kabanata 2 Trahedya
Nang makauwi si rolly ay agad naman s’yang sinalubong ng asawa. Nakita kasi s’yang hirap na hirap sa pagbubuhat ng mga dalang tools tulad ng; pala, kalaykay, patik, asarol at lagadera kaya tinulungan siyang magbitbit nito.Mabilis naman na sumalubong din ang tatlong anak niya upang magmano sa kan’ya. Inilapag ni rolly ang mga bitbit niya sa lupa.
“Tay.Ako na po nyan,” prisinta ni jennifer kinuha ang natitirang dalahin ng ama.
“Tara na po saktong dating n’yo Tay. Si Nanay ay may inihanda na masarap na pnakain sa lamesa.” Masiglang bigkas ni jennifer habang dala-dala nito ang mga gamit na bitbit ng ama.Masaya silang lahat na pumunta sa kusina. Nang mabungadan ni rolly ang nasa ibabaw ng lamesa ay nakaramdam siya ng pananabik sa pagkain. Saktong gutom na rin siya. Sa amoy palang magugutom talaga. Nagtutunugan ang kan’yang sikmura. Nais na niya matikman ang niluto ng kan’yang asawa. Kaya mabilis siyang naupo.
Bago magsimulang kumain ay nanalangin muna sila. Si jennifer ang nagprisintang mag-lead ng prayer.
“Pray na tayo?” Hiling ni jennifer.Yumuko ang lahat at ipinikit ang kanilang mga mata.
“Amang Jehovah thanks po sa biyayang aming nakakamtan sa araw-araw na kahit kapos kami sa budjet ay magkakasama kami ng aking pamilya na hinaharap ang suliranin. Salamat sa lahat ng inyong pagbibigay sa’min ng karagdagan lakas upang sa bawat pagsubok ay nakahanda kami sa problema. Ito lang ang aking pagsasamumo ’t dalangin sa ‘yong banal na pangalan na anak n’yong si Hesus…”
“Amen…” sabay-sabay na wika ng lahat. Sabay-sabay nilang idinilat ang kani-kanilang mga mata. Ipinagsandok ni rolly ang misis niya ng ulam. Ipinapakita niya kung gaano niya kamahal iyon. Hindi siya magsasawa na mahalin si lilibeth. Gayon din ang mga anak n’ya rin ay binigyan niya din ng ulam. Pinagpatuloy nilang kumain.
KINABUKASAN tapos nang mag-asikaso ng mga sarili ang mga anak na dalaga ni rolly. Nakakain na, nakaligo na at maging sa assignment ay nakagawa na din. Lumabas na rin ng kubo ang magkakapatid.
“Dito na kami Tay, Nay.” Paalam ni jenny.
“Nay, meron po pala kaming meeting mamaya. Kailangan po na kahit isang magulang ay may pumunta man lang po. Tungkol po iyon sa Christmas party.”
Paliwanag ni janna. Abala si lilibeth na naghihimay ng sitaw.
“Okay Anak anong oras?” tanong ni lilibeth sa anak.
“Nay. Mga 9 am po dapat ay naroroon na kayo,” tugon ni jenny sa ina.
“O sige Anak.” Sang-ayon ni lilibeth sa anak.
“Nay, Tay. Aalis na kami?” muling paalam at sabay-sabay na bigkas ng tatlong dalaga. Humakbang ang mga paa nang mga iyon palayo sa kanila.
FLAG CEREMONY nila jennifer, janna at jenny kaya naroroon ang lahat sa labas ng ground. Nakapila ang lahat ng estudyante.
“ May agenda tayo mamaya gawa ng mag-uusap tayong lahat kasama lahat ng officers. Sa nalalapit na Christmas event,”
sabi ng kamag-aral nitong si allyssa, kaibigan niya si allysa na may katungkulan rin. Bale pumapangalawa siya sa president. Siya naman ay naatasan bilang vise, president sa kanila.
“Mamaya na tayo mag-usap. Aawit na tayo ng lupang hinirang?” sabi ni jennifer upang pigilan ang kaibigan.
