CHAPTER 9
CHAPTER 9
"NAKALUGAY lang ba gusto mo?" tanong ni Stephanie habang sinusuklay ang buhok ko.
Tumango ako at kinuha ang unang letter na binigay Dom sa akin. Kulay puti 'yon at simple lang ang design.
Dear Daisy,
Napangiti ako ng mabasa ko ang 'Daisy' alam niya ang tunay kong ngalan pero mas gusto niya ang Daisy ang tawag sa akin.
Hello Daisy. How are you? Okay ka lang ba sa tinitirhan mo? I think you change your sim card, hindi na kita matawagan pero ayos lang. Alam ko naman na may dahilan ka kung bakit mo 'yon ginawa.
Narinig ko kasi sa usapan nila kuya Dom at Hylo na sa PCA ka nag-tratrabaho. Nauntog yata ang ulo ni kuya at sa iba pa nag trabaho, anyways kung may time ka sana mag kita tayo.
Gusto kong maipakilala sa'yo ang anak namin ni Levin. Lagi kitang kinikwento sa kanila lalo na kay Cazy, she really love your hair.
Titigil na muna ako sa pagsusulat ang sakit na ng kamay ko. Bye! I love you and I miss you so much.
Love,
Cattalina
Natatawang tiniklop ko ang letter at tinago sa drawer ng vanity table. Natikman na rin namin ang cupcake at sobrang sarap no'n. Kung hindi ko sinaway si Aksana baka naubusan na ako.
"Nakalugay lang talaga as in?" tanong ulit ni Stephanie.
Tinignan ko ang kabuuhan ko sa harap ng salamin sa 'king vanity vanity. Tinutuyo na lang ni Stephanie ang buhok ko.
Ngayong araw na ang kasal ni Rose. Ako na lang ang inaayusan ni Stephanie. Si Aksana naman ay nakaayos na rin, siya ang inuna namin dahil siya ang bata.
I'm wearing a gray vintage long gown for bridesmaid. Para naman sa flower girl kulay puti ang kulay ng sout nila.
"Can you do dutch braids messy bun?"
Lumawak ang kanyang ngiti at tumango sa akin.
"Oo naman!" masaya niyang sabi.
"Sige, 'yon na lang gawin mo sa buhok ko."
Tumango siya at sinimulan ang pag ayos sa buhok ko. Tahimik lang ako at pinagmamasdan ang sarili sa harap ng salamin, napabugtong hininga ako at nag-lagay ng red matte lipstick.
"Si Aksana?" tanong ko kay Stephanie.
"Nandoon yata sa sala. Nag-lalaro ng paper doll," salita niya habang inaayos ang buhok ko.
Baka madumihan yung sout niya. Hindi ko pa pinasuot sa kanya ang damit na gagamitin niya mamaya sa kasal, baka kasi madumihan kulay puti pa naman iyon.
Sa aming mga bridesmaid kulay gray ang kulay ng sout namin habang sa flower girl kulay puti.
"Sure ka? Baka madumihan yung dress niya, alam mo namang makulit 'yon," salita ko at tinignan siya sa repleksyon ng salamin.
"Ayan tapos na. Ang ganda mo," pag-puri niya sa akin.
Tumayo na ako at tinignan ang kabuuhan ko sa harap ng salamin. Napangiti ako ng makita kong maganda nga ang ayos ko ngayon. Hinarap ko si Stephanie at niyakap.
"Maraming salamat sa pag-ayos," pag-papasalamat ko.
Niyakap niya rin ako at mahinang tinapik ang aking likod. "Walang anuman."
Kinuha ko ang nude na stiletto ko pagkatapos ay binitbit ko ang paper bag na naglalaman ng doll shoes namin ni Aksana.
"Paki tawag na lang si Aksana, aayusan ko ulit siya."
"Sure."
Pupulbosan ko lang siya. Masyado pa siyang bata para lagyan ng make up.
"Delaihla, wala si Axe sa sala. Mukhang nakalabas," pag-salubong sa akin ni Stephanie pagkalabas ko ng kwarto.
