SPECIAL CHAPTER - WE'RE PREGNANT
SPECIAL CHAPTER: WE'RE PREGNANT
TAHIMIK lang akong nagpapahangin habang nakaupo ako sa duyan dito sa lanai ng bahay ni Papa. Mahina lang ang pag-ugoy ng duyan para hindi ako mahilo.
"Akala ko ba mag-papahinga ka lang sa kwarto mo? Sabi mo nahihilo ka."
Umangat ang tingin ko ng may nag-salita.
"I felt dizzy but I want to take a rest here," tugon ko.
Sinundan ko siya ng tingin ng maupo sa kahoy na upuan habang nakatingin sa akin. Nakahalukipkip ito at tinignan ako.
"How's your day? Nasaan asawa mo?" tanong niya.
"Bumalik muna roon sa bahay ng magulang niya. Kinuha niya yung mga iba niyang gamit, eh," ani ko at bumaba ang tingin sa wallpaper ko.
Hindi ko parin naman binago 'yon. Si Aksana parin ang nandoon. Lahat ng picture niya na nasa gallery ko ay pinadevelop namin ni Dominic. May painting din siya sa walk in closet ko at ito yung nasa wallpaper ko. Sadyang ayaw ko lang na makalimutan yung hitsura niya.
"Ang cute niya eh 'no," nakangiting tanong ni Stephanie.
Tumango ako at mahinang natawa. "Oo nga eh. Bumisita ako sa kanya kahapon, Stephanie."
"Really? Kabibisita ko lang din sa kanya ngayon. Dumiretso lang ako rito para kumustahin ka 'tsaka si Tito."
"Salamat sa pag-punta," wika ko at inangat ang tingin sa kanya. "Busy si papa sa kumpanya kaya madalang lang siya nauwi rito."
Tumango tango siya. "Eh yung magaling mong kuya? Baka mamaya puro babae inaatupad no'n."
I laughed. "Bakit? Selos ka?"
Natigilan siya sa sinabi ko at kunwaring naduduwal sa sinasabi ko."
"Gago ka ba? Bakit ako magseselos doon eh 'di ko naman siya gusto," nandidiring saad nito at napapagpag pa siya sa kanyang katawan. "Sinong magkakagusto roon? Nakakaimbyerna pagmumukha niya."
"Galit ka kaagad eh sinasabi ko lang naman 'yon atsaka p'wede mo naman kaagad sabihin na hindi ko siya gusto. Ang dali-dali lang no'n. Kung ano-ano pa sinasabi mo," tugon ko habang tinatawanan siya.
Natigilan na naman siya sa sinabi ko at inirapan na lang ako. Tumikhim siya at napasuklay pa sa kanyang buhok.
"Anyways. . . Wala parin talaga?"
Kusang nag-laho ang ngiti ko sa sinabi nito. Alam ko ang ibig niyang sabihin. Pag-alala ang nakita ko sa kanyang mata ng makita niya ang naging reaksyon ko.
"I-i'm sorry—"
Tipid akong ngumiti sa kanya. "Hey, that's fine. Hindi rin maiwasan magtanong si Papa ng ganyan pati na rin si Stefano."
Huminga siya ng malalim. "Ang hirap siguro 'no?"
"Yeah. . . Super. Ilang beses na pero negative parin," mahina kong wika at natawa na lang.
Milyon-milyong karayom ang tumusok sa puso ko habang sinasabi ko 'yon. Alam namin na napakababa na talaga ang chance na magkakaanak pa kami pero gusto lang naman namin na i-try wala namang masamang mang-yayari kung i-ta-try 'di ba?
Kusang pumulupot ang kamay ko sa katawan ni Stephanie ng yakapin niya ako. Hinaplos haplos niya pa ang buhok ko.
"Try and try, Delaihla. May awa rin ang diyos," she whispered. Siya ang kusang humiwalay sa pagkakayakap at tinignan ako. "At kung sakaling bibigyan niya kayo ng magiging anak. Ayusin mo na, ha? No more bullshits, Delaihla. Alam ko lahat ng mga katarantaduhan mo dati," parang nanay nitong panenermon sa akin.
