Kabanata 15

Kabanata 15

Muntik Na Sana

Hindi ko na ulit sila nakita sa araw na yun. Syempre, masayang masaya si Maggie at puro lampungan yung nakikita ko sa kanilang dalawa ni James habang nanonood sila ng TV. Ako naman ay di parin maalis sa isip ko yung pagho-holding hands ni April at Jacob. Hanggang sa mag Lunes na ulit...

"Nagbaon ka ba ngayon, Rosie?" Tanong ni April sakin.

"Oo." Sabi ko naman.

Sa kagustuhan kong malaman kung ano talaga ang tunay na namamagitan kay April at Jacob ay nagbaon ako para makasama siya.

"Doon tayo sa canteen." Ngumiti siya at inayos ang eyeglasses.

"Okay." Sabi ko.

Pagkarating namin sa mataong canteen. Sinalubong agad kami ni Eunice at may mga alipores pa siyang kasama.

"Abah! Close na pala kayo, ano?" Sabi niya. "At ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo dito? Bawal kayo dito! Umalis na nga kayo! Ambabaho niyo!"

Tumango ang mga kasama niya.

"Ikaw lang ba ang may karapatang kumain-" Di na ako nakapagpigil na sumagot sa kanya pero hinawakan ni April ang braso ko at hinila ako palayo sa kanya.

"Hayaan mo na si Eunice. Lika na lang doon sa field."

Kainis si Eunice! Kaya naman na-bubully 'tong si April kasi hinahayaan niya lang si Eunice eh. Tsk! Nagtungo kami sa isang bench sa ilalim ng isang malaking kahot sa gilid ng soccer field. May ilang nasa kabila ng field nagpi-picnic at kumakain ng lunch nila.

"Dito na tayo." Ngumiti si April at linapag ang baon at bag niya sa bench.

Umupo ako sa bench at nagsimulang buksan ang baon ko.

"Ganun na talaga si Eunice. May gusto kasi siya kay Jacob." Pumula ang pisngi niya at kumain na. "Galit siya sakin."

Tinignan ko siyang mabuti, "Ba't naman siya galit?"

"K-Kasi close kami ni Jacob." Mas lalong pumula ang pisngi niya.

Kumain na rin ako. Does that mean hindi niya boyfriend si Jacob?

"Kayo na ba ni Jacob?" Tanong ko nang malapit na akong matapos kumain.

I don't want to prolong my agony.

"H-Huh?" Nabigla siya at naging balisa. "Gusto ko siya..."

Umihip ang malakas at malamig na hangin galing sa mga bukid. Natabunan ng clouds ang araw habang tumitingin si April sa malayo. In deep thought.

"Mahal ko siya... S-Sana wa'g mong sabihin 'to kahit kanino." Ngumiti siya. "Kayo lang yata ni Jacob ang kaibigan ko dito sa school."

Tumango ako at uminom ng tubig. Calm down Rosie.

"Sana nga maging kami na. Magkaibigan na kami noon pa lang at lagi niya akong tinutulungan sa tuwing may problema ako. Lagi niya akong ni-rerescue sa tuwing binubully ako." Tinignan niya ako at ngumiti ulit.

Hindi ako makatingin sa kanya kaya tinignan ko na lang ang dala-dala kong mineral water.

"Lagi siyang mabait kahit kanino. Kahit kay Eunice na masamang tao." Napatingin ako sa kanya. Mukhang galit siya kay Eunice. "Pero naiinis din siya kay Eunice sa tuwing inaaway ako nito."

"Gusto ka ba ni Jacob?" Alam kong mejo pangit pakinggan ang tanong ko pero yun ang lumabas sa bibig ko.

"Siguro hindi." Napasinghap siya. "Kung mahal niya ako, ba't ni niya pa ako nililigawan diba?"

"P-Pero nag holding-hands kayo dun sa Kampo Juan ah?"

Namula ulit siya at ngumiti na parang kinikilig, "Sweet lang talaga si Jacob kaya ganun, bukod sa ka-sweetan niya, wala na siyang ibang pahiwatig tungkol sa nararamdaman niya. Sweet siya sa lahat. Kaya di ko alam kung may kaibahan ba ako sa lahat ng iyon o wala. Gwapo at mabait siya kaya maraming nagkakagusto sa kanya."

SWEET SIYA SA LAHAT? Eh anong tawag mo sa trato niya sakin? SWEET? Well, sweet siya sometimes pero most of the time ay masungit at nakakainis siya.

"April!" May tumawag galing sa likuran.

Pareho kaming lumingon dalawa sa tumatawag at pareho naming naaininaw ang gwapong si Jacob. Masyado siyang gwapo at kung sa Maynila siya tumitira baka ginawa na siyang modelo. Sumimangot ako sa iniisip ko habang kinukutya ko ang kagwapuhan niya... hindi ko talaga maalala kung sinong modelo ba ang nakita kong may mas gwapo pang mukha sa kanya. Pwede siyang maging artista sa mukha niya.

"J-Jacob?" Nabigla at namula si April.

Paano ba naman eh yun ang pinag-uusapan namin eh.

Dala-dala ni Jacob ang gitara niya sa likuran.

"Pinatawag ka ni Mrs Gonzalo." Sabi ni Jacob at tumingin sakin.

"O-Okay. Rosie, maiwan na muna kita ah?" Nagligpit si April ng gamit.

