FINAL CHAPTER

FINAL CHAPTER

DOMINIC OIX SUAREZ

Humalukipkip ako habang naghihintay sa kaibigan ko. Where the hell is he? It's been 30 minutes. Nanatili akong nakatayo at hindi na naupo sa bakanteng upuan para makaupo ang mga batang naghihintay ng kanilang sundo. Sumandal ako sa pader saka bumaba ang tingin ko sa batang babae na tahimik lang na nakatitig sa kawalan.

Namangha ako nang mabaling ang atensyon ko sa makapal at pinong kulot niyang buhok. She's a redhead. Maliit ang kanyang mukha at natural na mapula ang kanyang pisngi. May mga pekas din siya at kakaiba rin ang kulay ng kanyang mga mata.

I fished for my phone in my pocket when it rang. I answered the call.

"Tito!" bungad ni Cazy, bunsong anak ni Cattalina. "I don't want that hairclip. Iba na lang pong design. Please. . . Pretty please."

Huminga ako nang malalim. "Okay."

Narinig ko ang impit niyang tili. "Thank you, uncle! I love you so much. You're the best uncle in the world!"

Napailing na lang ako saka humagikhik. "You're welcome, baby."

I slid my phone back in my pocket. Muli kong binalingan ng tingin ang batang babae. I remembered someone while staring at her. Natigilan ako nang biglang lumingon siya sa akin, masama ang tingin.

Bumwelo siya at tumayo pagkatapos ay nilapitan ako. Nakatingala siya sa akin. Hawak-hawak niya ang strap ng kanyang backpack.

"Ikaw! Kanina ka pa nakatingin sa akin, ah. Anong problema mo? Isusumbong kita sa guard! Ki-kidnap-in mo 'ko 'no?" maldita niyang bulalas.

Lumapit pa siya sa akin, nakipagkompetensya siya ng tingin. Kalaunan ay napakurap siya bago bumalik sa kanyang upuan, 'di pa rin naaalis ang tingin.

"You have beautiful hair," puri ko.

Kumunot ang noo nito. Mahina akong natawa. She crossed her arms, eyes narrowing down on me.

"Nasa Pilipinas tayo. 'Wag kang mag-English!" masungit niyang wika.

Natatawang kong ginulo ang kanyang buhok. Mas lalong sumama ang reaksyon niya. Tinabig niya ang aking kamay.

"Ano ba? Hindi tayo friends kaya huwag mong hawakan ang buhok ko!" naiinis niyang sabi. "Hawak nang hawak sa buhok, hindi naman kami close. Si Fria ba siya?" pagkausap niya sa kanyang sarili.

She's adorable. Kinuha ko ang maliit na box na naglalaman ng hairclip na dapat ay para kay Cazy. Nilahad ko 'yon sa kanya.

"I'm sorry for touching your hair without permission. Accept my sorry gift." Nakangiti kong inabot sa kanya ang kahon. "Are we good?"

Bumaba ang tingin niya roon kaya binuksan ko ang box. Nagningning ang mata niya nang makita ang laman no'n. Agad ding naglaho 'yon at tiningnan ako.

"Alam ko na 'to, eh. Tapos kapag tinanggap ko 'yang binigay mo, ki-kidnap-in mo ko. Hindi ko tatanggapin 'yan!" humalukipkip siya.

Natawa ako sa sinabi niya at kinuha ang hairclip. Bago pa siya makaangal ay naikabit ko na 'yon sa kanyang buhok. Binuhat ko siya at pinakita ang repleksyon niya sa kotse ko.

"Sa akin na 'to? Sure ka? Baka mamaya ipapasok mo na ako sa kotse mo—"

"Sa 'yo na nga 'yan," putol ko.

Ako ang napapagod dahil sa kadaldalan niya. I did not look away. I was still mesmerized by her hair.

"Ibaba mo na ako. Salamat dito, ah? Ang ganda!"

"You're welcome. What's your name—"

"Tita!" excited niyang hiyaw. Nilingon niya ako at kumaway. "Bye! Salamat sa binigay mo."

Napailing na lang ako at kumaway rin. Nang makaalis siya ay saktong dating din ng hinihintay ko. Namataan ko siyang lumabas ng convenience store.

"What took you so long?" I playfully punched his shoulder, vexed.

"Ang haba ng pila, anong magagawa ko?"

I shook my head. Sabay kaming pumasok sa kotse. Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang batang babae kanina. Kahit maldita, ang cute niya pa rin. Lumipas din ang ilang araw at buwan na ilang beses muling nagkrus ang landas naming dalawa—ng babaeng akala ko'y kinalimutan ko na.

