Thirty nine.
Kahit hindi pa tapos ang dinner ay umalis na kami roon ni Loey.
Wala nga akong kaalam- alam dahil ilang saglit lang pagka- alis nila Reyven at Sandra ay inaya na rin ako ni Loey umalis doon. At akala ko naman ay iuuwi niya ako sa apartment ko, hindi pala. Dahil sumakay lang kami sa elevator at tumigil muli sa unit na pinag dalhan niya sa akin noon.
"Anong gagawin natin dito?" tanong ko pagka- upo namin sa sofa niya. Nilapag niya rin sa arm rest ang kanina'y nasa braso niya na itim na sleeves. Tapos nun ay umupo siya sa tabi ko.
"Dito muna tayo mag- papalipas ng gabi." sagot niya sa akin.
Tumango ako at hindi na umangal pa. Pagod na rin kasi ako. Muli kong inilibot ang paningin sa paligid. Maganda talaga itong lugar ni Loey. At ang pinaka gusto ko ay yung may nakikita akong balcony.
"Are you tired? Pwede na tayong mag pahinga dito." ani Loey.
"Pwede ba akong pumunta doon sa balcony?" tanong ko sa kanya mariin siyang tinitigan habang ng hihintay ng sagot.
Ilang sandali pa ay tumango siya at ngumiti. "Ofcourse, babe." sabi niya at hinawakan pa ang kamay ko habang aabay kaming papunta sa balcony.
Abilis niya kang binuksan ang ointo at mabilis na pumasok ang malakas na hangin na nag pasayaw sa puting kurtina.
Ako ang naunang lumabas sa balcony at humampas agad ang malaya kong buhok dahil sa hangin. Kasabay ng hangin ang pag- yakap sa akin ni Loey mula sa likod. Nagtama ang mga mata namin. Ang ilaw ng mga nag- lalakihang building ay walang panama sa kislap ng mga mata niya. Idagdag pa ang masarap niyang yapos. Napapikit ako sa sarap ng dulot nito sa pakiramdam ko.
Ang mainit niyang yakap ang dahilan kung bakit nakakayanan kong labanan ang lamig ng hampas ng hangin.
"I love you." bulong niya.
Hindi ako nag salita. Gusto kong damhin ang pakiramdam na ito.
Nakapikit pa rin akong ngumiti at itinapat ang aking pisngi, tumama iyon sa matangos niyang ilong. "Will you marry me?"
Na freeze bigla ang ngiti ko at mabilis na napalingon sa kanya.
"Ano.." ang yakap niya mula sa likod ay naging paharap na. Yakap sa aking beywang ay bukas ang bibig akong hindi makapaniwala sa narinig. Mula sa kanyang muka ay bumaba ang tingin ko sa aking daliri na hawak niya, na sa kasalukuyan ay dumudulas na roon ang isang pilak na singsing na may maliit ngunit makintab na bato sa ibabaw.
"When we met in boracay i thought, isa ka lang sa mga babaeng mabilisan. Sex and done. Pinilit kitang kalimutan pag-alis mo, pero hindi ko naman nagawa. Pag alis mo sa boracay ay umuwi na rin ako, i followed you actually. But then i stopped. Because i realize and i thought back then that, umalis ka ng boracay para maiwasan ako-"
"Ofcourse not!" di mapigilan na komento ko sa litanya niya.
"-i know." ngisi niya. "Sobrang paranoid ako back then. Until.. we met again at that party, and i really don't know how you do it but, you give me so much confidence. I don't know where it's coming from, pero.. Tinuruan mo akong mahalin ang sarili ko. That.. I am me, i don't need anyone in my life- except you, babe. Beacause i really need you every seconds of mine."
Mabilis na pumatak ang luha ko dahil kanya. Sobrang tumatagos sa puso ko ang mga sinasabi niya.. I don't know that his words can be really this powerful to make my tears drop.
"I can finally say, I am back to my own self after I lost myself several years ago. Now.. By just looking at you.. I know, I am complete again."
"Loey.." anas ko sa gitna ng pag hikbi.
