kabanata 3 Umpisa
Lilibeth Point of view
SA KUBO kung saan naghihintay si lilibeth nang pagdating ng asawa. Nagtataka siya kung bakit mag-aala-sais ay wala pa din si rolly. Nasabi sa kan’ya ni mang, ernesto na mahuhuli pa si rolly dahil sa may tinatapos pa na gawain. Umuwi na si mang-ernesto sa kanila.
Habang naglalakad sa agaw-dilim na kapaligiran si mang-ernesto ay nagmamadali ito na bumalik patungo sa bahay ni rolly. Bakit kaya? May dala iyon na flashlight para maliwanagan ang daan nito. Mag-isa lang si ernesto na halos madapa-dapa sa sobrang bilis nang paglalakad. Nakarating na rin sa kubo iyon. Nakatapat sa may pinto.
“Beth may balita ako sa ‘yo si…!” Boses ni ernesto na halos mautal-utal sa pagsasalita.
“Mang Ernesto. Ano ho ‘ yon?!” Kabadong tanong ni lilibeth.
“ Naaksidente si Rolly kanina. H’wag kayong mag-alala dahil naisugod na s’ya sa ospital. May taong tumulong upang maidala s’ya doon. Hindi ko siya kilala pero kung sino man siya na may mabait na kalooban salamat sa kan’ya!” Masayang ani ni ernesto. Nabalitaan kasi nito sa mga ibang kapit-bahay na si rolly ay naidala sa ospital.
“Kahit na! alam sana namin ang nangyari sa asawa ko para nakasama kami. Eh sino ba siya? Kilala ko ba ang taong iyon?” iritadong boses ni lilibeth. Hindi na rin mapiglan ni lilibeth na sumigaw sa sobrang pag-aalala. Naiiyak na rin siya. Hindi niya akalain na magyayari ito.
“Nanay. Kalma lang po?!” mahinang boses ni janna. Hawak nito ang isang basong tubig upang hindi himatayin sa nerbyos ang ina.
“Saan po si Tatay ? “Tanong ni jenny kay mang ,ernesto.
May iniabot na papel si mang-ernesto.
“Mapuntahan na dapat natin si Tatay. Kailangan natin magmadali nang magbihis para makita na natin si Tatay. D’yos ko po!” takot na tinig ni jennifer.
Buti na lang ay napapakalma ni janna at jenny ang kanilang ina.
“Oo sige Ate. Maayos na ang kondis’yon ni Nanay.” Mahinahon na boses ni janna. Pinaliwanag ni mang-ernesto ang lahat.
Nakaupo si lilibeth kaharap si mang-ernesto. Nang tumayo siya para magbihis ay nagpaalam na si mang-ernesto sa kan’ya. Pagkatapos nang mag-asikaso ng kanilang mga sarili ay umalis silang apat.
SUMAKAY ang mag-iina sa tricycle. Ilang oras silang nagb’yahe. Tumagal din ng isang oras bago sila makarating sa kanilang pupuntahan. Huminto ang tricycle mula sa tapat ng ospital na pinagdalahan ni rolly. Nagmadaling maglakad sa loob ng malawak na ospital ang mag-iina. Nanibago sila sa klima sa labas nang pumasok sila. Naramdaman nila ang malamig na awra na nagmula sa aircon.
“Nurse. May tanong ako kung saan dinala ang pasyente na isinugod kanina lang? Rolly Cruz ang pangalan ho?” Kabadong tinig ni lilibeth.
“Wait lang po. Titingnan ko?” sabi ng nurse kay lilibeth.
Naghihintay ang tatlong anak ni lilibeth sa nurse. Nakatingin ito sa isang book. Ang mga pangalan ng mga pasyente na nasugod ngayon araw.
“Okay Nay. Nakita ko na po… Sa Room 20 po?” saad ng nurse sa kanila.
“Salamat,” wika ni lilibeth.
