Seventeen

Seventeen.

Nang mag ala sais na ay nauna na akong umuwi sa kanila Lei at Shiela dahil kailangan nila mag overtime at dahil pa rin ito doon sa anomalyang ginawa ng supervisor nila. Naisip ko nga na mag punta na agad sa grocery, pero nakita kong maaga pa naman kaya siguro pwede ko pang kihanin si Poleng at sabay na lang kaming kumain sa labas. Naawa na rin kasi ako sa batang 'yon, palaging away at sigawan ang nakikita niya. Halos nga masanay na siya sa sigawan na kapag nakikita niyang nag sisisgawan sila mama at tito mar ay parang wala na siyang naririnig. At ayaw ko ng ganon ang kalakihan niya.

"Saan tayo pupunta ate?" tanong ni Poleng nang nasa jeep na kami papuntang fastfood. Nginitian ko lang siya at hindi sinabi kung saan kami pupunta. Gusto ko siyang isurprise, like nung nakaraan nang bigyan ko siya ng mcburger, tuwang tuwa siya. 

"Gusto ko po ng Chicken ate tapos po cokefloat," malaking ngiti na sabi niya. Labas pa nga ang 2 front teeth niya. Napangiti ko pero agad din sumimangot sa request niya.

"Sabi ni mama bawal daw sayo softdrinks," sabi ko. Mabilis siyang lumabi pero agad din na ngumiti. "Okay. Ice cream na lang po, tapos gusto ko po ng mango pie!"

"Alright." sabi ko at inakbayan siya. Habang  nakapila kami ay napahinga ako ng malalim. Pakiramdam ko malaya na ako kahit pa hindi naman talaga. Hindi naman ako nakakulong pero, pakiramdam ko ganoon dahil kay Tito mar. At hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na pagalitan dahil nagpapaapekto ako sa kanya.

"Mag go-grocery muna tayo bago umuwi," sabi ko kay Poleng pagkatapos namin kumain. May malapit naman na grocery dito. At may extra pa naman sa budget ko, kahit pa kasi sinabi ni Shiela na huwag na kaming mag alala pagdating sa pagkain, ay hindi naman pwedeng iasa ko sa kanila ang kakainin namin mag kapatid.

"Ito gusto mo ba 'to?" tabong ko sa kanya habang hawak ang isang balot ng biscuit.

Habang nakahawak sa cart ay umiling siya. "Gusto ko po ng extreme, ate." aniya at kinuha yung katabing biscuit na maliit. "Pwede po dalawa? Paborito rin ito ni mama e," aniya. Kanina nakausap ko si mama, at ang sabi niya, hinahanap na daw ni Tito mar si Poleng, at sinabi ni mama na kasama ko daw at huwag na daw kaming pakielaman. Wala naman daw ginawa sa kanya si Tito mar bukod sa tignan siya ng masama. Pero hindi maalis sa akin na mag alala pa rin. Totoo kaya ang mga sinasabi ni mama sa akin na hindi siya sinasaktan ni tito mar, or sinasabi niya lang 'yon para hindi ako mag alala. Hindi ako mapakali e, kaya nga ang plano ko, papatulugin ko lang si Poleng mamaya at sasaglit ako doon sa kanila mama. Gusto ko lang maka sigurado na okay talaga siya.

Nasa labas na kami ng kapatid ko nag hihintay ng jeep na masasakyan sa labas para makauwi, ng may biglang huminto sa harapan namin na sasakyan. Kinabahan agad ako. Mabilis kong nilagay si Poleng sa likod ko.

Abot abot sa noo ang kaba ko..ang nasa isip ko ay si tito mar at kung sino man sa mga kasama niya..pero..kumalma lang ako ng makita ko kung sino ang lumabas doon.

"Kiwi,"

Si Loey. Naka gray na shirt at slacks. Mukhang galing sa trabaho at kahuhubad lang ng longsleeve.

Mabilis na nawala ang bara sa lalamunan ko. Nakahinga na ako nang maayos.

"Uy.." kapos pa rin sa hininga na bati ko.

