Kabanata 1
"Okay class, let's call it a day. Goodbye, Class dismissed."
"Aurora!" Nagulantang ako nang marinig ko ang matinis na boses ni Presa sa aking tainga.
"Ano ba, presa?" Naiinis ko siyang hinarap. Parang nanginig ang utak ko sa boses niya. Hindi ko namalayan na kanina pa pala niya 'ko tinatawag kaya naman pala mas lumapit siya sa akin para agawin ang atensyon ko.
"Kanina pa kita tinatawag, itatanong ko sana kung naisulat mo lahat ng binanggit ni Sir Marco, kaso mukhang hindi ka naman pala nakikinig sa discussion kanina pa." Dismayado itong nagligpit ng mga gamit at pagkatapos ay nagpaalam na siya. Dederetso na raw siya sa susunod niyang klase.
Hindi ko alam na sobrang tagal na palang lumulutang ang utak ko. Paano ba naman kasi ang subject namin, history. Tuwing history ay tulog ang utak ko. At sigurado naman ako na hindi lang ako ang ganun, 'yung iba nga natutulog na talaga. Hays. Ilang linggo na lang Aurora, makakapag pahinga ka na rin. Huling dalawang linggo na lang at mairaraos ko na ang pangatlong taon ko sa kolehiyo.
Tumayo na ako at nagligpit ng mga gamit. Sinilip ko muna ang schedule ko at buti naman, may vacant ako ng isa't kalahating oras. Narinig ko na tinatawag ako ni sir Marco, ang history teacher namin. Hindi pa pala siya nakakaalis. Lumapit naman ako kaagad dahil palabas na rin naman ako. Nang makalapit na ako ay dahan-dahan niyang hinubad ang kaniyang salamin sa mata, pagkatapos ay hinilot ang kaniyang sintido. Shet. Ganito pala ang itsura ni sir sa malapitan? Omg. Ngayon ko lang napagtanto na gwapo pala talaga siya, mabango pa, at mas makinis kaysa sa'kin! Maganda ang pilikmata, singkit, matangos ang ilong at ang labi...
"Miss Alcantara, nakikinig ka ba?" nagulat ako ng bahagya at agad na napatakip sa bibig. shet, baka naglalaway na'ko. Ano ba, Aurora!
"ah- yes sir!"
"good"
"ano nga po ulit 'yun?" shet nakakahiya!
Agad itong tumingala at dismayadong tumingin sa akin habang nakakunot ang noo. "Palagi ka ba talagang lutang at tulala Miss Alcantara? May problema ka ba?"
Bakit ang amo ng mukha mo sir? Galit ka na ba niyan? Agh.
"Ah-eh. Sorry po sir, hindi lang po talaga ako mahilig sa Hist--"
"Aurora, hindi kailangan mahilig ka sa subject ko kundi, kailangan aralin at intindihin mo ang subject na history. Are you aware that this is already our last meeting dahil next week, finals niyo na. Masyadong mababa lahat ng exam mo mula prelim, I hope mahila mo ito ngayong finals. Kung hindi mo mahahatak ang grades mo, kailangan mo mag-summer sa subject ko, do you understand?" Pagpapaalala nito.
"y-yes po" napayuko ako at nagpaalam na dahil hindi ko na alam kung ano ang dapat kong sabihin. Pero bago pa ako makalabas ng pinto ay may hinabol pa ito.
"If you need help, you can call a friend. If you have problems, just talk to them. Mahihirapan ka mag-focus sa studies mo kung marami kang iniisip."
Tumango na lamang ako at bumalik sa pagyuko habang palabas ng pinto. Hindi ko lang kasi talaga trip mag-aral ng history eh. Ba't pa kasi kailangan pag-aralan ang subject na 'yan? Eh hindi naman natin magagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay natin ang mga taon kung kailan namatay ang mga bayani, ang lugar kung saan sila namatay, o ang iba pang detalye na kailangan i-memorize. Eme lang, ang pinupunto ko lang naman ay mas maganda sana kung hindi nagfo-focus sa mga dates, names, at iba pang kailangan i-memorize sa history. Instead ay mag-focus nalang tayo du'n sa mga lesson mismo na nangyari. Kaya kadalasan hindi tayo natututo sa history class eh, kasi nagfo-focus ang mga tao sa pagkakabisa kesa sa i-absorb at gawing guide ang history. Hays. O kaya naman, hindi nalang nila ituro 'ang mga bagay na talagang kailangan namin sa buhay? Elementary pa lang pinag-aaralan na namin 'tong history, hanggang ngayon’ college ba naman? tsk. Siguro mas maganda kung ang ituro nila ay ang buhay ng mga Pilipino bago pa dumating ang mga Kastila. Malamang mas magkakaroon pa ako ng interes sa mga gano'ng bagay. Hay.
