Twenty one.
"Isa pa! Tatalikod naman ako ah?!" hiyaw ko kay Loey sa malayo. Inayos ko pa ang bucket hat na suot ko. At ang aking pink t-shirt na naka tuck-in sa aking short skirt na kulay pink din. Tinernuhan ko lang 'yon ng white rubber shoes, at viola! Feeling ko ako na si Strawberry shortcake.
Habang si Loey ay black ang shirt niya at naka brown shorts habang kanina pa ako kinukuhanan ng litrato. Pagkatapos kasi namin kumain ng breakfast ay agad akong pinunta ni Loey sa farm ng Tito mulong niya. Farm ng strawberry! Kaya nga sobrang saya ko, kahit pa na madalian ang pag sabi ko sa kanya ay nagawan pa rin ni Loey ng paraan yung request ko. Maganda dito sa farm ni tito mulong, hindi man siya yung malawak na farm tulad ng mga nasa tv, pero tingin ko, mas maganda itong farm na ito kahit pa medyo maliit. Sobrang ganda kasi talaga. Lahat ng space nagamit, puro green ang makikita at net naman sa itaas ng kabilang banda.
"Alright. Done." ani Loey.
"Isa na lang, kunwari stolen!" sabi ko at muling hinawakan ang maliliit na strawberry at nginitian ang mga 'yon. Ang sumunod ko naman pose ay ipinatong ko ang maliit na rattan basket sa aking uluhan at ngumuso habang nakatingin sa aking gilid. Sinundan pa iyon at sa camera naman ako tumingin habang ganon pa rin ang pose. Pakiramdam ko talaga ako si strawberry shortcake ngayon, sobrang ganda ko siguro.
Nang mapagod sa kakapose ay nilapitan ko na si Loey, natuwa nga ako, dahil hindi siya nag reklamo sa mga kaartihan ko. Kahit anong angle ang ipagawa ko ayos lang da kanya. Bonus na rin kasi siguro na magaling siya kumuha ng litrato.
"Saan mo pa gusto, babe?" tanong niya sa akin. Marahil ay akala niya ay hindi pa tapos ang picturan, lumingon lingon pa nga siya.
"Okay na ako. Marami ka naman na sigurong nakuhang litrato," sagot ko at niyakap siya sa gilid saglit. "Ikaw naman picturan ko, tapos next tayo naman mag kasama."
"Alright." aniya at lumayo sa akin kaunti. Ilang hakbang lang ay tumigil na siya at tinignan ako. Napatulala ako saglit, lalo pa at tumatama ang sinag ng araw sa kanya na nakakadagdag lalo ng ganda. Agad kong kinuhanan siya ng litrato, dahil sa totoo lang, tumayo lang siya ay maganda naman na agad ang kalalabasan dahil ang gwapo niya!
"Okay na!" sinenyasan ko siya. Ang bilis lang kasi sa kanya! Agad kong tinignan ang mga litrato at natuwa ako sa unang picture ko pa lang, ang ganda ko!
"Babe, let's take our picture together now, lunch time na." sabi niya at inakbayan ako. Tumango ako. Dahil muntik ko ng makalimutan.
Kinuha niya ang canon sa akin at siya na daw ang kukuha ng litrato. "Alright, ready.. 1,2,3!"
Ngumiti ko ng pagkatamis tamis habang yakap siya at background namin ang mga strawberry.
"Babe, look at me." sabi niya. Agad naman akong tumingala sa kanya, yun pala ay sasalubungin lang niya ako ng halik sa labi. Napangiti ako. Nilagay ko pa ang kanan kong kamay sa dibdib niya para may mapag patungan ang kamay ko. Hindi niya ginalaw ang labi niya, nanatili lang 'yon hanggang sa siya na ang ang humiwalay.
"I love you, babe." mahinang sabi niya habang nakatitig pa rin sa akin.
"I love you din," nakangiting sagot ko. Nakita kong medyo nagulat siya sa sagot ko pero.. Oo. Mahal ko na din siya. Hindi naman kasi siya mahirap mahalin, siya yung tipo ng taong magugustuhan mo agad kapag nakita mo, at taong mamahalin kapag nakilala na. Kahit pa sinabi ko noon na wala pa ako sa stage ng 'Love', alam ko rin naman na hindi mag tatagal ay doon n rin ang punta ng nararamdaman ko.
"Mahal mo rin ako, really?" nakangising tanong niya at pinagdikit ang aming mga noo.
Tumango ako. "I love you." sagot ko na lang at agad siyang hinalikan.
"Sisig na lang at wintermelon yung drinks. Thank you," nakangiting sabi ko at inabot na sa crew ang menu na hawak ko.