"Ano? Hindi ba nakalock yung gate?" tanong ko at nagtungo sa sala.
"Nilock ko. Alam mo naman atribida yung kamay no'n."
Napabugtong hininga ako at nag tungo sa labas ng gate. Maraming lalaking tumitingin sa akin pero binalewala ko 'yon.
"Aksana!" malakas kong sigaw.
Ni 'Fria' o ate wala akong narinig! Nasaan na ba yung bata na 'yon? Aalis na kami, eh.
"Ate Fria! Ate Fria!"
Bumaba ang tingin sa dalawang bata, isang lalake at isang babae.
"Oh. Buknoy, Lita. Nakita niyo si Axe?" tanong ko.
"Ate Fria!" sabay nilang sigaw sa 'kin.
Napakamot ako sa aking buhok. "Ano nga, nandito na kayo sa harapan ko."
"Si Axe po kasi," kinakabahang wika ni Buknoy at Lita.
Kumunot ang noo ko. "Bakit? Anong nanyari sa kanya?"
"Nahulog po sa kanal!" sabay nilang sabi.
Punyeta!
"Saan! Dalhin niyo ko kung nasaan siya," bwisit kong wika.
Ang batang 'yon! ang daming puwedeng paghulugan kanal pa! Sinusumpa 'yon ng lahat!
"Opo!"
"Opo!"
Tumakbo sila at gano'n din ako. Hanggang sa tumigil kami sa mga batang nag kukumpulan. Nanlaki ang mata ko ng makita ang hitsura ni Aksana. Ang kulay puti nitong dress naging itim na, hawak hawak niya ang dalawa nitong heels na bigay ni Stephanie.
"Aksana!"
"Ate!"
Nanlaki ang kanyang mata at kinakabahan na tumakbo papalapit sa akin. Umatras ako at inipit ang ilong ko dahil umaalingasaw ang amoy ng kanal sa kanya.
"Bakit ka nahulog sa kanal!" nanggigil kong wika. Kinurot ko ang tagiliran niya.
"Aray!"
Napalabi ito at napahawak sa kanyang tagiliran.
"Ako huwag mo akong pag-iinartehan d'yan! May sinabi ba akong lumabas ka?! Pasok sa loob!" tinuro ko ang bahay.
Saglit itong natulala sa akin at biglang ngumawa ng iyak. Napahilot ako sa aking sintido at natulala ng biglang may tumigil na sasakyan sa harap ng bahay.
Kumunot ang noo ko ng biglang lumabas si Dom. Anong ginagawa nito rito?
"Leaving!" malakas na sigaw ni Aksana at tumakbo papunta kay Dom.
Tumakbo ako at hinila si Aksana. Baka bigla nitong yakapin si Dom at madumihan siya.
"Isa! May sinabi ba akong yakapin mo siya? Pasok sa loob!" galit kong wika.
Tumalim ang titig niya sa akin at basta na lang binato ang heels sa akin. Padabog itong tumakbo papasok sa loob ng bahay habang umiiyak. Yung iyak niya akala mo aping api talaga. Amoy burak na nga, eh yayakap pa kay Dom.
"What's happening?" naguguluhang tanong ni Dominic.
Bumuga ako ng hangin at pinulot ang heels ni Aksana at hinarap siya.
"Anong ginagawa mo rito?"
"I'm also invited to Rose's wedding. Dumaan na ako rito para sabay na tayo," salita nito at tumingin sa kanyang relong pambisig.
Nakasout siya ng gray tuxedo. Sa loob niyon ay nakasout siya ng maroon polo at gray na bow tie.
"T-talaga? Pasok ka muna. Pinaliliguan pa yata ni Stephanie si Aksana," binuksan ko ang gate para sa kanya.
Tahimik lang na sumunod si Dom sa akin papasok sa loob ng bahay. Naupo siya sa mahabang sofa habang ako ay nakaupo sa mono block. Nilibot niya ng tingin ang buong bahay.
"Juice?" tanong ko.
Dumapo ang tingin niya sa akin at umiling. Nakahinga ako ng maluwag ng tumangi siya, wala naman talaga kaming juice. 'Di ko alam kung bakit 'yon ang lumabas sa bibig ko.
Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ng biglang lumabas si Aksana. She's wearing a Opening Back White Tulle for flower girl. Nakalagay na rin sa kanyang ulo ang White Flower Crown.
"Lumapit ka rito sa 'kin. Susuotan na kita ng doll shoes," yumuko ako at kinuha ang doll shoes sa loob ng paper bag.
"Ayaw!" Sigaw nito sa akin at lumapit kay Dom.
"Don't yell at your ate," kausap ni Dom kay Aksana.
Humaba ang nguso ni Aksana, umirap ako at tumayo. Nag-lakad ako papunta sa kanila, masama parin ang tingin sa akin ni Aksana.
"Soutin mo," inabot ko sa kanya ang doll shoes nito.
Umiling siya sa akin at sumiksik kay Dominic. Bumaba ang tingin ni Dom kay Aksana pagkatapos ay umangat ang tingin sa akin.
Nilahad niya ang kamay niya sa akin. Kumunot ang noo ko dahil doon.
"Bakit?"
"Her doll shoes, ako na lang mag sosout sa kanya," bumaba ulit ang tingin niya kay Aksana.
Kahit ayaw ko ay binigay ko na lang sa kanya. Tinignan ko si Aksana at pinanlakihan ng mata, inirapan niya lang ako at lalo pang sumiksik kay Dominic.
"Dom, anong oras na?" tanong ko kay Dom habang nakatingin kay Aksana.
"Oh, it's 9:30."
Salita niya habang busy sa pag kabit ng strap ng sandal sa binti ni Aksana. Ganoon kasi ang design no'n, mukha tuloy siyang fairy.
Binitbit ko ang paper bag at hinila ang kamay ni Dom para makatayo siya. Napasunod ko naman siya dahil nabigla ito.
"Tara alis na tayo. Iwan na lang natin 'yan, hindi p'wede sa simbahan ang salbahe at makulit na bata," pang-aasar ko kay Akasana.
Napatingin sa akin si Dom. "Delaihla."
Hindi pa kami nakalabas sa mismong bahay narinig ko ang pagsinghot ni Aksana. Nilingon ko si Stephanie na napailing na lang, alam niyang inaasar ko lang si Aksana.
"B-bakit mo 'ko iiwan?" naiiyak niyang tanong.
Tinanggal ni Dom ang pagkakahawak ko sa kanya at nagtungo kay Aksana. Binuhat niya ito at nagtungo sa aking pwesto.
"Sasama na ako?" mahinang tanong nito kay Dom.
"Yes, inaasar ka lang ng ate mo," natatawa niyang sabi at nauna na sa akin palabas ng gate.
Naglakad papalapit sa akin si Stephanie at niyakap ako ng mahigpit.
"Ikaw talaga ang hilig mong asarin a—"
"Oo na, magiingat ka rito. Baka mga gabi na kami makakauwi, huwag ka mo na kaming hintayin ni Aksana," pag-putol ko sa kanyang sinabi.
"Ang pogi talaga nung Dom. Sabi ko sa 'yo patusin mo na, eh," nakangiti niyang sabi.
"Sasapatusin kita gusto mo?"
Tumawa siya at napabugtong hininga. "Baka mamaya nakalimutan mo na yung totoong pakay mo sa kanya, 'di ko nga alam bakit mo pa iyon gagawin. Mamaya mahulog loob mo sa kanya."
Napaisip ako sa sinabi nito. Hindi ko alam kung nag-aalala siya o tinatakot ako. Lagi ko na lang nakakalimutan yung pakay ko sa kanya buti na lang laging pinapaalala sa akin ni Stephanie.
Kapag nakakasama ko siya bigla na lang nawawala. Natatakot ako na baka bumalik na naman yung nararamdaman ko sa kanya.
Nabalik lang ako sa ulirat ng bigla akong tinapik ni Stephanie sa braso.
"Sumisigaw na si Aksana, pumasok kana sa kotse. Ingat kayo," niyakap niya ulit ako.
"S-sige. Ingat ka ulit," pag-papaalam ko at nag-tungo kaagad sa kotse ni Dom.