Tumayo ang lahat nang matuwid at tumingala. Sabay-sabay ang lahat sa pag-awit.
“Bayang magiliw….” Bungad na liriko ng awitin. Lahat ng mga estudyante na nakapila ay umawit ng may pag-galang at taos- pusong pag-awit. Nakataas ang kanilang mga matang nakasulyap sa itinataas na watawat. Ang sabayan pag-awit ay tanda ng pagiging makabayang pilipino.
“Nang mamatay ng dahil sayo…” Panapos na awit ng liriko. Pagkatapos na kantahin ang lupang hinirang ay sumayaw sila ng pampabuhay sa lahat. May nag-anounced na isang guro sa harapan.
“Mayroon magaganap na palaro dito sa loob ng ating ground… Lahat ng inyong mga magulang ay inaanyayahan na pumunta sa ating palaro.” Nakatapat ang mikropono sa guro habang nagsasalita. “Gaganapin sa ika- Desyembre 22, 2022. Alas-otso ng umaga,” dugtong ng guro. Natapos ang announcement, kaya ang lahat ng mga estudyante ay pumasok nasa kani-kanilang class-room.
NGAYON byernes ay naghanda ng pagsusulit si janna. Makalipas ang sampung minuto.“Class ipasa nyo na ang mga quiz,” utos ng guro. Nagpasa na si Janna.
“Hay,, naku wala pa ’kong sagot sa number 3. Janna pakopya naman ng isa lang.” bulong ng sa kan’ya ng kaklase.
“Pero… bawal mangopya pati sabi sa kasabihan na No -cheating! Hahaha…!”
sabay tawa ni janna nang mahina. Ayaw niya na maging seryoso makasakit siya ng damdamin ng tao. Yumuko na ang kaklase nito at nakita niya ang mga kilay ng kaklase ay magkasalubong. Halatang nainis ito sa kan’ya. Hindi na lang niya ‘yon pinansin, sa halip ay mas pinandigan niya kung ano ang tamang gawin. Tinuruan siya ng ama at ina ng tamang asal. ‘Magsikap dapat at h’wag mangopya’.
NAGTUNGO sa labas ng gate si jenny dahil sa hinihintay ng dalaga na dumating ang ina. Alas-nwebe nang makarating sa paaralan si lilibeth. Nakita nito ang anak na naghihintay sa gate.
“Nak. Himdi pa ba ako late?” tanong ni lilibeth.
“Nanay, hindi naman po sakto lang ang dating n’yo.” Ngiting bigkas ni jenny sa ina. Nagmadaling maglakad silang mag-ina. Ang napag-usapan ay patungkol sa mga gagastusin under on Christmas-party.
KASAMA ni jennifer ang kapwa nitong may mga katungkulan. Nasa silid ng room 12- section mahogany.
“ Patrick ikaw pala?” takang tanong ni jennifer.
Nakadama siya ng kaba dahil sa iyon ang kaklase na lihim n’yang hinahangaan. Sa isip niya ay hangang paghanga lang naman dahil bawal sa kan’ya na magpaligaw.
“Aral muna bago ‘yan!” Nasa isip niya. Kung magkakagusto ang binata ay hindi niya iyon sasagutin. Naputol ang kan’yang imahimasyon dahil sa nangusap ang binata.
“Magpapatulong sana ako sa’yo kung pwede lang?” Nakatayo si patrick sa harapan. Isa rin, na kasama sa officers si patrick. Ano kaya ‘yon? Namuong tanong sa kan’yang isipan.
“ Mamaya na lang tayo mag-usap?” aniya.
Nagpa-iwan si jennifer para tulungan gumawa ng magandang munula si patrick. Kahit saan larangan ay mahusay si jennifer. Magsulat ng manula, tula, dagli at kung saan pa. Mahilig siyang gumawa ng mahabang salaysay lalo kung tungkol sa simbolo ng pagmamahal.
Nang matapos niya na tulungan ang binata ay nagpasya na si jennifer na umalis.
“Salamat… Sa uulitin?” pagbibirong sabi ni patrick.