"Oh bakit?" tanong ko kay Loey. Kanina pa kasi siya nakatitig lang sa akin tapos ngingiti. Mula pa 'yan kanina habang nag dadrive siya pag kaalis namin ng farm.
Umiling siya at muling hinalikan anh kamay ko. "Im just happy, babe."
Napangiti ako. "Ako din. First boyfriend kita e,"
"I know." sagot niya at ngumiti ng may malisya. Kinurot ko nga ang kamay niya.
"Hoy! Bastos ka ah!"
"What?"
"Yung iniisip mo, tigilan mo 'yan!"
"Babe, wala akong iniisip, ikaw dapat. Tanggalin mo 'yang nasa isip mo, you know..bad 'yan." aniya at kumindat pa.
Inirapan ko siya. Sa hitsura niya, sex naman talaga ang nasa mga mata niya! Kahit pa i-deny niya, nakikita at nararamdaman ko!
"But...if my babe's want, i am gladly surrender my body."
See! Sabi na eh! Tapos, idedeny pa niya kilala ko na siya na!
"Bawal, may mens ako ngayon!"
"Hmm.." tango niya. "Ilang days ba 'yan?"
"La..st day na," ewan ko ba kung bakit bigla akong nahiya sa sagot ko samantalang normal lang naman 'yon!
"Alright." sagot niya na hindi ko alam kung paano ide-define. Ano bang ibig sabihin nun ng alright?
Kaya habang kumakain kami ay hindi mawala sa isip ko ang 'Alright' na sinabi niya pati ang tono nito. Tapos panay pa ang titig niya pagtapos ay iiling, tingin ko nga ay pinagtitripan niya ako.
"Where do you want to go next?" tanong niya pagkatapos namin mamasyal. Kanina kasi pagtapos namin mananghalian ay nagpahinga kami ng kaunti at dumiretso na sa burnham park at doon naglakad lakad. Marami kaming ginawa, kahit nga hindi ako marunong mag bike ay nag bike ako.
"Balik na tayo sa kubo," sabi ko. "Masakit na kasi yung paa ko, okay lang?" dahilan ko which is totoo naman kasi. Medyo matagal din kasi kaming nag lakad lakad, at hindi ako sanay maglakad ng malayo.
" Yeah. It's alright. " sabi niya at niyakap pa ako mula sa gilid. "Magpa deliver nalang tayo ng pagkain."
Pagkadating namin sa kubo ay agad akong humiga sa sofa dahil medyo kumikirot na ang tuhod ko. May rayuma kasi mula pa bata, madalas nang sumasakit ang tuhod at paa ko. Natatandaan ko pa nga, six years old ata ako nun, kapag sumasakit ang tuhod at paa ko, sasabihin ko lang iyon kay papa tapos kukunuin na niya agad ang garapan niyang may laman na gas at langis ag iyon ang ipapahid niya sa tuhod ko. Tapos nun makakatulugan ko na ang tuhod ko, pag gising ko wala nang sakit. Pero natigil iyon nung makulong si papa. Mula noon, kapag sumasakit ang tuhod ko, hinihilot ko iyon ng mag isa.
"Uy," napadilat ako ng may biglang humawak sa paa ko.
Si Loey pala. Kinuha ang paa ko at ipinatong sa kanyang hita. "I'll massage your foot." aniya st banayad niyang hinilot ang paa ko paakyat sa tuhod. Nakatitig lang ako sa kanya.
Seryoso kasi siya sa pag hilot sa paa ko. Fpcus na focus ang mukha niya, nagmukha tuloy mathematics ang tuhod ko. Ang cute pati niya. Medyo lukot ang noo at bahagya pang nakanguso. Marahil ay hindi niya napapansin na nakanguso siya, nguso niyang mapula at malambot.
Bigla ko tuloy naalala yung sinabi niya kanina. 'Alright' daw. So..ibig bang sabihin hindi malabong gawin namin ulit 'yon? Gagawin namin? I mean..dito sa baguio. Well..kung ako tatanungin, pwede naman.
"Ay shet, ano ba 'yan?!" di namalayan na sigaw ko. Agad kong tinakpan ang bibig ko. Tumingin si Loey sa akin.
"Ayos ka lang?" tanong niya.
"Huh? O..oo, ayos lang." sagot ko.
"Are you sure?" kunot noo pa rin na tanong niya. "Nagugutom ka na ba? Don't worry, nakapag order na ako, on the way na."
Ngumiti ako. "Oo..medyo gutom na nga. Hehe..so excited."
Kinabukasan ay wala kaming ginawa.