"Anong ginagawa ninyo dito?" tanong niya at binalingan si Poleng sandali tsaka sa akin.

Sinilip ko din muna si Poleng na nakatingin lang din sa akin bago sumagot. "Ahmm..nag aantay lang ng jeep na masasakyan,"

"Alright, ihahatid ko na kayo." aniya at binuksan agad ang pinto ng sasakyan. Umiling ako. "Hindi... Ano..nakakahiya naman, mag- Poleng!" hiyaw ko ng biglang bumitiw siyang bumitiw sa akin at sumakay sa backseat,

"Masakit na po ang paa ko," aniya at kinusot ang mata.

"Sumakay ka na.." ani ni Loey sa gilid ko.

Well..ano pa nga ba?

Sinuotan ko muna ng seatbelt si Poleng bago sumakay sa passenger seat.

"Sa kanila Shiela mo kami ihatid," sabi ko at tumingin sa bintana. "Doon kasi kami tumutuloy ngayon."

"Okay.." sabi niya na parang alam naman niya yung sinabi ko. "Yung tito mo ba ang may gawa niyan sa'yo?"

Napatigil ako. Yung ibang maliliit na sugat kasi sa mukha ko ay halata. May maliit akong sugat malapit sa cheekbone ko. Piantungan ko lang 'yon ng band aide na kakulay ng mukha ko.

"Nakakulong na ang tito mar mo."

"Huh?" tanong ko. Alam ko naman ang ibig niyang sabihin pero..

"Akai's team conduct a trapment operation for your Tito's syndicate group." sabi pa niya. "And..it was successful."

Bigla kong naalala na kasama nga pala ni Tito si mama.

"Wait! Paano si mama? Mag kasama sila ngayon e!" natatarantang sabi ko. "Isa pa, bakit ngayon mo lang 'to sinabi? Edi sana nabalaan ko si mama!"

"Relax babe," aniya at tinigil na ang sasakyan ng nasa parking lot na kami. "Safe ang mama mo, well.. May konti nga lang galos-"

"Anong galos?"

"Let's put your brother to bed first." aniya at walang sabi na binuhat si Poleng. Ako namanay hindi na mapakali ngayon. Nakatingin ako sa kanya habang buhat buhat niya ang tulog na si Poleng ay hindi ko mapigilan hindi mag isip ng masama.

Anong galos ang sinasabi niya? Anong galos ni mama? Ano 'yun!

"Oh, Tito?" si Shiela ang nag bukas ng pinto.

Mabilis kong nilapag ang mga pinamili ko at agad na inasikaso ang higaan ni Poleng.

"Bakit mag kasama kayo?" tanong ni Lei sa akin. Ng makitang natataranta na ako. Ng matapos ilagay ni Loey si Poleng ay mabilis ang kilos na aalis na sana kami pero hinarang ko ni Lei.

"Tsaka ko na lang sasabihin sayo, pero pwede mo ba munang tignan si Poleng?"

"Ha? O..oo naman.." sagot niya.

Walang salitang nag drive si Loey. Pero ako hindi ako mapakali kung wala man lang akong kaide-ideya sa nangyari kay mama.

"Anong nangyari kay Mama?" naluluha ng tanong ko sa kanya.

Seryoso ang mukha niyang humarap sa akin. "He drugged your mom." sagot niya.

Sa iilang salita pa lang na 'yon ay agad na nawasak ang puso ko..

"...at isinama niya ito sa hideout nila that's why, nahuli rin ang mama mo at nadamay sa gulo,"

"Na...nasa..an si ma..ma?"

"She's in the hospital right now..ayos na siya ngayon."

"Pero bakit ngayon mo lang 'to sinabi sa akin?!" sigaw ko sa kanya. Ang buong akala ko ko ay ayos lang si mama! Kagabi ko lang siya naiwan! Kaya pala.. Kaya pala puro texts lang siya! Ang akala ko ay text lang ang ginagawa niya dahil ayaw niyang marinig kami ni tito mar, pero hindi pala! Sinasaktan na pala siya nito! And God knows kung sino yung ka text ko, baka nga sj tito mar 'yon!