“Wala ‘yon sige lang. Basta h’wag lang matatapatan na abala ako hahaha.” Boses ni jennifer na masaya. Tumalikod ng tuluyan ang dalaga. Naiwan mag-isa si patrick dahil may gagawin pa ito.
NAGKITA ang mag-iina dahil sa oras na nang uwian.
“Nay. Katatapos lang pala ng inyong meeting?,” tanong ni janna sa ina.
“Oo Anak e. Ang haba pala ng pinag-usapan!” sabi ni lilibeth sabay napasapo ng palad sa noo nito. Naglalakad silang mag-iina.
“Kami Nanay. May palarong gaganapin kaya masaya ‘yon. Malapit na rin ang kaarawan ni Tatay. Diba Nay? Saktong-sakto ang kasiyahan na magaganap sa paaralan.” Masaya na saad ni jennifer.
“Ganoon ba anak, kaarawan nga ng Tatay n’yo. Sige na mga Anak. Sumakay na tayo. Siguradong hindi pa rin nakakaluto ng pagkain ang Tatay nyo. Dapat pagkarating natin agad nang magluto,” wika ni lilibeth sa mga anak. Mabilis ang bawat-isa na inihakbang ang mga paa sa paradahan ng tricycle para doon sumakay.
HINDI kakaila na maganda talaga ang mga bunga ng pananim ni rolly dahil sa masagana ito sa pataba. Hindi siya gumagamit ng kahit anong synthetic fertilizer na masama sa halaman, hayop at katawan ng tao kapag sobra. Naroron din si mang-ernesto na kaibigan niya.
“Maraming Bunga na ‘yan Rolly. Bago sumapit ang kapaskuhan ay maraming kang maiibentang pakwan.” Tuwang sabi ni ernesto. Kaibigan ni rolly ng mahabang panahon si ernesto. Magkalayo ang mga bahay nila. May dalawang kilometro ang layo sa kanila. Madadaanan muna ni ernesto ang bahay ni rolly. Magsasaka rin ang hanapbuhay ni mang-ernesto.
Nag-iisang anak nito ay ang binata, Si patrick. Byudo na si ernesto.
“Rolly. Mauuna na ako na umuwi sa ‘yo. Gutom na kasi ako hahaha! Pahinga rin kapag may time? Tingnan mo ang sarili mo maitim ka na sa init!” pag-aalalang sabi nito kay rolly.
“Ayos lang Ernesto. Kapag maayos ko na ito uuwi na rin ako.” Tugon ni rolly sa kaibigan. Napailing na lang si ernesto dahil sa ayaw ni rolly na makinig. Lumakad na si ernesto palayo.
“Oh sige hahaha. Ikaw talaga.?!” Sabay tinapik ni ernesto ang balikat ni rolly.
Mainit ang panahon. Tuloy pa rin siya sa pagdudurog ng lupa. Wala siyang pakelam na kahit mangitim siya ay para sa kan’ya ay nakikita niya na masaya ang pamilya niya ay ganoon rin s’ya, Wala s’yang inisip kundi ang mabigyan ng sapat na pangangailangan ang pamilya. Makapag-aral ang mga anak at maisakatuparan ang maging responsableng haligi ng tahanan.
“ Pakisabi sa Misis ko maya-maya ako?” dugtong niya.
“Sige,” tugon ni ernesto habang papalayo iyon.
UMAKYAT siya sa puno ng mangga para kumuha ng dagdag na panggatong sa kanila. Balak na lang niyang sibakin sa gitna ang kahoy upang patuyuin sa usok sa kalan. Nang bigla’ng…
“H-hindi ako makagalaw!” bigkas niya habang namimilipit ang katawan sa sobrang kirot. Bumagsak siya sa puno ng mangga. Hindi niya nakitang may marupok na sanga na kan’yang naapakan.
“Aray…!” Boses na hindi makapaniwala sa nangyari.
Sa gubat ay walang nakakarinig sa kan’yang pagsigaw ng malakas.
Katapusan niya na nga ba? Ano ang mangyayari kay rolly ? Sinong tao ang tutulong kay rolly?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top