CHAPTER 8

CHAPTER 8

ABALA ako ngayon sa pag-bibilang ng pera. Papalitan ko nang bagong yero ang banyo namin. Saglit lang naman 'yon dahil hindi naman malaki ang banyo namin.

"Fria!"

Napalingon ako sa pintuan ng marinig ko ang boses ni Aksana. Masaya itong tumakbo papunta sa aking pwesto, wala sa sariling napatingin ako sa orasan na nasabit sa pader.

Alas dose ng tanghali na pala, ang bilis ng oras. Nilapag ko ang pera sa lamesa at binuhat siya paupo sa aking hita at pumasok sa loob si Stephanie.

"Hello, may niluto na akong pagkain. Initin mo na lang," salita ko at tinali ang buhok ni Aksana.

Tumango siya at ningitian ako. "Salamat."

Bumalik ang tingin ko kay Aksana ng bigla niya akong kinalabit.

"Bakit?"

Tinuro niya ang limang piso sa ibabaw ng lamesa.

"Pahingi ako," bulong niya sa akin.

Tumawa ako at kinuha ang limang piso. Binigay ko 'yon sa kanya, tumayo siya at akmang lalabas ng pigilan ko ito.

"Mag-bihis ka muna, Axe. Amoy pawis kana," pag-pigil ko sa kanya.

Tumakbo siya pabalik sa akin at hinila ang kamay ko.

"Tara sa kwarto!" pag-mamadali nito sa akin.

Napailing na lang ako at hinayaan na hilaan ako papunta sa kwarto. Nadaanan namin ang kwarto ni Stephanie, nakabihis na pala ito ng pambahay.

"Hihintayin ko na lang kayo, para sabay tayong kumain," ani ni Stephanie at nag-lakad papunta sa hapagkainan.

"Sige!" pahabol ko sa kanya.

Pag-kapasok namin sa kwarto naupo lang ako sa kama at pinagmasdan siyang magbihis ng dress. Marunong na siyang pumili ng sosoutin niya.

Ang laki-laki na niya. Hindi ko maimagine ang magiging hitsura niya kapag nag-dalaga na ito.

"Panget ba Fria? Kung makatingin ka kasi sa akin parang may kakaiba," asik nito sa akin at kinuha ang kanyang pabango.

"Wala... ang laki mo na kasi," mahina kong saad pero sapat na 'yon para marinig niya.

"Alangan naman na bumalik ako sa pag-kabata. Kung hindi lang kita love kakagatin na kita," umirap ito sa akin at pinabanguhan ang kanyang sarili.

Tumaas ang isang kilay ko dahil doon. Tumayo ako at kinuha sa kanya ang pabango. Paano ba naman kasi ginawa niyang downy ang pabango.

"Ginagawa mo ng downy yung pabango," asik ko at pinatong sa vanity table.

Humaba ang nguso at kinuha ang limang piso.

"Baka kasi nandoon si Raven," mahina niyang sambit.

Lumawak ang ngiti ko sa sinabi niya. "Ikaw ah. Crush mo 'yon?"

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko at mahinang hinila ang buhok ko. Humalakhak ako ng makitang unti-unting namumula ang kanyang pisngi.

Tinapat niya sa kanyang labi ang hintuturo. "Huwag kang maingay ah. Slight ko lang naman siyang crush, k-kasi ang galing niyang mag pogs."

Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang sarili na tumawa ng malakas. Napailing na lang ako at hinawakan ang kanyang kamay papunta sa labas.

Binitawan ko ang kamay niya at hinayaan na bumili sa tindahan.

"Ate, Pabili ng paper doll!"

Umangat ang tingin niya sa akin. "P'wede?"

Ningitian ko siya at hinalikan ang noo. "P'wede po, kung anong gusto mo okay lang kay ate."

Tumingkayad siya at hinalikan ang pisngi ko. "Salamat! Love you."

"Love you too."