"Opo, Mama," 'yon na lang ang naitugon ko.
Mahina niya pa akong hinampas dahil sa sinabi ko.
"Aalis na 'ko. Walang kasama si Mama sa bahay, eh. Bibisita na lang ulit ako rito, okay? Ingat ka palagi," nakangiti niyang wika.
I nodded. "Hmm. Okay. You too, take care. Bye."
Kinawayan niya ako at naglakad papasok na sa loob hanggang sa makalabas na sa bahay. Sumandal ako at wala sa sariling hinaplos ang aking manipis na tyan.
"Wala ka parin bang laman?" malungkot kong tanong.
Gabi-gabi akong nag-dadasal na sana pagbigyan niya ako. At kung sakaling bibigyan niya ako sisiguradhuhin kong gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para sa magiging anak namin.
Hindi ko na namalayan na umiiyak na ako habang nakatingin sa litrato ni Aksana. Napakatagal na. . . Sobrang tagal na talaga pero normal lang naman siguro yung ganito 'di ba? Yung maiiyak ako dahil miss ko na siya.
Natulala ako ng pilit kong iniisip ang boses niya pero wala na. Hindi ko na matandaan ang boses niya! Napahawak ako sa ulo ko at napahagulhol dahil kahit anong pilit ko wala parin.
"B-bakit hindi ko na maalala," lumuluha kong tanong sa'king sarili.
Tanging hagulhol ko lang ang naririnig sa buong bakuran habang nakatanging sa litrato ni Aksana.
Please. . . I want to hear her voice. . . Please. Aksana.
"Ma'am ano pong meron. . . Bakit ka po umiiyak?" kinakabahang tanong ng isang katulong namin.
Hindi ko siya nasagot dahil mas lalong lumakas ang iyak ko. Wala na talaga. . . Gano'n na 'yon? Gusto kong marinig boses ni Aksana!
"Delaihla!"
Pamilyar na boses ang narinig ko. Umaalingaw-ngaw lang 'yon sa isipan ko. Mas nananaig ang kagustuhan kong marinig ang boses ng anak ko.
"Delaihla, hey! Look at me! Baby!"
Napatingin ako sa taong tumatawag sa akin. Si Dominic. Nagtataas baba ang dibdib nito habang nakatingin sa akin, natataranta siya.
"What's wrong? Okay ka lang ba?" nag-aalala niyang tanong.
I shook my head while crying.
"I can't remember her v-voice," umiiyak kong tugon. "Dom. . . I can't really remember her voice. . . I want to hear her voice but I-i can't remember!" sigaw ko sa kanya at muling napahagulhol.
"Delaihla. . . "
Iyak ko lang ang naririnig ko at hindi man lang narinig ang tugon ni Dominic. Naramdaman ko ang pagbuhat niya sa akin at dinala papasok sa loob ng bahay.
"S-sir. . . Ano pong problema ni Ma'am?" nag-aalalang tanong ng isa naming katulong.
"She's just having a breakdown. Don't worry, ako na ang bahala sa kanya. Thank you for calling me," dinig kong tugon ni Dominic.
Umiiyak ako sa kanyang balikat hanggang sa makapasok kami sa kwarto naming dalawa. Parehas kaming naupo sa kama. Siya ang nakasandal sa headboard ng kama habang ako ay nakaupo patalikod sa kanya, sa pagitan ng kanyang hita at dibdib nito ang naging sandalan ko.
"I don't remember her voice, Dom. I don't know what to do," umiiyak kong wika sa kanya.
"Shh. Stop crying," he whispered and kissed my head.
May inabot siya sa aking cellphone at naka-landscape 'yon. Pagtingin ko sa screen ay awtomatik na natigil ang pag-iyak ko ng makita si Aksana sa video. Ang pangyayaring ito ay noong foundation day nila sa school. Kasama niya ang mga kaibigan nito na masayang naglalaro.
