Sixteen.
Sixteen.
"Ano ba kasi ang nangyari, anak?" naiiyak pa rin na tanong ni mama sa akin kahit na umalis na si tito mar. At ngayon naman ay nililinis na niya ang mukha ko at ginagamot, habang nakupo kami sa tapat ng mesa.
Si tito mar ay umalis kanina pagkatapos niyang sabihin na lumayas ako sa sarili kong apartment. Ang kapal ng mukha niyang palayasin ako sa sarili kong lugar pagkatapos niya akong saktan! Siya pa itong may ganang mag palayas!
"Bakit ganoon na lang ang galit sayo ng tito mo.. anak naman.. Sinaktan ka niya.." hikbi ni mama.
Kinagat ko ang labi ko upang pigilan ang pag iyak. Kailangan makita ni mama na kahit ganito na ang hitsura ko, ayos lang ako, kahit pa nasaktan ako, hindi ako papatalo dito. Ayos lang ako.
"Hindi ko po talaga alam, ma.." sagot ko dahil iyon naman talaga ang totoo. Pero kanina, habang nung nagkakagulo ay paulit ulit na binanggit ni tito ang 'Abogado' ibig niyang sabihin doon ay si Loey? Dahil si Loey lang naman ang abogado na kasama ko kanina. "Pero..kanina po kasi sa baba, na..nakita niya akong may kasamang abogado, yun po ang sinasabi niya kanina."
"Abogado?" litong tanong ni mama. Ibinaba niya ang bulak na hawak, may mantsa na iyon ng betadine at dugo. "Sinong abogado? At bakit may kasama kang abogado?"
"Kaibigan ko po 'yon, ma.. Tito po siya nung boyfriend ni Shiela,"
"Kaya nga, bakit mo nga siya kasama, nakita pa tuloy ni tito mo," ani ni mama. "Alam kong gusto mong mawala si Mar dito, gusto mo siyang maipakulong, pero anak..sana naman mag ingat ka, kung makikipag kita ka sa abogado, dapat hindi malalaman ni Tito mo," biglang huminto si mama sa pag salita at bumuhos na naman ang mga luha. "Hin..di ko alam ang gagawin ko kung may mangyari sa'yo, anak.."
Mahigpit kong niyakap si Mama. "Ayos lang po ako ma.." sabi ko kahit pa na sa pagsasalita ko ay mahapdi ang gilid ng king bibig. Marahil ito ang sugat sa paulit ulit na pag sampal sa akin ni Tito mar.
"Sorry anak.."
"Mama.." sabi ko ng biglang naalala ang dahilan kung bakit ako may kasamang abogado kanina, at hindi na pinansin ang oag hinye niya ng tawad. Dahil sa totoo lang, wala naman siyang kasalanan sa akin. "Makakalaya na po si papa," masayang sabi ko na agad nagpanigas kay mama.
Lito niya akong tinignan. "A..no?"
"Yung kanina pong kasama kong abogado, siya po si Loey.. Magaling siya ma, ang sabi niya, makakalaya na daw po si papa ngatong linggo, marami lang daw pong inaayos na papel kaya na delay ang paglabas niya, pero ma..malaya na po si papa!"
"Pero paano?" si Mama. "Masyadong makapngyarihan ang mga Santos, pa..papaano..."
"Hindi na mahalaga 'yon ma, ang mahalaga, makakasama na natin si papa!" sabi ko ngunit agad nabigla ng tumayo si mama,
"Ma?"
"Kailangan mo ng umalis dito, isama mo si Poleng, makitira ka muna sa mga kaibigan mo."
Tumayo na rin ako. "Mama, bakit po?"
"Sigurado akong hindi pa tapos si tito mar mo sayo! Kung ganoon kagaling ang abogadong sinasabi, sigurado akong sa mga oras na ito, nasabi na ni tito mar mo iyon sa amo niya, baka ikaw ang balikan anak! Kailangan mo ng umalis!" sabi niya at mabilis na nag tungo sa kwarto ko. Saglit akong natulala, pero agad siyang sinundan at nakitang mabilis niyang inaayos ang mga gamit ko.
"Mama, sumama ka po sa akin! Tayong tatlo nila Poleng, iwan na natin si Tito mar!" pagkasabi ko nun ay tumigil siya saglit at tumingin sa akin. "Hindi maari, anak! Baka isipin niyang may masama tayong plano, maiiwan ako rito, ikaw na muna ang bahala sa kapatid mo. Poleng anak, gising!"
Kahit na nalilito ay pikit ang isang matang bumangon ang kapatid ko. Pinigilan ko si mama sa braso.
"Hindi ako alis dito ng hindi ka kasama!" naiiyak na sabi ko. At mas naiyak ako ng pandilatan niya ako ng mata.
"Tumigil ka, Kiwi! Huwag matigas ang ulo mo! Umalis na kayo ng kapatid mo!"
"Mama..bakit po?" si Poleng na antok pa.
