Thirty 2.

Balik normal na ang buhay ko minus siya. Wala naman, normal na buhay at tahimik. Bumalik lang sa dati yung buhay ko, at sa tingin ko.. mas okay na yung ganito.. sa ngayon.

Nakabalik na rin ako sa apartment ko. Wala na akong social life these past few days, puro lang trabaho at bahay. Hindi ko nga alam kung may patutunguhan pa ako. Ang akala ko dati, kapag mahal mo yung sarili wala ng pwedeng manakit sayo, pero ngayon ko narealize na kahit pala mahal mo ang sarili mo kapag niloko ka ng taong mahal mo, masasaktan ka pa rin at kukwestiyonin mo pa rin ang sarili mo. Aabot ka sa point na mag ooverthink ka gabi-gabi, iiyak, pero pagdating umaga kailangan mag pretend na ayos lang ang lahat at hindi ka apektado.

Ganun pala talaga ang buhay, kahit hindi ka okay kailangan mong mag pretend na okay ka.

"Kiwi, wait!"

Liningon ko ang boses. Si Lei na humahangos papunta sa akin. Palabas na kasi ako ng building at pauwi na, kakatapos lang ng trabaho. Huminto ako malapit sa may front door at hinintay siyang makalapit sa akin.

"Pauwi ka na ba?" tanong niya ng makalapit sa akin. Tumango ako.

"Samahan mo muna ako saglit lang," aniya at sinukbit ang braso sa akin at hinaltak ako palabas.

"Sandali, saan ba tayo pupunta?" pigil ko sa kanya. Inayos ko pa muna saglit ang shoulder bag ng nalaglag ito sa braso ko.

"Mag iinom tayo sa club! Saglit lang naman!" sagot niya.

Mabilis kong binawi ang braso ko. "Pagod ako Lei, uuwi na ako."

"Ayan! Ngayon lang naman 'to," aniya at muling hinuli ang kamay ko. "Saglit lang tayo doon. Iuuwi rin kita agad, gusto lang kita na lumabas kahit saglit."

Inirapan ko siya at hindi na rin pumalag kaya nagtatalon siya sa saya.

Nag uber kami papunta sa ortigas. At kahit pa na labag sa loob ko ang lumabas ngayon dahil pagod na talaga ako, ay nanahimik na lang ako sa loob ng sasakyan hanggang sa nakrating kami sa club na sinasabi ni Lei.

Pagpasok pa lang namin sa lugar na iyon ay gusto ko ng umuwi. Ang ingay! Naiirita ang temga ko. Hindi na ako sanay sa ingay ng club, ilang buwan na rin kasi akong hindi nakapunta sa mga ganitong lugar. Habang hinihila ni Lei papunta sa kung saan ay tinitignan ko ang mga tao doon, puro na mga lasing, anong oras pa lang ba? Alas otso pa lang. Ang agad naman nila nag pakalasing.

"Uy, ayun sila Shiela!"

Narinig kong hiyaw ni Lei kaya napunta sa kaniya ang atensyon ko. Sinundan ko ang tinuro ni lei at nakitang naroon nga si Shiela at Jervy, may kasama pa silang isang babae, yung ka-officemate namin na si Emily.

"Wow! Buti napilit mo?!" salubong ni Shiela sa amin. Inabutan niya kaagad ako ng isang bote ng san mig. Medyo natawa ako sa inabot niya. Hindi pa rin pala kayang uminom ni Shiela ng mga hard alcohol. Si Lei naman ay naabutan ko na lang na sumisipsip na ng lemon.

Nakapwesto kami sa isang L shape na sofa. Nang maubos ko ang pangalawa kong bote ay isinandal ko ang ulo ko sa rest ng sofa. Naalala ko, 27 nga pala ngayon, monthsarry namin. Napangiti ako. Well..sa buhay talaga hindi lahat ng tama, nasususnod.

Ano kayang ginagawa niya? Kumain na kaya siya ng dinner ngayon? Yung vitamins niya kaya na take na niya? Palagi niya kasing nakakalimutan inumin iyon. Ako palagi ang nag papaalala sa kanya. Yung hawak niyang kaso, ano na kayang balita? Naipanalo ba niya? Ang dami kong gustong itanong sa kanya pero pinipigilan ako ng galit ko. Malaki na rin naman siya, alam ko naman na alam na niya ang mga kailangan niyang gawin, at for sure, naroon naman sii Sandra, ang kanyang fiance upang tulungan at alagaan siya.

Muli kong kinuha ang pangatlong bote ng san mig, at hindi naman sinasadyang napatingin ako banda sa may itaas, at nakita ang isang pamilyar na babae na naka slit pants at strap top na red. Yakap yakap siya ng hindi ko kilalang lalaki. Kaunti ko pang inilapit ang aking paningin upang makilala siya kahit pa medyo nakakasilaw ang medyo papatay-patay na ilaw ng club.

"Why?"

Napalingon ako kay Jervy.

"Si Sandra," sagot ko at muling binalik ng tingin sa babae. "Na-ndito ba si Loey?"

Binigyan niya rin ng isang lingon ang tinitignan ko bago ako sinagot. "Tito Loey is in Davao right now."