Binuksan ko ang pintuan sa shotgun seat. napaatras ako ng biglang sumalubong sa akin ang rosas, mahigit bente piraso iyon.
"Flowers?"
Wala sa sariling kinuha ko 'yon at naupo na sa upuan. Bumaba ang tingin ko doon, maayos at maganda ang pag-kakaayos.
Tahimik lang ako buong byahe samantala si Aksana ay nakikipagdaldalan kay Dom. Buti na lang hindi siya naiirita at napakahaba ng kanyang pasensya.
Nabalik ako sa aking katinuan ng biglang tumunog ang cellphone ko. I opened my pearl rhinestone clutch purse and answered the call.
"Hello?"
Napatingin si Aksana pero si Dom saglit lang dahil siya ang nagmamaneho.
"Delaihla! Malapit na ba kayo sa simbahan? Hindi pa raw kasi kompleto yung mga bridesmaid."
"Malapit na ba tayo sa simbahan?" tanong ko kay Dom.
Tahimik lang itong tumango.
"Oo, malapit na kami. Napaliguan ulit namin ng wala sa oras 'tong kapatid ko, nahulog sa kanal, eh. Napakakulit."
Nilingon ko si Aksana. Napawi ang ngiti nito at bumalik sa kanyang kinauupuan.
"Okay lang, ikaw talaga baka pinagalitan mo na naman 'yon. Ang cute pa naman. Oh sige ireretouch pa ako. Ingat kayo."
"Sige, ingat ka rin."
Ako na ang nagpatay ng tawag at binalik ang cellphone sa loob ng purse ko. Nilingon ko si Aksana sa likod.
"Malapit na tayo sa simbahan, Aksana. Mag-pirmi ka doon kung ayaw mo kurutin kita," pananakot ko sa kanya.
Pinagkrus niya ang kanyang braso sa dibdib at tumingin sa labas ng bintana. Kita ko ang pangingilid ng kanyang luha. Humaba ang nguso nito.
"Huwag mo 'kong artehan, Axe," wika ko at tumingin sa dinadaanan namin.
Hinayaan ko na lang siya. Buti nga at hindi niya naisipan na mag wala, hindi ko alam kung anong magagawa ko kapag nag wala ito.
Napalingon ako kay Dom ng maramdaman kong nakatingin siya sa akin. Tipid lang itong ngumiti, napabugtong hininga ako at sinandal ang ulo ko sa bintana ng kotse.
KUNG MINAMALAS ka nga naman. Ang daming puwedeng ipartner sa akin si Dom pa. Nauna na ang flower girl at sumunod kami.
"Ang daming puwedeng ipartner sa akin ba't ikaw pa," salita ko at napipilitan na inaangkla ang kamay ko sa kanyang braso.
"You are so lucky because i'm your partner," ngumisi lang siya sa akin at napasuklay sa kanyang buhok. "The other bridesmaids look disappointed because I'm not their partner, so you are the lucky one."
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.
"As if," mahina kong bulong.
Wala naman akong magagawa. Hindi ko nakuhaan ng video si Aksana habang naglalakad, nakabusangot kasi ito. Tinotopak na naman siya.
"Let's walk," mahinang sambit nito at biglang nag-lakad.
Mag-proprotesta na sana ako pero nagpatianod na lang ako. Kami na pala hindi ko napansin, tumigil kami saglit para kuhaan ng litrato. Pagkatapos ay naupo na kami kung saan kami dapat umupo.
Si Mr. Cancon ay nandito rin. Kalahati sa nagtratrabaho sa PCA ay invited sa kasal ni Rose. At heto na ang pinakahihintay ng lahat, ang bride.
Tumayo kaming lahat para makita si Rose na naglalakad papunta sa altar. Nilingon ko si Aksana na tahimik lang na naupo sa gilid ko. Huminga ako ng malalim at binuhat si Aksana para makita niya si Rose. Nagulat siya at napakapit sa akin.
"Ate..."
"'Yan ang ikakasal. Siya ang kausap ko kanina habang papunta rito. Maganda 'di ba?" nakangiti kong wika.
