Twelve
"Ang bango naman niyan!"
Napatalon ako dahil sa kung sinong sumigaw. Nilingon ko kung sino 'yon, si Tito mar pala.
Hubad na nama ang payatot niyang katawan. Nakangisi itong lumapit sa akin kaya mabilis kong pinatay ang kalan. Instinct. Alam ko, masyado akong judgemental pero,paranoid na kung paranoid, hindi talaga ako komportable sa presensya niya. Kahit gaano pa sabihin ni mama na anak ang turing sa akin ni tito mar, thank you na lang. May tatay naman ako. Hindi ko matatanggap.
Lumapit ako sa kabilang side ng bilog at maliit kong lamesa. Habang siy umupo sa harap ng kalan. Nilabas pa niya ang lighter niya.
"Kiwi, kumusta ka na?" aniya at bumuga ng usok ng sigarilyo.
Tinigil ko ang pag sandok ng pagkain para kay Poleng na nasa gilid ko at naghihintay. "Pwede po ba, huwag kayong manigarilyo sa loob ng bahay?"
Saglit siyang huminto sa paghithit ng sigarilyo at tinignan ako. "Saan ba ako pwede manigarilyo? Sa labas naman sinabihan ako nung matanda na bawal din, saan ba pwede?" maangas na tanong nito bago nag patuloy sa pag sigarilyo.
"Dahil non-smoking area po ang buong apartment, may hika po kasi yung landlord dito-'
"Oh bakit? Kasalanan ko bang may hika siya? Kasalanan niya 'yon."
Huminga akong malalim at pilit na kinakalma ang sarili dahil nasa harap namin si Poleng. "Okay sige." sabi ko. "Huwag na pong isipin ang ibang tao, si Poleng na lang po. May hika si Poleng, mahihirapan siyang huminga kung naamoy niya yung usok ng sigarilyo niyo."
"Putang ina naman e!" hiyaw niya na ikinigulat ko. Hinagis niya lang din sa kung saan ang upos ng sigarilyo niya at masama akong tinignan. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang presensya ni Mama sa likod ko. Lilingunin ko pa lang sana siya ng mabilis siyang lumapit kay Tito mar.
Parang biglang nawasak ang puso ko sa ikinilos ni mama.
"Ano ba? Bakit ka sumisigaw?" si mama na hinahaplos na ang braso ng lalaki niya.
Pinilit kong lunukin ang kung anoman ang nakabara sa lalamunan ko.
"Eh 'yang anak mo, siraulo! Nananahimik ako rito, kung ano-ano ang sinasabi sa akin!" sabi nung lalaki, mukha siyang nagsusumbong na damulag sa harap ni mama. Napaka sinungaling!
Galit na tumingin sa akin si Mama. "Kiwi naman! Igalang mo naman ang papa mo!"
"Really?" natatawang sabi ko. Hindi ako makapaniwala sa nanay ko. Nanay ko ba talaga 'to? "Really, ma? Naninigarilyo 'yang lalaki mo sa loob ng apartment ko, bawal ang manigarilyo rito ma, mapapalayas ako!"
"Sinasaway ko lang siya dahil alam naman natin na hindi rin maganda para kay Poleng ang makaamoy ng usok!"
"Edi ipasok mo muna si Poleng sa kwarto, pagtapos manigarilyo ng tito mar mo, tsaka kayo kumain." si Mama.
Biglang nanghina ang tuhod ko sa sinabi ni mama. Totoo ba 'yon....
"Ma?" tanging nasabi ko lang.
"Sige na, sige na." aniya at lumapit sa amin ni Poleng. Binuhat niya si Poleng habang ako tinulak niya paalis sa kusina ko.
"Sige na, pumasok na doon!" ani mama at tinulak ako. Habang paalis sa kusina ay nakaitang kumuha ng kutsara si Tito mar tsaka doon kumain sa ulam na niluto ko sa kawali.
Kabastusan!
"Mama!" di mapigilang hiyaw ko ng makapasok kami sa kwarto ko.
"Dito mo muna si Poleng, hahatiran ko na lang kayo ng pagkain." si mama at nilapag sa ibabaw ng kama si Poleng.
"Mama?! Nakita mo ba yung kababuyan ng lalaki mo?! Doon siya kumain sa kawali!" naiiyak na sabi ko. Dahil sa nakita ko ay malapit nang pumutok ang utak ko! Hindi ko alam kung dapat ba na maranasan ko pa 'to.