"Oh! Kaya mo 'to? Kaya mo 'yan?" dinig kong wika ni Aksana. Sumasayaw siya na hindi mo maintindihan. Mayabang ang tono nito at nakahawak pa sa kanyang magkabilaang beywang.
"'Di mo kaya 'yan kasi ako lang nakakagawa! Hahahaha!" mayabang niyang wika. "Si Aksana lang nakakagawa n'yan. Luh. . . Hoy! Ano ba napakapaepal nito isusumbong kita kay Kuya Dom d'yan, eh. Mga feeling close! Ang papanget niyo! Mga kulang-kulang, sintu-sinto, mga pinulot sa tae ng kalabaw, bwakanang syet—"
"Aksana," dinig kong wika ni Dom. Napatingin ang anak namin sa kanya.
"Bakit?" nakangiti niyang wika at lakad takbong pumunta sa kanya.
"That's bad. Where did you learn that word? You're still a child. Bawal mag-mura."
Humaba ang nguso ni Aksana at humalukipkip. "Sila nauna, eh. Tinatrashtalk ko lang sila atsaka soft naman boses ko no'n kaya hindi naman siguro sila masasaktan 'di ba?"
Dinig ko ang mahinang pag-tawa ni Dominic.
"Look at the camera. I'm taking a video," wika ni Dominic.
Natigilan si Aksana. "Weh?"
Curious na lumapit siya sa cellphone nito at halos magdikit na ang mukha niya roon. Umatras na kaonti si Dominic at sumimangot si Aksana.
"Buong mukha mo na yung nasa screen."
"Okay lang maganda naman ako."
"Say something to the video, please," ani Dominic.
Humagikhik si Aksana at tinuro ang camera. "Ang laki ng suso ni Fria—"
"What's that?—"
Na-cut kaagad ang video ng marinig ko ang boses ko. Namayani ang katahimikan sa buong kwarto. Hinarap ko si Dominic at nakita na lumuluha rin ito.
"I secretly took this video. Ito yung bumuli ka ng cotton candy kasi gusto ni Aksana no'n. And I guess it's worth it right?" umiiyak niyang tanong.
Napalabi ako at dinamayan siya sa pag-iyak. Naramdaman ko ang pagpulupot ng braso nito sa aking beywang at niyakap ako.
"I'm sorry. . . I'm really sorry," umiiyak niyang wika habang nakasubsob sa aking leeg. Paulit ulit niyang binabanggit 'yon. "I know it's my fault. . . I'm really sorry."
Umiyak lang kami nang umiyak. Alam namin sa isa't isa na masakit parin talaga ang pagkawala ni Aksana kahit sobrang tagal na no'n.
Kahit matagal na parang kahapon lang 'yon nangayari.
NAPUNO NG hagulhol ko ang buong banyo ng makita ang naging resulta sa hawak ko. Pagtingin ko sa tatlong pregnancy test ay parehas din ang kinalabasan.
"Delaihla, are you okay?"
Narinig ko ang boses ni Stefano.
"Nakabukas kasi yung pintuan ng kwarto niyo tapos narinig ko yung iyak mo kaya pumasok na ako baka kasi may nangyaring masama sa 'yo. Okay ka lang?"
Naghugas ako ng kamay at binuksan ang pintuan ng banyo. Natigilan siya ng makita ako.
"What's wrong?" mababa ang tono ng boses nito.
Hindi ako makasagot ng maayos dahil sa sunod sunod na pag-hikbi.
"Yung r-resulta," humihikbi kong tugon.
"Still negative?" malungkot niyang wika.
Lumakas ang iyak ko at hinawakan ang braso nito at dinala malapit sa lababo. Hinawakan ko ang pregnancy test at pinakita sa kanya 'yon.
Kumunot ang noo nito at tumingin doon. Unti unting napalitan ang kunot ng noo nito. Dahan dahang nanlaki ang kanyang mata at tinignan din ang tatlong pregnancy test na nasa lababo.
"Holy shit. Totoo ba 'yan? Baka pinaprank mo kami, ah!" halos hindi makapaniwala nitong tanong.
"Kailan pa 'ko natutong mag-prank ha!?" umiiyak kong wika.
