SPECIAL CHAPTER: HIS LOST GIFT

Trigger Warning: this chapter contains references to self-harm and depression.

SPECIAL CHAPTER: HIS LOST GIFT

"You killed our daughter, Dom! Pinatay mo anak natin."

Wala na sa Delaihla dahil dinala na siya ni Stefano at Stephanie. Walang nagsalita sa amin hanggang makapasok sa loob ng bahay. Magkasunod ang magulang ko at gano'n din si Cattalina, kasama ang kanyang asawa na si Levin. Mabilis ang aking paghinga dahil sa sobrang bilis ng tibok ng aking puso.

Our daughter? I killed our daughter? I didn't know that we had a child. I didn't know that I got her pregnant. The worst is why she didn't tell me that I got her pregnant? Isang gabi lang 'yon, no'ng sinundo ko siya dahil gusto ni Cattalina na pumunta siya kahit sa reception man lang.

"Anong ginawa mo?!" singhal ni dad sa akin.

"Lucio!" dinig kong sigaw ni mommy.

Hindi agad ako nakapaghanda ng maramdaman ang kamao nito sa aking mukha. Bumagsak ako sa sahig, habang ako ay tulala sa kawalan. Naramdaman ko ang hapdi sa aking mukha dahil sa pagsuntok nito. Unti unting namuo ang luha sa aking mata at hindi na napagilan na tumulo pababa sa aking pisngi.

"Ano 'yon Dominic!?" Dinig kong sigaw ni dad. "You killed an innocent girl!?" halos hindi makapaniwalang tanong nito sa akin.

Napuno ng iyakan ang buong sala. Napapailing na bumangon ako sa pagkakasalampak sa sahig at napayuko. Mabilis na lumabo ang aking mata dahil sa sunod sunod na pagtulo ng aking luha, kasabay ng paninikip ng aking dibdib.

"Gusto ko ikaw tumayo bilang papa ko sa family day, ha? Magtatampo ako kapag tumanggi ka."

"No. no. no," I whispered. Napahawak ako sa aking ulo, habang patuloy parin sa pag-iling. "Aksana... she's my daughter. She's our daughter," paulit kong wika sa aking sarili dahil umaalingawngaw sa aking isipan ang kanyang boses.

"Why did you do that, kuya?" humahagulgol na tanong sa akin ni Cattalina.

Nang inangat ko ang aking tingin, ay nasa harapan ko sila. Si mommy na walang tigil sa pagtulo ang kanyang luha, at gano'n din si Cattalina. Humihikbi ito habang nakatingin sa akin. Si Dad naman ay nanlilisik ang mata at nagtaas baba ang kanyang dibdib habang nakatingin sa akin.

"I'm sorry," lumuluha ko sambit. "I'm sorry."

Paulit ulit kong sinasabi 'yon sa kanilang harapan habang ang aking puso ay akala mo ay pinipiga sa sobrang sakit. It hurts, it's fucking hurts so much.

"Sorry? Dominic, what the hell is wrong with you? Do you believe that your daughter will come back to life if you apologize? Malaki kana! Ipantay mo naman sa edad mo 'yang mga nagiging desisyon mo sa buhay!"

Hindi ko na masyado marinig ang mga sinasabi nila dahil parang nasa ilalim ako ng tubig. ang kanilang pag iyak ay hindi pa rin nawawala lalo na kay mommy.

Dahan dahan akong tumayo at pinunasan ang aking luha. Ayaw umalis ng sakit sa aking dibdib, na sa tingin ko ay habang buhay na 'yon nakatarak sa aking puso ng malaman ko na kasalanan ko... kasalanan ko kung bakit namatay ang anak namin.

"Hindi ko alam na magagawa mo 'yon, Dom."

Mas doble ang pagsikip ng aking dibdib ng makita kung sino ang nagsalita no'n. Napapailing na umiyak si mommy, lumuluha pa rin ito at gano'n din si Cattalina.

"I d-didn't know, mom," I whispered, my tears starting to pool my eyes again. "I'm sorry. I'm sorry, mom," my tears flowed down to my cheeks again.

"Hindi mo alam kung gaano kasakit sa isang ina na mawalan ng anak, Dominic," nanghihinang sambit ni mommy sa akin. "Parang pinatay mo na rin siya dahil sa ginawa mo. Hindi mo alam lahat ng sakripisyo ng isang ina, Dom."

"Masaya kana ba?! Mukhang satisfy kana yata sa ginawa mo!" sigaw ni dad.

