Kabanata 35
Kabanata 35
Maberdeng Alegria
WHAT WAS THAT? Hindi ko maintindihan kung ano talaga yung nangyari samin ni Jacob. Na carried-away ako at pati siya. Hindi ko alam kung anong mangyayari samin kung kaming dalawa lang. Paano kung nasa loob kami ng isang room at walang tao?
Hindi ako makatulog sa kakaisip sa scene na yun. Pabalik-balik sa isip ko yung mukha ni Jacob, yung mga labi niya. Ugh!
Sa mga sumunod na araw, okay lang naman si Jacob. Hindi naman siya naiilang sakin pero sobrang ilang ko sa kanya. Lagi ko siyang nakikitang nakikipag usap sa mga kaklase namin o di kaya ay sa ka banda niyang sina Leo at Teddy. Tuwing nag uusap at nagtatawanan sila, sumusulyap pa siya sakin. Palagi namang umiinit ang pisngi ko tuwing nadadatnan niyang nakatingin ako sa kanya.
"Rosie," Tawag ni April sakin.
"April, bakit?" Tanong ko nang linapitan niya ako.
"Anong ibibigay mo kay Jacob?"
Nagkasalubong ang kilay ko, "Bakit? Anong ibibigay?"
"Birthday niya na sa makalawa, hindi mo ba alam?" Ngumiti siya.
"H-Hindi. Talaga?"
Hindi ko nga pala alam kung kailan ang birthday ni Jacob. Dalawang linggo na ang nakalipas mula nung nagpunta siya sa bahay. Mula noon ay di na ulit kami masyadong nagkikita maliban dito sa school.
"Oo. May ibibigay ka ba?" Tanong niya.
"Hindi ko alam."
"Siguradong mag papaparty si don Juan Antonio sa birthday ni Jacob kahit wala siya ngayon at nagpuntang Maynila. Palagi naman yun nagpapaparty, only son niya kaya."
Tumango ako, "Ganun ba."
Napatingin ako kay Jacob na nakikipagkwentuhan parin sa ibang boys. Birthday niya na pala sa makalawa pero di niya nabanggit sakin kahit na palagi siyang nakikipag usap sakin.
"Nandyan na si Mrs Gonzalo!" Sigaw nung isang kaklase ko.
Nag sibalikan na ang mga kaklase ko sa kani-kanilang upuan. Maging si Jacob ay tumabi na ulit sakin at humilig pa lalo nang nakangisi.
"Oh, ba't naka simangot ka?" Aniya.
"W-Wala!" Inayos ko ang mukha ko.
"Ibang klase din yang si Eunice. Alam mo bang gustong pormahan ni Teddy pero ayaw niya."
Inirapan ko siya, "Bulag ka bang talaga?"
Napawi ang ngiti niya, "B-Bakit?"
Umirap ulit ako, "Insensitive."
BWISIT! Hindi mo ba nakikita? May gusto din si Eunice sayo, bobo! Kainis! Kainis ang taga bukid na ito! Pareho kayong mga taga bukid mga manhid! Sa sobrang inis ko, nagmumura na ako sa notebook ko. Inulit-ulit ko pa ang pagsusulat ng mura sa sobrang inis ko.
"Sh-t! Insensitive? Ano yan?" Binasa pa talaga huh?
"WALA!"
"Ayan na naman kayong dalawa! Isang red form na lang at pareho kayong suspended, diba? Gusto niyo yatang ma suspend." Sabi ni Mrs Gonzalo samin habang nakatingin lahat ng classmates ko saming dalawa ni Jacob.
"Sorry, ma'am. Di ko lang maiwasang di makipag usap kay Roseanne." Sabat ng walang hiyang Jacob.
Uminit ang pisngi ko nang tinitigan pa ako lalo ng ibang kaklase namin.
Nakita ko ang pagkalaglag ng panga ni Eunice, April at iba pang babaeng kaklase.
"Bwisit ka talaga, Jacob!" Sabi ko habang nagmamadaling umalis pagkatapos ng klase.
"Bakit?" Nag half-run siya para maabutan ako. "Hindi mo alam? kainis ka! Bwisit!"
Hinila niya ang braso ko at hinarap ko siya. Maraming estudyanteng dumadaan papalabas ng gate. Yung iba ay sumusulyap at nagbubulung-bulungan. Yung iba naman ay walang pakealam basta makauwi lang.
"Andaming may gusto sayo dito! Hindi mo basta basta na lang sinasabi yung mga ganun sa klase! Marami kang masasaktan! Kainis ka!" Sabi ko.
"Ano naman ngayon kung maraming masasaktan? Ano bang problema mo? Ano ngayon kung ikaw ang gusto ko? Wala silang magagawa, Rosie! Ikaw lang itong nag aalala sa mga damdamin nila."
