Panimulang Kwento
"Ang diyos ng hinaharap at ang diyos ng nakaraan ay hindi maaaring magtagpo ngunit, pag-ibig ang naglapit sa kanila. Nang malaman ito ni Koron, ang diyos ng oras, ay agad sila nitong pinaghiwalay; ngunit hindi ito nagwagi sapagkat nagbunga ang pagmamahalan nila na mas ikinagalit ni Koron. Pinarusahan niya ang mga ito sa pamamagitan ng pagpapatapon sa mundo ng mga mortal.
Nang malaman ni Koron, na patuloy pa ring nagagamit ng mag-asawa ang kanilang kapangyarihan ay hinigop niya ito upang tuluyan nang matanggal ang kapangyarihan sa kanila at sinumpa niya ang bahay na tinitirahan ng mag-asawa. Pinatigil niya ang oras sa loob ng tahanan at siniguradong hindi na ito sasabay sa oras ng mundo."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top