Kabanata 28
Kabanata 28
Mahal Kita
Ilang sandali lang pagkatapos naming kumain ay umuwi na si Maggie dala pagdududa sa ginagawa naming dalawa ni Jacob sa bahay.
"Binugaw ako ni mama sa kanya." Bulong ko sa kanya habang nakaupo si Jacob sa sala.
"Napaka defensive mo naman yata." Ngumisi siya at nagbihis na sa kwarto namin.
Nagpaalam na rin si Jacob sa araw na yun... Actually, ako yung nag suggest na umalis na siya dahil nandito na si Maggie.
"Papasok ka na ba bukas?" Tanong niya.
Hinahatid ko siya ngayon palabas ng bakuran namin. Aniya'y mag tatricycle lang daw siya. Sure? Eh nandyan na yung Hummer nila sa kanto eh.
"Hindi ko alam, siguro-" Bago ko matapos ang pagsasalita, hinalikan niya na akong bigla.
Mabilis na halik ulit! Kaya hayun at sinapak ko na.
"Nakakadalawa ka na huh?! umalis ka na nga! Kainis 'to!" Sigaw ko.
Uminit ang pisngi ko pero ayokong makita niya ang pagpapanic ko.
"Ito naman... Ipagpalagay mo na lang na thank you mo sakin yun!" Sabi niya.
"Heh! Wa'g ka ngang mangarap! Di ako magpapaligaw sayo no! Over my dead and decaying body!" Sabi ko.
"Bahala ka, Roseanne Aranjuez! Basta ang alam ko liligawan kita at wala ka ng magagawa!" Tumawa siya habang tumatakbo palayo papuntang Hummer nila sa kanto.
Napailing na lang ako at napangiti. Hay nako! Alam ko! May feelings ako sa kanya pero its not that simple! Nasaktan niya ako dahil sa mga iniisip niya tungkol sakin. Kung darating man ang panahon na sasagutin ko na siya, kailangan itatak niya sa kokote niya na hindi yun tungkol sa pera.
Pumasok na ako kinabukasan at isang tahimik na Alegria National High School ang bumungad sakin. Grupo-grupo ang mga estudyante na nagbubulung-bulungan ang nakikita ko sa bawat sulok ng school. Bukod sakin, isang tao lang ang mag isa bukod sakin. Si... April. Mag isa si April na naglalakad habang nagbubulung-bulungan ang mga tao sabay tingin sa kanya.
Nakita niya ako pero pilit na iniwasan.
Ano naman kayang nangyayari this time? Nag absent lang ako ng isang araw eh may ganito ng nangyayari? May dala-dala pang supot ng kung ano si April habang naglalakad papuntang gate ng school.
"Anong nangyari?" Tanong ko sa isang babaeng kaklase ko pero bago niya pa ako nasagot ay nakita ko na kung ano.
Tinulak ni Eunice ang sopas (yun pala yung laman) na dala-dala ni April.
"Ang feeling mo! Ni hindi pa napapatunayan kung ikaw! AKALA MO NAMAN ANG GANDA MO NA NGAYON!" Dinig na dinig ang sigaw ni Eunice sa buong paaralan.
Ano na naman ba ang problema nitong dalawa?
"Kahapon..." Lumingon ako sa likuran at nakita ko si Leo. Nagsasalita para sa lahat pero alam kong ako ang kinakausap niya dahil ako lang ang walang alam. "Umalis si Jacob sa harap ng klase habang nag sisimula ang isang quiz."
"Tapos?" Tanong ko.
Naglakad siya patungo sakin.
"Alam mo ba kung ano ang nasa blankong papel niya?" Tanong niya habang ngumingisi.
Napairap ako, "Bakit? Ano?"
"I'm in love."
"HA?"
"Yun ang nasa papel niya, 'I'm in love'..."
Now I have a funny feeling na ang away ni April at Eunice ay dahil dun. Dalawa sa pinaka malapit na babae kay Jacob ang nagtatalo sa puso niya. Sa kabilang banda ng classroom namin may nakita akong tatlong babaeng umiiyak na para bang namatayan. Wait a minute... this is ridiculous! Ganito ba siya ka maimpluwensya dito sa Alegria? Laglag ang panga ko habang tinitignan ang bawat bigong babae sa paligid.
Tumingin ulit ako kay Leo na nakatitig parin sakin, "At wala pa siya ngayon... Absent siya kahapon eh dahil nag walk out siya sa gitna ng quiz. I check mo kaya ang phone mo kung may text siya... Wala samin ang may text galing sa kanya eh. Sabi ni April... sa kanya lang daw nag text si Jacob."
Tinignan ko ang cellphone ko agad-agad at nakita ang isang unknown number na nagtext sakin.
Message:
Care to visit me? Nahawa yata ako sa flu mo. - Jacob
Napatingin ulit ako sa nakataas na kilay ni Leo, "Meron?"
Tumango ako.
"Ikaw na talaga." Ngumisi siya. "First kiss ka niya eh. Maaring first love din. Ilihim mo na lang yan kung ayaw mong paulanan ka ng hatemails." Tapos umalis siya.