Tumitig lang ito sa akin at yumuko.
"Opo," mahina niyang sabi at pinaglaruan ang kanyang mga daliri.
"Hindi na galit si ate, Axe. I'm sorry," malambing kong sabi at hinalikan ang pisngi niya.
"Talaga?" paninigurado nito.
Tumango ako. "Nainis lang si ate. Nagmamadali na tayo tapos nakita kitang madumi sa tingin mo nakakatuwa yung gano'n? Syempre hindi. Hindi talaga si ate natutuwa sa ginawa mo."
Nagsimulang mangilid ang kanyang luha. "S-sorry na."
Kasabay niyon ang pagtulo ng kanyang luha. Ngumiti ako at pinunasan ang kanyang luha gamit ng aking kamay.
"Tama na, mamaya may pupuntahan ulit tayo kapag tapos na itong kasal. Maraming pagkain doon, nagugutom kana ba?"
Dahan dahan siyang tumango.
Hinalikan ko ang noo niya at naupo na kami. Nakinig kami sa sinasabi ng pari at minsan ay natatawa rin.
"Fria."
Bumaba ang tingin ko kay Aksana.
"Bakit?"
"Sabi nila kapag nag-boyfriend mag gaganyan daw. Ikakasal ka rin ba?" inosente nitong tanong.
"Wala naman akong boyfriend ba't ako ikakasal. At atsaka 'di lahat ng may boyfriend/girlfriend ay nauuwi sa kasalan," mahina kong pinisil ang kanyang ilong. Humagikhik ito.
"Bago ka ikasal sa isang tao dapat sure kana, wala na kasing atrasan kapag ikakasal ka. Kaya dapat sure ka sa nararamdaman mo sa kanya," kausap ko sa kanya at dumapo ang tingin ko kay Dom.
Kanina pa pala siya nakatingin sa amin. Ako ang unang umiwas. Binuhat ko si Akasana at inupo sa hita ko.
"May gusto ka kay Leaving?" tanong nito sa akin.
Nanlaki ang mata ko. "Ano ba 'yang tinatanong mo. Hindi!"
"Gusto ko makita kitang nakasout ng puting gown habang naglalakad doon," tinuro niya ang red carpet na nilalakaran ni Rose papunta sa altar.
Batang 'to talaga, mga lumalabas sa bibig nito. Bigla bigla na lang akong kinakabahan.
"Ano ka ba. Wala na akong balak na mag-asawa, Axe. Masaya na ako na kasama kita," napaubo pa ako dahil may kung anong bumabara sa lalamunan ko.
"Sabi ni teacher kailangan niyo 'yon. Pinapasaya mo ako samantala ikaw hindi mo man lang mapasaya sarili mo. Hindi naman ako tumututol na magkaboyfriend ka, natatakot lang ako kasi. . .yung atensyon mo nasa kanya na tapos ako parang wala na."
Napabugtong hininga ako at pinisil ang kanyang pisngi.
"Ikaw na bata ka saan mo natutunan 'yan?" tanong ko.
"Kay teacher. Kailangan mo ng tao na mag-papasaya sa 'yo yung makakasama mo habang buhay," niyakap niya ako ng mahigpit at ganoon din ako.
"Napapasaya mo naman ako. Hindi ko na kailangan ng boyfriend, kuntento na 'ko dahil kasama kita. Atsaka mag-sasama pa tayo habang buhay sira ka talaga," salita ko habang hinihimas ang kanyang likod.
"Basta promise mo, ah," mahina niyang wika.
Kahit napipilitan tumango ako. "Kung 'yon ang ikasasaya mo."
"I love you ate."
Hinalikan ko ang gilid ng kanyang ulo at hinagkan ng mahigpit. "I love you too."
Sabay kaming nag-palakpakan ng hinalikan na ng groom ang bride.
"Aksana?" tawag ko sa kanya.
Wala akong narinig ni isang salita galing sa kanya. Kaya mahina kong tinapik ang kanyang hita.
"Aksana? Gising, 'di mo nakita. Nag-kiss na sila," natatawa kong sambit.
