Kabanata 18
Kabanata 18.
Unang Halik
Sinunod ko ang sinabi ng kumag at hinintay ko nga siyang matapos ng practice sa basketball. Pero yung di ko sinunod ay yung paghihintay sa library. Hinintay ko siya sa bleachers habang pinapanood ang practice nila. Nasa feild na yung cheering squad namin.
Sinabihan ko na si mama at papa tungkol sa pagiging Ms Intramurals ko kaya hayun at excited si mama. Aniya'y yung sports kong gagawin ay volleyball. ('Mananalo ka dun kasi ang ganda kaya ng legs mo, pag volleyball attire diba maiksing shorts? Yun na! Marunong ka namang humawak ng bola.' yun ang tingin niya.)
"Ba't ka nandito?" Nilapitan ako ni Jacob.
Agad kong napansin ang bango niya kahit puno siya ng sparkling sweat. Narinig ko agad ang tibok ng puso ko pero sigurado akong di tama yun kasi ang pangit ng pambungad na sinabi niya sakin.
"Bakit?" Tanong ko.
Ginulo niya ang buhok niya at... "Hindi na kami nakakapagpractice kasi panay ang usapan nila sayo!"
"Bakit? Anong pinag-uusapan nila tungkol sakin?"
Namula siya at... "Kailangan mo ba talagang malaman?"
Hindi ko alam kung bakit siya namula. Dahil galit o dahil nahihiya? Di siya makatingin sa mata ko ng diretso.
"Bahala ka nga!" At bumalik na siya sa practice.
Buong practice nila, nakatitig ako sa kanya. Malumanay kung ishoot ang bola, para bang natural yun sa kanya. Pag di na shoot napapamura minsan pero humahalakhak at pilit kinukuha ang rebound. Kapag nakakaagaw ng bola, seryosong pupunta sa ring at isho-shoot ito.
"Hyper ka yata ngayon, Jacob ah?" Sabi ng coach niya.
Tumango ang mga taga team na nakaluhod s apaghingal habang siya'y nakatayo pa.
Nagkatagpo ang tingin namin kaya tumingin ako sa malayo at nagkunwaring di ko siya tinitignan. Nagpahinga siya sa tabi ko. Nilagay niya rin ang bag at tubig niya sa tabi ko imbes na doon sa team nila.
"May naiisip ka na ba para sa thesis natin?" Tanong niya habang nakanganga akong tinitignan siya sa gild ko. Umiinom siya ng tubig at kay gwapo talaga.
"W-Wala." Sabi ko.
Napansin niya ang pagtitig ko kaya tumingin siya sakin at ngumiti.
"Galing ko ba?"
Oo! At gwapo ka rin talaga! Kaw na yata ang pinakagwapong kilala ko sa buhay ko sana akin na lang yung tuwalya mo nang maamoy ko yung sparkling sweat mo! Gosh! Sa mga iniisip ko ayan tuloy at uminit ang pisngi ko.
Tumawa siya at kinurot ang pisngi ko, "Speechless?"
Sinapak ko ang kamay niya sa hiya.
"Bakit?"
"Bilisan mo na diyan at nang masimulan na ang thesis!" Sabi ko at nagpakita ng naiinis na mukha.
Umalis na siya at nagbasketball ulit. Hindi lang pala talaga ako ang nakakakita sa kagwapuhan ng mokong! Nang nag break na isa-isa ang mga cheering squad ay agad silang tumigil sa basketball court para tignan (mostly si Jacob) na nagpapractice.
"GO JACOB! GO JACOB! GO JACOB!" Sigaw nang madla.
Di niya pinansin at para bang sanay siya. Ganun parin ang reaksyon niya tuwing nag sho-shoot, nang-aagaw ng bola, nakakamiss ng shot - gwapo parin! Kainis din kasi may nakita akong sobrang tili at para bang susunggaban si Jacob nung naka shoot!
Pag nakakamiss naman ng shoot may sisigaw na, "Ano? Mas gwapo parin siya no!! Kala mo naman galing mo na!"
Napabuntong-hininga ako habang tumitingin kay Jacob. Habang tumatagal ay lalo akong nagdududa kung may pag-asa ba talaga ako sa kanya. Noong crush ko palang si Callix, sigurado akong wala akong pag-asa kasi ang alam ko ay magaganda at mayayaman lang ang dinidate nun pero ngayon kay Jacob, naiisip kong may pag-asa ako pero hindi ko alam kung bakit bawat segundo, nawawalan ako ng pag-asa.
Umalis ako sa ingay at sa di malamang kadahilanan. Masyado siyang maraming admirers dito sa school.
"HOT SEXY JACOBBBB! I LOVE YOU! PAKASALAN MO AKO!" May mga sumigaw nito nang paalis ako sa court papuntang library.