"Dahil ngayong gabi lang naman ito nangyari. He's in jail right now, at nang lahat ng kasapi ng sindikato." sabi niya. Pero..may rules na nabuo sa isip ko.

"Two days.." sabi ko.

"What?" lito siya.

"Mag aantay ako ng two days, at kapag hindi na nakalaya si tito mar after two days, tsaka pa lang ako maniniwala na totoo na talaga siyang makukulong." pinunasan ko ang pisngi ko at tumingin ulit sa bintana. Gusto ko ng makita si mama..

"Anong ibig mong sabihin?" si Loey.

Tumingin ako sa kanya pero nag iwas din. Pinisil ko ang kamay ko. "Ka..kapag kasi nakukulong si Tito mar.. Two days after, nakakalaya siya. Ka..ya.. mag hihintay ako ng two days para makasigurado."

"Alright." aniya. Hindi na siya nag salita pagkatapos.

Nakarating kami ng ospital at ilang sandali pa ay nasa harap ko na si mama. Kumakain ng orange habang nakasaklay ang kaliwang braso. Madami din siyang sugat sa katawan. At may benda rin ang kanyang kaliwang paa.

Nag uunahang tumulo ang mga luha ko dahil sa hitsura ni mama. Tumakbo ako palapit sa kanya at agad din napahinto..gusto kong yakapin si mama, pero..pwede kaya? Sa hitsura niya baka may magalaw ako at makasama pa sa kalagayan niya.

"Ma.." tawag ko sa kanya habang siya ay nakangiti nang nakatingin sa akin.

"Malaya na tayo, nak." yun lang ang sinabi niya bago niya ako kabigin sa yakap.

Sa yakap na yuna y pinigilan ko na ang umiyak. Dahil alam kong tama si mama.. malaya na kami kay Tito mar..pero, hindi talaga ako mapapakali ngayon hanggang hindi pa nag dadalawang araw.

"Nasaan si Poleng?" tanong niya ng makaayos na kami.

"Nakina Shiela po, tulog. Iniwan ko muna siya ng  malaman na nandito ka."

"Nasaan si Loey?" tanong niya na ikinatigil ko.

"Po?"

"Yung boyfriend mo nasaan?" ani mama.

"Boyfriend?" lito pa rin na tanong ko.

"Asus! Paulit ulit tayo, nak. Nagpakilala sa akin 'yon bilang boyfriend mo. Huwag ka na mag deny at hindi naman ako mgagalit. Nasa tamang edad ka naman na, isa pa, gwapo ang boyfriend mo, mabait pa- oh ayan pala!" turo niya doon sa may pinto. Mabilis kong tinignan 'yon.

Si Loey.

May dala dalang supot.

Tumaas ang kilay ko. Really? Sinabi niyang boyfriend ko siya?

"Loey, iuwi mo na nga itong anak ko at gusto ko na din matulog." sabi ni mama na nag palaki ng mata ko.

"Ma!"

"Ay nako, matutulog na ako, balikan mo na doon ang kapatid mo," si Mama at humiga na. "Loey, ikaw na bahala sa kanya."

"Mama, babantayan nga kita dito!"

"May nurse naman ako dito, sige na. Uwi na," aniya. "Bukas dalhin mo dito si Poleng."

"Let's go," si Loey na hinawakan na ako sa braso. "Pagod na si Tita, we'll come back here tommorrow babe,"

Sinamaan ko siya ng tingin at nagdadabog na lumabas ng kwartong iyon.

Ang labas, sila ni mama ang mag kakampi? Ako ang anak niya, pero pinagtabuyan niya lang ako dito sa nagpakilalang boyfriend ko. Ni hindi niya ako tinanong kung totoo ba 'yon, agad lang siyang naniwala. Ang laki ng pag aalala ko kanina sa kaniya tapos, pagtatabuyan lang pala niya ako pauwi.

"You mad?" taas na kilay na tanong ni Loey ng makapasok kami sa elevator.

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Seryoso ka? Tinatanong mo ako niyan?"