"No!" sigaw ko pabalik. "I didn't know that she's our child—"

"Kahit anong gawin mo kasalanan mo pa rin! You paid two hospitals near them so that when something bad happens to her daughter, they won't be able to go in!? What exactly is happening in your mind!? Sa tingin mo makatao 'yang ginawa mo?!"

Hindi ako makasagot dahil tama siya. It's my fault. Kasalanan ko talaga at wala akong takas no'n.

"Are you happy now?" dad asked again. "Masaya kana? You get the revenge that you want!"

"I'm not happy," I whispered. Nanghina ang aking tuhod at dahan dahang napaupo sa sahig. "I'm not happy. I'm sorry. I'm sorry for everything," paulit ulit kong sambit, hindi ko na napigilan humagulgol sa kanilang harapan dahil sa sakit na aking naramdaman.

"I'm so disappointed!"

"LEAVING? Leaving!" isang pamilyar na boses ang aking narinig. Matinis at sa kalaunan ay napahagikhik dahil nararamdaman ko ang hintuturo nito na tinutusok sa aking pisngi.

"Leaving? Ano ba naman, bakit mo ba ako tinutulugan!"

That voice is very familiar to me. Sounds childish, happy go lucky, girly—sounds like Aksana, my daughter.

Minulat ko ang aking mata at nanlabo pa ng kaonti dahil sa mahaba kong pagkakatulog. Natigilan naman ako at bumilis ang tibok ng aking puso ng makita siya sa aking harapan.

Ang buhok nitong katulad sa kanyang ina ang una kong napansin sa kanya lalo na ang hazel nito na mata.

"Leaving, hello!" bati nito sa aking at napahagikhik pa. Nakatakip ang dalawa nitong palad habang nakatingin sa akin.

Nanlalaki ang aking mata na umangat ang kamay. Hinawakan ko ang kanyang maliit at bilugan na mukha, hinaplos ko 'yon habang nakatingin sa kanya.

"Aksana..." I whispered.

"Leaving?" sagot nito sa aking sinabi.

Kinuyom ko ang aking kamao ng manlabo ang aking mata. Hindi ko na napigilan na lumuha sa kanyang harapan. Hinayaan ko na umiyak ako sa harapan niya kahit na alam kong pangit sa isang lalake na mag mukhang mahina.

I don't care. I don't care if they saw me like this. I don't care if they saw my crying ugly face. Parang nawalan ako ng lakas para mabuhay dahil sa pagkakamali kong nagawa sa buhay.

"Aksana, I'm sorry," I cried. "I'm sorry for everything. It's my fault that's why you're dead. I'm sorry, baby," sunod sunod na hikbi ang aking pinakawalan sa bibig at niyakap siya ng mahigpit.

Hindi nakasalita si Aksana ng ikulong ko siya sa aking bisig. Nanahimik ito at humigpit ang aking yakap ng marinig ang malakas nitong iyak.

"Leaving," umiiyak niyang wika sa akin, nakasubsob ito sa aking dibdib.

"I'm sorry for everything," I whispered. "I'm sorry, baby. I can't forgive myself for what I did to you," I cried while hugging her.

"Papa ko," humihikbi niyang wika sa akin na mas lalong sumakit ang aking puso.

Fuck this shit! I regret everything! I regret everything that I did to them. I missed her. I missed Delaihla so much. I missed my daughter.

"Leaving, miss na kita," humihikbi niyang usal sa akin.

"Me too. I miss you so much, Aksana. My daughter," I whispered. Hinalikan ko ang kanyang ulo at niyakap ng mahigpit.

"You're my daughter. You're my baby," mahina kong bulong sa kanya habang pinapatahan, habang ang aking luha ay patuloy parin sa pag tulog. "Don't cry, your daddy is here. I'm here."

Kumunot ang aking noo ng maramdaman na parang lupaypay ang kanyang katawan sa aking bisig.

"Aksana?" kinakabahan kong tawag sa kanyang ngalan.

sinubukan kong tignan ito at laking gulat na nakapikit na siya. Maputla ang kanyang labi at nandoon parin ang bakas ng luha sa kanyang mapupulang pisngi.

"Aksana!" I shouted. Niyugyog ko ang kanyang katawan parang magising pero walang epekto ito. "Aksana! Wake up! Don't leave me, please!"

Ang mainit nitong katawan ay wala na. Malamig na ito, kasing lamig ng bangkay. Ang sout niyang damit kanina ay napalitan na, ang kanina na sout niyang costume dress na favorite niyang disney princess ay napalitan na ng white dress.

Ito ang sout niya no'ng burol nito.

"No, Aksana!" I yell.