Siya rin pala ang nag-aalaga ng kapatid niya—si Aksana. Wala pa rin namang nagbago, maldita pa rin siya. Nakakatuwa lang dahil marunong pala siyang gumamit ng pana. Bihira lang ang mga bata na magkaroon ng interes sa ganoon.

"Gusto ko ikaw tumayo bilang Papa ko sa family day, ha? Magtatampo ako kapag tumanggi ka," aniya, humaba pa ang nguso niya.

Lumawak ang ngiti ko at hinaplos ang buhok niya. "Of course. Kung 'yon ang gusto mo," tugon ko.

Humagikhik siya at niyakap ako nang mahigpit. "Huwag mo na lang muna sabihin kay Fria kasi tatanggi siya," bulong nito.

Lagi siyang may baon na kuwento sa tuwing magkikita kami. And. . . that day. When she died. Ang daming bumabagabag sa aking isipan. . . na kasalanan ko raw ang pagkamatay ni Aksana pero hindi 'yon totoo. I'm not the one who paid the hospital. It was Vincent all along. It was him and not me.

He's the one who offered what he will do about Aksana. Noong una na matagal niyang plano 'yon ay sangayon ako, Vincent was eager to get revenge on Delaihla. Pinaimbistegahan niya 'yon. Pumayag ako noong una pero noong nagtagal na. . . noong napalapit at lumambot ang puso ko kay Aksana ay nag-backout na ako sa planong 'yon.

Iniwan ko na si Vincent sa plano niya at hinayaan na maging masaya habang kasama si Delaihla at Aksana. Hanggang sa nalaman ko na ang lahat.

"You killed her! You killed my daughter," nagwawala niyang wika. "You killed our daughter, Dom! Pinatay mo ang anak natin."

My world stopped. I didn't know. Hindi ko alam na nagbunga 'yong nangyari sa amin noong sinundo ko siya sa araw ng kasal ni Cattalina. I thought she's safe that day.

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

Sumalampak ako sa sahig nang tumama ang kamao ni Daddy sa aking mukha. Nasa likuran niya si Cattalina na umiiyak habang inaalo ni Levin. Si Mommy naman ay tahimik lang ding nakamasid sa akin.

"Ano 'yon, Dominic? You killed an innocent girl?" gatong ni Dad. Muling lumapat ang kanyang kamao. "I'm so disappointed!" galit nitong wika sa akin.

Napayuko na ako, pinunsan ang dugo sa aking labi. Iniwan nila akong lahat sa sala. Lahat ng gamit ko ay binato nila sa akin. Inalis na rin nila ako sa trabaho—trabaho ng sarili kong pamilya. I know this is my karma.

Sinubukan kong kausapin si Delaihla sa mismong tinitirhan niya ngayon pero nabugbog lang din ako ng bodyguards ng tatay niya. Hanggang sa hindi na ako nagpilit. Binantayan ko na lang siya kapag alam kong aalis siya nang mag-isa.

Maski noong nagpa-Canada siya ay sumunod ako gamit ang pera ng kapatid ko. At sa tuwing nakikita ko siya, hindi ko na siya nilalapitan. Sapat na ang pagmasid ko sa kanya sa malayo.

"Hindi na 'ko magkakaanak, Dominic," dinig kong wika niya. Napalingon ako sa kanya. "Sira na 'yong matres ko kakapalaglag sa tuwing malalaman kong buntis ako," seryoso niyang sabi habang nakatingin sa lapida ng anak namin.

Hinawakan ko ang kanyang kamay. "I don't mind. Masaya naman akong makasama ka—"

"H-hindi mo kasi naiintindihan. . . 'Yon lang din ang kakayahan ko bilang babae—ang bigyan ng anak ang magiging asawa nila," naiiyak niyang sambit. "Gusto kong magkapamilya. . . Gusto kong magkaanak."

Hindi ako sumagot. Nanatili akong nakatingin sa kanya at sinimulang halikan ang likod ng palad niya.

"Kung sakaling makahanap ka ng babaeng mabibigyan ka ng anak—"

"Hindi kita iiwan, Delaihla. Don't say such things. Babae ka. You are more than a babymaker. Pangako ko kay Aksana na 'di kita iiwanan, 'di ba? Kaya pangako ko rin 'yon sa 'yo." Muli kong hinalikan ang kanyang kamay.

Wala na akong pakialam kung hindi na kami magbubunga pa ng anak, dahil ang mahalaga ay nagkaayos kami at magsisimula ulit ng panibagong buhay. Wala nang sakitan. Wala nang pighati.

