Baka Pwede
"AINA CHARLOTTE ROQUE!", napangiwi ako ng narinig ko mula sa revolving door ng gusaling pinagtatrabahuan ko ang buo kong pangalan.
Sinalubong ko ang ngiting mapang-asar ng taong simula pagkabata ko pa kinaiinisan. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang init ng dugo ko sa kanya simula tumuntong kami ng kolehiyo. Samantalang noong hayskul naman, dedma lang ako sa kanya.
"Tigilan mo 'ko, Valdez.", sarkastikong sambit ko sa kanya habang papunta ako sa elevator na siyang kinakunot ng noo nya. Lihim na napangiti ako sa aking isipan nang makitang asar din siya sa pagpatol ko sa kanya.
Sa laki at lawak ng mundo, malas nga namang magkikita kami sa iisang kompanya.
"Ano ba 'yan! Hindi ka pa rin ba napapagod?" Buntong-hininga nyang sambit sa akin ng magkatapat na kami sa pintuan ng elevator papunta sa floor namin.
"Sinasabi mo?" Inirapan ko sya at pinagkrus ang mga braso ko. Sakto namang bukas ng elevator at ako ay pumasok na, habang sya ay sumunod sa akin.
Mangilan-ngilan ang tao sa loob kaya wala akong choice kundi tumabi sa kanya.
"Kagabi ka pa kasi tumatakbo sa isipan ko eh.", bulalas niya na siyang nakatanggap ng samu't saring reaksyon ng mga empleyado sa loob ng elevator.
May napaubo, may napasipol, may napahampas sa katabi nya at may hindi nakatiis at natawa sa korni nyang hirit.
"Ano, gusto mo na rin ako 'no?" Kindat nya pa ng napatulala ako sa kanya. Mabuti na lamang at tumunog na at nakarating na ako sa palapag ko.
Pinamulahan ako ng mukha at pilit tinago ang kiliti sa tyan, "ewan ko sa'yo!". Iyon na lamang ang nasabi ko sabay labas ng naturang elevator patungo sa departamento ko.
Ganoon na lamang ang gulat ko nang makita ang lamesa kong puno ng makukulay na post-its at kung anu-anong pick-up lines mula sa 'secret admirer' kuno ko.
"As usual, may dumating na naman uli para sa Dyosa ng HR Dept.", panunukso ni Joana, ang aming HR Associate na kaibigan ko rin. "Eto, may daily dose of quotable quote ka na naman. Sana lahat may donut at kape sa umaga."
Napailing na lamang ako at nagpasalamat. Tinitigan ko ang pares ng pagkain at inuming nasa harapan ko. Naglokohan pa nga kami noon ng kaibigan ko at bakit hindi pa raw ako tinatablan ng gayuma ng secret admirer ko eh. Sabi ko lang, hindi ako marupok, na siyang kinatawa naming dalawa.
Sa dalawang taon ko sa kumpanyang ito, pangatlong buwan na itong may nagpapahiwatig sa akin ngunit walang lakas ng loob humarap.
Kung anu-anong hula na ang ginawa namin at ngayon ko napagdesisyunang harapin na siya. Ngunit paano?
"Aina, my sunshine." Isang malalim na boses naman ang bumungad saken pagkaupo ko pa lang sa pwesto ko. "Ano ba 'yan, naunahan na naman ako." Iling-iling na sambit ni Engr. Paul Jacildo, ang Director ng Engineering Dept.
"Hala, Engr.!" Bulalas ko nang mapagtanto na siya pala ang nagsabi noon. "Sorry po, hindi ko na kayo na-replyan kagabi, nakatulugan ko na po."
"Wala iyon. Sorry na rin sa pagtext sa'yo ng weekend kahit pwede ko naman ipagpabukas. Para makabawi, pwede ba kita ma-aya lum—", diretsong tanong nya na nakaani ng gulat at kilig na mga reaksyon sa mga katrabaho namin.
"—Miss Roque. A word with you, please.", nagkasalubong ang mga mata namin at tanging tango na lang ang nasagot ko. Sinundan ko siya sa kanyang opisina at pilit kong inalis ang inis ko sa kanya. "What time are you available?—" tinaasan ko siya ng kilay at sya ay umismid, "— we need to buy something for the meeting with Larry, our investor."
"I'm actually free today, Sir." I said, keeping in mind that he's the boss now.
"—let's go." Usal nya at hinatak ako palabas ng opisina habang hinahabol ang mga yabag nya.
Nang makarating kami sa sasakyan nya, doon nya lamang ako pinakawalan. Inutusan nya akong kunin ang token sa compartment at ganoon na lang ang pamumula ng pisngi ko nang makita ang laman.
"Matagal ko ng gustong sabihin sa'yo pero hindi ka naniniwala." Malungkot na sabi nya at may tipid na ngiti. "Hindi sapat ang mga pick-up lines sa Hello para magpakilala mo ako."
"Gusto kita. Matagal na. Mali. Mahal kita. Sobra.", diretso sa mata nyang binanggit iyon at kulang na lang ay sumabog ang puso ko sa pag-amin niya. "Maiintindihan ko kung hindi mo tanggapin ito. Bully nga ako, dba. Pero sa ayaw mo o gusto, liligawan kita. Sa paraang gusto ko kaya baka pwedeng hayaan mo na lang ako na mahalin ka sa paraang alam ko. Is that possible?"
Bumalik sa isipan ko lahat ng away bati namin noon at ang kanyang kabaitan sa akin kung walang topak.
"Walang masama kung susubukan. Okay. Payag ako, Valdez.", simpleng sagot ko.
END
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top