Kabanata 22
Kabanata 22
Edi Sumasakay
Umiyak ako sa bahay... gabi-gabi... Bwiset na Jacob! Buong intrams di ako pumunta sa school dahil sa Jacob na yun. Mabuti na lang at di required ang mga candidates ng ms Intrams. Pero alam ko namang kahit di kami required ay nandoon si April para suportahan ang walang hiyan kumag na yun.
Nalaman ko din kay Auntie Precy na si Jacob nga ang anak at tagapagmana ng lahat ng ari-arian ni Juan Antonio.
"Patay na ang mama ni Jacob. Silang dalawa na lang ng papa niya at only child siya kaya natural lang na kanya na ang lahat." Aniya.
"Pero bakit ko siya n-nakikitan nag bubuhat ng mga kahoy na parang... magsasaka?"
"Haay Rosie. Tumutulong siya sa ma tao ng farm nila syempre."
"Yung buong banda nina Jacob ay puno ng mayayaman. Kilala mo ba si Leo Yu?" Tumango ako sa tanong ni Auntie Precy. "Mayaman din yun. Si Teddy, Ron, at Louie ay puro mayayaman. May ari ng Alps at iba pa. Kaya nga maraming fans yung ga yun dito. Alam mo kasi... wala namang private school dito sa Alegria kaya wala silan choice kundi pumasok sa public. Bilib din ako sa mga batang yun. Lalo na kay Jacob, napaka down to earth. Ah! Pati din si...Ramirez? Eunice Ramirez, yun maganda? May ari sila ng Trucking services dito sa Alegria."
Napalunok ako, "si April Valdez?"
Tumaas ang kilay niya, "Valdez? Yung anak ni Mang Kaloy?"
"Basta... yung kasali sa Ms Intrams na nahuli?"
"Yun nga... Anak ni Mang Kaloy... Bakit? Magsasaka si Mang Kaloy at nagtatrabaho yung mama niya kina Jacob."
Hindi ko parin talaga matanggap na mayaman si Jacob. Hindi ko kayang humarap sa kanya ngayon. Alam kon kailangan kong mag sorry pero ayaw ko namang mag sorry sa kanya ngayong ganito kaming dalawa.
Pansing-pansin na ni Maggie (at maging ni James) ang pagiging matamlay at kawalan ng gana ko sa bawat araw na lumipas. At tadaaah!!! Balik-eskwela na agad!
Nininerbyos ako papuntang classroom sa unang araw pagkatapos ng Intrams. Hyper pa ang mga tao at puno pa ng hang-over sa intrams. 6th years daw ang overall champions. Pagkapasok ko ng classroom, nandoon na si Jacob at nag s-strum ng guitar niya kausap si Leo. Nang nakita ni Leo ang pagdating ko, humalakhak siya at umalis.
"Jacob..." Lumunok ako nang nagkatagpo ang mga mata namin.
MAG SOSORRY LANG AKO AT TAPOS NA! YUN LANG!
Pero bago pa ako makapagsalita, tinalikuran niya na ako at umalis. Bumalik lang siya nang nakarating na ang first period teacher namin. Di ko na ulit siya kinausap buong araw. Leche! Kainis! Parang tanga lang ako ditong sumusulyap-sulyap sa kanya. Pag may joke ang teacher ngumingiti siya tapos pag wala naman ay seryoso siya. Ni hindi niya pa ako natignan kahit isang beses sa araw na 'to.
Nang dinismiss na kami sa araw na yun, nagdagsaan ang mga kaklase ko sa labas at nakita ko si April na hinihintay si Jacob malapit sa pintuan. Tapos na ako sa paglilipit ng gamit pero sinadya kong magpaiwan para makausap.
"Jacob." Di niya parin ako pinapansin. "Jacob, kausapin mo ako."
Linagay niya ang mga papel at ballpen sa bag niyang NIKE, bakit noon di ko nakikita masyado ang mga gamit niya, hindi ko narealize na kung anak siya ng magsasaka, ba't may magandang guitar siya? Ba't may mamahaling bag? Ba't mamahalin ang sapatos? Bakit may gold necklace siya? Ngayon lang ako natauhan.
