Queen (1)
Wesley's Pov
“Anak, paki-dala naman ito kay PJ oh.”
Inabot sa akin ni mama yung isang basong orange juice at dinala ko na agad iyon sa garden.
“Sir.”
Binaba ko yung juice sa table at yumuko bago umalis.
Nandito ang pamilyang Castillejo sa Mansiyon nila sa Batangas. Laking pasasalamat ko rin kay Tita Rain at Tito Louie dahil sila ang gumagastos ng pag-aaral ko dito.
PJ? Hindi ko nga alam kung anong meaning non. Ayaw sa aking sabihin ni mama dahil baka raw magalit si sir PJ.
Pagkadating ko sa dining room ay naabutan kong nag-uusap sila Marie at Issa habang pinupunasan ang lamesa.
“Ang gwapo ni Sir PJ no? Hays! Sana maging girlfriend niya ako.” sabi ni Marie habang naka-taas ang isa niyang kamay.
Napakunot noo ako sa sinabi niya. As if namang papatusin siya non.
“Mangarap ka nalang, Marie. Mas maganda pa nga sa'yo si Wesley pero hindi siya pinapansin ni sir, 'di ba?”
“Ang sama mo naman, Issa.”
Nakita kong umismid si Marie sa sinabi ni Issa.
Nagtago naman ako sa likod ng pintuan at napangiti.
Tuwang-tuwa talaga ako 'pag pinupuri ako ng ibang tao.
“Wesley!”
Napatakbo ako sa kinaroroonan ng boses. Nakita ko si Maam Rain na hinihintay ako.
“Bakit po maam?”
“Alam kong late na pero i-e-enroll namin ni sir Louie mo si PJ sa Lycium Of Batangas. Pakilinis na lang ng kwarto niya.”
Tumango lang ako kay maam at nakita ko silang pamilyang sumakay sa kotse.
Yesss! Matagal ko nang crush si Sir PJ dahil nake-kwento siya sa akin ni mama. May chance na akong maka-pasok sa room niya.
Aakyat na sana ako papuntang room ni sir PJ ng pinigilan ako ni Marie.
“Hoy! Ako na lang ang maglilinis.”
Tinignan ko ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko. Nginisian ko lang siya at binelatan.
Tumakbo ako kaagad upang hindi na marinig ang boses ni Marie na tinatawag ang maganda kong pangalan.
Pagkarating ko sa kwarto ni Sir PJ ay namangha ako sa ganda.
Ngayon palang ako naka-pasok dito dahil laging si Marie ang inuutusan ni Sir PJ.
Well, close sila. Okay lang. Hahaha. Mas maganda pa rin naman ako sa kanya.
Black and White ang theme ng kwarto niya. May nakita rin akong malaking stuff toy na panda sa kama niya.
Wala na naman yata akong lilinisin dito dahil maayos lahat ng gamit.
Aalis na sana ako sa kwarto ng makarinig ako ng tunog ng cellphone.
Dahil sa dakilang chismosa ako ay kinuha ko ang cellphone ni Sir PJ na nakapatong sa kama niya.
Binuksan ko 'yon at may nakita akong message.
From BabyEleanor
Baby? Hmm... I miss you na. Kailan ka ba uuwi dito?
Naka-isip ako ng magandang katarantaduhan kaya agad kong pinindot ang reply.
To BabyEleanor
Pasensiya na. Girlfriend niya 'to. Sino ka?
Napa-hagikhik ako dahil sa tinype ko. Sinend ko na sa kanya yon at maya-maya ay may nag-reply na.
From BabyEleanor
Fuck! Who are you?!
Kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang pag-tawa.
Akmang mag-rereply ako ng biglang bumukas ng malakas ang pintuan.
*Blaaaagggg*
Naibagsak ko ang cellphone ni Sir PJ dahil nakita ko siyang galit na galit na nakatingin sa akin.
“Fuck! Who gave you the permission to enter in my fucking room?!”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top