Kabanata 34

Kabanata 34

Pawis na Pawis

Habang pinapakain ko yung mga manok sa bakuran ni Auntie Precy, nalaman ko na first love niya rin pala si Juan Antonio na papa ni Jacob.

"Kinailangan kong lumuwas ng Maynila para mag college... Siya naman ay agad tinuruan paano mag patakbo ng negosyo." Nagkibit-balikat si Auntie Precy at nagkunwaring okay lang ang lahat kahit kita sa kanya ang pagsisisi. "Ba't mo naitanong?"

I ignored her question, "Ba't di ka niya sinundan? Ba't di ka bumalik?"

Napalunok siya at nakita ko sa mga mata niya ang luhang nagbabadyang tumulo. Tumingin na lang siya sa malayo habang nagkunwari akong magbuhos pa ng pagkain sa mga manok. "Kasi kailangan kong mag-aral, Rosie. At siya, kailangan niyang mamahala ng farm. Maraming nangyari nang nag aral ako sa Maynila, at marami ding nangyari sa kanya dito sa Alegria. Nang bumalik ako, umalis naman siya para mag-aral din."

Tumango na lang ako. Ayoko ng magtanong pa ng kahit ano dahil natatakot akong baka umiyak si Auntie Precy sa harapan ko.

Nabigla na lang ako nang dinagdagan pa niya ang sinabi, "Kung saan doon niya na meet si Cielo."

Hindi matanggal sa isip ko ang mga sinabi ni Auntie Precy. Nirereflect ko kasi ang sitwasyon namin ni Jacob ngayon. Paano kung kinailangan na naming umuwi ng Maynila at makahanap siya ng iba? Paano kung makita niya na si April at mahalin niya rin ito? Iniisip ko palang naiiyak na ako sa paninikip ng dibdib.

Ilang araw pang lumuluwas si mama at papa sa Maynila. Hindi nila kami sinasabihan tungkol sa inaapplyan nila sa New Zealand pero ramdam na ramdam kong mejo okay yung feedback kasi mas maaliwalas yung mukha nila sa bawat pagbalik dito sa Alegria. Nakita ko din silang chinicheck yung passport at parang nag ku-kwentuhan tungkol sa bagong bahay na malilipatan sa Maynila.

"Naku! Excited na akong makabalik sa Maynila! Miss na miss ko na yung lugar na yun. Sana apartment na lang ang rentahan natin nang di masyadong magastos. Di tulad noon. Naku!" Sabi ni Maggie.

Para akong nabilaukan sa sinabi niya, "Huh? Kailan tayo babalik?" Nagkasalubong ang kilay ko.

"O anong problema mo?" Ngumisi siya. "Akala ko ba ayaw mo dito sa Alegria? Ba't parang ayaw mong bumalik sa Maynila? Kay Callix ba?"

Umiling ako, "Kailan tayo babalik?"

Nagkibit-balikat siya, "Hindi ko alam pero sigurado akong malapit na."

Isang linggo kaming laging magkasama ni Jacob pagkatapos niya akong dinala sa bahay nila. Minsan sa Kampo Juan kami tumatambay, minsan sa bahay nila, minsan sa bukid nila. Na bo-bored na ako masyado sa school dahil puro paper works na lang ang nangyayari at less activities. Malapit na kasi ang katapusan ng term.

At dahil malapit ng matapos ang term, kailangan na rin naming matapos ang Chapter 1-3 ng thesis namin ni Jacob. Pero tuwing nagkikita kami, hindi ako makakita ng time para gumawa ng thesis kasi masyado kaming maraming pinagkakaabalahan. ERR! Mali yung iniisip niyo! Ang ibig kong sabihin ay tulad na lang nung take home test sa Calculus at Physics. Magaling si Jacob sa Math kaya minsan ay nagpapaturo ako.

Kunwari sa school di kami close ni Jacob. Actually, sa part ko lang naman yun dahil malamig ang turing ko sa kanya pag nasa school kami. Siya naman, sobrang feeling close kaya iniiwasan ko. Talak pa nang talak kahit na nagsasalita din yung teacher sa harapan. Ilang beses nga kaming napagalitan eh.