"Kakatanong ko lang hindi ba?"

"Aba!" nameywang ako sa harap niya. "Hindi naman kita boyfriend, uy! May deal tayo sa boracay! What happenned to us in that island ay sa island lang!"

"Well.. i want a part two." casual niyang sabi nang harapin din ako. Sumandal siya sa dingding ng elevator. Medyo nabigla ako sa kilos niya. Ngayon ko lang din napansin na, kaming dalawa lang pala ang narito.

"Anong..part two?" tanong ko kahit pa alam ko naman na ang ibig niyang sabihin.

"I want us again." sagot niya. "But this time, i want us to have a label."

"Label?" tanong ko. Tumango naman siya. "Bakit? Wala ka bang girlfriend? At- wait nga, ito ba ang kabayaran sa mga ginagawa mo para sa akin at sa pamilya ko?"

"No." mabilis niyang sagot. "I did what i did because i think i have to. And i did'nt do it for you. Hiwalay ang interes ko sa pag tulong sa pamilya mo at ang interes ko sayo...babe."

Napalunok ako.. napansin kong umangat ang kamay niya pero wala akong ideya kung anong ginawa. Nabigla na lang ako ng nasa batok ko na ang kaliwa niyang kamay at ang isa naman ay nakahawak na pala sa aking beywang.

"Loey.." bulong ko ng ilapit niya ang kanyang mukha sa akin, halos maduling ako ng magdikit ang aming mga ilong. At wala pang tatlong segundo ay umikot na ang mata ko ng ilapat niya ang kanyang labi sa akin.

Magaan. Ilang segundo niya rin ipinatong lang ang kanyang labi sa akin. Para lang nakadikit ang kanyang labi sa akin hanggang sa idiniin na niya ito at unti unting binuka ang aking labi gamit ang kanya..

Dahan dahan niya rin hinila ang aking buhok dahilan upang maiangat ang aking labi para mas ma solve siya..

"Hmmm.." daing ko ng dahan dahan ay bumibilis na ang kanyang pag halik.. Dahan dahan nagiging marahas ang magaan niyang halik. Ito..

Ito ang paborito ko sa lahat ng paraan niya ng pag halik sa akin..

Magaan ngunit marahas..

Naiwan akong nakanganga ng bigla siyang tumigil sa pag halik. "I really missed your lips, babe." aniya at pinatakan pa ng dalawang beses na halik ang labi ko.

Namumungay ko siyang tinignan, naramdaman ko ang sinabi niya. Bumaba ang tingin ko sa labi niyang mamasa masa pa, nakita ko pa kung paano humaplos ang dila niya doon.. Dila'ng mamula mula. Napapalunok kong hinaplos 'yon.

Malambot..

"And from now on.." sabi niya bigla at hinawakan ang kamay kong nakahawak sa labi niya. Tinignan ko siya. Dinala niya ang kamay ko sa labi niya ay hinalikan ito.  "We're official. You are my girlfriend now."

"Pwede muna akong mag tanong?" ani ko.

"Yes babe." sagot niya nang hindi inaalis ang kamay ko sa labi niya.

"Wala ka bang girlfriend ngayon?" tanong ko. Dahil gusto ko lang makasigurado. Dahil ayoko naman na magiging masaya ako sa piling ni Loey tapos may nasasakatan na pala ako. Mas mabuti ng maaga ko malaman kung may gf siya, mas makakaiwas ako. Pwede ko na itong ihinto kahit hindi pa nag sisimula.

"Mag sabi ka ng totoo, Loey."

Binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti at ikinulong pa ang mukha ko sa mga palad niya.

"I have no girlfriend." madiing sagot niya. "My long-time girlfriend ang i broke up 5 months ago. So wala. Wala kang kaagaw sa sa akin at sa katawan ko."

Nangiti ako at mabilis ko siyang  sinuntok sa braso niya. "Feeling mo!"

Siya rin naman ay natawa sa kalokohan niya at mahinang pinisil ang pisngi ko. "You're my only woman."

"Dapat lang!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top