EPILOGUE

EPILOGUE

HUMALUKIPKIP ako habang naghihintay sa kaibigan ko. Where the hell is he? It's been a 30 minutes. Nanatili akong nakatayo at hindi na naupo sa bakanteng upuan para makaupo ang mga bata na naghihintay sa kanilang sundo. Nakasandal lang ang likod ko sa pader ng school na 'to. Bumaba ang tingin ko sa batang babae na tahimik lang na nakatingin sa kawalan.

Her hair is red. Redhead ito 'yon lang ang masasabi ko. Makapal, at pinong kulot na buhok. Maliit ang kanyang mukha at natural na mapula ang kanyang pisngi dahil sa pagkaputi nito. May freckles din siya at kakaiba rin ang kulay ng kanyang mata.

Kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng bulsa at sinagot ang tawag.

"Hello?"

"Tito! I don't want that hairclip. Iba na lang po yung design. Please. . . Pretty please," malambing wika ni Cazy ang bunsong anak ni Cattalina at Levin.

Huminga ako ng malalim. "Okay."

Narinig ko ang impit nitong tili. "Thank you uncle! I love you so much. You're the best uncle in the world!"

Napailing na lang ako. "You're welcome baby."

Binalik ko ulit ang cellphone sa loob ng bulsa ko at muling nilingon ang batang may magandang buhok. May naalala tuloy ako dahil doon. Natigilan ako ng biglang lumingon siya sa akin at ang sama ng tingin nito sa akin.

Bumwelo siya at tumayo sa pagkakaupo nito pagkatapos ay nilapitan ako. Nakatingila siya sa akin. Hawak hawak niya ang strap ng bagpack nito.

Anong meron?

"Ikaw! Kanina ka pa nakatingin sa akin, ah. Anong problema mo? Isusumbong kita sa guard! Kikidnapin mo 'ko 'no!" maldita nitong wika.

Lumapit pa siya sa akin at nakipagkompetensya siya sa tingin. Sa kalaunan ay napakurap siya at bumalik sa kanyang upuan pero lagi na siyang nakatingin sa akin.

"Your hair is beautiful," pagpuri ko.

Kumunot ang noo nito. Mahina akong natawa. Humalukipkip siya at pinangningkitan ako ng mata.

"Nasa Pilipinas tayo bakit ka nag-i-ingles?" masungit nitong wika.

Natatawang ginulo ko ang buhok nito. Mas lalong sumama ang reaksyon nito at tinabig ang aking kamay.

"Ano ba! Hindi tayo kaibigan kaya huwag mong hawakan buhok ko," naiinis niyang wika at sinuklay 'yon. "Hawak nang hawak sa buhok hindi naman kami close. Si Fria ba siya?" kausap nito sa kanyang sarili.

She's adorable. Kinuha ko ang maliit na box na naglalaman ng hairclip na dapat ay kay Cazy pero ayaw niya ng design. Nilahad ko 'yon sa kanya.

"I'm sorry if I touch your hair without your permission. Accept my sorry gift. Okay na ba 'yon?" nakangiti kong wika.

Bumaba ang tingin niya roon kaya binuksan ko ang box. Nagningning ang mata nito ng makita ang laman no'n. Agad din na naglaho 'yon at tinignan ako.

"Alam ko na 'to, eh. Tapos kapag tinanggap ko 'yang binigay mo kikidnapin mo ko 'no? Hindi ko tatanggapin 'yan," masungit nitong wika at muling humalukipkip.

Natawa ako sa sinabi nito at kinuha ang hairclip. Bago pa siya makaangal nakakabit na sa kanyang buhok ang hairclip. Binuhat ko siya at pinakita ang repleksyon sa kotse ko.

"Sa akin na 'to sigurado ka? Baka mamaya ipapasok mo na ako sa kotse mo—"

"Sa 'yo na nga 'yan," pagputol ko sa sinabi nito.

Ako napapagod dahil sa kadaldalan niya. Nanatili kaming nasa ganoong posisyon dahil gusto niya makita ang maganda nitong mukha.

"Ibaba mo na ako. Salamat dito, ah! Ang ganda!" humagikhik siya at bumalik sa kanyang upuan ng maibaba ko siya.

"You're welcome. What's your name—"

"Tita!" excited nitong wika. Nilingon niya ako at kumaway. "Bye! Salamat sa binigay mo."

Napailing na lang ako at kumaway rin. Sakto ay dumating na rin ang hinihintay ko na kalalabas lang sa 7/11. Sinapak ko siya sa braso.

"Napakatagal mo! Anong ginawa mo roon?" iritado kong tanong.

"Ang haba ng pila anong magagawa ko."