Napabalikwas ako ng bangon at napahawak sa aking dibdib. Napalingon ako sa gilid ng makita si Cattalina.

"Are you okay?" nagaalala niyang tanong sa akin. "Binabangungot ka kuya."

Matamlay na sinandal ko ang aking likod sa headboard ng kama. Nightmare? 'Yon lang yata ang masamang panaginip na gusto kong balikan, at huwag na sanang magising kung sakaling maulit pa 'yon.

napahawak ako sa aking ulo at hindi na napigilan na tumulo muli ang aking luha. Ang mahinang iyak ay nauwi sa hagulgol.

"Aksana," I whispered. "Napanaginipan ko si Aksana, Catt. We're hugging each other and then..." nahihirapan kong bigkas. "After that, she's lying in my arms, dead," I cried.

"Kuya..." mahinang sambit sa akin ni Catt.

Naramdaman ko ang mahinang pagtapik niya sa akin braso. Nang sulyapan ko siya ay nagbabadya na rin tumulo ang kanyang luha.

"I want to spend my time with her. Gusto ko pa siya makasama kahit sa panaginip man lang," lumuluha kong sambit sa kanya.

Hindi ko na mabilang kung ilang araw na ang lumipas. O baka nga ilang linggo na ang nakalipas simula ang away na nangyari sa bahay. Hindi ko na rin naalagaan ang aking sarili dahil hindi ko kaya.

Ako ang may kasalanan sa lahat kaya tatanggapin ko ang magiging resulta nito. Parehas kami ni Delaihla na nasaktan pero alam kong mas lamang sa kanya, dahil siya ang ina ni Aksana.

"Aksana," dinig kong wika ni Catt. Sinulyapan ko siya dahil do'n. "Do you know what's meant by her name, Kuya? I was just curious why Daisy chose that name for your daughter," mahinahon niyang sambit sa akin. "I went to Google and searched for it. And do you know what's the meaning of Aksana's name?" she asked.

"What?" tanong ko.

Tumulo na ang kanyang luha bago pa sabihin ang sagot nito.

"It means, one who gives glory to God or a gift of God," sagot niya at hindi na napigilan na lumuha sa aking harapan. "She's like an angel sent from above."

Panibagong luha na naman ang tumulo pababa sa aking pisngi at dahan dahang tumango. "That name suits her very well."

Lalong sumikip ang aking dibdib dahil doon, what did I just do? Our angel are now gone. An angel sent from above? mapait akong ngumiti at tumango ng parang baliw. Bagay na bagay sa kanya ang pangalan na 'yon. Kahit na sutil ito minsan ay ayos lang sa akin.

Lumipas ng ilang araw sinubukan kong kausapin si Delaihla pero ang hirap dahil ang kanyang tatay ay nakabantay. Malaki ang galit nito sa akin at naiintindihan ko 'yon.

Kahit sino magagalit kapag may namatayan sa kanila. Gusto ko lang kausap ito tungkol kay Aksana pero wala, ayaw niya parin.

"LUMAYAS kana rito, Dominic."

"Dad!" dinig kong sigaw ni Cattalina.

A week has passed and I'm still not okay. Tuwing natutulog ako ay naririnig ko ang boses ni Aksana sa apat na sulok nitong kwarto ko.

"Leaving, aalis ka?" dinig kong tanong ni Aksana. nakadapa siya sa kama habang nakangiting nakatingin sa akin. nakatukod ang dalawang palad nito sa kanyang baba. "Bakit ka aalis? Iiwan mo ako rito kung gano'n. Kapag aalis ka wala ka ng ibang titirhan. Kawawa ka no'n."

I chuckled and brushed his curly red hair. She's still calling me Leaving, even though she already knew that I'm her father.

"I don't know," I whispered.

Mabibigat ang talukap ng aking mata habang nakatingin sa kanya. Hindi mabura ang ngiti sa aking labi habang nakatingin pa rin sa aking anak. Umalingawngaw sa aking isipan ang bumingisngis niya dahil nakililiti ito sa pagsuklay ko sa kanyang buhok.

So beautiful, just like her mother.

"Lumayas kana rito, Dominic at huwag ka ng babalik."

Napakurap ako ng maramdaman na may binato sa akin. Napatingin ako kung sino nag bato no'n at ng sulyapan ko ang pwesto ni Aksana ay nataranta ako ng bigla itong nawala ng parang bula.

"Aksana?" napatayo ako at hinanap siya sa sulok ng aking kwarto. "Where's Aksana?" nanubig ang aking mata dahil hindi ko siya nakikita.

