Thirty-One

Sa sobrang sama ng loob ko ay nakatulog ako ng hindi ko namamalayan. Maaga nga akong nagising ngayon, ala singko ng umaga ay lumabas na ako sa kwarto. Kagabi ay matagal kaming nag usap ni Lei, maganda iyon para sa akin dahil may pinaglabasan ako ng sama ng loob ko, nai-iyak ko na ang ibang sakit.

"Kiwi,"

Halos malaglag ang puso ko dahil sa biglang pagtawag ng kung sino. Nilingon ko iyon habang nakahawak sa dibdib ko, nakita ko si Shiela na nasa pintuan ng kwarto niya, nakabihis pa ito at mukhang kadarating lamang.

"Shiela.." mahangin na boses ko at huminga ng malalim.

Lumapit siya sa akin ng kaunti at tinitigan ng mariin. "Narinig ko yung nangyari sa inyo ni Loey.. Kumusta ka?" aniya at hinila ako upang makaupo sa sofa.

Nagkibit balikat lang ako. Dahil sa totoo lang hindi ko naman talaga alam ang isasagot ko, hindi ko alam kung kumusta na nga ba ako?

"Huwag ka sanang magagalit, Kiwi.." ani ni Shiela. Kumunot ang noo ko at hindi napigilan sumagot.

"Sasabihin mo 'yan sa akin pero mag sasabi ka naman ng ikakagalit ko. Bakit hindi mo na lang ako diretsuhin?" kung nag tunog bitchesa man ako ay wala na akong pake.

"Kiwi.. kilala ko kasi si Loey-"

"Eh ako ba kilala mo pa?"

"Kiwi, mag eexplain ako pwede? Patapusin mo muna ako. I am on your side, kakampi mo ako at hindi ko naman hahayaan na gaguhin ka lang ng kung sino. Trust me, kakampi mo ako." pinisil niya ang kamay ko ngunit nag iwas ako ng tingin at hindi na nag salita pa.

"Alam ko kung anong nangyari sa inyo ni Loey. At..alam ko rin na biktima lang si Loey dito-"

Mabilis ko siya binalingan. "Gago ka ba?!" nakataas na ang kilay ko dahil sa kagaguhan na salita niya. "Biktima siya? Seryoso ka?"

"Oo Kiwi, biktima din sa Loey dito. Alam ko, kami ang kasama niya ng iniwan siya ni Sandra para sumama sa ibang lalaki, kami rin ang kasama niya habang inaayos niya ang buhay niya na sinira ni Sandra."

"Pero niloko niya ako Shiela!" di mapigilang sigaw ko.

"Huy, ba't nagsisigawan naman kayo?" si Lei iyon na lumabas ng kwarto niya pero hindi an rin napansin.

"Kiwi, nasaksihan ko ang pag uumpisa ninyo sa boracay pa lang, tingin mo kung may sabit siya hindi ko sasabihin sa 'yo yun? Hindi ako nangielam dahil alam akong malinis ang hangarin ni Loey sa'yo."

Hindi ako nag salita at nakipag titigan lang sa Kay Shiela. Naramdaman kong umupo sa gilid ko si Lei.

" Sa totoo lang, ayan din ang kanina ko pa naiisip e, kaya medyo alangan din ako sa part na kabit ka dahil alam kong kilala aiya ni Shiela at alam ko rin na hindi naman hahayaan ni Shiela na maging kabit ka ng kung sino lang.."

Bigla akong napaluha ng hindi ko alam kung bakit.. "Pero..bakit ga..nun? Tanging tanong ko lang.

"Hindi kita gustong sisishin Kiwi, pero..bakit ka kasi naniwala sa iba? Mahal na mahal ka ni Loey, at sa totoo lang.. Ngayon ko lang ulit nakitang maayos si Loey, at.." bigla siyang napahinto sa pag sasalita.

"..sa totoo lang, masaya ako noong naghiwalay sila ni Sandra. Dahil sobrang toxic ng relationship nila pero ayaw umalis ni Loey dahil mahal niya pa rin ito. Marami ng naging girlfriend si Loey after ng relasyon nila ni Sandra pero sa'yo siya tumagal at sumaya ng totoo."

