Queen (2)

Wesley's Pov

Hindi agad ako nakakilos nang sigawan ako ni Sir PJ. Nakakatakot siya ngayon. Parang anytime kakain siya ng tao.

"Fuck! What did you do to my cellphone?!"

"Ahm..."

Umurong ako papunta sa kaliwa  nang lumapit siya papunta sa akin. Dinampot niya ang cellphone niyang basag-basag habang matalim na nakatingin sa akin. Patay! Nasira ko ang cellphone niya!

"Is it also include to your job to check my phone?! Pakialamera! Tss!"

Bumagsak na ang mga luhang nagbabadyang lumabas kanina pa sa mata ko. Oo, alam ko namang kasalanan ko eh. Biglang bumalabag ng malakas yung pintuan at niluwa non si sir Louie.

"PJ, what are you doing?!"

Lumapit sa akin si sir Louie at sinipat ang mukha ko. Dumating rin si ma'am Rain at lumapit kay sir PJ.

"Bakit mo pinaiyak si Wesley? Anong ginawa niya?"

Katulad ni sir Louie, mukhang galit din sila kay sir PJ. Ako ang may kasalanan kaya dapat sila ang magalit sa akin, "Mom! Tss! Pinakealamanan niya ang cellphone ko and look, sira na. Jeez!"

Binato ni sir PJ ang cellphone niya kaya napakislot kaming dalawa ni ma'am Rain, "PJ! Calm down! Ibibili ka nalang ulit namin ng dad mo ng phone—"

"Tss. My Lala gave that phone to me! I want that phone!" bumaling siya ng tingin sa akin kaya nanlaki ang mata ko, "And for you, we're not yet done."

Galit siyang lumabas ng pintuan. Bumaling naman ng tingin sa akin si ma'am at sir ng may pag-aalala sa mga mata nila, "Are you okay?"

Tumango lang ako sa kanila.

"We brought PJ here 'coz I want him to change. But I guess, hindi pa rin pala. Mom gives what PJ wants that's why he became spoiled. I need to teach him a lesson—"

"N-No sir... ako po ang may kasalanan... Pinakealamanan ko po yung... ano phone niya. Ako nalang po ang kakausap sa kanya..."

"Are you sure?"

O-opo."

|*|

"Anak, bangon na. May pasok ka pa sa eskwelahan at ngayon din papasok si Sir PJ."

Agad akong bumangon sa sinabi ni mama. Oo nga pala. Ngayon na papasok si Sir PJ sa Lycium of Batangas. First day niya ngayon bilang isang transferee.

Nagmadali na ako sa pagligo dahil ako pala ang maghahain ng pagkain ni Sir PJ. Naku, baka mabulyawan na naman ako kapag na-late pa ako ng gising.

"Oh? Papasok ka na pala Wesley? Pasuyo naman, ibili mo naman ako ng maruya kapag uwian mo na."

Nilingon ko si Issa at kinuha ang perang inabot niya sa akin. Maliban sa aming dalawa, marami ring hilig ang maruya sa ngayon.

"Sige. Ilan ba?"

"Tatlo. Tig-iisa tayo nila Marie."

Tumango nalang ako at dumiretso sa banyo. Agad akong naligo at pagkatapos ay isinuot ko na ang uniform na bagong bili sa akin ma'am Rain. Tututol sana ako kaso ibinili niya na rin ako dahil ibinili niya rin ng gamit si Sir PJ.

Isa-isa ng nagising ang mga kapwa ko kasambahay at nag-ayos na. Tinignan ko kung anong oras na sa cellphone ko at nakita kong 6:25 AM na. Hanggang ngayon hindi pa rin bumababa si Sir PJ kaya nagtataka ako.

Papasok pa kaya siya?

Nagkibit-balikat nalang ako. Inaalala ko pa rin kase ang nangyari kagabi. Galit pa rin siguro sa akin si Sir PJ. Hayst.

"Good morning madam, sir."

Yumuko kaming lahat tanda ng paggalang. Ngumiti lang sa amin si Ma'am Rain at si Sir Louie. Kinuha ko na ang bag ko at nagpaalam na rin na papasok na ako. Hindi ko na hinintay si Marie dahil mabagal talaga iyong kumilos.

"Gunggong!"

Lumingon ako sa likuran ko at nakita ko ang dalawa kong kaibigan. Si Alliana at Jennie. Magkakaiba kaming tatlo, si Alli at Jen ay may kaya sa buhay samantalang ako, waley.

Kaya lang naman ako nakapasok dito sa LOB dahil na rin sa maimpluwensiya sila ma'am Rain at sir Louie. Ang laki na talaga ng utang loob namin nila mama sa kanila.

"Oh? Problema niyo mga gunggong?"

Gunggong ang tawagan namin dahil yon na ang nakasanayan naming tatlo.


"Wala lang. Nabasa mo ba sa site ng LOB? May dalawa daw transferee ahh." ani Alliana.

"Paano ko mababasa gunggong? Wala akong cellphone diba?"

"Ay, oo nga pala. Hehe!" sabi ni Jennie at kumamot pa siya sa ulo niya.

Siguro, ang isang transferee na tinutukoy nila ay si Sir PJ, hindi ko lang alam kung sino yung isa. Hmm.

Pumunta muna kaming tatlo sa field para sa flag ceremony. Ito ang kinaiinisan namin tuwing Lunes.

"Nandito na ang transferee."

Lumingon kaming tatlo sa entrance ng gate at pumasok doon ang idol kong babae. OMO!

O_O

Totoo ba 'to? Si Eleanor Hilton. Yung sikat na sikat dahil sa angking kagandahan niya?! OMG! Dito talaga siya mag-aaral?!

"Wesley, si ateng Eleanor yan diba?"

"Ay oo. Siya yong idol ko."

"Ang ganda pala niya no, Alli? Mas maganda pa siya kay Wesley. Haaha."

Sinamaan ko lang ng tingin si Jennie. Psh. Ano naman kung mas maganda siya?!

"Kyaaaahh! Yung isa pang transferee! Biiii, ang gwapo!"

"Gosh! Ang hawt!"

Lumingon ulit ako sa entrance at hindi na ako nagulat ng si Sir PJ iyon.

O_O

"Gee!! Sila ba?!"

Oo, hindi ako nagulat na si sir PJ ang isa pang transferee pero ang mas nakakagulat ay ang paghalik ni Eleanor sa kanya at ang paghawak nito sa kamay nito.

OMG! Si Eleanor na inaway ko sa text at ang Eleanor na idol ko ay iisa? Edi, siya pala talaga ang girlfriend ni sir PJ?!

Idol ko nga siya pero parang ngayon hindi na dahil sila na ng taong gusto ko! Hindi pwede!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top