Makita ko lang siyang masaya, masaya na rin ako. Makikita mo talaga ang saya sa kanyang mukha. Humarap siya sa akin at pinakita sa akin ang paper doll na nabili niya.

"Hi, Fria. Ang ganda mo ngayon, ah."

Sabay kaming napatingin sa gilid. Ningitian ko lang ito kahit ayaw ko. Nilingon ko si Aksana, nakakunot ang noo nito.

"Salamat," tipid kong saad.

"May gimik kami ngayon ng barkada ko, p'wede ka bang sumama?"

"Hindi—"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla akong inunahan ni Aksana.

"Hindi sasama sa 'yo si Fria! Ang panget mo 'tsaka ang baho mo!" bigla nitong sigaw.

Humalakhak ang lalake at tumingin sa akin. Hinawakan niya ang braso ko.

"Sumama kana," pag-pupumilit nito sa akin.

Umiling ako. Tinatanggal ko ang pagkakahawak nito sa aking braso pero mas hinigpitan niya.

Mahina akong napamura dahil ang sakit ng ginagawa niya.

"Bitawan mo nga si Fria!" biglang nilapitan ni Fria si Jerome at kinagat sa kamay.

"Aray, Punyeta kang bata ka!" daing nito.

Binitawan niya ang braso ko at tinulak si Aksana. Nanlaki ang mata ko dahil doon, nilingon ko si Jerome at malakas na sinuntok sa mukha. Bumagsak siya sa lapag habang sapo sapo ang kanyang mukha.

Binalingan ko si Aksana, umiiyak ito habang nakahawak sa kanyang pang-upo.

"Okay ka lang ba?" nag-aalala kong tanong.

Pinunasan niya ang kanyang luha at tumango. Hinalikan ko ang kanyang noo at hinawakan ang kanyang kamay.

"Uuwi na tayo."

"Bwisit ka!"

Nilingon ko si Jerome may hawak siyang dospordos. Tinago ko sa likod ko siAksana, ihahampas na sana niya sa 'kin ang hawak nito ng hinawakan ko ang kanyang kanan na kamay at pinilipit.

Pagkatapos ay tinuhod ko ang kanyang ari. Napaluhod siya dahil doon, binwelo ko ang kamay ko para suntukin ang kanyang mukha ng biglang may humampas sa kanyang ulo, tuluyan na siyang bumagsak sa sahig.

Pagkalingon ko sa likod nakita ko si Aksana na may hawak na stick. Alam ko na kung sino ang gumawa non kay Jerome.

Agad kong binuhat si Aksana at kasunod non ang pagdating ng tanod. Pumasok kami sa loob ng bahay at nag-tungo kaagad sa hapagkainan.

"Kumain muna tayo bago ka mag-laro ng paper doll," seryoso kong wika at sinandukan siya ng pagkain.

"Okay!" sagot ni Aksana.

"Anong nangyari?" tanong ni Stephanie at sumubo ng pagkain.

"Si Jerome na mabaho sinasaktan si Fria. Akala mo naman gwapo ang pangit pangit naman," asik ni Aksana.

Napailing na lang ako at uminom ng tubig. Ang tabil din ng dila nitong intrimitida kong kapatid.

"Mabaho ba talaga, Axe?" natatawang tanong ni Stephanie

"Oo! Nakakainis kaya siya," umangat ang tingin niya sa 'kin. "Baka mamaya kukunin ka no'n sa 'kin," nakanguso nitong wika.

Mahina akong natawa sa sinabi niya. "Ano ka ba naman, ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na walang kukuha sa 'kin," hinalikan ko ang noo niya at pinagpatuloy ang pag-kain.

Nakita kong ngumiti si Stephanie at ginulo ang buhok ni Aksana.

"Ang cute cute mo talaga Axe! Pakiss nga si Tita," nanggigil na wika ni Stephanie.

Napangiti ako ng bumaba si Aksana sa kanyang kinauupuan at hinalikan si Stephanie sa pisngi.

"Paano naman ako? Nakakatampo na, ah. May favoritism ka," kunwareng nag-tatampo.