"Kung alam mo lang ang nangyari sa kanya noon- o my, hindi ko ito sinasabi para kaawaan mo siya or kung ano pa man, hindi ko rin ito sinasabi para tulungan siyang patawarin mo. Sinasabi ko lang ito sa'yo dahil alam kong hindi ito kayang sabihin ni Loey sayo-"

"-pero tingin ko, hindi niyo deserved itong nanagyayari sa inyong dalawa. Kailangan ninyong mag usap Ki-"

"Sabi mo kanina huwag akong magalit sa sasabihin mo, Shiela..alam mo bang galit na ako ngayon?" hindi na nakatiis na sabi ko. "Kahit ano pa ang sabihin mo sa akin ngayon, the mere fact na hindi niya sinabi sa akin lahat 'yan, ay nakakagalit na, panloloko na 'yon. Ilang beses ko siyang tinanong tungkol sa kanila ni Sandra pero wala siyang sinasabi! Naiintindihan mo ba 'yon Shiela?"

"Kiwi...kalma lang.." ani Lei habng hinahagod ang likod ko.

"Naiintindihan kita. At im sorry kung sa tingin mo ipinagtatanggol ko siya, pero trust me gusto ko kang maayos yung sa inyo. Pasensya na sa pangingielam. Sorry.." si Shiela na niyakap na ako at hindi na nag salita. Wala akong ginawa kung hindi ang umiyak na lang.

Ang sama-sama ng loob ko, hindi ko alam kung ano pa bang paniniwalaan ko. Mahapdi at makirot ang puso ko ngayon, ngunit kahit pa nasasaktan ako ngayon, mayroon pa rin sa akin na gustong makita si Loey. Hindi ko maipaliwanag ngunit, alam kong niloko niya ako pero pakiramdam ko ay hindi naman talaga. Nababaliw na nga siguro ako..bakit gusto ko pa rin makita yung taong nanakit sa akin..

..gusto kong malaman kung nakakain ba siya ng dinner kagabi?

Nababaliw na nga talaga ako!

Mag iisang linggo na ang nakaraan mula ng mangyari 'yon, at ngayon ko pa lang hahawakan ang cellphone ko. Mabilis ko munang pinahid ang luha ko habag nakatingin sa screen ng cellphone ko. Mag iisang linggo na rin at hindi pa rin nauubos ang luha ko.

699 missed calls at 1017 texts. Lahat galing sa kaniya.

Nagpasya akong buksan ang isa sa mga texts niya.. at sa unang texts pa lang ay nahagulgol na ako..

'Mahal na mahal kita.'

From: Boyfriend

Sa buong buhay ko... Ngayon lang ako nakabasa ng texts na halos kayang haplusin ang puso ko sa sobrang sinsiridad nito..

'I love you so much. Sobra. Ikaw lang ang meron ako.'

'Kaya kong mag sinungaling sa loob ng korte pero hinding hindi sa'yo.'

Tumingala ako upang pigilan ang luha ko ngunit wala namang epekto 'yon.. parang gripo na iyon sa pagtulo..

"Kiwi-"

Agad akong napatingin sa pinto ng bumukas iyon. Si Lei.

Tumingin ako sa kanya.

"Si Loey..nasa baba.." aniya.

Kumunot ang noo ko. "Huh?"

"Hindi siya pinaaakyat ni Shiela dito dahil nga ayaw mo, paalisin ko na ba?" mahinahon na sabi niya.

Natigil saglit ang utak ko. Sa tingin ko..kaya ko na siyang kausapin.

Umiling ako. "Aayusin ko lang ang sarili ko, bababa ako."

Habang nagbibihis ay wala kong ibang maisip kung ano ba ang mga salita na dapat kong sabihin sa kanya, may natitira pang galit sa akin ngunit..mas nangingibaw sa akin ang mga bagay na nalaman ko habang hindi ko siya kasama.

Marami akong nalaman tungkol sa past relationship nila ni Sandra. At sobrang iba nun kaysa sa sinasabi ni Sandra at Reyven, para sa akin mas may sense at koneksyon ang mga sinasabi nila Camillo at Loey kaysa sa kanila. Hindi naman sa mas gusto ko silang paniwalaan kaya lang kasi..mas kapani-paniwala sila keysa kay Reyven tat Sandra.