Hindi ko namalayan na nakarating na pala 'ko sa cafeteria. Masyado na nga akong maraming iniisip. Humanap ako ng table at bumili ng pagkain. Nagulat ako nang bumalik ako sa table dahil nakaupo na rito si Presa.
"Sabi ko na nga ba't nandito ka lang!"
Nagtataka ko siyang tinignan at napansin niya 'yun kaagad, kaya naman nagpaliwanag ito kung bakit wala silang klase. Late na daw pala ng 30 mins ang prof. nila kaya nagsipag-alisan na rin sila. Kinuwento ko naman sa kaniya na kinausap ako ni sir Marco at hindi na ako nagtaka sa reaksyon nito.
"Presa, hinaan mo nga ang boses mo! Baka mamaya may makarinig ng pinag-u-usapan natin at mai-chismiss pa tayo!"
"Bakla, alam mo naman na sobrang misteryoso ni sir 'diba, at halos lahat ata ng babae sa block natin, may gusto kay sir! At sure na sure ako na pati sa ibang department ay bet na bet din nila si sir! Tapos, concern siya sa’yo? Sinong hindi kikiligin at mag iisip ng iba, ha?"
"Grades. Hindi sa’kin--”
Tulad naman ng inaasahan ko, hindi talaga mapipigilan ang kaharutan ng baklang 'to. Pero kahit naman ganito ‘tong baklang ‘to, masasabi ko talagang tunay siyang kaibigan. At kung tunay lang ‘tong lalaki? Baka siya na rin ang asawahin ko dahil magka-vibes talaga kami at bonus pa na may itsura rin siya. Eh ang kaso, pareho kami ng mga natitipuhan. Hayy.
Pagkatapos namin kumain ay naghiwalay na rin kami. Habang naglalakad papunta sa Science Lab, naalala ko na sa dulong building pa pala 'yun. Minsan napapaisip ako, siguro kaya nilagyan ng vacant bago ang science class ay para magkaroon kami ng lakas at oras para maglakad ng sobrang layo. Hays, pa'no ba naman kasi, parang mas malapit pa ang building ng Elementary department kaysa sa Science lab namin, este ng high school pala. Oo nga pala, kaya malayo sa college department ay hindi sa amin 'yun. Ewan ko rin ba kasi kung ba't ayaw pa nila lagyan ng sariling Science lab ang building namin, samantalang ang yaman yaman naman ng school. tsk.
Mula sa malayo ay natanaw ko si Sir Marco. Nagtuturo rin pala siya sa elementary department? Wierd. Ngayon lang ako naka-encounter ng college professor na nagtuturo sa elem department. Naglakad ako patungo sa room kung saan siya nagtuturo. May kalahating oras pa naman ako kaya sisilip muna ako.
Dahan dahan lang akong naglalakad at nilabas ko muna ang schedule ko para hindi halatang may pakay ako kaya ako nandito.
"Ang diyos ng hinaharap at ang diyos ng nakaraan ay hindi maaaring magtagpo ngunit, pag-ibig ang naglapit sa kanila. Nang malaman ito ng diyos ng oras, ay agad silang pinaghiwalay ngunit hindi ito nagwagi sapagkat nagbunga ang pagmamahalan ng dalawa na mas ikinagalit nito. Pinarusahan niya ang mga ito sa pamamagitan ng pagpapatapon sa mundo ng mga mortal."
Ahh, Filipino subject ba 'to? Ang cute naman magkwento ni sir sa mga bata, parang hindi nakakaantok. Sana sa history rin :(
"Hi ate!" shiiz! Napalingon ako sa estudyante ni sir na sa akin rin nakatingin, at ngayon lahat na sila ay nasa akin ang atensyon.
"Miss Alcantara?"
"S-sir"
Sh*t naman, sino ba itong batang ito? Grr!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top