"Ayan nag-tatampo na si ate mo," pang-aasar ni Stephanie.

Dahil maldita itong si Aksana imbis na matakot inirapan lang ako.

"Ang arte mo, Fria," nakabusangot nitong sabi. Nag-lakad siya papunta sa akin at hinalikan ang pisngi ko pati sa labi na ikinangiti ko.

"Ayan okay na ba? Baka mamaya umiyak ka wala akong pambili ng candy," maldita nitong wika at napairap nalang ako sa sinabi niya. Narinig ko rin ang pag tawa ni Stephanie.

"So ngayon ako na ang bata tapos ikaw na yung ate? Sungalngalin kita d'yan, eh," asik ko.

"Hindi kita bati kapag ginawa mo 'yon sa 'kin," nag-tatampo niyang sabi.

Binuhat ko siya at inupo sa aking hita. "Joke lang naman, hindi mabiro?"

Ang pagkain ko ngayon ang nilantakan niya. Hinayaan ko na lang siya kung anong gagawin niya ng makapaglaro na siya ng paper doll na nabili niya.

"Aalis ka na naman ba mamaya, Fria?" mahina niyang tanong.

Nagkatinginan kami ni Stephanie. Ngumiti ako at hinimas ang ulo nito.

"Kapag hindi ako nagtrabaho wala tayo makakakain, hindi ko mabibili ang gusto mo. Atsaka ipapaayos ko yung sirang yero sa CR natin baka may sumilip na wakwak," pananakot ko sa kanya.

Dahan-dahang nanlaki ang kanyang mata biglang natakot. Humagikhik si Stephanie.

"Magtrabaho kana nga!" bwisit nitong saad.

Humagalpak kami ng tawa. Kahit pagod na pagod ako sa trabaho marinig ko lang ang kadaldalan nito biglang na lang nawawala ng parang bula yung pagod na nararamdaman ko.

"Pakisabi kay Bimboy papalitan niya ng bagong yero sa CR natin, bigay ko sa 'yo mamaya yung pera."

"Sige," tumayo na siya at niligpit ang pinagkainan namin.

Binaba ko muna si Aksana bago tumayo, tumakbo siya papunta sa sala at mukhang maglalaro ng binili niyang paper doll sa tindahan.

Nilagay ko ang plato sa lababo at hinayaan na lang si Stephanie na mag hugas.

"Iyong lalake na nakita ko nung isang araw, siya ba yung tinutukoy mo?" biglang tanong niya habang nagsasabon.

Napabugtong hininga ako bago tumango. "Oo."

Tumango tango siya. Hindi ko pa pala nabasa ang letter na binigay ni Cattalina.

"Gwapo naman, eh. Bakit 'di mo na lang patusin," pabiro nitong wika.

"Ikaw na lang kaya sapatusin ko d'yan, pinagiisip nito. Ikaw na lang kaya no? Ikaw naman nakaisip, eh," nwisit kong wika.

Abnormal din mag-isip 'tong si Stephanie, tahimik lang siya pero iba ang takbo ng utak. Hindi normal.

"Kung p'wede lang," natatawa niyang sambit.

Inirapan ko siya at tinapik sa braso. "Iiwan ko sa ibabaw ng vanity table yung two thousand, ikaw na bahala mag budget kung mababudget."

Tumango siya at ningitian ako. "Sige."

Nag-lakad ako papunta sa sala at naabutan ko si Aksana na nag-lalaro. Tahimik lang ito at binibihisan niya ang kanyang paper doll, napangiti ako dahil do'n.

"Axe," pag-kuha ko sa kanyang atensyon.

Agad naman siyang humarap ng tinawag ko ito.

"Bakit?"

Nilahad ko ang kanyang kamay. "Samahan mo si ate sa kwarto, may ipapasukat ako sa 'yo."

Tumango ito at niligpit ang kanyang paper doll, hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at nag-lakad kami papasok sa kwarto.

