Four

Four




"Mag salita ka ngayon, anong ibig sabihin nang nangyari kanina?!"

Pailalim kong inirapan si Shiela sa pag sigaw niya. Kanina pa siya hiyaw ng hiyaw pag pasok pa lang namin dito sa room namin ni Lei. Paulit ulit din ang tanong niya. Kaya nga kanina ko pa gustong sumagot pero hindi naman ako makasingit dahil nga daldal siya ng daldal.

"Oo nga! Yun ba yung ons mo?" si Lei na dumagdag pa. Dahilan kung bakit ako napapikit lalo ng mas lumakas ang boses ni Shiela.

"Naka ano?!" si Shiela. Nag angat ako ng tingin sa kanya at nakita kong naeeskandalo na talaga siya sa mga nnagyayaring hindi pa nita alam. Paano pa kaya pag nalaman na niya no?

"Eto naman nagka jowa lang nabobo na!" ani Lei. "Ons. O for one, N for night and S for stan. One night stand short for ons!"

"Lei!" hinarap siya ni Shiela. "Sinasabi mo bang nakipag one night stand si Kiwi kay Tito Loey?!"

Naalarma naman ako sa Tito? Pang matanda masyado.

"Hindi ko alam kung doon nga? Pero bakit ka ba nagagalit? Hindi naman pumatay 'yang si Kiwi." sagot ni Lei at umupo sa ibaba ng kama niya. "Isa pa, nasa tamang edad naman na 'yan si Kiwi. Alam na niya ang ginagawa niya."

"Naririnig mo ba ng sarili mo, Lei?!" si Shiela na unstoppable pa rin. "Nakipag sex siya sa stranger!"

"Eh ano nga? May nasaktan ba siya? Wala naman. Ikaw nga hindi ka naman niya pinakielaman kapag nag sesex kayo ni Jervy!"

"Lei!" labas na ugat na hiyaw ni Shiela. "Magkaiba 'yun! Boyfriend ko si Jervy!"

"Anong magkaiba? Can you elaborate?"

Di ko mapigilan matawa kahit pa napaka seryoso nilang nag uusap. Imagine, ilang taon na kaming mag kaibigan, nag away away na kami at lahat lahat, ang dami ng pag subok na pinagdaanan since thesis days, tapos ngayon pa.. Dahil lang sa nakipag sex ako, tsaka lang pala masisira ang friendship namin.

"What's funny?" kunot tanong ni Shiela sa akin.

Mabilis akong umiling. "Kayo..i mean..nakipag sex lang naman ako, pero kung mag away kayo, para akong nagnakaw sa kabn ng bayan!" sabi ko. "Don't make it a big deal no, im fine."

Mabilis naman na bumaba si Lei sa kama at lumapit sa akin. "So okay ka lang no? Tell me, si Tito ba ni Jervy yung naka anez mo?"

"Hindi." mabilis na sagot ko. Too much information kung sabihin ko kung sino pa. Tama ng alam nila na hindi na ako virgin.

"Weh? Eh bakit nasa kanya yung phone mo?" si Lei.

"Na meet ko siya kagabi sa bar, bago ko nameet yung naka ano ko. Sa pag kakaalala ko, nakatabi ko siya sa counter kagabi at saglit din kaming nag usap." paliwanag ko.

"Oh! I remember parang nakita nga kita sa counter kagabi." ani Lei. "Pero kung hindi si Loey ang naka ano mo, sayang naman be,"

"Lei!" si Unstoppable Shiela ulit. "So hindi si Tito Loey? Sino ba?"

"I don't know. Madilim kasi 'yon. Tsaka after namin mag hmm! Umalis na ako at tumambay sa tabing dagat." sabi ko at tumayo na. Pinagpag ko pa ang short ko. "Kalimutan na natin ang nangyari okay? Tapos na rin naman na."

"Ay, wow, kung makapg salita siya akala mo isang libo lang nawala sayo ano?" Si Lei na inikutan pa ako habang tinutusok tusok ang braso ko. Sa inis ko ay pinalo ko ang kamay niya.

"Ano ba?!"