"Kuya Dom?" kinakabahang sambit ni Cattalina.

Bumilis ang tibok ng aking puso at lalong bumigat ang aking naramdaman dahil hindi ko na nakikita si Aksana!

Where the hell is my daughter!?

Matalim ang aking titig na tinignan ang ama ko at sinugod ito. Hinawakan ko ang kanyang kuwelyo habang galit itong tinignan.

"Kuya! What are you doing!" sigaw ni Catt.

"What did you do?!" sigaw ko sa kanya. "I can't find my daughter!" I yelled.

Sumama ang hitsura ni dad at malakas na tinanggal ang aking kamay na nasa kuwelyo nito. Agad akong sumalampak sa sahig ng maramdaman ang kamao niya sa aking mukha.

Walang tigil ang aking luha sa pagtulo at hindi bumangon sa pagkakahiga sa sahig. Paulit ulit na pumapasok sa aking isipan si Aksana. Hindi ko na rin pinansin ang pagtulo ng dugo pababa sa aking ilong.

"Give me back my daughter, dad," I whispered while sobbing. "Pinaalis mo si Aksana. We're just talking a while ago and now she's gone!"

"My baby is gone. Bring back my baby! Pinaalis mo si Aksana!"

May binato siya sa akin at binalewala ko lang 'yon. Patuloy parin ako sa pag iyak dahil sa aking anak.

"Get out of here! Nababaliw kana!"

WALLET AT KOTSE lang ang naiwan sa akin ngayon. Ilang weeks na ang nakalipas simula noong pinalayas ako ni dad sa bahay.

Hindi ko rin naman magamit ang kotse dahil ang pera na meron sa akin ay tinitipid ko, lalo na ang ipon ko sa banko ay hindi nagalaw dahil sa hindi malamang dahilan.

Pero alam kong si dad ang may gawa no'n kung bakit hindi ako maka withdraw.

Matamlay akong umiinom ng beer habang naka upo sa sidewalk. Sinundan ko ng tingin si Catt na naglalakad papunta sa akin habang may bitbit ng pagkain. Malakas ang ihip ng hangin at mga tunog ng dumadaang kotse sa kalsada ang naririnig ko.

"Stop drinking na kuya. Kumain ka muna nito. Tumakas lang ako kay dad kasi baka magalit din siya sa akin kapag malaman niya na tinutulungan kita," naaawa niyang usal sa akin. "Ang alam niya bibisitahin ko lang saglit yung flower shop."

I nodded. "Thank you, Cattalina."

Nilagok ko ang beer at tinapon sa basurahan. Nahihilo na rin ako pero binalewala ko 'yon. Mas mainam pa ito para hindi ko maramdaman ang sakit. Hindi ko kinakaya ang sakit na nararamdaman ko sa tuwing naaalala ko si Aksana.

"Puwede ka naman sa condo ko tumira, kuya. I can't stand seeing you like a homeless person," biglang wika ni Catt. "Where's your car?" tanong nito sa akin.

Tinuro ko ang bandang dulo nitong pwesto namin. Doon pansamantala nakapark ang kotse ko. May nakilala kasi akong binatilyo roon na nagbabantay araw araw ng mga kotse kaya sakanya ko muna iniwan ang kotse ko.

"Let's go. You need to wash yourself and shave that beard. Ang baho baho mo na rin!" giit nito sa akin.

Wala na akong nagawa kundi sundin ito. Hindi ko pa kayang makipagtalo, makipagsagutan, o kung ano pang dahilan para maging resulta ng pag-aaway.

Parang mawawala ako sa katinuan dahil simula no'ng pinalayas ako ni dad ay hindi na nagpapakita sa akin si Aksana, at 'yon ang hindi ko nagugustuhan. Siya ang nagdrive ng kotse at umalis na kami.

Nakarating kami agad sa condo unit ni Catt. Malinis at maliit lang ito pero ayos na dahil ako naman ang titira. Iniwan niya rin ako ng makitang ayos na ang aking itsura dahil may aasikasuhin pa siya sa shop.

Bukod sa nakapagligo na ay binagsak ko ang aking katawan sa kama at tulala sa kawalan.

"Aksana..." I whispered. "Where are you."

Unti unting bumigat ang talukap ng aking mata dahil sa pagod. Nilamon agad ako ng kadilim at nakatulog.

"Leaving."

I quickly opened my eyes when I heard something. Isang tao lang ang tumatawag sa akin ng gano'n at si Aksana 'yon.

"Aksana!" sigaw ko at napabangon.