"Pero paano kung ikaw naman ang saktan niya?!"
"Hindi niya ako magagawang saktan anak," si mama na siguradong sigurado sa sinasabi.
"Pero ma?! Pano ka naman nakakasigurado diyan?! Masamang tao 'yon!"
"Anak, mag tiwala ka, katorse pa lang ang tito mar mo, ako na ang mahal niya, ni minsan ay hindi niya ako pinagbuhatan ng kamay, maliban na lamang sa mga sigawan namin, pero bukod don anak, wala na.."
"Mama, may droga na ang utak nung taong 'yon! Pwede ka na niyang saktan!" giit ko pa,
"Umalis ka na, kaya kong protektahan ang sarili ko, pero mahirap na mangyari 'yon kung iisipin ko pa kayo ni Poleng, kaya anak, please lang, kung gusto mong mging malaya na tayo, sumunod ka sa akin,"
Sa totoo lang, ayaw ko talagang iwan si mama na mag isa sa bahay, ngunit..wala akong ibang choice kung hindi ang magtiwala at makinig kay mama, alam kong hindi ako bibiguin ni mama. Kaya ngayon na kasama ko ang kapatid ko at kasalukuyan kaming papunta sa apartment nila Lei. Tinext ko na sila kanina at nasabi ko na rin ang nangyari sa amin nila mama, at pumayag naman sila Lei na makityloy muna kami sa kanila. Kanina rin ay nag text na sa akin si Mama na nakauwi na daw si tito mar, lasing na lasing at ako daw agad ang unang hinanap. Mabuti na lamang daw at wala na kami doon ni Poleng. Pero sa sinabi ni mama ay hindi ko maiwasan ang isipin ang kalagayan niya, pero..magtitiwala ako kay mama.
Pagkarating namin sa sa building ng tinutuluyan nila Shiela ay agad kong nakita si Lei na nakapajama na nasa lounge nakaupo at hinihintay na kami. Agad ko siyang tinext, at nakita kong agad siyang tumayo kaya hinawakan ko na ang kamay ng kapatid kong inaantok pa.
Sinalubong kami ni Lei ng may nag aalalang mukha. Agad niyang kinuha yung isang bag na hawak ko. "Hala! Ano naman 'yang hitsura mo, bakit ka sinaktan ng tito mo?!" hinaplos pa niya ang mga parte ng mukha kong may pasa.
"Pwedeng umakyat na lang muna tayo? Inaantok pa kasi si Poleng," sabi ko kay Lei.
"Oo naman!" aniya at nauna nang mag lakad para makausap ang guard.
"So ano na nga nangyari?" salubong agad sa akin ni Lei pagkalabas ko ng kwarto kung saan ko nilapag ang tulog na si Poleng.
Huminga ako ng malalim at umupo ako sa katapat niyang sofa.
"Nakita niya kasi kaming mag kasama ni Loey," umpisa ko.
"Loey? Loey Ressurection?" tanong niya. Tumango ako bilang sagot. "Dahil doon nagalit siya? At tsaka...wait nga, ano, bakit kayo mag kasama ni Loey?"
Napairap ako sa sunod sunod na tanong niya. "Oo nagalit si tito dahil doon." sagot ko sa unan niyang tanong. "At kaya kami mag kasama ni Loey ay dahil siya yung tumulong kay papa na makalaya."
"Nakalaya na ang papa mo?" gulat na tanong niya. Nanlalaki pa ang mata sa gulat. "Kailan? Bwiset ka! Bakit ngayon mo lang 'to sinasabi sa akin?!"
"Chill ka nga lang, Lei." inirapan ko pa siya dahil sa reaksyon niya.
"Eh kung tadyakan kita diyan!" aniya. "Chill? Nakikita mo ba ang sarili mo ngayon? Pwede ka na maging replacement ng panda sa logo ng food panda dahil sa hitsura mo ngayon! Batik batik ang hitsura mo, hindi ka aware?"
Inirapan ko ulit siya at humiga na sa sofa. Shet. Ang sakit nang katawan ko, para akong binugbog- nabugbog nga pala ako.. Tang ina lang..
"Oh siya, mag pahinga ka na muna," si Lei at tumayo na. "Alam kong pagod ka, bukas na lang kita uusigin'g babae ka, good night panda."
"Goodnight.." pagod na sabi ko bago lamunin ng pagod.
Kinabukasan ay nagising ako dahil sa boses ng nag uusap.
"You want hotdogs? Or egg?" ani nung kilala kong boses. "Mas masarap hotdog, be."
"Lei, ibigay mo na nga lang yung gusto nung bata," sabi pa nung isang boses.
Bumangon ako at agad nakita ang tatlo sa lamesa na kumakain, si Lei na nilalagyan ng pagkain si Poleng, habang si Shiela ay naka cellphone habang nag kakape.
"Goodmorning.." lapit ko sa kanila. Si Poleng ang una kong nilapitan at hinaplos ang ulo. "Goodmorning, Be.."