Sa pangalawang pagkakataon ay wala akong narinig ni isang salita galing sa kanya. Napangiti ako at hinayaan na lang na matulog siya sa bisig ko.
"MASAMA BA akong ate?"
He shook his head while drinking his soda.
"No," inabot niya sa 'kin ang sandwhich. Kinuha ko 'yon at kinagatan.
Tumingin ulit ako sa mga nag-lalakihang building ng metro manila. Hindi ko alam kung saan ako dinala ni Dom, hindi kami nagtagal sa reception.
Bigla niya akong niyaya at dinala rito. Ang lugar kung saan makikita mo ang nag-lalakihang building. Gabi na rin kaya nag-mistulang christmas light iyon. Ang ganda, nakakarelax siya.
"Mukhang nasaktan ko siya kanina," mahina itong wika at bumaba ang tingin ko kay Aksana. Sinuklay ko ang daliri ko sa kanyang buhok.
Mahimbing itong natutulog sa banig na nilatag ni Dom. Napagigitnaan namin siya.
"And that's true," inabot niya sa aking ang bottle water.
"Thanks."
"I thought she's your daughter," bigla nitong sabi.
"H-hindi. Inampon ko lang siya sa bahay ampunan. Napadaan kasi ako do'n at siya ang una kong nakita dahil sa buhok niya. Sobrang bata niya pa doon." pag-kwekwento ko.
"Medyo matagal ang proseso bago ko siya nakuha. Gumawa ng paraan ang madre sa bahay ampunan para mapadali ang pag-ampon ko kay Aksana. Nag-sisimula pa lang ako no'n sa tinitirhan namin. Hindi naman siya mahirap alagaan."
Bumaba ang tingin niya kay Aksana at hinimas ang ulo.
"Swerte siya dahil nakilala mo siya," salita nito habang nakatitig parin kay Aksana.
Namayani ang katahimikan. Nanatili akong tulala sa magagandang ilaw, hanggang sa binasag niya ulit iyon.
"Delaihla."
"What?"
Nilingon ko siya. Pareho kaming nakatingin sa isa't-isa.
"Let's forget about the past. I know that you can't still move—"
"I'm trying, Dom. I-i'm still trying to move on," pagputol ko.
"Me too. Kung gusto mong pareho natin 'yong kalimutan. Gumawa tayo ng paraan para makalimutan natin ang nakaraan."
'Baka mamaya nakalimutan mo na yung totoong pakay mo sa kanya, 'di ko nga alam bakit mo pa iyon gagawin. Mamaya mahulog loob mo sa kanya.'
Saglit akong natulala sa kanya. Ang boses na naman ni Stephanie ang naririnig ko. Sinuri ko ang mukha ni Dom, hindi ko maintindihan bakit siya ganyan.
Kung papayag ako sa sinasabi niya mas mapapalapit siya sa akin. Hindi na ako mahihirapan sa plano ko.
"Sige," tumango ako at binigyan siya ng tipid na ngiti.
"Thank you," nakangiti nitong wika at dahan dahang binuhat si Aksana. "Let's go, iuuwi ko na kayo."
Tumango ako at niligpit ang banig. Ang mga pinagkainan namin ay tinapon ko sa basurahan.
Nag-tagal ako sa labas ng minuto dahil nilinis ko ang mga kalat namin. Pagkatapos ay pumasok na ako sa kotse at naupo sa shotgun seat.
"Okay na?" tanong niya sa akin.
"Yes."
Pinaandar na niya ang kotse papunta sa bahay. Nilingon ko si Aksana na mahimbing na natutulog. Hindi siya mahuhulog doon dahil may maliit na foam na nilagay si Dom doon. sakop no'n ang buong likod.
Binalingan ko ng tingin si Dom. Seryoso itong nag-mamaneho. Ang dalawa butones sa kanyang maroon na polo ay nakabukas, magulo na rin ang kanyang buhok pero mas lalong 'yong bumagay sa kanya.
Hindi ko parin alam kung tama ba na sumang-ayon ako sa kanya. Bahala na, kung ano ang kapalit nito tatanggapin ko na lang.
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top