"Anyway, halika na nga, tutal naka move on na rin naman si Kiwi, pwede na siguro tayong mag enjoy ngayon ano? Mag libot na tayo." sabi ni Lei at isinukbit na ang maliit niyang bag sa balikat. "Isa pa, nasa edad na 'yan si Kiwi, hindi na natin siya kailangan pang ibaby sit. Let's go, gusto ko ng tapakan yung white sand at makapag pa picture sa mga pine trees!" dagdag niya at walang sabi sabing lumabas na. Naiwan tuloy ako kay Shiela.

Hinarap ko siya. Alam kong kailangan ko pang mag apologize sa kanya dahil nga sa pinag alala ko siya kagabi. Mali ako doon, kaya naiintindihan ko yung inis niya sa akin.

"Sorry, Shiela.. sa kagabi." umpisa ko. "Nakalimutan ko lang talaga na mag sabi sa inyo."

"Kiwi.." aniya sa malambot na  boses. Iba sa nagbabaga kanina. "Pumunta tayo dito sa beach para mag enjoy at maiwasan ang stress. Isa pa, alam ko naman na alam mo na ang ginagawa mo. Hindi naman kita pipigilan sa mga gusto mong gawin dito sa bora.. Ang akin lang sana gusto ko
.. yung ligtas ka."

Binigyan ko ng mainit na ngiti. "I know, naiintindihan ko naman Shie, basta sorry kasi pinag alala kita."

"Nako, hayaan mo na. Atleast safe kang nakauwi." aniya. "Sundan na natin si Lei, baka mamaya kung ano naman ang gawin niya."

Tumango ako. At sandali siyang niyakap bago sumunod sa pag labas.

Tulad ng napag usapan kanina ay hindi na binanggit pa nila Lei ang issue kanina. Masaya kaming nag enjoy at nag ikot ikot sa dito sa bora. Four nights lang kasi ang stay namin dito sa boracay kaya naman talaga kailangang sulitin ang bawat oras. Nag punta kami sa mga pasalubong store at doon namili, kaming apat kasama si Jervy, dahil hindi naman sila mapg hihiwalay ni Shiela, palaging nakabuntot si Jervy.

Nang mag hapon ay humiwalay ng lakad si Lei, dahil nakita niya ang isa rin niyang malapit na kaibigan dito sa bora at nag paalam na sasama muna rito. Naiwan akong kasama sila Jervy na malapit ng langgamin. Nandito lang kami sa tapat ng kainan at gusto kong mag ikot ikot  kaya nag paalam ako sa kanilang aalis muna.

"Mag iikot ikot lang ako. Tsaka huwag kang mag alala, alam ko naman ang pabalik sa room namin ni Lei." sagot ko kay Shiela ng tanungin kung magiging okay daw ba ako.

Ilang minuto rin akong naglakad lakad bago ko nahanap ang pwestong gusto ko. Umupo ako sa hilera ng mga puno doon at tahimik na hinangaan ang kagandahan ng sunset.

May iba't ibang kulay ang pag lubog ng araw, may violet, may dilaw..at may orange.. Ang nasa  harapan ko ngayon ay ang sunset na pinaghalong violet at orange. Nakakamangha 'yon at nakakatulala.. mapapaisip ka na lang kung may mas gaganda pa ba sa tanawin na ito na nasa harapan ko? Like, shit, wala na. Ang bawat kuba ng ulap ay napaka perpekto, para bang sinadya nang may likha.

Inilabas ko ang cellphone ko at maingat na kinuhaan ng litrato ang perpektong sunset. Maganda itong maging reference kapag mag pipinta ako. Mula kasi nang bata ako ay nakahiligan ko na ang pag pinta, pero.. Nang namulat ako sa buhay ay nakaligtaan ko na 'yon. Mas dapat kasing unahin ang pangangailangan ng pamilya.

Umikot ako sa pag upo para mapikturan ko ang aking sarili kasama ang sunset. Nang makita ko ang nakunan ko ay lumawak ng ngisi ko ng makitang may sumingit na sillohuette ng bata doon na nakatayo, hindi naman iyon nakaapekto, at para sa akin ay larang nagdagdag iyon ng essence sa litrato. Muli kong tinapat ang cellphone ko sa akin..