Nakatingala sa langit at pinag lalaruan ng mga maningning na bituin ang mga mata, malamig ang simoy ng hangin habang nakahiga sa kanyang mga braso, ay ang isang bagay na hindi ko pinangarap ngunit aking nararanasan ngayon. Masayang nararanasan.
Gumalaw kaunti ang duyan na aming hinihigaan dahil sa aking paggalaw. Tiningala ko siya at naabutan kong nakatitig pala siya sa akin.
"Anong iniisip mo?" mahinang tanong niya.
"Hmm..sa ngayon, wala naman akong iniisip bukod sa sobrang saya ko ngayon. Ikaw?"
"I am grateful." sagot niya. Dahan dahan pa niyang hinaplos ang pisngi ko. "I know, iniisip mo na masyadong mabilis itong nangyari sa atin, pero para sa akin hindi. Dumating ka sa punto ng buhay ko na.. im so lost..pero inayos mo ako kahit wala kang ginagawa. I..actually don't know how you do it but, your pressence makes me feel okay. Kahit hindi ka mag salita, alam ko naiintindihan mo ako."
Hinawakan ko ang kamay niyang nasa pisngi ko. "Ako din. Ikaw ang pinaka malaking blessing ni Lord sa akin. Hindi dahil sa tinulungan mo akong maayos ang pamilya ko, pero dahil yun sa masasayang na e-experience ko ngayon kasama ka."
"Hindi man normal yung kung paano tayo nagkakilala,-" napangiti ako ng maalala yung unang gabi namin sa boracay. Kung gaano ako ka all-out lumandi that night, di ko ma-imagine na magagawa ko ulit 'yon ngayon. "-pero kahit papaano may maganda naman kinalabasan 'yon." umangat ako kaunti para mahalikan siya saglit sa labi. Nginitian ko siya pagkatapos. "Girlfriend mo na ngayon ang pinaka magandang prutas sa universe!"
"Girlfriend ko na ngayon ang pinaka magandang babae sa universe." pagtatama niya sa akin. Ngumiti ako. "I love you."
"I love you too, Loey." dahan dahan siyang tumayo sa duyan.
"Saan ka pupunta?" litong tanong ko. Hindi siya sumagot bagkos kinuha niya ang dalawang kamay ko at inalalayan ako makaalis sa duyan. Wala pa rin ideya na pumapasok sa isip ko hanggang sa binuhat niya ako paharap sa kanya. Seryoso ang mukha habang mariin na. Nakatitig sa akin, sumisipa na sa akin ang kaba.
"Loey.." tawag ko sa kanya ng maglakad na siya papasok.
"Your mens are gone right?" bulong niya.
Dahan dahan akong tumango. Tapos na kasi. Kahapon pa ng umaga. So..
Napakapit ako sa kanya ng bigla niyang halikan ang ilalim ng tenga ko. Hanggang sa dahan dahan.
Ahmm..gagawin ba namin?
May kung ano na naman ang tumibok sa loob ko. "Hmmm.." daing ko nang ang isang kamay niya ay pumasok sa loob ng t-shirt ko habang naglalakad pa kami papasok. Shit! Paano niya nagawa yun? Baka malaglag ako!
Wala na talagang laman ang utak ko ngayon, nag laho na. Maliban na lang sa kamay niyang naglalakbay sa dalawang bundok. Talagang nasisimut ang isip kapag sinisipsip- "Ay, shet! Loey baka malaglag akoo!"
Habang nararamdaman kong naglalakad siya, iniisip ko tuloy malayo ba ang kwarto namin at ang tagal niya maglakad? Hindi naman sa nagrereklamo ako pero kasi...bigla na lang ay naramdaman ko ang malambot na kama sa aking likuran.
Natameme ako ng simulan niyang hubarin ang damit niya pang itaas. Lumunok ako ng matindi ng masilayan sa liwanag ang mga batong itinatago ng isang t-shirt. Shit. Parang hindi ko ata ito napansin nung nasa boracay kami. Hmmm...inumpusihan na rin niyang hubarin ang kanyang boxer, pumikit ako habang nasa gitna siya ng mga hita ko.
"Bakit pinipikit ang mata?" mapanuya niyang sabi at dahn dahan naramdaman ko ang kamay niya sa aking tuhod, magkahiwalay na yun ngunit pinaghiwalay pa niya lalo.
Sinilip ko siya, may brief pa siyang suot.
"Nakalimutan mo na ba yung ginawa natin sa boracay?" aniya at dahan dahang hinila ang short ko pababa.
Patuloy sa pagkabog ang dibdib ko. Ano kayang gagawin niya sa akin..
Nakagat ko ang labi ko nang ang pang itaas ko naman ang hubarin niya, inangat ko pa ang katawan ko para mahubad iyon.
"I will make you remember what we did in boracay."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top