Unti-unting nagbabago ang tingin ko aa nangyari sa amin ni Loey. Pero hindi naman ibig sabihin nun ay pinatatawad ko na siya, hindi pa. May mga bagay pa akong gustong malaman at mangyari.

Suot suot ang isang jacket na kulay lavander at isang maong shorts at pair of slides ay bumaba ako. Hindi na ako nag abala pang mag ayos o anuman, tama na ito..hindi naman masyadong..

"Babe.." marahang tawag ni Loey ng makita ako.

Nakaupo siya sa lobby at agad kong napansin ang pagpayat niya. Biglang may kumurot sa puso ko ng maisip na baka hindi siya kumakain ng tama ng dahil sa nangyari sa amin. White t-shirt at sweatpants ang suot suot niya habang nasa kamay ang cellphone. Nakita kong manilis niyang nilagay sa bulsa ang cellphone niya at lalapit na sana sa akin ngunit itinaas ko ang kamay ko kaya siya napahinto.

Halatang nagulat siya pero wala naman akong pake. "Mag uusap lang tayo, pero hindi mo ako pwedeng hawakan. Sa labas tayo mag usap." sabi ko at nauna ng maglakad palabas.

Tumigil ako sa gilid ng building, lugar kung saan hindi masyadong nadadaanan ng tao at medyo tago. Tanging mga nakatira lang sa condo  ang dumadaan dito.

"Anong kailangan mo?" diretsong tanong ko pagkatigil ko sa lugar. "Di ka pa ba tapos sa akin?"

"Babe.. i miss you," mahinang sabi niya. Agad akong nag iwas ng tingin ng makitang tumulo ang luha niya.

"Ano bang kailangan mo bakit ka ba nandito?" sabi ko ng matatagan ko na ang loob ko upang matignan siya sa mukha. "Hindi ba at ta..pos na tayo?"

Agad akong nabigla ng ngumiti siya ngunit, malungkot na ngiti, kasabay nun ang pag hikbi niya..hindi ko inaasahan na makikita ko siyang ganito.

..mas durog pa kaysa sa akin.

Mga luha niya ay mas buo pa sa kaysa sa patak ng gripo, wasak na wasak..

"Napapagod na ako babe.. yakapin mo naman ako please.."

Naipit ang paghinga ko.. gusto ng matumba dahil sa emosyon ng boses niya.. Gustong gusto ko na siyang yakapin..

"Please babe.."

Tanga na kung tanga.

Humikhikbing inilahad ko ang aking braso. At hindi na nag bilang ng segundo ay nasa bisig ko na siya. Alam kong karupukan ang ginawa kong ito.

Hayaan siya muling mayakap ako. Mahigpit na yakap ang naramdaman ko at bawat hikbi niya sa balikat ko parang karayom na pumapasok sa puso ko.

Ang sakit sa dibdib na makitang nasasaktan siya, pero paano naman ako?

..ngunit, sa hitsura ni Loey, sobrang durog na niya, may ginawa siyang mali sa akin, alam kong magulo ang sitwasyon namin ngayon at hindi naman ako umaas na maayos namin ang relasyon namin pero.. ayoko naman na bumigay siya ng tuluyan at sumuko sa buhay. Dahil sa totoo lang, yun ang nakikita kong hitsura ni Loey ngayon, pasuko na sa buhay.

Galit ako sa kanya, oo.

Pero kung ang yakap ko lang ang magpapalakas sa kanya ngayong durog at wasak na wasak siya, ay walang pag dadalawang isip ibibigay ko iyon kay Loey.

Ang higpit na yakap ni Loey ngayon ay para talagang kumukuha ng lakas sa akin. Humikbi ako sa balikat niya. Ramdam ko ang sakit namin sa isa't-isa.

Ngunit tulad ng sinabi ko, may gusto akong malaman..may gusto akong mangyari at makita..

..kaya kahit alam kong masasaktan ko siya.. Tinulak ko siya palayo.

"Umalis ka na." sabi ko at iniwan na siya doon na mag isa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top