo sa isang desk na pang 'enrolment'.
"Oo! 6th year mare! eto nga pala si Rosie." Sabay pakita sakin.
Nakanganga ang babae at ni-head to foot ako. Malamang ihe-head to foot kasi naka polkadots ako na sleeveless top at nakashorts lang.
"Ang kinis at ang ganda! Sayang ka Precy at di ka nagkaanak! Naku!"
Tumawa na lang si Auntie Precy.
"Hija, ilagay mo lang ang pangalan mo at pumili ka ng subjects mo para mailagay na kita sa isang section..." Tumingin ulit siya kay Auntie Precy. "Taga Maynila?"
"Oo." Sagot ni Auntie Precy.
"Naku! Pagkakaguluhan ka ng mga bata dito, hija." Aniya.
Ngumiti na lang ako habang nagsusulat.
"Rosyan?" Tanong niya nang nakita ang pangalan ko.
"Uh.. Ro-seanne." Sabi ko.
"Mare, san ba yung sa 6th year dito?" Tanong ni Auntie Precy.
"Diyan sa ikatlong building, second floor."
"Rosie, dito ka muna. titignan ko lang dun." Bago ko pa napigilan si Auntie Precy, umalis na siya.
"Oh hayan na pala yung mga kaklase mong panigurado hija!" Sabay tingin niya sa likuran ko.
Naaninaw ko ang isang batalyong mga taga bukid. Sina Jacob! Yung sparkling abs?! Naka t-shirt siya at mukhang desente ang mukha dahil sa wakas ay nagkasaplot. Sa gilid niya at isang babaeng may malaki at makapal na eyeglasses na naka fishtail braid ang buhok. Sa likuran niya ay may isang makinis, maputi at magandang babae na nakataas na ang kilay at may mga kasamang alipores na lalaki at babae. Mukhang dalawang dosena silang lahat ah!
Binilisan ko ang pagfi-fill-up pero di ko nagawang matapos bago pa sila nakarating. Hula ko yung makinis at magandang babae yung girlfriend niya.
"Mrs. Mendoza, mag eenrol po kami." Sabi nung magandang babae, tinitignan pa ako.
"Oo naman! Sure!" Sabay bigay sa kanila ng form.
Natapos din ako at tinignan silang lahat at nakatingin pa talaga sila sakin. Nagkatinginan kami ni Jacob. May nakita akong tatlong lalaking anghahalakhakan at nagsisikuhan sa lukran nila habang tinitignan ako.
"Sixth year ka?" Tanong ni Jacob.
"Oo." Sabi ko at umalis na papunta kay Auntie Precy.
Bago ako tumalikod ay nakita kong nakatingin silang lahat kay Jacob.
Pero kahit umalis na ako narinig ko ang bulung-bulungan nila.
"Ang ganda tol! Parang ngayon lang ako nakakita ng ganun ka gandang babae! Kilala mo pala?" Sabi nung isa sa tatlo.
"Hmm. Oo. Roseanne Aranjuez. At Hindi naman siya maganda. Di ganun ka ganda para magustuhan ko."
NAKS! Kay gwapo mo naman tol! I'm fighting the urge to look back! Parang ang gwapo gwapo mo para sabihin iyan! Oo na! Gwapo ka na pero di ka rin kasing gwapo ng inaakala mo at magsasaka ka lang kaya tumahimik ka na lang! Kainis...
Pero sa kalagitnaan ng galit ko, narealize ko na... kilala niya ako. Bakit at paano?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top