Mabilis ang mag-iina na lumakad upang hanapin ang room na sinabi ng nurse sa kanila. Hindi maipinta ang mukha ng apat habang naglalakad. Kabadong binuksan ni lilibeth ang pinto. Nanginginig ang kan’yang mga kamay habang hawak ang door knob ng pinto. Nasilayan ng apat ang halos walang malay na pasyenteng nakahiga. Nakita nila ang itsura ng dating malakas na padre de pamilya na ngayon ay mukhang hinang-hina sa naidulot na aksidente.
Sa nasaksihan nila ay nakaramdam sila ng awa kay rolly. Tumulo ang sunod-sunod na luhang nagmumula sa kanilang mga mata. Napakapit si lilibeth sa kamay ng asawa upang iparamdam kay rolly na naroroon sila sa tabi nito. Lumapit rin ang magkakapatid upang hawakan naman sa braso ang kanilang ama.
“Mahal naririto na kami ng mga Anak mo?!” Tinig na umiiyak. May pumasok na panauhin sa loob ng silid na ito.
“Kayo ba ang Misis ng pasyente ?” tanong ng doktora.
“Oho, Dok!” tugon ni lilibeth.
“Misis don’t panic. This time your husband need to casting his arms, and his legs,”paliwanag ng doktora.
Nawalan ng imik si lilibeth. Sa narinig ng dalawang tainga niya ay naging estatwa siya sa oras na ito. Labis si lilibeth na nabigla sa nangyari sa asawa niya. Habang nakatayo ang lahat ay naluluha ito na nakatingin kay rolly. Bumalik na s’ya sa realidad.
“Ah Eh, Dok. Kung ganoon pala ay kailangan ma- admit ang asawa ko ho?” Nauutal na tanong niya sa doktora.
“Yes Misis, actually this will be not longer na one week to two weeks only,” tugon ng doktora.
Hindi alam ni lilibeth kung saan siya makakakuha ng mga panggastos sa asawa. Tulala lang at hindi umiimik ang tatlong dalaga. Nasa isipan nila kung ma-aadmit ang kanilang ama ay nakakatiyak sila na malaki ang pera na magagastos.
“Now. I will be starting na, Misis. Mga Iha, Misis. Hintayin nyo na lang po ako sa labas ?”Seryosong saad ng doctor.
“Okay. Doktora. Elvira,” tugon ni lilibeth. May kasama ang doktora na assistant na nurse upang iyon ang maging katuwang nito. Nasa labas silang apat at maghihintay sila hanggang sa malagyan si rolly ng semento.
ALAS- otso ng gabi matapos na pasementuhan ang katawan na naapektuhan ni rolly. Dali- dali ang mag-iina na naglakad papasok sa silid nito. Nakita nila ang doktora.
“Salamat Dok?” Pasasalamat ni lilibeth sa doktor.
“Walang anuman Misis. Bilang Doktor ay obligasyon ko na maisagawa nang maayos ang aming obligasyon.” Sabi ng doctor
“Heto pala may reseta akong gamot para sa pain reliever sa asawa n’yo Misis,” dugtong nito.
“Okay po Dok,” tugon ni lilibeth sa doctor. Ngumiti siya ng pilit . Gayondin ang mga anak niya ay ngumiti sa doktora.
Tumalikod ang doktora kasama ang nurse. Nakita ni lilibeth ang asawa niya na may plaster cast sa braso nito at hita ni rolly. Nanghihinang katawan ni rolly ang magpapabagsak sa kan’ya. Nagising na rin sa wakas si rolly.
“Na-y…Gising na si Tatay…!” Masayang bigkas ni jenny.
Lumabas si lilibeth upang bumili sandali ng kanilang pagkain. Pagkabalik ni lilibeth ay narinig nito na masaya ang kan’yang mga anak. Sakto ang pasok niya sa magandang balita.