Itim ang kapaligiran at kaming dalawa lang ng anak ko ang nandito. Ang inosente niyang mukha ay nakatingin sa akin. Naka puting dress ito at nakaindian seat.

"Hi, leaving!" nakangiti niyang bati sa akin.

"My baby. Aksana," garalgal ang aking boses ng tawagin ko ito.

Umalingawngaw ang hagikhik nito at tumayo. Nagulat ako ng tumalon siya papunta sa aking pwesto at niyakap ako ng mahigpit.

"Papa ko," mahina niyang wika.

I nodded. "Yes? I'm your papa," Lumuluha kong wika.

Kahit pagod ay nagawa ko parin ngumiti basta kasama ko siya.

"Bakit malungkot ka pa rin, papa?" malungkot na tanong ni Aksana. "Parehas kayo ni Fria na palaging umiiyak kapag nakikita ako. Hindi ba dapat masaya kayo kasi kasama ko ulit kayo?" inosente niyang sabi sa akin.

"I'm happy and sad at the same time, Axe," I cried. "Masaya ako kasi nakita ulit kita at malungkot din dahil sa mga nagawa ko sa 'yo, sainyo ng mama mo," paliwanag ko sa kanya.

Umangat ang tingin ni Aksana sa akin. Ang kanyang maliit na daliri ay pinunas sa aking luha na walang tigil sa pagtulo pababa sa pisngi.

"Leaving, hindi mo naman kasalanan kung bakit ako namatay," malungkot na sambit ni Aksana. Nakikita ko na rin ang kanyang luha na unti unting namumuo sa kanyang mata.

Panibagong luha na naman ang tumulo pababa sa aking pisngi. Ilang beses akong umiling at nagmumukhang baliw na sa kanyang harapan.

"It's my fault, Axe. Kasalanan ko kung bakit ka namatay. And I'm really sorry for that. Nagsisisi na ako ngayon. Nalaman ko lang na anak kita kung kailan wala na kana," humihikbi kong wika.

Niyakap ko siya ng mahigpit at gano'n din siya. Napabitaw lang ako ng kumawala lang ito sa aking bisig.

"Leaving, hindi mo talaga kasalanan kung bakit ako namatay," mahina niyang wika sa akin. Pinunasan ko ang luha niyang nagsisimula ng tumulo. "Mahirap magkasakit sa puso, leaving. Ang totoo niyan ay nagpapanggap na lang ako na okay kahit hindi na kasi nakikita ko na nahihirapan na si Fria para lang gumaling ako," pagpapaliwanag nito sa akin.

"Lumala siya no'ng hinika ako nung family day natin," pagkukwento nito. "At nung isusugod na ako sa ospital sinubukan ko pa rin labanan, Leaving," mahina na ang kanyang boses. "Pero hindi ko na talaga kaya kasi masakit na yung dito ko," tinuro niya ang parte kung nasaan ang aking puso.

Sumikip ang dibdib ko sa sinabi nito. Mapait akong ngumiti sa kanya at hinalikan ang kanyang noo ng maraming beses.

"Gusto ko lang din sana makita ka sa huling pagkakataon kaso hindi ko na kaya. Nahihirapan na akong huminga, leaving," pagtutuloy nito.

Napapikit na lang ako at hinigpitan ang aking yakap sa kanya.

"I'm sorry, anak," umiiyak kong sambit. "I'm really sorry. I hope you'll forgive me. I'm really sorry, Aksana."

"Leaving hindi nga ikaw may kasalanan!" maldita nitong wika sa akin. "Gusto ko lang maging maayos na kayo ni mama. 'Yon lang talaga ang gusto ko, papa," naging malambing ang kanyang boses habang malungkot ang ekspresyon ng kanyang mukha.

Hindi na ako nakasagot sa kanyang sinabi at dinamdam lang ang init ng yakap niya sa akin.

Inabot pa yata kami ng matagal sa gano'n posisyon hanggang sa muli na naman dumilim ang aking paningin.

Ilang araw na lumipas nanatili akong nakakulong sa condo unit ni Catt. Nakahawak ako ngayon sa aking ulo.

"Stop!" nababaliw kong sigaw.

"Gusto ko lang din sana makita ka sa huling pagkakataon kaso hindi ko na kaya. Nahihirapan na akong huminga, Leaving."

paulit ulit 'yong tumatakbo sa aking isipan. Kahit nahihilo ay nagtungo ako sa banyo, nakailang bote ako ng beer at halos umikot na ang aking paningin dahil do'n.

"Gusto ko lang din sana makita ka sa huling pagkakataon kaso hindi ko na kaya."