Naupo siya sa kama at hinanap ko naman ang damit na sosoutin niya para sa kasal ni Rose. Matutuwa siya kapag nakita niya 'yon.

Napangiti ako ng mahanap ko ang damit. Nilabas ko iyon at pinagpag ng maayos, dumapo ang tingin ni Aksana sa hawak ko.

"Ang ganda naman niyan Fria. Sa 'kin ba 'yan? Hindi naman 'yan kasya sa 'yo pati kay tita, ibig sabihin sa 'kin 'yan," nakakrus ang dalawa nitong braso sa kanyang dibdib.

Umirap ako sa sinabi nito. "Oo nga 'di ba? Iipitin ko talaga 'yang dila mo ang dami-dami mo pang sinasabi eh."

Hindi rin ito nag patalo inirapan niya at inayos pa niya ang buhok sa aking harapan, akala mo kung sino. Napakaarte rin nito minsan, eh.

Pinahubad ko sa kanya ang sout nitong dress at pinasukat sa kanya ang sosoutin niya sa kasal.

"Hindi na ba masakit yung pwet mo?" tanong ko at zinipper paitaas ang damit.

Umiling siya. "Hindi naman ako nasaktan, nag-iinarte lang ako."

Napailing na lang ako, nahawa na yata 'to sa kaabnormalan ni Stephanie.

"Alam mo Fria yung anak ng kapitbahay natin inaasar na naman ako. Palibhasa 'di siya gusto ni Raven," hinawi niya ang kanyang buhok at humalukikip.

Hinayaan ko na lang siyang mag-kwento ng kung ano ano, maldita 'tong bata na 'to pero napakaiyakin.

"Binigyan kasi ako ni Raven imported na chocolate yung dairy milk. Tapos nung naghingi yung karibal ko kay Raven, binigyan lang siya ni Raven ng fun chocolate," humagikhik siya. Kinikilig siya habang nag kwekwento.

"Bakit hindi ko nakita iyang dairy milk na sinasabi mo," salita ko at niribbon ang tali.

"Matagal na 'yon Fria. Maaga ka kasi umalis sa bahay kaya hindi kita nabigyan."

Ngumiti ako at tumayo na. "Ayan, okay na."

Inalalayan ko siya paakyat sa upuan para makita ang kanyang sarili sa salamin ng vanity table.

"Wow, ang ganda ko Fria. Kailan ko ulit sosoutin 'to?" tanong niya.

"Sa susunod na araw," sagot ko sa kanyang tanong.

Kumunot ang noo nito. "Kunware ngayon tapos kinabukasan?"

"Kinabukasan pa ulit," pag-tatama ko.

Tumango tango siya at kumuha ng pantatak sa bulsa ng kanyang bag. Tinatatak niya ng ang petsa.

"Ayan, para handa tayo!" masaya niyang sambit.

Ngumiti ako at nilapitan siya. Hinagkan ko siya ng mahigpit at hinalikan ang tuktok ng kanyang ulo. Hindi ko alam bakit ako nakakaramdam ng takot para kay Aksana. Huminga ako ng malalim at kinalma ang aking sarili, masyado lang akong praning.




"COME HERE!"

Agad akong tumayo at pinulot ang damit ko na nakakalat sa sahig. Nag-mamadali akong sinuot ang nadampot kong maxi dress, hindi ko na pinansin kung wala akong sout na underwear.

Pinihit ko ang door knob at tumakbo palabas, naibagsak ko ang dala kong bag ng nahablot nito ang buhok ko.

"Let me go!"

"I said come here you slut!"

Nawalan ako ng balanse at bumagsak sa sahig. Doon siya nakakuha ng tyempo at pumatong sa akin. Yumuko siya at sinimulan na halikan ang leeg ko. Napapikit ako at malakas siyang tinulak.

Nahiga siya sa gilid. Tumayo ako at tinakbo papalabas sa kwarto, nasubsob ako sa sahig ng bigla niyang hinawakan ang paa ko.

Putanginang matanda na 'to.