“Mahal!?” Takot na boses ni rolly nang masilayan nito ang nakabalot na plaster cast sa braso at maging sa hita niya. Nakadama siya ng panlulumo. Nadama ni rolly na ito ‘y magsisilbing dagok sa kan’yang buhay at hindi lang siya kundi pati ang kan’yang pamilya. Ang pagbabago sa sarili ay ang pagbabago rin ng kan’yang nararamdaman. Paano ang pamilya niya kung ganito siya? Tanong nito sa sariling isip. Sino ang magtataguyod sa pamilya niya? Inisip niya din ang taong tumulong sa kan’ya na umalis rin kaagad.
Ibinaling ni rolly ang kan’yang mukha sa mga anak na dalaga. Pinagmasdan niya ng mabuti ang mga ito. Nababakas sa mukha ng mga anak niya ang reaksyon na labis na nababahala sa kan’yang sitwasyon. Nakita niya rin ang asawa niya na halos tumulo nang sabay-sabay ang luhang nakapaimbabaw sa mata nito. Ngumiti si lilibeth kay rolly dahil sa saya.
“Mahal. Salamat gising ka na! Kumain ka na muna para magkaroon ka nang lakas?” wika ni lilibeth upang hikayatin na kumain ang asawa.
“Mahal. Akala ko katapusan ko na! Mahal talaga ako ng D’yos. Hindi niya ako hinayaan mamatay!” Maluha-luhang bigkas ni rolly.
Niyakap niya nang mahigpit ang kan’yang asawa upang bigyan ito ng karagdagan lakas- loob.
“Tay! Mahal namin kayo. Hindi namin kayo papabayaan. Nandito kami palagi sa inyo Tatay. Kaya hindi namin kayo iiwanan kahit anong manyari?!” Boses na masaya ni jennifer dahil sa ang mahalaga sa dalaga ay ang buhay ng ama.
Napayakap rin at maluha- luhang lumapit sila jenny at janna sa kanilang tatay. Napalitan ng ngiti ang dating malungkot na mukha. Niyakap nila nang mahigpit ang kanilang ama upang ipadama doon, ang kanilang pagmamahal.
LUMIPAS ang dalawang araw. Ang araw na kung saan magkakaroon ngayon ng kaganapan sa paaralan ng magkakapatid kapiling ang kanilang mga magulang. Hindi rin makakapunta sila dahil sa nagkataon na may problema na dumating.
“Nay, Kami naman po ang mag-aalaga kay Tatay? Namamayat na kayo dahilan sa pagpupuyat n’yo. Baka naman kayo ang magkasakit kapag pinabayaan ninyo ang inyong sarili.” Boses na pag-aalala ni jennifer. Nakikita niya na halos ang mga mata ng ina niya ay napapalibutan ng kulay itim.
“Sige Anak. Matutulog muna ako… Ngayon pala gaganapin ang palaro sa paaralan?” saad ni lilibeth. Tumingin siya sa tatlong anak niya na nakatayo lang. Naaawa siya mga anak. Imbes na makapunta ang mga anak niya sa paaralan ay hindi na natuloy. Nauunawaan naman ng mga anak niya ang sitwasyon.
“Nay, Ayos lang ho! Si Tatay ang mas mabuting pagtuunan ng pansin. Palaro lang naman po ‘yon. Isipin muna natin Nay kung paano natin si tatay mabibilihan ng gamot?” saad ng panganay.
“Oo nga po Nanay unahin natin si Tatay. Ang buhay iisa lang. Nagbigay na rin kami ng mga excuse letter sa aming mga guro. Alam na nila ang nangyari kay Tatay,” bigkas ni janna.