"Please, I'm begging you to stop!" I yell. Umaalingawngaw ang malungkot na boses ni Aksana sa isip ko.

"Nahihirapan na akong huminga, Leaving."

"I said stop!"

Napahingal ako ng makitang basag ang salamin malapit sa lababo nitong banyo. Mabilis ang aking paghinga habang walang tigil sa pagtulo ang aking luha. Bumaba ang aking tingin sa kamao ko na ngayon ay punong puno ng bubog at dugo dahil sa pagsuntok ko ro'n.

Magulo ang aking buhok, mahaba na naman ang balbas. at higit sa lahat nangingitim ang ilalim ng aking mata.

"It's my fault. It's my fault," paulit ulit kong bulong sa sarili.

"At nung isusugod na ako sa ospital sinubukan ko pa rin labanan, Leaving."

Muli akong napapikit at hinawakan ang aking ulo. I know it's my fucking fault! there's no need to rub it in my face!

"Nahihirapan na akong huminga, Leaving."

Mabilis pa rin ang aking paghinga habang tulala na nakatingin sa mga malaking bubog ng salamin na nasalo ng puting lababo.

"This will end everything," I whispered. Nanginginig ang kamay na kinuha ko ang malaking tipak ng salamin. Kahit nanlalabo ang aking mata ay hindi ko 'yon pinunasan.

"I'm sorry, Aksana. I'm sorry, my baby girl. Hindi ko pa rin tanggap. It's so hard to accept that you're now gone," humihikbi kong sambit. at dahan dahang pinunta sa kaliwa kong pulsahan ang bubog ng salamin handa na akong sugatan 'yon ng may maramdaman na humahampas sa aking hita.

"Anong gagawin mo! Anong ginagawa mo, leaving!"

Nabitawan ko ang hawak kong bubog ng makita si Aksana sa aking gilid. Walang tigil sa pagtulo ang kanyang luha habang patuloy parin ang hampas sa aking hita.

"Bakit mo gagawin 'yan! Iiwan mo si fria?! Iiwan mo si mama?! Wala na siyang kasama pag tumanda, Leaving!" pumalahaw ng iyak si Aksana habang hinahampas ang hita ko. "Sa tingin mo matutuwa siya kapag nalaman niya na wala kana! Alam ko na 'yang gagawin mo! bakit ka magpapakamatay, leaving!? Huwag mong iwan si mama!"

Napaluhod ako sa kanyang harapan at niyakap siya ng mahigpit. Napuno ng iyak ang buong banyo habang magkayakap kaming dalawa.

"Hinding hindi kita mapapatawad pag nawala ka, Leaving. Huwag mong iwan si mama, please," humihikbing wika ni Aksana sa akin. "Gusto mo ba siyang lalong malungkot? Sobra na siyang nasaktan ng nawala ako pa'no pa kaya kapag sumunod ka! huwag mong iwan si mama, papa!" humahagulgol na usal ni Aksana.

"I'm sorry, Aksana. I will not do it. Hindi ko na gagawin 'yon. I'm sorry for everything. Sorry sa lahat lahat, Aksana," humahagulgol kong usal sa kanya.

"Huwag mo ng uulitin 'yon, Leaving!" paguulit niya.

tumango ako. "Opo, hindi na po mauulit. I love you, Aksana. I'm sorry for everything, my baby girl."

"I love you too, papa. Love na love ko kayo ni mama," mahina niyang wika habang humihikbi.

"I love you most—"

"Kuya! What the hell is this?!"

Sa isang kurap lang ay nawala si Aksana ng marinig ko ang boses ni Catt. Nanlalaki ang kanyang mata habang nakatingin sa hawak kong bubog ng salamin. Tumutulo na pala ang dugo sa aking palad dahil mahigpit ang hawak ko ro'n.

"Let's go to hospital!" sigaw nito at hinila ako patayo.

"HE HAS CLINICAL depression with bereavement hallucinations. Base rin sa kuwento mo ay namatay ang anak niya am I right?" dinig kong wika ng doctor.

"Yes, doc," tugon ni Catt.

Nanatili akong nakatingin sa malaking bintana nitong opisina ng doctor at nakikinig na lang sa kanilang sinasabi.

"Some people might experience this kind of hallucination. It's like sensing the presence of someone who has died. This kind of hallucination is usually defined as a perceptual experience of something that is not really there," pagpapaliwanag ng doctor. "Magbibigay na lang ako ng reseta para sa kanya."

"Okay po, doc. Thank you in advance."