"Pero..si..Sandra.." di makapaniwalang sabi ko habang tinuturo pa siya. Lalo pa akong nagulat ng mgdikit na ang mga labi nila. Nasa likod niya ang lalaki habang hinahalikan siya nito.

Nagkibit balikat lang siya at muling uminom. Kumunot ang noo. Bakit wala siyang ginagawa? Hindi man lang ba niya pipigilan si Sandra?

"Hindi mo man lang ba kokomprontahin si Sandra?" di makapaniwalang tanong ko. "Hahayaan mo na lang ba na lokohin niya yung tit-"

"Nakakalimutan mo na bang ikaw ang girlfriend ni Tito? And ate Sandra is just his ex, so why would i care?"

"Pe..ro.. hindi ba at fiance niy-"

"We both know na hindi naman totoo 'yon. Tito Loey is a man with honor. He will not jump to another woman if he has one already."

Napalunok ako.

"And i know im not in a right position to tell you this but- hindi naman sa sinisisi kita pero sana paniwalaan mo si Tito Loey, he may be a lier inside the court but..he will never lie to the people he love."

"Umabot ng sampong taon ang relasyon nila ni Sandra. And to tell you honestly, kung ikukumpara ko ang mga bilang na nakita kong masaya si Tito Loey, mas lamang ang ngiti niya kapag magkasama kayo. Imagine being in a relationship na hindi ka siniseryoso ng taong kinababaliwan mo, another thing, she made you her boyfriend so that she can be with the guy she truly loves. You know the word, ginamit? Tito Loey is the founder of that word. Gamit na gamit." naiiling pa siya pag tapos niya mag salita.

Wala sa sariling pinunasan ko ang pisngi ko.

"Im not saying this to you para balikan mo si Tito. Im saying this to you para lang malaman mo yung ginawa mo. Hindi ka niloko ni tito Loey, is just that..nagpaloko ka sa ibang tao. Sinabi niya sayo yung totoo pero mas naniwala ka sa kasinungalingan na ginawa ng iba."

"Magkabalikan man kayo ni Tito Loey o hindi, wala naman akong pakielam doon. Ang gusto ko lang maging masaya na sa buhay ang tito ko. He deserve happiness too. Anyway, ubos na yata yung iniinom mo, here's another bottle."

Wala sa sariling kinuha ko ang inaabot niyang bote ng san mig. Mabilis kong nilapag iyon sa table at tumayo.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta, hindi ako lasing pero nawala ako sa sarili dahil sa mga narinig ko kay Jervy. Sa ilang taon namin magkakilala ni Jervy, ay ngayon lang kami nakapag usap ng ganon katagal, kahit pa maingay ang paligid ay narinig at naintindihan ko ang mga sinabi niya. Hindi naman ako nakaramdam na sinisisi niya ako sa nangyari, sa halip ay para akong bunuha ng isang baldeng katotohana sa mukha. Hindi ko alam..

Natagpuan ko na lang ang sarili kong nakatapat sa salamin ng girls comfort room.

Naluluha ang mata ko, ngunit..palagay ko ay sayang lang iyon kung iiyak ako ngayon. Inayos ko ang denim jacket ko ng makitang nakalabas na ang sphagetti sando ko na kulay dilaw.

"Oh! Nandito pala ang other woman ni Loey." ani ng kapapasok lang na babae. Hinawi pa niya ang straight niyang buhok.

Si Sandra.

Lahat ng pgtitimpi ko sa katawan ay kinuha ko na upang huwag lang siyang mapatulan. Putang ina niya!

"Ano feeling?" sabi pa niya at tumabi pa sa akin. Nilabas ang lipstick niya at tumitig sa akin habang naglalagay non.

Kumunot ang noo ko. Hindi na gets ang sinabi.

"Ano feeling nang maging kabit?" tinaas pa niya ang kilay niya at tinawanan ako.


Lahat ng pagpipigil ay bumitaw na sa katawan ko. Mabilis pa sa kidlat ko siyang binigyan ng sampal. Halatang nagulat siya doon sa ginawa ko kaya hindi nakapag salita.


"Ipinagtanggol kita sa mga kaibigan ko nang sabihan ka nilang malandi. Dahil ang akala ko, nakasakit ako ng kapwa ko babae ng dahil sa lalaki. Na guilty pa ako Pero putang ina mo! Ikaw pala ang manloloko!" nagdilim na ang paningin ko at muli ko siyang sinampal.

Mukha siyang nagulat sa sinabi at ginawa ko. Marahil ay iniisip niya ay kung saan ko nakukuha ang mga sinasabi ko.


"Para 'yan sa panggugulo mo!" muli ko siyang sinampal ng matining.

"At 'yan, para sa trauma na binigay mo kay Loey!"

"Bitch!" hiyaw niya pero hindi ako natakot.


"Sa sususnod na guluhin mo pa si Loey, hindi lang sampal ang aabutin mo!" banta ko at tumingin sa itaas ng kisame. Ng makitang walang camera ay binangga ko pa siya habang palabas ng cr.

Bitch.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top