"I can help you."

Nilingon ko ang taong nag salita sa gilid ko. At nanlaki ang mata ko ng makitang ang lalaking iyon.

"I can take your picture babe." ani pa niya at nag lahad ng kamay. Lumayo ako nang umusog siya papunta sa akin.

"Kaya ko naman." sagot ko at umayos na ng upo. Isang beses ko pang inangat ang cellphone ko para sa huling picture ng sunset.

"Ang ganda ng sunset," aniya na nakatitig din sa sunset. Hindi ako nag salita at nagpanggap na tinitignan ang kinuhang mga litrato. "Sunset, it means, another day has passed again."

Hindi ulit ako nag salita at tumingin na lang sa dagat.

"Are you okay, Kiki?"

Mabilis akong napalingon dahil sa tinawag niya sa akin. "Hindi Kiki ang pangalan ko!"

Tumingin siya sa akin at sinalubong ang tingin ko. "Really? what's your name then? Can we date?"

"Kiwi ang name ko." sagot ko. I mean..hindi naman masamang sabihin hindi ba? Name lang naman. Tsaka anong date sinasabi nito?

"Oh, sounds like, Kiki." aniya at ngumiti pa, nagkaroon tuloy ako ng chance na makita ang dimple niya sa kaliwang pisngi niya. "Anyway, kumain ka na ba babe? You want to eat? May alam akong place."

"Saang place sa room mo?" diretsang tanong ko. Ewan ko ba, yung way kasi ng pag sasalita niya parang nang seseduce. Ang landi!

"What?" gulat na tanong niya at humalakhak. Sinilip ko ang mukha niya ng iangat niya ang ulo niya habang tumatawa. Pansin ko rin na nawawala ang mata niya ngayong tumawa siya. "Damn girl! When i asked if you want to eat, im talking about food," ani Loey ",but...if you..want to "eat" that, why not?"

"Bastos." sabi ko at tumayo na. Hindi ako mag aaksaya ng oras makipag usap sa lalaking ito. Gwapo nga boplogs naman.

"Wait, Kiwi," pigil niya sa pulsuhan ko.

Tiningala ko siya bago alisin ang kamay niyang nakahawak sa akin.

"Bakit ba?" tanong ko.

"I just want us to eat, coffee perhaps?"

Mariin ko siyang tinitigan at humalikipkip. "Bakit ako ang inaaya mo? Wala ka bang girlfriend o asawa?"

Matagal siya bago umiling. At alam ko sa mga segundong 'yon ay nag isip siya ng isasagot. Paniguradong may sabit ito.

"Meron no?" natatawang tanong ko.

"No. Wala. Wala akong girlfriend." aniya.

Napailing ako. "Grabe no? Maka score lang sa babae, mag sisinungaling talaga."

"No. Hindi ako nag sisinungaling. We just broke up two months ago." seryosong sabi niya.

"Lokohin mo lelang mo! Alis nga!" hiyaw ko sa kanya.

"You can ask Jervy, for it. I swear, im single as fvck."

"And now that you're single, what do you want me to do now? Mahiga sa kama at papatong ka ulit?"

"Babe, your words!" aniya at nilingon pa ang paligid. Hinawakan niya ako sa braso at sinama sa gilid ng puno.

"Ano ba?!" pinalis ko ang kamay niya. "Ano nga gusto mong mangyari?" harap ko sa kanya. "Kung totoong single ka nga, okay sige let's date here sa boracay hanggang sa matapos ang stay namin dito." sabi ko. Puta nababaliw na ako!

"You sure? How many days?" tanong niya.

"3 nights." sagot ko. "After nun, tapos na. If ever man na mag crossed tayo sa manila, dahil im staying in manila, hindi natin kilala ang isa't isa okay? What happens here in boracay, stays in boracay. Ano deal?"

Isang ngisi ang hinandog niya sa akin bago sumagot.

"Deal, babe."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top