-ˋˏ ༻❁༺ ˎˊ-

"Langston Olva Suarez and Westin Nate Suarez," nakangiting anas ng asawa ko habang bumababa ang anak naming dalawa sa hagdanan.

Muling nagbunga ang pagmamahalan namin matapos ang ilang panahon. A low percent is not zero percent. Nang malaman ni Delaihla na nagdadalang-tao siya ay labis niya 'yong ikinagalak. Ika pa niya, sapat na raw sa kanya ang magkaroon ng anak—kahit isa lang. Well, who would have thought that we would bear twins.

Our children are in their teens now. Papunta kami sa puntod ng ate nilang si Aksana dahil birthday niya ngayon. Kahit kailan ay hindi namin nakakaligtaan na bisitahin siya sa kaarawan niya.

Namana ni Langston ang kulay ng buhok ng kanyang ina, habang si Westin naman ay natural na itim ang buhok niya kagaya sa akin.

"Mom, Kailan ko makukuha 'yong pana ni ate?" biglang tanong ni Langston habang naglalatag kami ng picnic blanket sa gilid ng lapida ni Aksana.

"Hmm. . . Pag-iisipan ko pa. Kung ibibigay ko sa 'yo 'yon, sana ingatan mo, ah? Mahal na mahal ko 'yon," tugon ni Delaihla.

Tumango si Langston at naglagay na ng pagkain sa ibabaw ng picnic blanket.

"Westin, anong gusto mo sa birthday mo?" tanong ni Delaihla. Pagkatapos ay nilingon si Langston. "Malapit na pala ang birthday niyo, kambal."

Ngumiti ako at parehas na ginulo ang buhok nila. Sabay silang napangiwi.

Umiling si Westin. "Papuntahin na lang natin si Lolo sa bahay."

Delaihla chuckled. "Oh sige. Kung may gusto kayong ipabili, sabihin niyo lang sa akin, ah?" malambing niyang sabi.

Naghain ako ng pagkain para kay Aksana. Nilapag ko ang pagkain sa gilid ng lapida niya saka nagsindi ng kandila. Matagal na rin ang lumipas noong huling nagpakita sa akin si Aksana. Siguro ay 'yon din 'yong nagpakasal kami at noong nanganak si Delaihla sa kambal.

"Happy birthday, 'nak," mahina kong sambit.

Lumipas ang ilang minuto at dumating na rin ang puting van. Lumabas doon ang Papa ni Delaihla at si Stefano. Dumating din ang isang kotse na si Stephanie naman ang may dala.

"Lolo!" nakangiting salubong ni Westin.

Tumayo si Langston at nagmano sa Lolo nito. Ganoon din ang ginawa ko. Niyakap niya pa ang dalawa niyang apo.

"Ang laki na ng mga apo ko."

"Buti nakapunta kayo, 'Pa."

"Hindi pwedeng hindi ako bibisita sa kaarawan ng maganda kong apo," tugon niya saka nilingon ang lapida ni Aksana. "My little bear."

Tinanguan lang ako ni Stefano habang si Stephanie ay kinawayan ako at tumabi kay Delaihla. Nilabas ko ang tripod at itinayo 'yon sa hindi kalayuan.

"Let's take a good picture," aya ko sa kanila.

Tumayo silang lahat at pumwesto. Nakahilera kami sa harapan ng lapida ng anak namin. Sabay kaming ngumiti at inilagay sa timer ang camera. Nakailang take pa kami dahil may kinuna pa kaming wacky shots.

Halos ganito ang ginagawa namin tuwing birthday ni Aksana. Hindi namin 'yon nakakaligtaan dahil importante siya sa buhay namin. Si Papa ang nagdala ng cake at naghiwa ng isang slice. Nilagyan niya 'yon ng maliit na kandila at nilapag sa gilid ng lapida ni Aksana.

"Happy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday. Happy birthday to you," awit naming lahat.

Isang malakas na hangin ang dumaan sa aming pwesto at namatay ang apoy sa kandila. Lumawak ang ngiti namin at hinayaan ang cake roon. Masaya kaming lahat dahil ganoon din ang nangyari sa nagdaang birthday ng anak namin. Wala pa ring nagbago.

Nilingon ko silang lahat. Masaya silang nagkukwentuhan habang ako ay nanatiling nakatingin sa lapida ng anak ko.

"Thank you. . . Papa. Salamat sa inyo."

Napangiti ako at nagmistulang kanta sa aking pandinig ang hagikhik niya. Hinaplos ko 'yon at pinunasan ang aking luha.

You're welcome, anak. Mahal na mahal ko kayo.

THE END

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top