Kabanata 39
Kabanata 39
Umalis Ka Na!
Pipiliin ko ang pag-aaral at si Jacob. Pipiliin kong mag stay dito sa Alegria at kumbinsihin si Jacob na sa Maynila na mag kolehiyo.
Nang pumasok ako sa school, Friday, October 18, birthday ni Jacob, absent siya.
"Umabsent yun panigurado kasi birthday niya." Bulung-bulungan ng mga kaklase ko.
Hindi ko alam kung guilty talaga ako sa nangyari samin o marami lang talagang nag bubulung-bulungan ngayon tungkol sakin. Sumusulyap pa talaga bago bumulong eh.
Umiling na lang ako sa kawalan habang tinitignan si April na halos di gumagalaw sa upuan niya. May ilang students na tumapik sa likuran niya at kinakausap siya (unusual) pero binalewala ko na lang sila. Mas lalo akong napraning nang nag alas kwatro na ng hapon. By group na ang bulong-bulungan at biglang tumatahimik pag dumadaan ako.
WHAT THE HECK IS HAPPENING? Ah! Bahala kayo! Ang alam ko kami ni Jacob at mahal niya ako! Ano man yung bulung-bulungan niyo diyan ay wala akong pakealam!
Pinasa ko na ang Chapter 1-3 namin ni Jacob at nagtext sa kanya.
Ako:
Jacob, happy birthday! Di mo sinabi saking aabsent ka ngayon. Napasa ko na ang thesis natin.
Umuwi ako para magbihis at isama si Maggie sa party. Wala na naman kasi si mama at papa sa bahay, nandoon na naman sa agency sa Maynila. Si Auntie Precy naman ay ayaw sumama. Siguro ay nahihiya kay Don Juan. Tumindig ang balahibo ko habang tinitignan ko si Auntie Precy na nakadungaw sa bintana at tinitgnan kaming sumasakay ng tricycle. Ayokong isang araw ay magiging katulad ako sa kanya. Alam kong tama si mama, kailangan kong mag-aral. Ang gusto ko lang naman sa ngayon ay ang makapag-aral at the same time ay makasama si Jacob. Sana magawa ko nga iyon.
Nang dumating na kami ni Maggie sa bahy nina Jacob, marami ng tao. Bonggang mga taga bukid at talagang naka-attire pa pagpunta dito samantalang usual shorts at floral blouse lang ang soot ko.
"Ay ang daming tao." Sabi ni Maggie. "Ang daming lechon!" Sabay turo sa walong lechon na nakalapag sa long tables sa living room nila.
Hinanap ko si Jacob. Dala ko ngayon ang simpleng regalo ko sa kanya. Isang frame na may picture naming dalawa... Ang korny pero wala naman kasing mall dito sa Alegria kung saan pwedeng bumili ng kahit ano. Yung picture frame nga mismo ay ako pa ang gumawa. Sinikap kong gawin yun kagabi nang narealize na wala pala akong regalo para sa kanya.
I mean... naibigay ko na pala yung hindi materyal na regalo ko. Errr...
May nakita akong tumitingin sakin at umiiling na mga babae. Ano ba? Hindi parin ba sila makaget over sa amin ni Jacob?
Nakita ko si April sa isang sofa na pinapalibutan ng mga kaklase at schoolmates namin. Siguro ay siya ang nagkakalat sa relasyon namin ni Jacob. Umiling na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad nang biglang...
"Rosie, uwi na tayo!" Nabigla ako nang hinila ako ni Maggie sa gitna ng mga tao.
"Ano? Hindi ko pa nga nakikita si Jacob. Di pa tayo nakakakain!" Sabi ko.
"Hay nako! Akala ko pa naman totoo, yun naman pala... isa karin palang manggagamit." Sigaw ng pamilyar na boses galing sa kabilang sofa.
Napalingon kaming dalawa ni Maggie sa nagsalita. Nakita kong papalapit si Eunice samin ng nakataas ang kilay.
