Kabanata 23

Kabanata 23

Bumuhos ang Lahat

Bumaba agad ako ng tricycle pagkarating sa kanto. Parang di umuulan kung makapaglakad ako sa bilis. Ayaw kong makausap o makita ang pag mumukha ni Jacob pero hinila niya ang braso ko at hinarap niya ako.

"Rosie, sandali lang-"

"ANO JACOB?" Sigaw ko sa mukha niya.

Basang-basa na rin siya sa ulan at sparkling na pati mukha niya. Sobrang gwapo kaya mas lalo akong naiinis dahil kahit galit ako sa kanya, nagawa ko paring puriin ang mukha niya.

"Bitiwan mo nga ako!" Binawi ko ang braso ko sa pagkakahawak niya.

"I'm sorry! I'm sorry!" Aniya.

"I'm sorry mong mukha mo! Tingin mo sa daming masasamang sinabi mo sakin matatanggap ko yung sorry mo? Jacob, di ako matalino pero di rin ako tanga!" Hayun nagsilabasan na ang maiinit na luha sa mga mata ko.

Mabuti at umuulan parin kaya di niya makita ang luha ko.

"Tingin mo ako lang yung mapanghusga? Oo! Hinusgahan kita, Jacob! Hinusgahan ko ang pagkatao mo! Pero hinusgahan mo rin ako kaya kwits na tayo!"

"I'm sorry! Alam ko. Oo... kasalanan ko. Pero nakakainis ka eh! Nakakainis yung pag sali mo sa Ms Intrams! Hindi ko alam pero naiinis ako-"

"BAKIT? Anong problema sa pagsali ko dun!? Diba ikaw ang nagtulak sakin sa pagsali? Anong kinalaman nun sa pagkatao mo? Wala naman diba? Sumali ako dun dahil yun ang suggestion mo tapos ngayon... ngayon iniinsulto mo na-"

"KASI AYOKONG MAY IBANG MAKAKITA SA NAKITA KO SAYO!"

Anong nakita niya sakin? Yung mukha kong maganda?

"Wala ka ng magagawa Jacob, nakita na nila! At sino ka ba sa akala mong may karapatang pagbawalan ako sa kahit anong gusto kong gawin?! Tsaka! Maganda naman si April ah! Siya na lang kaya ang wa'g mong ipakita? Hindi ako bagay na pwede mong itago, Jacob! At mas lalong di mo ako pag aari kaya wala kang karapatan!" Tinulak ko siya sa galit ko.

"Rosie, I'm sorry." Natigil ako sa paglalakad dahil niyakap niya ako galing likuran.

Napapikit ako sa init ng yakap niya, sa bango niya, at sa feelings niyang agad kong naramdaman ngayon. Pero kahit ganun, mas nangingibabaw parin ang galit ko. Tinulak ko siya pero ayaw niyang magpatulak sakin. Nanatili siya sa position niya.

"Jacob!" Sigaw ko habang tinutulak siya.

"Hindi ko alam kung paano 'to. Di ko na alam kung paano natin maibabalik yung dati... o kung maibabalik pa ba natin yun." Bulong niya sakin.

Mahigpit parin ang pagkakayakap niya.

"Hindi ko alam kung paano ko hahawakan ang sarili kong emosyon, Rosie. This is my first time... I've never felt this way before..."

Nanlaki ang mga mata ko at naramdaman ko ang paghina ng yakap niya kaya kinalas ko ito at hinarap siya. Di siya makatingin sakin. Basang-basa ang buhok niya, ang mukha, ang katawan... at pula ang kanyang mga mata.

Ayun na naman at dinig na dinig ko ulit ang malakas ng kabog ng dibdib ko...

"ROSIE?" Sigaw ni Auntie Precy sa malayo. May dala siyang payong.

Tumakbo siya nang nakita kaming dalawa ni Jacob.

"Ros- Jacob?" Nanlaki ang mga mata niya nang nakitang si Jacob ang kasama ko. "Ano ba naman kayong mga bata kayo! Pasok sa loob! Bilis! Jusko! Pasok!"

Wala kaming nagawa kundi pumasok sa BAHAY NI LOLA.

"Jusko naman..." Sabi ni Auntie Precy habang pumuntang kusina.

Lumabas si mama, papa at Maggie galing kusina. May dala ng tuwalya si Auntie Precy, si mama at papa naman ay kumuha ng mainit na tubig at tsokolate para mainom namin.