Ang dami pang sinabi ng doctor pero binalewala ko na lang 'yon. Lumipas ang ilang araw at umabot na ng weeks, sinunod ko ang dapat gawin sa pag inom ng gamot dahil binabantayan din ako ni Catt. Tuloy tuloy ang pag inom pero hindi ko na nakikita si Aksana.

Nababaliw ako kapag hindi ko nakikita ang anak ko. Para akong masisiraan ng ulo. Gusto ko ng itigil ang pag-inom ng gamot pero wala akong takas kay Cattalina.

"AALIS SI Daisy ngayon!"

Umangat ang aking tingin ng marinig ang boses ni Catt. Hinihingal ito ng mabuksan niya ang pintuan nitong condo unit.

Napatayo ako at muntik pang masubsob. "Where is she going?"

"In Canada!" sigaw niya ng makalapit sa akin.

Kinwento niya sa akin ang paguusap nilang dalawa ni Cattalina. Pupunta siya ng Canada dahil tungkol ito sa trabaho. Pinahiram niya ako ng pera pambili ng ticket at bayaran ko na lang daw kapag puwede na raw ako makapagwithdraw sa banko ko.

Nabanggit din sa akin ni Catt kung saan sila tumutuloy ng kanyang kapatid kaya alam ko kung nasaan sila ngayon. Tumagal sila ng isang taon kaya gano'n din ako. Hindi ako umuwi hangga't hindi siya bumalik sa Pinas.

"Filipina?" tanong ko sa kanya ng maupo sa kanyang tabi.

Dahan dahan siyang tumango. "Ikaw? Filipino?"

Tumango ako at sumandal sa aking kinauupuan.

"Ahh," dinig kong tugon nito.

Pinigilan ko ang aking sarili na huwag siyang yakapin ng mahigpit dahil alam kong mabibigla ito. At alam kong hindi niya parin ako napapatawad.

"Gaano kana pala katagal dito sa Canada?" bigla niyang tanong.

"Isang taon na yata," sagot ko.

"Parehas lang pala tayo," aniya.

Mahina akong natawa. "Oo."

"Delaihla nga pala. Anong pangalan mo?"

Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang gustong makipag-shake hands sa akin.

"I'm—"

"Delaihla, who's this?"

Nang marinig ang boses ng kanyang kuya na naglalakad papalapit sa kanya at tumayo na ako at naglakad papalayo.

Diretso na ang aking lakad at hindi na sila nilingon pa. Dumaan ng ilang araw ay gano'n pa rin naman ang aking ginagawa. Binabantay sa tuwing aalis si Delaihla kahit na alam ko na kaya naman niya ang kanyang sarili

Isang maliit na apartment lang ang nirerentahan ko rito malapit sa kanila. Habang naglalakad ay napatingin ako sa gilid ng may nakitang flower shop. Pumasok ako at bumili ng isang tangkay ng rosas na kulay pula.

Nagtungo ako sa tinitirhan ni Delaihla at ilalagay na lang ito sa labas ng kanilang pintuan. Kumunot ang aking noo ng makita na may itim na usok na lumalabas sa butas ng pintuan.

What's happening? Bumilis ang tibok ng aking puso sa hindi malamang dahilan. Sinubukan kong pihitin ang doorknob pero nakalock. Binundol ng kaba ang aking dibdib, bumwelo ako at malakas na sinipa ang pintuan.

Nanlaki ang aking mata ng makita si Dehlaiha na nakahandusay sa lapag, nanghihina at nahihirapan huminga dahil sa makapal na usok na nakabalot sa sala.

"Fuck!" kinakabahan kong mura.

Nakita ko ang pagsulyap nito sa akin. Mabuti na lang at nakafacemask ako na itim, habang ang mahaba kong buhok ay nakatali pero kapansin pansin parin na mahaba 'yon.

Binuhat ko siya at tinakbo palabas. Nang makalabas ay nakita ko ang mga bumbero na pasugod sa tinitirhan nila kasunod ang kanyang kuya na kumaripas ng takbo papunta sa aking pwesto.

Binigay ko agad sa kanya si Delaihla na walang malay at umalis na.

"Hey! come back here!" dinig kong sigaw ni Stefano.

NANG MAKABALIK SA PINAS ay naghanap agad ako ng trabaho rito. Hindi pa rin ako nakakapagwithdraw sa banko. Dahil bukod sa pera na binibigay sa akin ni Cattalina ay gusto ko yung pinaghirapan ko.

Ngayon ang birthday ni Delaihla at nalaman ko rin na pupunta siya lugar kung saan kami palagi pumupunta no'ng kami pa.

Nag-usap kami hanggang nauwi na naman sa away.

