SPECIAL CHAPTER: GENDER REVEAL
SPECIAL CHAPTER: GENDER REVEAL
NAPATINGIN AKO kay Stefano ng makitang naglalakad papunta sa aking pwesto. Naglalagay sila ng mga gamit namin sa van na sasakyan namin.
We're having a vacation at my father's friend's resort.
Tutulong na sana ako kaso hindi nila ako pinayagan dahil buntis ako. Limang buwan na ang tyan ko at sobrang laki na niya. Nakangiting hinimas ko 'yon.
"Delaihla," pag-tawag niya sa'king ngalan.
"Hmm? Aalis na ba?" tanong ko.
He nodded. "Yes. Tara na—oh, nandito na yung asawa mo."
Umalis na siya kaagad at tinanguan si Dominic. Tumayo na ako at nilapitan siya. Malambing itong ngumiti sa akin at mabilis na hinalikan ang aking labi.
"Are you okay?" he asked.
"Oo," nakangiti kong tugon.
Ngayon ko lang nakuha yung ultrasound ko para sa magiging gender ng babies namin ni Dominic—babies, we're having a twins! Gusto ko i-announce mamaya sa kanila yung result at super excited ako.
"Ano raw gender? Alam mo ba?" tanong niya habang sabay kaming naglakad palabas ng bahay.
I nodded. "Yeah."
Tumingin siya sa akin. "Ano?"
"Secret. Saka na, Dom. Sasabihin ko mamaya kapag kasama na natin silang lahat para mas maganda," tugon ko.
He took a deep breath. Pinagsaklop niya ang kamay naming dalawa. Nang makalabas kami sa gate ng bahay ay nakabukas ang pintuan ng van at kami na lang ang hinihintay. Nakaupo si Papa sa passenger seat at sa unang row ay bakante habang ang pangalawang row ay okyupado na ni Stefano at Stephanie. Inalalayan ako ni Dominic hanggang makaupo sa tabi ng bintana at sumunod na siya.
"Hindi sumama yung mama mo Stephanie?" tanong ko at sinilip siya.
"Ayaw niya kasi wala raw mag babantay sa sari sari store niya," tugon nito habang naglalagay ng lipstick sa labi nito ang kaso lumagpas ng banggain ni Stefano ang braso niya.
Mahina akong natawa ng makitang natigilan siya dahil doon.
"Anak ng. . ." mahinang bulong ni Stephanie.
"Sorry..."
Tinalikuran ko na siya ng marinig na sunod sunod na pagtatalak ni Stephanie kay Stefano. Humilig ako sa balikat ni Dominic at namayani ang katahimikan sa buong byahe. . . Hindi pala dahil hanggang ngayon ay binubungangaan ni Stephanie ang kapatid ko.
Dahil din kay Papa ay nakapagpatayo ng malaking sari sari store sila Stephanie. Umasenso na ang kanilang buhay at nagpapasalamat siya sa amin. Ginawa ko rin naman 'yon dahil isa rin siya sa mga tao na nasa tabi ko noong mga araw na nahihirapan na ako sa mga problema ko kaya yung ginawa namin ay bilang pasasalamat na lang din.
Medyo mahaba haba ang byahe kaya nakaidlip ako sa balikat ni Dominic. Nagising na lang ako ng nakaunan na ako sa kanyang hita. Napansin ko rin na nakapark sa gilid ang van at nakabukas ang bintana at pintuan.
"Nasaan tayo?" mahina kong tanong at bumangon.
"Nag-stop over muna saglit kasi naiihi na raw si Dad 'tsaka sumunod na rin yung iba para bumili ng makakain," tugon niya habang hinahaplos ang buhok ko.
Bumaba ang kamay niya sa bilugan kong tyan at hinimas 'yon. Doon nakatuon ang pansin niya ng ilang minuto bago umangat ng tingin sa akin.
"I'm just wondering. . . Our baby is five months right?" tanong nito.
"Yeah. Why?"
"Your belly is huge for a one baby. Hindi mo pa nga kabuwanan ang laki na niya. Sure ka ba na walang abnormalities yung baby natin?" tanong nito.
I laughed very hard. Hindi ko na makontrol ang tawa ko dahil sa sinabi nito. Napahawak ako sa kanyang balikat habang tumatawa parin. Puno ng pagtataka ang mukha nito dahil sa naging reaksyon ko.
"Hey, stop laughing," pag-awat nito sa akin.
Pinunasan ko ang luha ko at napapailing na tinignan siya. "Walang mali sa magiging anak natin. Don't worry. It's healthy."
"Are you sure?" paninigurado nito.
I nodded. "I'm pretty sure," malambing kong wika at hinalikan ang kanyang labi.