Ngumiti ako bago siya umalis at tumingin na lang sa malayo.

Hindi ko namalayang umupo pala siya at nagsimulang iset-up ang guitar niya.

"Okay ka lang ba?" Ngumisi siya nang tinignan ko.

"Okay lang. Bakit?" Ngumisi din ako. Takot baka makita sa mukha ko ang naramdaman ko mula nang nag holding-hands sila ni April.

Pero okay na ang pakiramdam ko ngayong nalaman kong di naman pala sila pero mukhang wala ng ibang babae ang mas hihigit pa kay April sa kanya. Para bang nagsisimula na akong magkagusto sa kanya saka ko nalamang bawal pala.

"Hindi ka naman okay eh?" Tumaas ang kilay niya.

Kinabahan naman ako, nakikita niya kaya sa mukha ko? "Ba't mo naman nasabi?"

"Di mo na ako iniinis!" Tumawa siya.

"Tseh! Hindi naman ako yung nang-iinis satin eh! Ikaw naman lagi!" Sabi ko.

"Weh? Di naman ako ganung tao! Ikaw siguro?"

"Nang-iinis lang ako kung naiinis ako sayo."

"Yun nga eh. Wala naman akong ginagawang masama sayo eh naiinis ka na lang bigla." Humalakhak siya. "Ano bang problema mo sakin?"

"Wala nga eh! Wa'g ka na nga lang magsalita para wala akong problema?" Inirapan ko na.

"Ultimo pagsasalita ko, ayaw mo? Grabe ka naman! Ang harsh nito oh?"

"Ba't ba pinatawag si April ni Mrs Gonzalo?" Tanong ko, ignoring the last thing he said.

"Ewan ko." Nagkibit-balikat siya.

"Weh? Di mo alam eh close na close kayo ni April." I said with a hint of bitterness.

Tumingin siya sakin ngumisi kaya napatingin ako sa malayo. Stop smiling!!! Grrrr!!!

Nagsimula siyang mag-strum sa guitar niya at tumindig talaga ang balahibo ko lalo na nung kumanta siya...

"We'll do it all... everything... on our own...We don't need... Anything... Or anyone... If I lay here... If I just lay here... Would you lie with me... And just forget the world?"

Habang kinakanta niya 'to ay tinitignan ko siya. Hindi niya tinatanggal ang mga titig niya sa mga mata ko. Ibang klase kung makatibok ang puso ko. Ni hindi ko pa to naramdaman kay Callix noon. Mahal ko si Callix at puro kasweetan yung tinamo ko sa kanya lalo na nung bago pa lang kami pero hindi niya kailanman naibigay ang ganitong klaseng damdamin sakin.

Parang sasabog ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit. Dahil ba sa lamig at ganda ng boses niya? Dahil ba sa walang-kapintasang kagwapuhan niya? Dahil ba tingin ko'y di ko siya pwedeng magustuhan pero gusto ko na siya? O dahil alam kong di siya kailanman magkakagusto sakin?

I looked away. Tumingin ulit ako sa mga taong kumakain ng lunch sa kabila.

"Di mo man lang ba ako papansinin? Heto ako at nagpapapansin sayo at kinakantahan ka at eto ka mukhang mas gugustuhin pang umupo dun sa kabila kesa dito sa tabi ko?"

Napalingon ako sa sinabi niya. Tumawa siya sa nabiglang ekspresyon ko at kumanta ulit...

"If I lay here... If I just lay here... Would you lay with me and just forget the world..."

Kung makapagsalita siya parang may laman sa loob nito. Nagkatitigan kami at tumigil siya sa pag gigitara.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong niya at ngumiti.

"Magaling ka." Tumango ako at inalis ang tingin ko sa kanya.

"Yun lang?" Hinawakan niya ang pisngi ko at nilingon ang mukha ko para tignan siya.

"A-Ano ang gusto mong marinig?"

I'm sure pulang-pula ang pisngi ko dahil naramdman kong uminit ito sa ginawa niya. Nakita ko ang seryoso niyang mga mata na nakatitig sakin at binuksan niya ng konti ang bibig niya.

Mga mata niya na galing sa mata ko ay tumitingin na ngayon sa lips ko kaya mas lalong nag init ang pisngi ko. Ang mga kamay niya ay nasa pisngi ko parin. Baka malaman niyang naghuhuramentado ako ngayon at maramdaman niya ang init sa pisngi ko kaya lumayo ako ng konti sa kamay niya pero unti-unti siyang lumapit sa pisngi ko at... tinanggal niya ang kamay niya sa pisngi ko at tinanggal niya rin ang mga mata niya sa mata ko.

Tumingin siya sa kawalan gamit ang malungkot niyang mukha.

WE WERE ABOUT TO KISS! Hahalikan niya na sana ako! Grabe yung tibok ng puso ko di parin napapawi!

Inis ako sa sarili ko dahil imbes na magtaka kung bakit niya yun ginawa, mas iniisip ko ngayon kung bakit di niya itinuloy.

Linagay niya ang kamay niya sa kanyang noo at tumingala. Tahimik lang kaming dalawa at nakaupo sa bench. Oo nga pala, nasa school kaming dalawa. Di pwedeng maghalikan dito no!

Uminit ulit ang pisngi ko nang naalala ko ang nangyari.

O baka naman... itinigil niya dahil alam niyang ayaw ko sa mga tulad niya... tulad niyang hindi mayaman?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top