Nakita ko si April sa gilid, nakatayo lang mag isa.
"Oh, April! Nandyan ka pala!" Sabi ko.
"Oo eh... Inutusan ako ni Mrs Gonzalo'ng sabihin sayo na ipapakilala daw ang mga Ms. intramurals mamayang 5pm sa covered court." Inayos niya ang eyeglasses niya.
Tinignan ko ang relo ko: 4:00PM. "Okay! Punta muna akong library!" nagmadali ako.
Dapat pala dumiretso na lang akong library nang matapos na 'to at di ko na tinignan si Jacob dun na para bang may kunga no sa tiyan ko. Namimilipit at may guwang akong nararamdaman. Hinawakan ko ang tiyan ko habang naghahanap ng magandang topic sa isang libro nang...
"Oh ba't ka umalis?" Tumambad ang mabango at nakabihis na ng t-shirt si Jacob sakin sa harapan ko.
"Wala eh! Ang ingay." Di ako makatingin sa kanya. "Dami mong fans."
Biglang kinuha niya ang librong hawak ko kaya nagkahawakan kami ng kamay at nagkatinginan.
Wala masyadong tao sa library, lahat ay abala sa practice at iba pa. Tahimik kaming dalawa habang nagkakatitigan.
"Uh... wala yun." Sabi niya nang natauhan kami.
"Uhm... Weh? Pahumble ka pa... Daming tumitili sayo." Sabi ko. Awkward. Yung tunog pa ng boses ko ay parang galit. Di tuloy ako makatingin sa kanya.
"Bakit? Ayaw mo?" Tumaas ang kilay niya at ngumisi.
"Ba't naman ayaw ko? Sino ba ako?" Napatingin ako sa kanya. "Tsaka di naman yan mapipigilan. Kung gusto ka ng mga tao, wala ka ng magagawa dun kasi gusto ka nila. It's not your choice."
"Tama. Ang importante lang naman ay kung sino... ang gusto ko..."
Napalunok ako at nagkatinginan ulit kaming dalawa. Sumimangot siya at bumitaw sa titigan namin.
"B-Bakit? Sinong gusto mo?"
Kinabahan ako. Sino kaya? Ako? Ako may pag-asa ba? Si April? Sino?
Ngumisi siya at ibinalik ang tingin niya sakin, "Ba't ka curious? Wow! Si Roseanne Aranjuez curious kung sinong gusto ko!" Tumawa siya.
GRRR! Nang-iinis na naman! "Tseh! pakealam ko kaya kung sino ang gusto mo! Pa mysterious effect pa di naman bagay sayo!"
Tumatawa siya habang nilalagay na ang kamay sa tiyan dahil sa sobrang pagtawa.
"Tseh! Bilisan na nga natin! May something pa mamayang 5pm! Ipapakilala kami sa mga tao! Lahat daw ng Ms Intramurals! Bilis na!" Sabi ko at agad humupa ang pagtawa niya at nagseryoso.
Tahimik siya at ginulo ang buhok niya.
"Wa'g ka na lang sumali... please?" Seryoso niyang tinitigan ang mga mata ko kung saan agad bumilis ang tibok ng traydor kong puso.
"B-Bakit?"
"Basta!" Ginulo niya ang buhok niya.
"Edi sasali ako! Basta-basta ka pa diyan! Sasali ako!" Sabi ko.
Tumahimik siya at...
"Ayokong... magustuhan ka nila." Aniya at natigilan ako.
"Huh?"
Di siya makatingin sakin at pumikit na lang siya.
"Bakit?" Grabe dinig na dinig ko na ang puso ko. Nag huhuramentado na at parang lalabas na lalo na nung nagkatitigan kaming dalawa.
Nilagay niya ang kamay niya sa chin ko at nilapit ang mukha niya sakin. Nakita kong kuminang ang kanyang mga mata at tumingin siya ng diretso sa mga labi ko at balik sa mata ulit. Humilig pa siya sa table kaya lumangitngit ito ng konti sa sahig.
Nanlaki ang mga mata ko nang naramdaman ko ang malambot niyang labi sa labi ko. One. Swift. Kiss. At umalis siya nang walang sinasabi sakin.
WHAT IN THE WORLD WAS THAT? HE KISSED MEEEEEEEEEEEEEEEEEE!? Napahawak ako sa labi ko. Yung isang kamay ko naman ay nasa puso ko. Calm down, heart. Calm down! Anong ginawa ni Jacob sayo at ganyan ka na lang? Hinalikan niya ako! Pero bakit?
Napatingin ako sa paligid. Walang tao... Walang nakakita... Totoo ba yung nangyari? O guni-guni ko lang?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top