"Ang sama mo naman! Okay lang sayo na masaktan sila, ganun ba? Yung mismong tao na pinoprotektahan mo, masasaktan mo sa ginagawa mo eh!" Sabi ko. Kulang nalang sabihin kong si April.
Nagkasalubong ang kilay niya, "Wala akong taong pinoprotektahan! Ikaw lang!"
Napatingin ako sa paligid. Ilang estudyante na ang tumigil at nagmasid saming dalawa kaya umalis na ako palabas ng campus.
"Ano bang ikinagagalit mo, ha?" Hinila niya ulit ako.
Galit ako sa sarili ko. Galit ako dahil gusto ko rin siya pero alam kong maraming masasaktan. Walang ginawa si April kundi maging mabait sakin. At naiisip ko ding magiging katulad ito ng relasyon namin ni Callix noon. May mga kaibigan ako nung una, pero simula nung nagpahiwatig na si Callix sakin, nawala sila ng parang bula. Inis lahat ng estudyante sakin at laman ako ng backstab sa school. Ngayon, paniguradong yun na naman ang mangyayari sakin dito sa Alegria. Walang pinagbago.
"Wala." Mas mahinahong sabi ko nang pumara ng tricycle. As usual, sumama na naman siya. "Ano ba, Jacob? Araw-araw na lang. Hindi ka ba sinusundo ng hummer niyo?"
"Sinusundo. Kaya ko namang umuwi mag isa ah? Kabisado ko ang Alegria."
Umiling ako at iniba na lang ang usapan, "Anong gusto mong gift?"
Mabilis ang takbo ng tricycle.
"H-Huh? Nalaman mo."
Umirap ako, "Paano ko di malalaman eh ang sikat mo?"
"Huh? Hmmm. Kahit ano. Kahit na hindi materyal na bagay."
Napatingin ako sa mga mata niyang nakatitig din sakin. Walang bakas doon na panunuya. Seryoso siya sa sinabi niya.
Uminit ang pisngi ko.
"B-Bakit?" Tanong niya nang nakita ang pag pula ng pisngi ko.
"Ang bastos mo talaga. Hindi ako ganung klaseng babae. Hindi ganun ka dali, Jacob. Kung akala mo madali lang dahil may ex na ako, nagkakamali ka... ni hindi ko pa yun nagagawa." Pabulong na sinabi ko habang nakatingin sa labas.
Nalaglag ang panga niya at unti-unting narealize kung ano ang iniisip ko.
"Huy, Roseanne Aranjuez! Ikaw itong bastos at napaka green minded mo talaga! Hindi yun ang hinihingi ko sa di materyal na bagay!" Humagalpak siya sa tawa.
Mas lalong uminit ang pisngi ko.
ANO? Akala ko talaga hinihingi niya sakin ay yung alam niyo na!? GRRR.
"Anong akala mo sakin, cheap? Na yun ang gusto ko sayo? Kainis 'to oh!" Kinurot niya ang pisngi ko.
Di tuloy ako makatingin sa mga mata niya. Kawalang hiyaang pagkakamali naman yung nangyaring iyon. Ako pa ang lumabas na manyak!
"Eh ano ba kasi!? Pwedeng ispecify mo nang di ako maconfuse?" Umirap ako, di parin nakatingin sa kanya.
"Syempre yung matamis mong Oo, nang opisyal na tayo at di ka na magtatago sa nararamdaman mo sakin."
"TSEH! Paano ka nakakasigurong may gusto din ako sayo? Kapal ng mukha!" Sabi ko.
"WEH? Ilang beses mo na kaya akong hinalikan. Ibig sabihin nanghahalik ka kahit di mo gusto yung tao. 'Jacob'-" Sa huling sabi niya, ginaya niya pa ang boses ko nung huli ko siyang hinalikan kaya tinakpan ko yung bibig niya at sumulyap ako sa tricycle driver na seryoso namang nag dadrive at mukhang di nakikinig.
"TUMAHIMIK KA NGA DIYAN!?"
Humagalpak ulit siya sa tawa.
"Bukas ng hapon. Tapusin na natin ang Chapter 1-3 ah? Malapit na ang finals eh. Saan mo gusto? Sa bahay niyo, bahay namin, Kampo Juan, o sa farm?"
Kung sa bahay namin, hindi pwede kasi fresh pa sa memory ko yung huling nangyari - lalo na ngayong pinaalala niya sakin yung 'Jacob'... KAINIS! Kung sa bahay nila, lagot at sa kwarto na naman kaming dalawa... ang sabi ko ayokong nasa loob kami ng enclosed space. Kung sa Kampo Juan, paniguradong nandoon si April.
"Sa farm niyo na lang. Dalhin ko ang laptop namin." Sabi ko.
"Okay..." Ngumiti siya at kinurot ulit ang pisngi ko.
Yung utak ko talaga kasing berde ng mga bundok ng Alegria. Grrrr. Eh mukhang wala lang naman kay Jacob ang lahat. Ako yata ang totoong manyak dito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top