"Shit!" wika nito at napahawak sa kanyang ulo. Napasandal pa siya sa pader at muling sinilip ang pregnancy test.
"It's fucking positive! Congrats!" masayang wika ni Stefano at niyakap ako.
"Thank you. I'm really happy! Oh my god. . . Look at my hands, it's shaking!"
Tinawanan ako ni Stefano at niyakap ng mahigpit. Pinakalma niya ako bago lumabas sa kwarto. Niligpit ko ang mga kalat at naligo. Doble ingat ako habang naliligo. . . Napapraning na baka madulas.
Nag-sout ako ng damit na komportable at nilagay ang apat na pregnancy test sa maliit na paperbag pagkatapos at nilagyan ng mga medyo malaking confetti na gawa sa papel na pinaggugupit gupit.
"Delaihla? Baba na raw, manananghalian na," dinig kong wika ni Dominic.
"Hmm. Okay!" masaya kong wika.
Balak ko siyang i-surprise at ngayong araw na 'yon. Sakto naman na nandito rin si Papa kaya maganda ang ibabalita ko sa kanila.
"You look happy today, Baby," nakangiting wika ni Dominic.
Mabilis niyang hinalikan ang aking labi at hinawakan ang aking kamay. Bumaba ang tingin niya sa hawak ko.
"What's that?"
I smiled. "Secret. Malalaman niyo mamaya. Tara na?"
He smiled. "Let's go."
Nakangiti ako habang nakatingin sa kanila. May pagtataka ang kanilang mukha samantala si Stefano ay wala lang dahil alam naman niya ang sasabihin ko.
"Ano pala yung sasabihin mo, 'nak?" tanong ni Papa.
Ningitian ko lang siya at binigay kay Dominic ang paperbag. Nagtataka na tinanggap niya 'yon at tinignan muna ako.
"For me?" he asked.
I nodded. "Yes. Tapos sabihin mo yung nakita mo, okay?"
"O...kay."
Halos mapunit ang labi ko dahil sa pagngiti ko. At kusang nangilid ang aking luha ng makita ang naging reaksyon nito. Nakaawang ang labi niya habang nakatingin sa loob ng paperbag. Dahan-dahang umangat ang kanyang tingin sa akin.
"I-it is true? You're not joking right?" mahina niyang wika at unti unti na ring naluluha.
"What's happening, anak?" naguguluhang tanong ni Papa.
"I'm pregnant," masaya kong anunsyo sa kanya.
Natigilan din si Papa ng marinig niya 'yon. Si Stefano ay nakangiti rin habang si Dominic ay tinignan ang ibang pregnancy test para masiguro siya.
"Congrats, anak. Congratulations," naiiyak na wika ni Papa.
Sabay silang tumayo ni Dominic at niyakap ako ng mahigpit. Doon tumulo ang pinipigilan kong luha. Mahinang natawa si Stefano at tinuloy lang ang kanyang kinakain.
Buong tanghalian ay masaya kami. Nag-pacheck-up kaagad ako at s'yempre sinamahan ako ni Dominic. Binili kaagad ang mga vitamins na dapat kong inumin. Himala nga at nag-kaanak pa raw kami ni Dominic sabi ni doctor. Dahil yung iba na kagaya ko ay hindi na talaga na bibiyayaan.
"We did it," Dominic whispered. "Thank god. We're pregnant!" masaya niyang wika sa akin.
"Yes. . . Mag-kakaanak na tayo," masaya kong tugon.
Niyakap niya ako ng mahigpit at tinaas ang comforter sa katawan namin. Hinalikan niya ang noo ko at pati na rin ang labi.
"Thank you, Delaihla. Thank you very much."
Tanging ngiti lang ang naitugon ko at tinignan ang litrato ni Aksana na nakalagay sa bedside table. Sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib ni Dominic at niyakap siya ng mahigpit. Tuluyan na akong inantok dahil sa pagsuklay ng daliri nito sa aking buhok.
Magiging ate kana Aksana. Big sister kana simula ngayon.
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top