Loves Me Not

~●~

Iniisip pa lamang niya na makipagkita sa kanyang sinisinta ay napuno na ng ngiti at galak ang isang lalaki. Pagkatapos maligo ay agad na itong nagbihis ng paboritong hoodie na pinaresan naman niya ng jogger pants. Matapos maisuot ang sneakers ay agaran na siyang lumabas ng bahay upang tumungo sa kanilang tagpuan. Sa daan ay may nakita itong maliit na hardin at naisipang pumitas ng isang bulaklak para sa sinisinta.


Narating nito ang isang masukal na gubat ngunit hindi niya inalintana ang panganib sa pagpasok dito. Sa gitna ng kagubatan ay may isang abandonadong bahay na binabakuran ng mga barbed wires. Tinungo nito ang likurang bahagi na kung saan may madaling daan papasok ng bahay.


"Hi, love." Masayang bati nito nang makapasok sa loob.


"I miss you." Dagdag pa niya at pumwesto sa harap ng nakaupong sinisinta.


"I brought you something." Sabay pakita ng dalang bulaklak.


"Let's play our favourite game." Anyaya nito.


"Loves me? Loves me not?" Paulit-ulit na wika nito nang buong sigla at pag-asa habang isa-isang pinipitas ang mga talulot ng hawak na bulaklak.


Nagbago lamang ang disposisyon nito nang akmang pipitasin na niya ang huling talulot. "Loves me not."


Ang kaninang masayang mukha ay napalitan ng ngitngit at sama ng loob. Sa sobrang galit ay hinagis niya ang maliit na mesang gawa sa kahoy na malapit sa kanya dahilan para magkapira-piraso ito.


"After all these years, why can't you still love me?"


Singhal naman niya sa kaharap na bungo at kalansay ng isang babae na pinagpipyestahan ng mga uod at langaw. Ito si Summer na nabalitang nawawala walong taon na ang nakakaraan. Hanggang ngayon ay wala pa ring nakakaalam sa karumal-dumal na sinapit ng magandang dalaga.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top