Napabugtong hininga siya at sumandal sa kinauupuan nito.
"Nagugutom na ako, Dom," I whispered.
"Paparating na sila. Wait na lang tayo ng konti, okay?" malambing ang tono nito at hinalikan ang aking noo. "I can see them. Ayan na."
Nang makarating na sila ay bumalik na ito sa kanilang mga upuan at sinarado na ang pintuan ng van. Si Dominic na ang nagsara ng bintana na nakabukas.
"Delaihla, anak. Bumili ako nung shawarma na nasa pita bread ayaw mo kasi nung may sibuyas tsaka yung gulay kaya pina-all meat ko na lang, okay na ba 'yon?" tanong ni Papa habang tinitignan ang mga pinamili nito sa brown na paper bag.
I smiled. "Okay na po 'yan 'pa. Thank you."
Ngumiti rin siya sa akin at binigay kay Dominic ang binili niya. Dalawa 'yon at tig-isa kami. Boses lang ni Stephanie ang naririnig ko habang kumakain kami. Kumain na kami at tuloy ang pag-byahe.
"Gusto mo pa?" tanong ni Dominic.
Umiling ako at sumandal sa'king kinauupuan. Siya muna ang nagasikaso sa akin. Sa paglilinis ng mga kalat.
"Delaihla, anak. May mga dumating na package roon sa bahay. May nag-text sa akin," wika ni Papa.
Napatingin ako sa kanya at kay Dominic.
"Wala akong maalala na may package na parating," tugon ko at pinakatitigan si Dominic. "May inorder ka?"
He nodded and smiled at me. Sinuklay niya ang buhok ko at pinasandal sa kanyang balikat.
"It's just a maternity dress and cotton underwear," tugon nito.
"Oh... thank you," mahina kong wika at nilingon si Papa.
Ningitian ko siya at tango lang ang naitugon nito ng marinig ang sinabi ni Dominic.
"That's good. Nag-order din ako ng mga dress para sa 'yo. 'tsaka yung mga unisex na damit para sa newborn baby," wika nito na ikinangiti ko.
"Dad, Ikaw pa yung excited sa mag-asawa," pagsingit ni Stefano.
Mahinang natawa si Stephanie at ako dahil doon. Napailing na lang si Papa at tumingin na lang sa kalsada habang nagmamaneho ang bodyguard nito. Meron din nakasunod na isang sasakyan at puro mga bodyguard ni Papa 'yon. Mas mahalaga daw ang safety ko kaya ginawa niya 'yon.
"It's okay, 'Pa. Hindi na kami bibili kasi nakabili kana ng damit. Don't mind them, inaasar ka lang nila."
Tuluyan ng natawa sila Stephanie at Stefano kaya matalim ko silang tinignan. Doon ay nanahimik sila. Si Dominic ay hinihimas ang balikat ko.
"Stop na nga high blood na si buntis," pang-aasar ni Stephanie.
Natawa lang si Stefano at ginatungan ang pang-aasar sa akin ni Stephanie.
"May gender reveal mamayang gabi gaganapin sa villa namin ni Dominic. Pumunta na lang kayo."
"What!?"
"Really?"
"I don't even know we're having a gender reveal."
Napatingin ako sa kanila at natawa rin. Wala talaga silang alam dahil gusto ko na sila ang masurpresa at hindi ako. Naiyak pa ako sa hospital ng malaman ang gender ng anak namin. Dumiretso ako sa simbahan no'n para magdasal at magpasalamat. Sobrang saya ko dahil doon.
"I'm sorry. Gusto ko na kayo ang masurpresa imbis na ako," natatawa kong wika.
Parehas silang lahat na tulala sa sinabi ko. Halatang 'di makapaniwala sa sinabi ko bukod kay Stefano. Alam na kasi niya na may gender reveal na magaganap.
Namayani ang katahimikan sa buong van. Umismid ako at natulog na lang sa balikat ni Dominic na hanggang ngayon ay nabigla sa sinabi ko.
Nagising na lang ako na nakahiga sa queen size bed habang nakayakap kay Dominic. Hindi ko alam na nakarating na pala kami sa resort. May malaking glass door sa gilid at sa labas no'n ay view ng dagat. Puting puti ang buhangin at tirik na tirik ang araw. Gusto ko sanang lumabas at maramdaman ang buhangin sa paa ko kaso huwag na lang dahil masakit sa balat ang sikat ng araw.
Bumangon ako at naupo sa pangisahang sofa habang nakatanaw parin sa labas. Mukhang mga bandang hapon pa kami makakagala dahil alam kong nagpapahinga ang iba dahil sa byahe. Maliban na lang siguro kung may energy pa silang natitira sa katawan nila.