Nakita ko ang nakakainis na ngiti ni Maggie sa mukha niya habang tinitignan kaming dalawa ni Jacob.

"Anong nangyari sa inyong dalawa?" Tumaas ang kilay niya.

"Wala! Maliligo lang ako-"

"O heto, inumin niyo." Sabi ni mama samin ni Jacob at tumaas yung kilay niya sakin.

HA? - Yun yung ekspresyon ko pero nginuso niya si Jacob. OH GREAT! YEAH RIGHT! Bago ko pa siguro nalaman ang estado sa buhay ni Jacob ay alam na yun ni Mama. Obsessed yan sa mga mayaman eh kaya malamang kilala niya lahat ng mayaman dito sa Alegria. Saya saya niya siguro ngayong nakapagdala ako ng mayaman dito sa bahay namin. AT LAST! Yayaman na kami! GRRRR!

"Eto si Jacob. Kaklase ko." Malamig na sinabi ko.

"Pasensya na po sa abala. Jacob Buenaventura." Naglahad siya ng kamay kay Mama.

Si mama lang siguro ang di niya pa kilala dahil si papa ay tumatango na sa kanya.

"Anong ginagawa niyo sa labas at nagpapaulan kayo?" Inosenteng tanong ni Auntie Precy.

"Hinahatid ko po si Rosie dito. Pareho po kaming walang dalang payong."

CONFIRMED sa laki ng O sa bibig ni mama ang relasyon namin ni Jacob kahit wala naman talaga. Bwiset! Ba't niya pa kasi sinabi yun?

"Hinatid?" Tumaas ang kilay ni mama.

"Oo. Gumawa kasi kami ng thesis." Sabi ko para di na sila dirty-minded.

Pero di parin natanggal ang ngisi sa bibig ni mama.

"Maliligo at magbibihis lang ako." Sabi ko.

"Rosie..." Sabi ni Maggie sakin. "Mabuti pa pahiramin mo si Jacob ng damit ni James dun sa taas at Jacob... magbihis ka... magkakasakit ka niyan." Sabi ni Maggie tapos umalis para kunin siguro yung damit ni James.

"Wa'g na. Okay lang ako." Sabi ni Jacob.

Pero di na narinig ni Maggie.

Pinaupo ni mama at papa si Jacob at nagsimula ng mag interrogate. GRRR! Naligo ako at agad nagbihis. Natatakot ako at baka may maitanong si mama na masyadong weird sa panlasa ni Jacob kaya ayun. Pagkabalik ko naman, nakabihis na si Jacob ng isang damit ni James. Nung si James ang nagsoot nito, okay lang yung paningin ko, ngayong si Jacob na? Naiinis ako! Naiinis ako kaya di ko na tinignan. Sobrang gwapo niya kasi kaya di ko tinignan at baka mapuri ko pa ang walang hiya.

Tinitigan niya ako habang sumasagot sa tanong ni mama at papa.

"...papunta na dito..."

Hindi ko alam kung anong sinasabi niya.

"Ah! Ayun na!" Sabi ni Auntie Precy habang nakatingin sa labas.

May dumating na isang napakalaking sasakyan. Parang armored vehicle or something?

Napanganga si Maggie at siniko ako nang tumingin kaming lahat sa bintana.

"Hummer." Bulong ni Maggie sakin.

Nilapag ni Jacob ang tasa ng tsokolate at tumayo...

"Salamat Auntie Precy, tita, tito, Maggie."

WEH? TITA? TITO?

"Sorry po sa abala. Alis na ako." Aniya.

Nakita kong may lumabas sa Hummer at may dalang payong. Isang matandang naka uniporme ng Kampo Juan ang may dalang kay laking payong.

"Manang, nako nag abala pa kayo!" Sabi ni Auntie Precy nang nakarating na sa pintuan namin. "May payong naman kami dito."

"Okay lang, Precy! Oh, lika na Jacob!"

RICH KID ANG NYETA! Kainis! Sana mamatay na lang ako ngayon... KAINIS!

Bago siya lumakad palayo, tumingin ulit siya sakin at...

seryoso ang mukha niya, "Salamat, Rosie."

Tumango lang ako. PLASTIKAN!

"Sana mapatawad mo ako..." At umalis.

Ni hindi na sinundan ni mama, papa, auntie Precy at Maggie ang paglayo ni Jacob dahil nakatoon ang mga mata nila sakin at laglag ang panga.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top