"Jacob-"
"Wala naman tayong dapat pag usapan pa, Rosie." Mahinahong sinabi niya at tinalikuran ako for the nth time!
Hinila ko ang braso niya kahit halos di ko naman siya mahila pero tumigil siya at hinarap ako. Nakita kong bahagyang nabigla siya sa ginawa ko at sa ekspresyon ng mangiyak-ngiyak kong mukha.
Biglang kumulog at kumidlat sa labas kaya nagsigawan ang mga OA na estudyante.
"I'm sorry. I'm sorry kung hinusgahan kita noon. I'm sorry. yun lang ang gusto kong sabihin. Kung di mo man ako mapatawad, maiintindihan ko kasi kasalanan ko naman-"
"Bakit ka nagsosorry sakin? Siguro gusto mo lang yata akong maging boyfriend dahil mayaman ako? Nagpapapansin kana ngayong nalaman mong mayaman ako?"
AT PAK! Bwiset ka huh? Sinampal ko na kaya hayan at natulala siya sa lakas ng sampal na tinamo niya. Buti at natulala siya at di niya tinititigan ang mukha ko na puno ng luha ngayon.
"OO! MAPANGHUSGA AKO PERO HINDI KO KAILANMAN NAGUGUSTUHAN ANG ISANG TAO DAHIL LANG SA YAMAN NIYA, JACOB! Ang sakit mong magsalita!"
Dini na dinig ng mga estudyante sa labas ang sigaw ko kaya napatingin sila sa loob. Yung iba na weirduhan, yun iba naman ay walang pakealam. Si April na kanina pa nakatingin samin ay umambang papasok pero pinipigilan ang sarili. Narinig ko ang mabilis at malakas na hininga ni Jacob.
"Nagpapapansin ka nga! Pwes sorry ka na lang pero hinding hindi ako mahuhulog sa mga tulad mong..." Natauhan yata kaya itinigil ang pagsasalita.
I swear to od, I've never cried this way before. Halos hinilamos ko ang luha ko. Wala na akong lakas para sampalin siya ulit. Tinulak ko siya...
"Dyan ka na nga!"
Pero di siya natinag Nag walk out ako at naramdaman ko ang pagsunod niya pero di ako lumingon. Di ko pinansin ang mga taong nakiusyuso sa pag iyak ko.
Bwiset! Pwede bang bumalik na lang ulit ako ng Maynila? Di bale ng mag struggle ako sa kakaharap kay Callix! Di bali na basta wa'g dito sa harapan ni Jacob!
"Jacob, sabay na tayo. May payong ako." Sabi ni April sa malayo.
Nakarating ako ng gate at waiting shed nang di nagpapayong sa gitna ng ulan. Chineck ko sa bag kung may payong ba ako pero wala. Mabuti na rin to nang di mapansin ni mama at papa ang pag iyak ko pagkarating ng bahay.
Pumara ako ng tricycle at agad nang sumakay. Sobrang lakas ng ulan na sa halos limang segundo kong paglalakad at basang basa na agad ako.
Pagkapasok ko sa tricycle, may pumasok ding may pamilyar na amoy, pamilyar na pakiramdam, pamilyar na bag, pamilyar na katawan at tumabi sakin sa tricycle.
Unti-unti kong tinignan ang mukha niya at nabanta ulit ang luha ko nang nakitang... si Jacob ito.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Ano pa ba edi sumasakay?" Galit na sinabi niya. "Manong kina Aranjuez." Sabi niya sa driver na walang pakealam samin.
Basang-basa din siya sa ulan kaya inaayos niya ang buhok niya.
"Ba't ka nandito? Sana sumabay ka na lang kay April may payong siya." Sabi ko at nabasag ang boses.
Tumingin siya sakin. Tinitigan niya ako na para bang ang tagal mula ng di niya ako natignan, "Ihahatid kita."
Pagkatapos niya akong saktan ng todo ay ganito na lang siyang bigla? Mahihimatay na yata ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top