Napailing na lang ako at sabay kaming pumasok sa kotse. Hindi parin maalis sa utak ko ang batang babae kanina. Kahit maldita ang cute parin niya. Lumipas din ng ilang araw o buwan na rin muling nagkrus ang landas naming dalawa ng babaeng kinalimutan ko na.

Siya rin pala ang nagaalaga ng kapatid nito na si Aksana. Wala parin namang nagbago maldita parin siya. Ang nakakatuwa lang dahil marunong siya gumamit ng pana at palaso. Bihira lang ang mga bata na magkaroon ng interes sa ganoong bagay.

"Gusto ko ikaw tumayo bilang Papa ko sa family day, ha? Magtatampo ako kapag tumanggi ka," kausap nito sa akin at humaba pa ang nguso nito.

Lumawak ang ngiti ko at hinaplos ang buhok nito. Binaba ko ang sout nitong dress dahil natataas 'yon.

"Of course. Kung 'yon ang gusto mo," tugon ko.

Humagikhik siya at niyakap ako ng mahigpit.

"Huwag mo na lang muna sabihin kay Fria. Kasi tatanggi siya," bulong nito.

"Hmm. Secret lang natin 'yon," nakangiti kong wika.

Tumango siya. "Thank you!"

Lagi siyang may baon na kuwento sa tuwing pupunta ako sa bahay nila o magkikita kami. And. . . That day. . . When she die, it's my fault I know. Binayaran ko ang dalawang ospital para hindi makapasok sila kapag naisugod sa ospital. Revenge, that's what I want. . . At nakuha ko naman 'yon. Hanggang sa nalaman ko na lahat.

"You killed her! You killed my daughter," nagwawala nitong wika. "You killed our daughter, Dom! Pinatay mo anak natin," nanghihin niyang wika.

My world stop. I-i didn't know. Hindi ko alam na nagbunga yung nangyari sa amin noong sinundo ko siya sa araw na kasal ni Cattalina at Levin. I thought she's safe that day.

Sumalampak ako sa sahig ng tumama ang kamao ni Daddy sa aking mukha. Habang nasa likuran niya si Cattalina na umiiyak habang inaalo ni Levin. Si Mommy naman ay tahimik lang din nakamasid sa akin.

"Ano 'yon Dominic!? You killed a innocent girl?" tanong ni Dad. Napailing ito at muling sinuntok ang aking mukha.

"I'm so disappointed!" galit nitong wika sa akin.

Napayuko na lang ako at pinunsan ang dugo sa aking labi. Iniwan nila ako lahat sa sala. Lahat ng gamit ko ay binato sa akin at ang natira lang ay kotse at ang wallet ko. Trabaho ko sa kanila ay wala. I know this is my karma.

Sinubukan kong kausapin si Delaihla sa mismong tinitirhan niya ngayon pero nabugbog lang din ako ng bodyguards ng Tatay nito. Hanggang sa hindi na ako nagpilit. Binantayan ko na lang siya kapag alam kong aalis ito mag-isa.

Pati ang pagpunta nila sa Canada ay sumunod ako. Binigyan ako ng pera ni Cattalina pambili ng ticket papuntang Canada para masundan siya. Hindi ko na siya nilalapitan. . . Sapat na ang pagmasid ko sa kaya sa malayo.

"Hindi na 'ko magkakaanak, Dominic," dinig kong wika nito. Napalingon ako sa kanya.

"Sira na yung matres ko kakaabort ng bata sa tuwing malalaman kong buntis ako," seryoso nitong wika habang nakatingin sa lapida ng anak namin.

Hinawakan ko ang kanyang kamay. "I don't mind. Masaya naman ako na makasama ka—"

"H-hindi mo kasi naiintindihan. . . 'Yon lang din ang kakayahan ng babae na hindi magawa nino man. Ang bigyan ng anak ang magiging asawa nila," naiiyak nitong wika at nilingon ako. "Gusto ko magkapamilya. . . Gusto ko magkaanak."

Hindi ako sumagot. Nanatili akong nakatingin sa kanya at sinimulan na halikan ang likod ng palad nito.

"Kung sakaling makahanap ka ng babae na mabibigyan ka ng anak papayag ako na palayain ka—"

"Shush. . . Hindi kita iiwan. Pangako ko 'yan sa anak natin at pangako ko 'yon sa 'yo. We will try okay. . . Walang naman mangyayari hindi maganda kung susubukan natin," nakangiti kong wika.

"Mababang porsyento lang ang chance na magkakaanak tayo—"

"Stop crying. We will try," mahina kong wika at niyakap siya.

'Yon ang palagi niyang bukambibig sa akin. Pero wala akong pakeilam doon ang mahalaga ay nagkaayos at magsisimula ulit ng panibagong buhay. . . Wala ng sakitan at puro saya na lang ang mararamdaman.