"I still love you, Delaihla. I still do," I cried, while hugging her.

Kumalas ako sa pagkakayakap at pinulot ang pagkain na nasa sahig. Naramdaman ko ang presensya niya na lumapit sa akin kaya napatingin ako sa kanya.

"Ako na bahala rito. Huwag mo ng sipain," mahina kong wika sa kanya.

"Itigil mo 'yan," mahina niyang wika pero hindi ko 'yon pinansin. "Itigil mo sabi 'yan!"

Awtomatiko na tinigil ko ang aking ginagawa at muling naupo sa pwesto ko kanina. Namayani ang katahimikan at wala ni isang nagsalita sa amin.

"I'm sorry... again," I whispered. Nagsalubong ang aming tingin ng tignan ko ito.

Tumayo ako at nilapitan siya ng makita ang luha na tumutulo pababa sa kanyang pisngi. Muling nanlabo ang aking mata dahil sa panibagong luha na gustong kumawala. Pinunasan niya ang kanyang luha at tinignan ako sa mata.

"Sinubukan kitang kalimutan, pero mismong puso ko ayaw ka kalimutan," humihikbi niyang sambit. "Kung makakalimutan kita, saglit lang 'yon. Mismong utak at puso ko ang gumagawa ng paraan para maalala ka."

Sumikip ang aking dibdib sa sinabi nito. Hindi ko alam pero parang may sariling utak ang aking braso at niyakap ko ito.

"Pati si Aksana hindi ako pinapatulog kapag tungkol sayo. Minsan ay ikaw ang bukambibig niya kapag nakikita ko siya."

Walang tigil sa pagtulo ang aking luha. Parehas parin kaming nasasaktan. Parehas din kaming binibisita ng anak namin sa panaginip.

"I'm sorry, Delaihla. Shush... it's mine. It's my fault," I whispered. Umangat ang aking kamay at sinuklay ang buhok nitong kulot.

Kinuyom ko ang aking kamao ng makita maramdaman ang pag ganti nito ng yakap sa akin. Sinubsob ko ang aking sarili sa kanyang leeg at lumuha roon.

Nagtagal kami sa gano'n posisyon at natigil lang ng biglang nag alarm ang sout kong digital watch.

"What's that?" she asked.

Bumaba ang tingin ko sa relo at muli siyang sinulyapan.

"I forgot to turn off this alarm," sagot ko.

"Para saan ba 'yan?" tanong nito. Nanatili kaming nakatayo at paminsan minsan ay sinusulyapan niya ang relo ko dahil tumutunog pa rin 'yon kaya ang ginawa ko pinatay ko muna 'yon.

Mapait akong ngumiti at hinaplos ang kanyang mukha.

"This alarm is a reminder that I need to take my anti-depressant pills. Nakalimutan ko na yung isa ko pang iniinom. I was diagnosed that I have a clinical depression and bereavement hallucinations. But i'm all good now, nakalimutan ko lang i-off ang alarm," pagpapaliwanag ko sa kanya.

Nakita ko na natigilan siya sa aking sinabi.

"Bereavement hallucinations?" mahina niyang tanong sa akin at parang nag iisip pa. "Because of Aksana?"

I nodded. "Y-yes," nasasaktan kong sagot. "Because of the guilt and everything i've done to all of you. And i'm really sorry for that, Delaihla," sambit ko at muling namasa ang aking mata.

Napatakip siya sa kanyang bibig at muling naiyak. Kaya ang kinalabasan ay parehas na kaming lumuluha at napaupo na lang sa sahig. Habang yakap yakap siya ay parehas kaming lumuluha sa balikat ng isa't isa.

Pinunasan ko ang kanyang luha, ang laki ng butil ng luha nito at walang tigil sa pag tulo. Pinunasan ko rin ang luha ko at natigil ng may makitang pamilyar na puting dress sa hindi kalayuan.

Isang pamilyar na hagikhik ang aking narinig. Nakatakip ang dalawang palad ni Aksana habang nakatingin sa amin. Parang kinikilig sa aming dalawa ni Delaihla.

Umangat ang kanyang maliit na kamay at umakto ng okay sa aking harapan.

"Goodjob, Leaving! Bye, love na love ko kayo ni mama! I love you, papa ko."

Tipid ko itong tinanguan na may ngiti sa labi kahit na nanlalabo ang aking mata dahil sa luha. at sa pag kurap ko kasabay ng pagtulo ng aking luha ay nawala na siya sa aking paningin.

I love you too, my baby. My only daughter. I promise that I will do better now. I promise I will treat your mom better because I know she deserves it.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top