"Delaihla. Gising kana pala."
Napalingon ako ng marinig ang boses ni Dominic. Nakasandal siya sa headboard ng kama habang nakatingin sa akin. Magulo ang buhok nito at nakatopless siya.
"I already ordered a food that you always wanted," wika nito at bumaba sa kama.
Naglakad siya papunta sa akin at tumayo lang sa gilid ko.
"'Di ko napansin 'yon, ah."
He laughed softly. "Because I texted them."
"Hmm," Tumatango kong tugon.
"Are you getting excited? For the gender reveal?" I asked while looking at the beach.
Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking pisngi.
"Of course. Sinong hindi maiiexcited sa i-a-announce mo mamayang gabi?"
Napangiti na lang ako dahil doon. Muling namayani ang katahimik at walang nagsalita ni isa sa aming dalawa. Naupo siya sa armrest at sabay naming pinanood ang dagat. Walang masyadong alon at kalmado lang siya. Sumandal ako sa kanyang braso.
"I know she will very like it being here if she's still alive," I whispered while smiling.
Nang tignan ko siya ay kusang naglaho ang ngiti ko. Namumula ang mata nito at ang nga luha niya ay nagbabadyang tumulo. Tipid lang itong ngumiti sa akin at hinaplos ang pisngi ko. Hinalikan niya ang noo ko at niyakap.
"I love you so much, Delaihla," he whispered. "I'm sorry. . ."
Niyakap ko siya at nagtagal kami ng ilang segundo sa ganoong posisyon. Ako na ang unang umalis at parehas na kinulong ang magkabilaang pisngi niya sa aking palad.
"S-stop blaming yourself, Dom. It's just. . . It's."
"See? Kahit ikaw hindi mo alam kung anong sasabihin mo kasi alam natin sa isa't-isa na ako may kasalanan kung bakit siya namatay," paliwanag nito habang nakatingin sa aking mga mata.
Pinunasan ko ang kanyang luha at mabilis na hinalikan ang kanyang labi. Sinuklay ko ang aking daliri sa kanyang buhok para kumalma ito kahit papaano.
"Matagal na niyang iniinda ang sakit niya, Dom. Siya na kusang sumuko kahit gusto kong lumaban pa siya para sa akin. . . Para sa 'ting lahat na nagmamahal sa kanya," wika ko at umiling sa kanya. "Pero siya na ang bumitaw. . . Alam kong pagod na siya kahit hindi niya sabihin sa akin," ani ko at ningitian siya. Pinunasan ko ang aking luha pati na rin ang sa kanya.
"Salamat sa 'yo kasi pinaranas mo sa kanya kung ano ang pagmamahal ng isang tatay kahit kuya dom ang tawag niya sa 'yo noong mag-boyfriend pa lang tayo," I whispered. "Ang gagawin na lang natin ay tanggapin ang pagkawala niya kahit masakit sa damdamin natin."
Parehas na kami ngayon na umiiyak. Pinakalma namin ang isa't isa at sakto no'n ay dumating ang nagbibigay ng pagkain sa amin dito. Magiliw kaming kumain at minsan ay nagsusubuan pa.
"I'm just thinking if you already had a names for the baby?" tanong ko sa kanya.
He nodded. "Yeah. Aceliana Yia Suarez, kung babae tapos dalawa naman yung naisip ko kung lalake, Langston Olva Suarez or Westin Nate Suarez. Sa tingin mo saan mas maganda? Ikaw na lang bahala mamili. Kung wala kang nagustuhan ikaw na lang din mag-isip."
Mahina akong natawa at uminom ako sa mango shake. Napatingin siya sa akin dahil doon. Nagtataka ang kanyang expresyon habang nakatingin sa akin.
"What?"
"Nothing."
"OKAY, ARE you ready, everyone!?" masaya kong wika.
Mabuti na lang at soundproof ang nakuha naming villa kaya pwede kaming mag-ingay. Hindi talaga maiiwasan ang ingay dahil sa amin.
Nakaready na ang malaking box at doon nakalagay ang dalawang lobo na kulay white. Baby number one at two ang nakalagay roon. At para sa gender ng magiging baby ay may dalawang archery target sa hindi kalayuan na may nakadikit na dalawang lobo na kulay itim at ang loob no'n ay kulay blue parehas.
Yes. We're having a babies and their gender is boy!
Ang gagamitin naming pana ay ang pana at palaso ni Aksana. Pinadala namin 'yon kasama ang mga gagamitin namin sa gender reveal.
"Gusto ko ng malaman! Buksan niyo na!" excited na wika ni Stephanie.