"Langston Olva Suarez and Westin Nate Suarez," nakangiting anas ng asawa ko habang bumababa ang anak naming dalawa sa hagdanan.

Muling nagbunga ang pagmamahalan namin. At s'yempre ang asawa ko ang pinakamasaya ng malaman na nagdadalang tao ito. Nang malaman ng ob-gyne ay nagoffer siya na magpatali na ito at pumayag kami. Sapat na raw sa kanya ang magkaroon ng anak kahit isa lang pero mukhang blessing talaga ito dahil kambal ang anak namin.

Malaki na ang anak namin. Binata na. Papunta kami ngayon sa puntod ng ate nila na si Aksana dahil birthday niya ngayon. Kahit kailan ay hindi namin nakakaligtaan na bisitahin 'yon sa araw ng birthday nito.

Namana ni Langston ang kulay ng buhok ng kanyang ina habang si Westin naman ay natural na itim ang buhok nito kagaya sa akin.

"Mom. . . Kailan ko makukuha 'yung pana ni ate?" biglang tanong ni Langston habang naglalatag kami nn picnic blanket sa gilid ng lapida ni Aksana.

"Hmm. . . Pagiisipan ko pa. Kung ibibigay ko sa 'yo 'yon sana ingatan mo, ah. Mahal na mahal ko 'yon," tugon ni Delaihla.

Tumango lang si Langston at naglagay na ng pagkain sa ibabaw ng picnic blanket.

"Westin anong gusto mo sa birthday mo?" tanong ni Delaihla. Pagkatapos ay nilingon si Langston. "Malapit na pala ang birthday niyo kambal."

Ngumiti ako at parehas na ginulo ang buhok nila. Sabay silang napangiwi dahil nagulo ko ang hairstyle nila.

Umiling si Westin. "Papuntahin na lang natin si Lolo sa bahay."

"Hmm," tipid na tugon ni Langston.

"Oh sige. Kung may gusto kayong ipabili sabihin niyo lang sa akin, ah," malambing na wika ni Delaihla.

"Opo."

Naghain ako ng pagkain para kay Aksana. Nilapag ko ang pagkain sa gilid ng lapida nito at nagsindi ng kandila. Matagal na rin ang lumipas noong huling nagpakita sa akin si Aksana. Siguro ay 'yon yung nagpakasal kami at noong nanganak si Delaihla sa kambal.

"Happy birthday 'nak," mahina kong wika.

Lumipas ng ilang minuto ay dumating na rin ang puting van at lumabas ang Papa ni Delaihla at si Stefano. Dumating din ang isang kotse at si Stephanie ang lumabas doob.

"Lolo!" nakangiting wika ni Westin.

Tumayo si Langston at nagmano sa Lolo nito. Ganoon din ang ginawa ko. Niyakap niya pa ang dalawa nitong apo.

"Ang laki na ng mga apo ko."

"Buti nakapunta kayo rito, 'Pa," nakangiti kong wika.

"Hindi p'wedeng hindi ako bibisita sa araw ng kaarawan ng maganda kong apo," tugon nito at nilingon niya ang lapida ni Aksana. "My little bear."

Tinanguan lang ako ni Stefano habang si Stephanie ay kinawayan ako at tumabi kay Delaihla. Nilabas ko ang tripod at tinayo sa medyo hindi kalayuan.

"Let's take a good picture," aya ko sa kanila.

Tumayo silang lahat at pumwesto na. Nakahilera kami at nasa harapan ang lapida ng anak namin. Sabay kaming ngumiti at nagtimer hanggang 3 seconds. Nakailang take pa kami dahil may wacky pa.

Halos ganito ang ginagawa namin kapag birthday ni Aksana. Hindi namin 'yon nakakaligtaan dahil importante na siya sa buhay namin. Si Papa ang nagdala ng cake at naghiwa ng isang slice. Nilagyan niya 'yon ng maliit ng kandila at nilapag sa gilid ng lapida ni Aksana.

"Happy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday. Happy birthday. Happy birthday to you," kanta naming lahat.

Isang malakas na hanging ang dumaan sa aming pwesto at namatay ang apoy sa kandila. Lumawak ang ngiti namin at hinayaan ang cake roon. Masaya kaming lahat dahil ganoon din ang nangyari sa nagdaan na birthday ng anak namin. Wala paring nagbago.

Nilingon ko silang lahat. Masaya sila ngayon na naguusap sa kung anong bagay habang ako ay nanatiling nakatingin sa lapida ng anak ko.

"Thank you. . . Papa. Salamat sainyo."

Napangiti ako at nagmistulang kanta sa aking pandinig ang hagikhik nito. Hinaplos ko 'yon at pinunasan ang aking luha.

You're welcome 'nak. Mahal na mahal ko kayo.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top