"Alam kong marami pa tayong pagdadaanan sa relasyon nating ito, but... Hindi na ako natatakot mag isa. Siguradong sigurado na akong hindi mo ako iiwan, at lalo naman na hindi kita iiwanan. I promise to make you happy everyday.. Kung hindi ko man magawa iyon everyday, nangangako akong pagbubutihin ko pa ang sadili ko para maging sayo.-"
"-Kiwi... babe, will you marry me?"
Tinignan ko ang maliit na singsing na naka- suot sa aking pala sing-singan..
"Naka- suot na?" natatawa kong sabi habang lumuluha.
"Babe.." ngiti rin niya habang naluluha nang nakatingin sa akin na nag aantay ng aking sagot.
"Biro lang!" hiyaw ko at mabilis siyang ikinulong sa aking yakap. Nang humiwalay ako ay hinalikan ko siya ng mabilis baho sabihin ang kanina pa niya gustong marinig.
"YES! papasakal ako sa'yo!" hiyaw ko.
Ngumiti siya bago umiling. Natawa na rin ako sa reaksyon niya. Napaka- pogi talaga!
Ikinulong niya ang magka-bilang pisngi ko sa kanya palad. "Im very excited. My wife is very naughty, can't wait to wake up beside you everyday, travel with you, fight with you and made love with you."
"Ako rin." sagot ko. "Papakulong natin si Reyven," biro ko pa.
"Reyven is a good friend, trust me." aniya. Makikita mo talaga sa pananalita niya na matagal na silang mag kaibigan ni Reyven. "Last night. He texted me about Sandra, na may balak nga siyang sabihin ang tungkol sa pag bubuntis niya at ipaako sa akin 'to. I appreciate, Reyven for that.."
"Kahit pa. Bwisit pa rin ako sa mukha niya," sabi ko.
Pinisil niya ang ilong ko. "That's fine. Hindi lang talaga naging masaya ang buhay ni Reyven since his teenage years. Malaki nga ang ipinag- bago niya. Maybe because, hinahanap pa rin niya ang happiness niya, you know... Malapit lang sa kanya ang babaeng mahal niya pero hindi niya pwedeng angkinin."
Parang bigla naman ako binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Bigla akong na- guilty sa mga pinag sasabi ko kay Reyven.
"Bakit naman? I mean..sa personality ni Reyven pwede niyang gawin kahit anong gusto niya. Tingin ko sa kanya ay matapang siya pero bakit hindi pwede?"
"Dahil hindi lahat ng bagay, nadadaan sa tapang."
"Bakit nga?" lito ko pa rin na tanong
"Dahil sobra na niyang napahirapan si-"
Sabay kaming napalingon sa may main door ng tumunog ang doorbell.
"May tao.." sabi ko sa kanya.
Tumango naman siya at pinuntahan ang door. Ako naman ay sumunod din sa kanya.
"Diane?" ani Loey nga makita ang nakangiting Diane sa harap namin.
"Ako nga!" masayang wika nito. "Anyways, invite ko lang kaya bukas ha, soft opening kasi ng bakery ko- uy! sumama ka bukas Kiwi ha? Aasahan ko kayo doon!"
"Alright. We'll be there." sagot ni Loey.
"Okay, aalis na ako!" paalam nito ngunit bigla ulit siyang tinawag ni Loey.
"Bakit?" balik ni Diane sa harap namin.
Si Loey naman ay kinuha ang malaking paper bag sa may gilid ng malaking vase at inabot ito kay Diane.
"Ano 'to?" litong tanong ni Diane kay Loey.
"Ibigay mo kay Never,"
Umirap naman sa hangin si Diane bago tumango. "Hininye ba niya ito sayo?"
"No." si Loey. "You know Never, he never ask."
"Sige na nga, salamat dito." si Diane na yayakapin sana si Loey ngunit napatigil ng mag tama ang mata namin. Napangiti naman ako.
"Pwede?" tanong niya sa akin.
"Oo naman." sagot ko at itinaas ang kanang kamay uoang ipakita ang kabibigay pa lang na singsing ni Loey.
Agad siyang napatakip ng bibig.
"O my gosh?! Congrats!!!" hiyaw niya at sabay kaming niyakap ni Loey habang patalon- talon pa.
"Group na lang!"
At hindi ko napigilang matawa dahil doon.
Hay...what a night.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top