Natulog si lilibeth. Nagising naman si rolly. Nakita nito ang mukha ng mga anak niya. Habang nakasulyap siya sa mga anak ay naawa siya sa kan’yang pamilya. Nalungkot siya sa nangyari sa sarili. Gusto niyang sisihin ang sarili na kung pagbabasehan ay siya ang dahilan ng kahirapan. Nag-isip siya na kung matatagalan s’ya sa hospital ay nakakatiyak na malaki ang babayarang bills. Paano na? kung ganito s’ya. Nakahiga lang na may iniindang karamdaman. Paano niya masasapatan ang pangangailan ng pamilya?
“Tay, Ano na po ang pakiramdam nyo?” tanong ni jenny sa ama.
“Mga anak pasensya na. Nadamay kayo sa kapalpakan ko?!” Nagsabay pumikit ang dalawang mata ni rolly at may tumulong mga luha sa mukha.
“Tay. Wala kayong kakasalanan! Hindi n’ yo ginusto ang disgrasya!” madamdaming tugon ni jennifer sa ama.
Sumingit si janna.
“Happy birth-day Tatay?”
Alam ni rolly na kaarawan niya pero kahit na wala siyang handa ay natuwa siyang binati ng tatlong anak. Ngumiti si rolly.
“Tatay. Happy birth-day po.” Masiglang bati ni jennifer.
Kumanta ang magkakapatid nang sabay-sabay.
“Happy birthday Tatay, Happy birthday Tatay, Happy birthday, Happy birthday, Happy birthday Tatay!” Naguumapaw na tinig ng tatlo.
“Maraming salamat mga Anak. Masaya akong binati n’yo n’yo!” Napaluha si rolly.
“Si Tatay. Pinaiyak mo Ate?!” Biro ni janna at jenny kay ate jennifer nila.
Napasulyap ang apat nang magising si lilibeth.
“Mahal. Gising ka na pala? Naalala ko na kaarawan mo Mahal ! Nalimutan ko talaga.
Pasensya ka na?” sabi ni lilibeth.
“Alam ko Mahal ang pinagdadaanan mo! Matanda ka kasi. Pereho na kita na ulyanin?!”Pang-aasar ni rolly na may kasamang tawa.
Natawa ang lahat sa biro ni rolly. Kumain sila ng dalang pagkain ni lilibeth kanina.
LINGGO ng may kakaibang nagaganap sa silid ni rolly. Ano kaya iyon?
“Ayoko na dito!. Ibalik nyo na ‘ko sa atin?!” Boses ni rolly na nagwawala.
“Ikalawa pa tayo ng linggo makakalabas,” tugon ni lilibeth.
“Tatay. Oo nga po.” Sang-ayon ni janna.
Nagtatakha ang mag-iina sa postura ng mukha at inaasal na ugali ni rolly. Naninibago sila kay rolly. Sumapit lang ng linggo ay nagbago ang mood ni rolly. Nang bigyan ni lilibeth ng pagkain ay itinapon ng asawa niya ang mga inihain niya na pagkain sa harapan ng asawa. Tumalsik ang plato at baso sa semento. Nabasag ang plato at baso. Agad na inasikaso ni jennifer ang mga bubog upang hindi nila iyon maapakan.
“Sabi ko Uwi na Tayo!...” Singhal ni rolly. Madiin na boses na kahit sinong makakarinig ay matatakot sa lakas nang pagkakasabi.
“Anong nangyayari Tatay sa inyo?” tanong ni jennifer.
Tinawag nila janna at jenny ang doktora. Pagkapasok ng doktora sa loob ay agad nitong pinakalma si rolly. Naluluha ang mag-iina. Nakita iyon ng doktora kaya sinabi sa kanila na…
“Don’t worry Misis, mga Iha. It’s okay right now,” tugon ng doktora sa kanila. Kumalma na ang apat sa sinabi ng doktor. Lumabas ng silid ang doctor.
Umpisa nang pagbabago si rolly. Sa isipan ni lilibeth ay naaalala ang ginawa sa kan’ya ng asawa. Hindi niya alam kung magagalit ba siya o matutuwa?
Ano kaya ang magiging sintomas ng karamdaman ni rolly?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top