"Alam mo, Rosie? Akala ko talaga noon na kahit ganyan ka okay ka parin dahil hindi ka patay na patay kay Jacob. Pero ngayon?" Umirap siya.
"Bitter ba kayo dahil kami na ni Jacob? Hindi ba pwedeng maging masaya na lang kayo samin?"
Hinila ulit ako ni Maggie pero nagpumiglas ako.
Tumawa si Eunice, "KAYO BA? Nakausap mo na ba siya recently? Huh? Hindi pa, no?"
Kinabahan agad ako. ANO ANG NANGYAYARI?
WALA NAMAN AKONG GINAWANG MASAMA! ANO ANG MAARI KONG GAWIN PARA MAGALIT SI JACOB?
"Asan si Jacob?" Sabi ko at nagpapanic na.
"Rosie, Rosie!" Yinugyog ni Maggie ang balikat ko. "Umalis na tayo. Umuwi na tayo. Halika na!" Aniya.
Umiling ako, "Ano ba, Maggie! Birthday 'to ng boyfriend ko!" Sabi ko.
Sa sobrang kaba ko halos itulak ko na palayo si Maggie sakin.
"Ginagamit niyo talaga ang mukha niyo para makabingwit huh?" Sabi ni Eunice.
Napailing ako sa sinasabi niya.
"Sige, I'll give you a clue. Hindi ko alam kung paano nakuha ni April ang video na ito pero sigurado akong hindi ito tampered. Hindi naman kasi siya computer expert para mag tamper ng mga videos." Sabi ni Eunice. "Sa LCD na para HD!" Tumawa pa si Eunice.
Nagsimulang bumuo ang mga luha ko. Panay parina ng hila ni Maggie sakin pero nagpupumiglas ako. Tingin ko nga ay mejo nasaktan ko na siya sa ginawa ko. Anong video ito? May sex tape kami? Navideohan kami?
Nagsimula ang video sa isang pamilyar na bakuran. Bakuran ng BAHAY NI LOLA. Napabuntong-hininga ako nang narealize na hindi ito sex tape. Pero ano ito at bakit bayolente ang reaksyon ng mga tao?
Nakita sa video kung paano kami kumain sa hapagkainan. Mukhang nakunan ito malapit sa bintana. Natigilan lahat ng mga tao para tignan ang video sa LCD.
VIDEO
"Babalik kami bukas ng Maynila. At naku! Kung swertehen tayo baka sa susunod na term ng 6th year mo, Rosie ay makakabalik ka na sa dating school mo. Hmmm. Well, unless kung gusto mong manatili dito?" Sabi ni mama.
"Ba't naman ako mananatili dito?" Tanong ko habang kumakain sa video.
"Syempreee... Para kay Jacob!" Tumawa si mama.
"Ma naman eh!"
"Ayaw mo nun? Kung magiging kayo na nga, yayaman na tayo. Baka di na kami kailangang bumalik ng New Zealand!" Sabi ni Mama.
"Ma!" Wika ni Maggie. "Ang sama mo! Manggagamit!"
"Well, good for you, Mag. May James ka na! Ang ibig kong sabihin... wala namang nag hihintay kay Rosie doon sa Maynila diba na may ilalaban kay Jacob? Gwapo, mabait at mayamang bata si Jacob. Wala ka naman sigurong iniwang boyfriend sa Manila si Rosie, diba?" Sabi ni mama.
"MERON, Ma! Di lang si Jacob!" sabi ni Maggie.
"What? Sino? Dapat kasing yaman ni Jacob!"
"Sino, Rosie?"
"Hay nako! Wala yun, ma!" Sabi ko.
"Sino?" Tanong ni mama.
"Ex ko. Si Callix. Pero wala na kami nun!"
"Callix?? Apelyido?"
"del Rosario." Sabi ko.
"Callix del Rosario? Hmmm."
Doon natapos yung video. Oo. Masama nga yung tunog ng video dahil mukha kaming mga gold digger! At nangyari yun bago kami nagpuntang Alps ni Maggie at James... sa araw na hinalikan ko si Jacob. September 23.