"Tatay ninyo naman siya ayos lang 'yon anak!" giit pa niya.
"Mama, hindi ko siya kaano-ano!"
"Ano bang gusto mo kiwi? Edi wag! May biscuit ka naman sa ref mo hindi ba? Yun na lang muna!" aniya at walang sabing lumabas ng kwarto ko.
"Bwisit!!" hindi mapigilang sigaw ko. Hindi ako makapaniwala sa sitwasyon ko ngayon! Tang ina, nakakainis!
"Ate, nagugutom na ako."
Napalingon ako kay Poleng sa gilid. Kinalma ko ang sarili ko bago nilapitan ang namamayat kong kapatid. Umupo ako sa tabi niya at hinaplos ang kanyang manipis na buhok. "Nagugutom ka na?"
Mabilis siyang tumango sa tanong ko. Tumayo ako at mabilis na kinuha ang aking bag. Tuwing lunch kasi sa office ay may libre kaming sandwich sa office. Naalala ko, hindi ko nga pala kinain 'yon, tapos kanina ay ibinigay pa sa akin ni Lei yunc kanya dahil nananawa na daw siya sa paulit-ulit na egg sandwich ng kompanya. Nakangiting binigay ko kay Poleng ang dalawang sandwich. "Sige na, kain ka na." haplos ko sa ulo niya.
"Tag isa tayo, Ate." aniya at inabot sa akin ang binalatan niyang sandwich.
Tahimik kaming kumain mag kapatid. Iniisip ko nga, paano kung umalis na lang ako dito sa apartment? Isasama ko si Poleng.. Dahil sa totoo lang, nakakapang hina ang stress..tapos, aaraw-arawin pa ako ng kunsimisyon ng mga tao dito. Parang iniisip ko pa lang ang mga susunod na araw, nanghihina na agad ako.
Pero sa loob loob ko, alam kong hindi ko naman kayamg iwan si mama kasama yung lalaking 'yon. Mahirap. Lalo na at alam kong wala na sa katinuan ang lalaking 'yon, baka mamaya lung ano pa ang maisipan niyang gawin kay mama kapag silang dalawa na lang. Ipinagdarasal ko na lang na sana matauhan na si Mama. ilang taon ko ng dasal 'yon, pero ayaw kong sumuko na isipin na mamatauhan din si mama.
"Ate.." maliit na boses ni Poleng sa gilid ko.
"Hmmm.. Bakit?" tanong ko. Inabot ko pa ang pitsel sa maliit na lamesang pinaglalagyan ko ng artmats ko at sinalinan ang baso ng tubig, baka kasi nauuhaw na siya. Pero umiling siya kaya nagtaka ako.
"Akala ko ate, magiging malaya na si mama." aniya.
"Ha?" kunot noong tanong ko.
"Si mama po. Akala ko iiwan na niya si papa, pero hindi pa din pala." sabi niya at kumagat ng maliit sa sandwich.
Bumuntong hininga na lang ako. Well..parehas pala kami ng iniisip ng kapatid ko.
"Kahit papa ko si papa, ayaw ko sa kanya ate, natatakot na ako sa kanya." sabi pa niya. "Akala ko talaga magiging happy na ako dahil umalis na kami sa bahay ni Papa, pero nandito na ulit siya, ayoko na kay papa, ate."
"Bakit? Sinasaktan ka ba niya?" malumanay na tanong ko sa kanya.
Nakita kong umiling siya. "Hindi po. Kapag po kasi nagagalit siya sa akin ay si mama ang sinasaktan niya, palaging umaaray si mama sa kwarto nila ni papa."
Hindi ko mapigilang mapaluha sa kwento ng kapatid ko. Hindi ko maimagine kung ano ang naging mga araw nila sa bahay na 'yon. Kung ano ba ang klaseng pananakit ang ginagawa ng lalaking 'yon kay mama. Tapos ngayon naikkinukwento ni Poleng ito, hindi ko na alam kung paanong trauma ang nasa batang ito ngayon. Kung paano niya ini-handle ang araw araw na magulo sa bahay na 'yon.
"Pwede kaya natin siyang ipa-pulis, ate?"
"Ha? " nagulat ako sa sinabing 'yon ni Poleng.
"Pulis po." ulit pa niya. "Ay..kaso po.." natigilan siya saglit bago muling ng angat ng tingin sa akin. "Kaibigan pala ni papa yung mga pulis, kaya hindi siya huhulihin."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top