May sakit si Jacob at nahawa siya sa flu ko??? Hindi ko naman alam kung anong gagawin ko, tutulad ba ako ni April na pupunta sa bahay nila pagkatapos mag luto ng sopas o ano? Pero dahil sa indecision ko, nanatili ako sa school at nag wish na sana nag load ako kanina. Hindi ko naman alam na mag titext pala yung kumag. Akala ko di niya alam yung number ko.
Sumusulyap ako kina Leo na laging nagbubulung-bulungan at tumitingin sakin. What the heck is their problem?
Pagkatapos ng school umuwi na silang lahat... Ako nagpaiwan para ipagpatuloy ang thesis namin ni Jacob habang wala siya. At nang narating ko na ang gate palabas sa school may nakita akong pamilyar na sasakyan sa labas kaya agad akong naglakad palayo nito para iwasan.
Umandar din ito at sinusundan ako. Nakakatawang tignan kasi isang maalking sasakyan ang nasa gilid ko at kasing bagal kong maglakad ang takbo nito.
Bumaba yung salamin.
"Hi!" Narinig ko si Jacob.
Umirap ako at mas lalong binilisan ang paglalakad...
"Maglalakad ka pabalik sa bahay niyo? Layo kaya nun!" Sabi niya at humalakhak.
"Tumigil ka nga!" Umiinit na ang pisngi ko.
"Ba't ang tagal mong umalis sa school? Sinong kasama mo? Anong ginagawa niyo?"
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. Tumigil din sa pag aandar ang sasakyan niya. Siya talaga ang nag d-drive huh?
"Anong pakealam mo!?" Sigaw ko. "Gumawa ako ng thesis no! Papatapos na kaya ang term!"
"With?"
"With? Ako lang!"
"Sure? Baka si Teddy na naman!"
"Alam mo kung makapagsalita ka akala mo tayo na!"
Bumaba siya at hinila ako papasok sa sasakyan niya.
"Ano bang problema mo Jacob!" Sigaw ko.
"Sumakay ka na kasi! Parang engot to oh!" Sabi niya.
"Diba may sakit ka?" Tanong ko habang amoy ang mabangong perfume or shower gel sa kanya.
Sa lapit naming dalawa mabubol na naman ako nito. Dinig na dinig ko na naman ang kabog ng puso ko eh.
"Oo! May sakit ako! Sa puso!" Sabi niya.
"Huh?"
"Mahal kita pero wala kang pakealam sakin! Kailangan ko bang ipagpilitan yung pagmamahal ko sayo, Rosie?!"
Natulala ako sa sinabi niya.
"Kaya kong maghintay pero...pero sagutin mo ako... Ipagpipilitan ko ba 'to at aasa na lang na baka sakali ay mahalin mo rin ako?" Seryoso ang mukha niya habang lumalapit pa siya sakin.
Nakasandal na talaga ako sa fron seat niya at nilalapit niya pa ang sarili niya sakin. Oh yeah, this is hsi first time... I'm his first love... First kiss... Unang babaeng niligawan. Unang lahat!
"Anong ineexpect mo? Pagkatapos mo akong insultuhin ako ng husto ay lilipad ako pabalik sayo pagkatapos mong sabihin sakin na mahal mo ako? Ano ako? Bale? No way!" Sigaw ko sa kanya.
Mukha namang natauhan siya at huminahon.
"Wa'g ka kasing masyadong harsh!" Aniya.
Umiling ako, "Ikaw nga itong harsh eh!" Sabi ko.
"Kalimutan na natin lahat ng pagtatalo natin, okay, Rosie? Simula ngayon... kakalimutan na natin lahat!" May kinuha siya galing sa back seat at binigay sakin.
Isang bouquet ng roses na iba ibang kulay. Hindi ko naman feel magpasalamat sa kanya kaya...
"Ano 'to?" Tanong ko.
"Day one ng operation baka sakali ma in love ka sakin." Ngumisi siya at sinarado ang pintuan.
OPERATION BAKA SAKALI MA INLOVE KA SAKIN? May ganun? Pinahaba niya lang eh... Panliligaw parin ito! Natawa ako.
Umikot siya at umupo sa driver's seat.
"Anong tinatawa-tawa mo diyan?" Nakasimangot na siya ngayon. "Korny ba? Wa'g mo nga akong pagtawanan!" Umirap siya habang pinindot ang isang iPad sa harapan.
Ang yaman ng kumag! May iPad sa Alegria!
"Katuwa ka talaga!" Sabi ko.
Ngumisi siya, "at pagkatapos niyan, maiinlove ka na sakin." Tumawa na rin siya.
Ang cute-cute niya talaga. Inosenteng inosente tulad ng mga gubat at bukid dito sa Alegria. Di ako makapaniwalang na hulog nga siya sakin.
Then the song so full of memories played... Well do it all... everything... on our own. We don't need anything or anyone... If I lay here. If I just lay here. Would you lay with me and just forget the world.
Napatingin ako sa mukha niyang nakangiti habang nakatingin sa daanan. I'm in love with him, too. But it shouldn't be this fast...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top