Naiintindihan ko ang nais iparating ng video na yun. Pero si Jacob ang unang humusga sakin dito sa Alegria at tapos na kami sa phase na iyon.
"Hmmm?" Tumawa si Eunice. "Kahiya kayo! Nakakahiya kayo mga Aranjuez!"
"Anong sabi mo?!" Sabi ni Maggie pero kalmado parin.
"Wa'g na wa'g niyo akong huhusgahan!" Nakita ko si Maggie na malunkot sa sofa na inuupuan niya, "Anong gusto mong iparating April? Bakit mo kami vinideohan?"
"Dahil masama kang tao!" Aniya.
"Anong karapatan mong sabihin sakin yun, April! Hindi mo ako kilala!" Sabi ko sa inis.
"Yung video na yun ang nagpapatunay kung sino kang talaga."
"TAMA NA!" Narinig ko si Jacob galing sa likuran ni April.
Masaya ako dahil at last ay nandito na siya!
"Jacob... Alam mo naman yun diba?" Sabi ko, desperately. "Tapos na tayo dun." Dagdag ko.
"Rosie, umalis ka na." Yun ang sinabi niya sakin.
Nabitawan ko ang regalo ko para sa kanya. Iniisip ko pa at pinoprosesong mabuti ang narinig ko galing sa kanya.
Umiling ako at lumapit ng bahagya. Alam kong nakatoon ang tingin ng mga tao saming dalawa pero sa ngayon ay wala akong pakealam. Gusto ko lang marinig ulit yung sinabi niya.
"Jacob... tapos na tayo dun! Diba nag sorry na ako sayo, nag sorry ka na sakin? Tapos na tayo sa phase na yun. Tapos na yun. Diba? Diba? Kahapon?" Di ko na mapigilan ang luha ko.
Kasi alam kong hindi pa ako bingi. Kasi narinig ko talaga yung sinabi niya... kasi alam kong pinapaalis niya nga ako ngayon.
"Rosie, tigilan mo na 'to." Hindi siya makatingin sakin.
Nakatingin siya sa kawalan at seryoso ang mukha niya. Tahimik ang mga tao. Nakita ko ang malulungkot na mukha nina Leo, Teddy at buong taga banda sa likuran niya. Nakita ko ang nakangising si Eunice at malungkot na mukha ni April.
"Bakit, Jacob? Diba kahapon lang... kahapon lang..."
Again... narinig ko pero kailangan kong ulitin. Kailangan kong maramdaman talaga ang lahat.
"Rosie, tama na! Umalis ka na! Ayoko na! Umalis ka na! Umalis ka na! Wa'g mong sirain ang nasira kong birthday! Sinira mo ang birthday ko! Umalis ka na!"
Napastep-back ako sa pag sigaw niya. Sa ngayon ay di ko na mapigilan ang pagdagsa ng luha ko. Parang waterfalls na umaapaw galing sa mga mata ko.
Umiling ako, "Anong ibig sabihin mo, Jacob-"
"Ayoko sayo, Rosie. Tama na... Wa'g na tayong mag lokohan. Ayoko na." Ngayon ay diretso na ang tingin niya sakin.
Nakita kong may namuong luha sa mga mata niya. Agad niya akong tinalikuran nang napansin ang pagtitig ko.
"Jacob!" Sigaw ko at umambang paharapin siya pero hinila na ako ni Maggie.
"Umalis ka na. Wa'g ka ng magpapakita ulit sakin. Please." Sabi ni Jacob bago siya umalis.
"JACOB, NANIWALA AKO SAYO!" Sabi ko at humagulhol na sa pagiyak.
"PUTANG INA, ROSIE UMALIS KA NA!" Sigaw niya at agad na siyang umalis sa harapan ko.
Oh my god! Pagkatapos ng lahat? Pagkatapos ng lahat-lahat? Nagkamali ba ako sa desisyon ko? Nagkamali ba ako? Paano nangyari ang lahat ng ito? Please, somebody, wake me up!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top