Lumapit si April pagkatapos ng klase, "Jacob, nag tanong si tatay kung bakit di ka na nagpupupunta samin?" Sumulyap si April sakin bago ibinaling ulit ang tingin kay Jacob.

"Alis na ako, ah?" Sabi ko.

Tumango lang si April.

This past few days, naiilang akong sumama o makipag usap kay April. Dahil narin siguro sa sitwasyon namin ni Jacob. Guilty ako.

*1 message*

Agad kong binuksan ang cellphone ko at binasa ang mensahe galing kay Jacob.

Jacob:

Pupunta ako sa bahay niyo pagkatapos.

Kainis! Sarap itapon ng cellphone ko. Ba't kinailangan niya pang sumama kay April. My god! At ba't ganito ang reaksyon ko? Ba't nandidilim ang paningin ko sa tuwing naiisip na sumasama din siya kay April? Bakit pakiramdam ko nag-cheat siya sa relasyon namin. Ay, Rosie! Wa'g ganyan dahil alam mong wala kayong relasyon. Sadyang ilusyunado lang ang Jacob na yan.

Dumating siya sa bahay ng pawis pa. Wala na naman sina mama at papa ngayon kaya sina Auntir Precy at Maggie lang ang nasa bahay. Si Maggie ay namamalagi sa kwarto para makipag tawagan kay James. Si Auntie Precy naman ay nasa back yard o di kaya ay sa kusina.

"Anong ginawa niyo at ba't pawis na pawis ka?" Salubong ko sa kanya.

Kahit na inosente naman talaga yung tanong kong yun, hindi ko mapigilan ang pag iisip ng masama ngayong half-open na naman ang bibig ni Jacob.

"Anong 'anong ginagawa'?" Ngumisi siya.

Umiling ako, "Wala! Tss!"

"Oh ba't ka naiinis?" Tanong niya habang lumalapit sakin.

In  fairness kahit na pawis siya sobrang bango niya parin. God, stop this feeling! I-stop mo narin ang pagiging engot ko! Umupo ako sa sofa at nagkunwaring nanonood ng TV.

"Jacob, kung may girlfriend ka na, di ka na basta-bastang nakikipagkita sa ibang babae."

"Kung ganun, boyfriend mo na ako?" Tumabi siya sakin nang nakangisi. "Girlfriend kita pero alam kong di mo ako boyfriend. At ngayon, nagseselos ka kaya sinasabi mong boyfriend mo na ako?"

"Hindi!" Sabi ko nang nakatingin parin sa TV.

Bigla niyang kinuha ang remote at pinatay yung TV kaya napilitan akong tignan ang napakalapit niyang mukha sakin. Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang naramdaman yung kamay niya sa likuran ko. Hinilig niya ang buong katawan ko sa katawan niya at naramdaman ko agad yung labi niya sa labi ko.

Tinulak ko siya dahil wala ako sa mood makipag halikan ngayong mejo galit ako at naiinis sa kanya. Pero sa tamis ng halik niya, hindi ko lubusang magawa. Parang gusto ko na lang ipagpatuloy. Alam kong nasa sala pa kami pero hindi ko talaga magawang tumigil at basta-bastang itulak siya. In fairness na din, gumaling na siya sa paghalik. Dinilat ko ang mga mata ko at nakitang nakapikit siya habang hinuhuli ang labi ko. Sinubukan kong itulak siya ulit at naramdaman kong mejo pawis ang dibdib niya. Hinila niya pa lalo ang katawan ko. Yung boobs ko nasa dibdib niya na talaga. Nakita kong ngumisi siya sa gitna ng halik namin.

"Jacob!" Sabi ko nang narealize kong nararamdaman ko na ang pagka turn-on niya.

Napatingin ako sa pants niya at kumpirmado nga yung naramdaman ko. Napahinga siya ng malalim at half-open parin ang bibig nang tinignan ako.