Nakaupo siya sa kama at hindi mapakali. Naka video 'yon sa kanyang cellphone. May naka bukod din na video na nakapatong sa tuktok ng headboard ng kama. Si Papa ang may gusto no'n dahil for remembrance raw.
Natawa ako sa sinabi niya at tinignan si Dominic. Nakangiti siyang nakatingin sa akin. Halatang kinakabahan ito.
"Relax," natatawa kong wika.
Nandito sa loob ang bodyguard ni Papa. Parehas na may dala din na regalo para sa anak namin ni Dominic. Excited din sila para sa amin. Si Stefano ay nakaupo sa tabi ni Papa habang hinihintay ang pagbukas sa box.
"Okay! Bubuksan na namin," nakangiti kong wika.
Nag-countdown muna kaming lahat.
"1!"
"2!"
Habang pinagmamasdan ko silang lahat ay hindi ko maiwasang hindi matuwa dahil sa nagiging reaksyon nilang lahat.
"3!"
Mahina akong natawa ng si Dominic na ang nagbukas ng box sa sobrang excited. Namayani ang katahimikan ng makita ang puting dalawang lobo ang lumabas.
"1 atsaka 2?" kunot noong tanong ni Stephanie.
Kahit sila ay nagtataka. Nilingon ko si Dominic at nakitang ganoon din ang kanyang reaksyon. Tulala siya habang nakatingin sa dalawang lobo na nakalutang.
"Kambal anak niyo!?" sigaw ni Stephanie.
"Yes!" I smiled.
Napuno ng hiyawan ang buong villa dahil doon. Napasigaw din tuloy si Papa dahil doon. Habang itong si Dominic ay hindi pa yata nakarecover sa nalaman niya. Mahina kong hinampas ang kanyang braso para bumalik sa katinuan.
"Kambal magiging anak natin, hey!" natatawa kong wika. "Wala pang gender kaya huminga ka muna."
Tawanan at asaran ang naririnig ko sa villa. Naglakad kami sa labas at binitbit ang palaso at pana ni Aksana. Dito na talaga malalaman ang kung anong magiging gender ng mga anak namin.
"This is it, Dom. Ikaw ang pumana niyang dalawang target, okay?" mahinahon kong wika. "Relax ka lang."
He nodded. Naglakad siya medyo papalapit sa target at hinanda ang sarili. Nakavideo parin 'yon at lahat ay nakatingin sa gagawin ni Dominic. Alam ko na kasi ang gender ng kambal kaya siya na ang pinagawa ko no'n.
At nang tumama ang palaso sa lobo na kulay itim ay isang asul na powder ang hinangin. Napatili si Stephanie ng makita 'yon.
"Omg! Lalake!" masayang wika ni Stephanie.
Mahina akong natawa at niyakap siya. Nilingon si Stefano at Papa. Halos mabanat na ang labi sa sobrang ngiti ng makita 'yon.
"Last one, Dom," nakangiti kong anas. "Relax."
Nanginginig kasi ang kamay nito. Kahit hindi siya nagsusumigaw sa tuwa alam kong halo halo na ang emosyon nito sa kaloob-looban niya. Nang tumama ang huling palaso ay kulay asul na powder parin ang lumabas kaya napuno ng hiyawan ang pwesto namin. Napatalon pa ang iba dahil sa saya.
"Omg! Parehas na lalake! Congrats!" natutuwang wika ni Stephanie.
Lumapit si Papa at ang kapatid ko. Sabay nila akong niyakap.
"Congrats..." parehas nilang saad.
"Thank you," tugon ko habang nakangiti.
"Congratulations po, Ma'am!" masayang wika ni bodyguard ni Papa.
"Salamat po!"
Nang lingunin ko si Dominic at nakatayo parin siya sa pwesto nito. Tinignan niya ng mabuti ang pana at tinignan ulit ang archery target na may bahid na asul na powder. Hinawakan ko ang kanyang balikat.
"Are you happy?" I asked.
Bumaba ang tingin niya sa akin at dahan dahang tumango. Doon tumulo ang kanyang luha at kinabig ako ng yakap. Mahina akong natawa at niyakap siya pabalik.
"I'm very happy, thank you for everything, Delaihla."
I laughed. Hinaplos ko ang kanyang likod. Naglambingan pa kaming dalawa bago lapitan ng iba para i-congratulate ulit dahil sa magiging kambal naming anak.
"Hindi rin naman sila mabubuo kung wala ka."
SHANGPU
*ੈ✩‧₊˚༺☆༻*ੈ✩‧₊˚
follow me or let's be friend on my facebook account:) para ma update kayo sa mga ganap ko sa pagsusulat.
facebook: Shangpu Stories
other social accounts:
threads: shangpu_
instagram: shangpu_
tiktok: shangpu_
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top