"Goodmorning ate." bati rin niya. Mukha siyang my gustong sabihin e. Makahulugan niya akong tinignan na agad ko namang nakuha kaya inilapit ko ang tenga ko sa bibig niya. "Ate, wala po silang milo dito.." mahangin na bulong niya. Natawa naman ako sa kapatid ko. Umupo ako sa tabing upuan niya.
Nang sulyapan ko sila Lei ay parang hinihintay nilang sabihin ko sa kanila yung sinabi ni Poleng. Muli kong hinaplos ang ulo ng kapatid ko. "Hayaan mo, mamaya mag gogrocery ako, bibilhan kitang milo,"
"Milo?" si Shiela na agad tumayo at lumapit sa mini pantry nila. "May milo kami dito-wait, bakit wala ng laman?" si Shiela na hawak na ngayon ang plastic ng milo. Agad niyang tinignan si Lei.
Umirap lang si Lei sa kanya. Napangiti ako, muntik ko ng makalimutan, mahilig nga rin pala si Lei sa milo, ang kaso nga lang, hindi niya iniinom ang milo, pinapapak niya lang.
"Ayos lang, bibilhan ko na lang ang kapatid ko mamaya, igo-grocery ko na rin siya ng mga pwede niyang kainin habang nandito kami," sabi ko.
Pagkatapos ng almusal ay sabay sabay kaming umalis ni Lei at Shiela sa condo. Iniwan ko si Poleng sa doon sa pinag iiwanan ng mga bata sa baba lang ng condo. May pasok kasi siya ngayon. Home schooled ang kapatid ko, mula grade 1, kaya medyo sanay na rin siya. Oo, alam kong mahal ang bayad sa HSchooled, pero magtataka pa ba ako kungvpaano nakakabayad si Poleng ng tuition? Hindi na.
"Grabe.. So tingin mo talaga kayang ipakulong ni Tito Loey yung matatag mong tito?" tanong ni Shiela habang sabay sabay kaming kumakain ng lunch dito sa cafiteria. Katatapos ko lang kasing ikwento sa kanilang dalawa ang lahat ng nanguari kagabi.
"Hindi ko alam.. pero sana nga.." umaasang sabi ko. Alam ko naman kung gaano katibay ang pader na sinasandalan ngayon ni Tito mar, at palagay ko, malabo na makawala kami sa kanya.
"Pero kung nagawa ni Loey na palayain si Papa mo, meaning magaling talaga siya." si Lei. "Isa pa, Ressurection siya, maybe he can really put your tito behind the bars, you know..yung lolo niya retired general. Tapos plus si Akai pa-"
Bigla akong napalingon kay Lei. Akai? Narinig ko rin 'yan kagabi aky Loey.
"Sino yung Akai?" litong tanong ko.
"Si Akai yung kaibigan ni Tito Loey-"
"Wait nga bakit ba tito tawag mo sa kanya? Hindi naman siya ganon katanda! 28 pa lang siya." di mapigilan na sabi ko. Like..yung hitsurang 'yon ni Loey, tito?
"Bakit nangingielam ka ba?" si Lei na umepal. "Tawagin mo nga siyang tita, Shiela, para kiligin din,"
"Shut up, Lei." irap ko sa kanya.
"Anyway..bact to our topic-" si Shiela. "Si Akai Ricafranca, special agent 'yon, dating scout ranger pero ngayon nag wowork na under navy-well, hindi ko sure kung nasa Navy pa rin siya, but yeah- wait lang," aniya ng biglang mag ring ang kanyang cellphone. "Wait lang,"
Iniisip ko kung ano pa yung kasunod na sasabihin ni Shiela. Well..so.. Pulis pala yung Akai? Magaling na pulis base sa sinabi ni Shiela-
"Hoy," si Lei na kinalabat pa ang kamay kong nakahawak sa tinidor na nakaoataong sa lamesa. Tinignan ko siya. "Si Loey yung naka ONs mo sa boracay, no? Don't deny it. Well..kahit naman i-deny mo, alam ko na ang sagot."
Nabigla ako doon sa tanong niya, pero wala na lang sa akin 'yon, may mas dapat akong problemahin kaysa doon. At isa pa ang sense na i-deny ko na hindi si Loey ang naka ONs ko sa boracay, e kilala ko si Lei, alam na niya ang sagot bago pa siya mag tanong. Tinatanong niya lang ako dahil gusto niya makita ang reaksyon ko. Pero alam naman na talaga niya ang sagot.
Ang hiling ko lang ngayon, sana makylong na talaga si Tito mar, gusto ko ng makasama si Mama, at nag aalala na rin ako sa kalagayan niya ngayon dahil kasama pa rin niya ang masamang tao na 'yon.
Sana nga matulungan kami ni Loey.. Dahil kapag nakalaya na si papa, im sure..agad niyang hahanapin si Mama. At gusto ko kapag nakalaya na si papa, ay nakalaya na rin kami kay tito mar.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top