Thirty-three

Pagkalabas ko ng cr ay dumiretso na ako kina Lei para makapag-paalam na uuwi na ako. Tapos na rin siguro ang purpose kung bakit ako napadpad dito. Ito na siguro yun, para makita ko kung anong klaseng tao si Sandra. Ipinagtanggol ko pa siya sa harap nila Lei. Ang buong akala ko napakasama kong babae dahil pumatol ako sa lalaking may girlfriend, pero hindi naman pala ganon ang sitwasyon.

For a while... ganito pala feeling ng maging tanga, nagsisisi ako sa mga nasabi at nagawa ko kay Loey, pero atleast..alam ko na, hindi na ulit ako magpapaloko sa mga feeling victim na manloloko.

Ala sais ng umaga ay nag umpisa na ako upang makapag-handa sa pag pasok ng trabaho. Medyo nahihilo pa nga ako dahil hindi naman ako nakatulog ng maayos dahil sa kakaisip kay Loey at sa relasyon namin- kung meron pa ba?

But..if ever naman na kumilos ang ditos at paglapitin kaming muli ay mas mag iisip na ako, at pagtitiwalaan pa siya ng buo. Yung buo na kahit anong kasinungalin ang lumapit sa amin ay siya pa rin ang paniniwalaan ko dahil alam kong mahal niya ako.

Suot ang jacket na kulay maroon at isang black jeans white sneakers ay lumabas na ako sa apartment ngunit agad napahinto ng makitang may malapad na dibdib na nakaharang doon. Wearing a black suit and a green tie. Umangat ang tingin ko..

"Camillo.."


"Goodmorning! Do you have extra time?" tanong niya.

Kaya ngayon, dala-dala ang isang tasa ng kape ay nakatingin ako kay Camillo na maayos na nakaupo sa aking sofa.

"Coffee po," ani ko at nilapag ang tasa sa ibabaw ng lamesa.

"Thank you." sabi niya.

Gusto ko siyang bigyan ng isang ngiti pero nakaka asiwa naman kung.. Gagawin ko 'yon. "Ano po bang ipinunta niyo rito?" diretsong tanong ko.  "May trabaho pa kasi ako ng-"

"I know. Pasensya na sa istorbo, gusto ko lang sana sabihin na nasa davao si Loey ng-"

"Nasabi na po sa akin ni Jervy kagabi." putol ko sa kanya.

"Really?" tango niya. "Kailan mo ba siya balak puntahan? Gusto mo bang sumabay sa akin?"

Kumunoy ang noo ko. Ano bang sinasabi niya? "Bakit ko naman po siya pupuntahan? Nagtatrabaho siya doon, at i think hindi naman tama napuntahan ko siya,"

"He is not working in davao. He's in hospital right now,"

"Ano?" lito pa rin na sabi ko. "Anong sinasabi mo?"

"Well..i don't know if he already told you  about this but.. Loey has an anxiety. He was diagnosed three years ago. Hindi ko naman ito sinasabi upang maging tulay ng pagkakaayos ninyo, Sinasabi ko lang dahil alam ko na ngayon ay alam mo na ang totoo tungkol kay Sandra. Inisip ko lang na baka gusto mong malaman kung nasaan na siya." ani Camillo.

Napayuko ako sa narinig. Loey is a strong man. Palagi siyang makisig at composed. Alam kong makakayanan niya kung anuman ang dumating na pag-subok sa kanya. Alam kong nagkasira man kami ngayon ay alam kong mahal pa rin naman namin ang isa't-isa. At ngayon.. sa palagay ko, kailangan niya..namin mag grow pa muna ng hindi kasama ang isa't-isa. Siya may sarili siyang issue at ako rin ay ganon.. Marami kaming naging pagkukulang sa naging relasyon namin na hindi napunan ng pagmamahal.

...at tingin ko..

Kailangan namin mag grow muna..

Nang hindi bilang magkasintahan...

Pero bilang individual..

Tumitig ako ng diretso kay Camillo at dahan-dahan na umiling.. "Salamat sa pagsasabi kung nasaan siya." panimula ko.

"..pero ayos nang alam ko kung nasaan siya. Wala na rin kami, at tingin ko mas magiging okay siya kung wala ako sa buhay niya."

"Did Loey said that?"


"Huh?" lito kong tanong.


"Paano mo nalaman na magiging okay siya kung hindi kayo magkasama? Sinabi ba ni Loey 'yan?"

Umiling ako.

"Hindi mo na ba siya mahal?" tanong niya na ikinagulat ko.


"Sa tingin ko naman ay wala ka ng pakielam aa nararamdaman ko ngayon. I appreciate na ipinapaalam mo sa akin kung kumusta na si Loey pero.. siguro hanggang doon na lang 'yun. Salamat Camillo." tumayo na ako upang ipaalam sa kanya na tapos na ang usapang ito.


Ilang sandali pa siyang tumitig sa akin bago dahan-dahan din na tumayo. Tiningala ko siya dahil sa taas niya.

"Salamat sa oras mo, Kiwi." aniya.

Tumango ako at nauna nang mag lakad  upang pag buksan siya ng pinto.

"Salamat sa pag-pu-"


"Goodluck." nakangiting putol niya na hindi ako pinatapos.

Nag isip ako. Habang nakatingin sa likod niya na palayo ay napaisip ako.. para saan ang 'Goodluck'?

Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan sa 'Goodluck' niya? Patuloy ko pa rin itong iniisip hanggang sa nakapasok na ako sa trabaho ay ang  'Goodluck' pa rin ni Camillo ang nasa isip ko. Palagay ko ay may mangyayari na hindi ko alam pero ako ang involve. Shit. Tungkol kaya ito kay Loey? So malamang! Kay Loey talaga! Isa pa..ay teka, bakit ko nga ba iniisip 'yon? Wala na kami tapos nasa davao pa siya.

Pero hindi ko naman kailangan isipin iyon dahil wala na kaming koneksyon sa isa't-isa. Tapos na. Isa pa, Matanda na si Loey at matalino, hindi na siya para isipin ko pa.


Simula ngayon..

Wala muna akong iisipin na iba maliban sa sarili ko.

Ako, ako, ako, ako.

Ako lang wala ng iba.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top