Lumayo ako ng konti. Sh1t anak ng tupa! Alam kong magwawala ako mamaya dahil isinusumpa ko ayaw kong maputol yung halikan. Gusto ko lang mag tuloy-tuloy hanggang sa makuha kung ano man yung gusto ko. Naramdaman ko na ilang beses yung ganun ni Callix pero lecheng buhay hindi ko pa kailanman naramdaman ang ganito ka tinding pagpipigil sa sarili. True, na-cacarried away ako noon kay Callix pero mas mautak ako noon at di ko basta-bastang hinahayaang lumagpas kami sa hubo't-hubad stage. Kailanman, di ko inisip na kaya kong hayaan si Callix na hubaran ako. Pero my goodness, parang gusto kong magmakaawa kay Jacob na sana hubaran niya ako, ngayon din!

Napapikit ako at nagpasyang ibahin ang usapan.

"Ba't ang galing mo ng humalik? Sino ang nagturo sayo? Siguro nag training kayo ni April dun?" Halos isigaw ko 'to.

"What?" Sigaw niya. "Rosie, ano ba yang pinagsasabi mo? Nagseselos ka lang!"

"Tigilan mo ako, Jacob! Kilala kita! Nag ho-holding hands kayo ni April! Baka kung wala ako, higit pa sa holding hands yung ginagawa niyo?!" Hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

"Wala pa akong nahahalikan kundi ikaw kaya wa'g ka ngang dirty minded!" Aniya at lumapit sakin.

Natakot ako ng sobra sa paglapit niya. Kahit na iniba ko na ang usapan, nandyan parin ang init sa katawan na naramdaman ko kanina. Napahinga ako ng malalim at lumayo ulit sa kanya.

"Ba't ka lumalayo sakin?" Napalunok siya.

Napatingin ulit ako sa pants niya. Hindi ako sigurado kung matigas pa o ano na yung nasa ilalim nito.

"Oh, Jacob! nandito ka pala!" Sabi ni Maggie na bigla lang sumulpot.

Shet! Muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko. Oo nga naman pala, nandito kami sa sala! Napa face-palm ako sa makamundong pagnanasa na naiisip ko kanina.

"Oo. Magpapatulong kasi si Rosie sa isang assignment niya." Sabay tingin ni Jacob sakin.

Napalunok ako. Anong assignment yun at aling subject? Nawala talaga sa isipan ko.

"Kunin ko lang ang notebooks ko." Sabi ko at tumakbo na papuntang kwarto.

Easy ka lang, Rosie. Easy ka lang... Inalala ko si Callix. Yung unang halik namin. Yung unang pagkahawak niya sa boobs ko. Unang foreplay namin kahit di pa tinatanggal yung mga damit sa loob ng sasakyan niya. Puno yun ng pag iisip na dapat di ko ibigay yung sarili ko sa kanya dahil kilala siyang playboy sa buong Campus. Lahat ng babaeng naging girlfriend, na devirginize niya. Pero ngayon kay Jacob, nagpipigil ako dahil alam kong ako mismo ay may gusto nito. sh1t! Ewan na!

Awkward yung pag tulong niya sa assignment. Isang haplos lang ng kamay parang umiinit na yung katawan ko. Halata rin sa kanya ang pag iiba ng ekspresyon tuwing dumadapo yung kamay ko sa kamay niya. Kahit na sinasapak ko siya, awkward padin.

"Jacob, dito ka na kumain. Gabi na eh." Sabi ni Auntie Precy.

"Sige po."

Sa hapag kainan, busy ulit si Maggie sa pag ti-text kay James. Si Auntie Precy naman ay salita nang salita...

"Hirap talaga ng Calculus na yan. Naalala ko pa noon kung paano ako nahirapan niyan. Rosie, yung mga kutsara."

Ako yung nag lagay ng kutsara sa mga plato dahil alam niyo namang mejo useless ako sa kusina.

Nang nilagay ko na yung kutsara at tinidor ni Jacob, nahulog yung tinidor kaya pinulot ko sa harapan niya. Nang tumayo ulit ako nakita ko ang mga mata niyang nakatitig sa cleavage ng spagetti strap kong damit.

Tinitigan ko din siya habang nagsasalita si Auntie Precy at nag ti-text si Maggie. Tingin niya pa lang, nag-aalab na ang dugo ko. Parang may hangin na naglakbay sa likuran hanggang leeg.

Napasinghap siya nang nakitang nakatingin din ako sa kanya. Itinuon niya ang pansin sa pagkain at bumalik naman ako sa upuan ko sa harap niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top