"You slut! I paid for you so you need to fullfill my needs!" galit nitong wika at malakas akong sinampal.

Napapikit ako at wala sa sariling napahawak sa aking labi. Nalasahan ko ang sarili kong dugo. Gustong gusto ko na siyang sapakin.

"It's already done, there is no more round two!"

"Shut your mouth!"

Muli siyang pumatong sa 'kin at naramdaman ko ang kanyang kamay na gumagapang pataas. Napapikit ako ng tuluyan ko ng naramdaman ang kanyang kamay sa pagitan ng hita ko.

"I said stop!"

Sinipa ko siya at malakas na sinuntok sa mukha. Bumagsak siya sa gilid ko at nagdudugo ang kanyang ilong. Mahina akong napamura ng kumirot ang noo ko.

Punyeta kang matanda ka.

Dinampot ko ang mga gamit ko at tumakbo palabas, binalikan ko ulit siya at kumuha ng limang libo sa wallet niya. Gago siya pinahirapan niya ako.

Nang okay na ang lahat lumabas nakaagad ako sa kwarto, bahagya pa akong napaatras ng makasalubong ko si Mr. Cancon at Dominic, mukhang nag-titingin tingin sila ng mga kwarto kung may nakita ba silang mali o kung ano.

Sabay silang tumingin sa likod ko. Kung saan nakahilata ang matanda sa lapag.

"I'm sorry, kailangan ko siya patulugin. Siya ang nauna Mr. Cancon," pag-hingi ko ng paumanhin, yumuko ako para mag bigay galang.

"It's okay, I understand," humithit siya ng sigarilyo at basta na lang binuga.

Tinuwid ko ang tayo ko at binigyan silang dalawa ng tipid na ngiti.

Lakad takbo ang ginawa ko hanggang sa makarating sa elevator. Ramdam ko kasi ang pag-titig ni Dominic sa akin. Nag-salubong ang paningin namin habang hinihintay ko ang pag-sara ng elevator, nabalik lang ako sa aking katinuan ng tuluyan ng nag-sara ang elevator.

Napabugtong hininga na lang ako at tinignan ang sarili sa repleksyon sa salamin ng elevator. May pasa sa noo ko, ito yata yung nasubsob ako dahil sa paghila nung matanda sa paa ko.

Pagkalabas ko sa elevator dumiretso ako sa malaking dressing room. Doon ako nag palit ng damit at nag sout ng underwear.

Ang sout ko ngayon ay Mustard Bralette Vest Push Up Bra Crop Top at pinaresan ko ng High-waisted denim pants. Kinuha ko ang black stilleto na nasa loob ng locker ko.

I tied my hair into ponytail. Hinayaan ko lang na mahulog ang ilang hibla ng buhok ko. Huminga ako ng malalim at tinignan ang sarili sa napakalaking salamin ng dressing room namin.

Nakalimutan kong dalhin ang concealer. Siguradong pinakielaman na 'yon ni Aksana, atribida rin 'yon minsan, eh.

Binitbit ko na ang gamit ko at lumabas na. Naestatwa ako sa aking kinatatayuan ng makita ko si Dominic na prenteng nakatayo sa gilid ng malaking pintuan sa dressing room namin.

Nakapamulsa siya at nakatukod pa ang kanan nitong paa sa pader. Napalingon siya sa akin at nagsalubong ang paningin namin.

Ilang segundo kaming nagkatitigan. Nakasout ito ng black suit, hindi ba siya naiinitan? Sabagay sobrang lakas ng aircon dito kaya hindi ka mapapawisan ng sobra. Maayos ang pagkakaayos ng buhok nito at may ilang hibla ng buhok ang nakatabing sa kanyang mukha.

Lalo siyang gumwapo sa paningin ko.

Ako ang unang umiwas at nilagpasan siya. Muntikan pa akong matapilok dahil sa biglang paghila niya. Buti na lang nakahawak ako sa pader, baka sumalampak ako sa sahig kung hindi niya ako nahawakan.

Hinawakan ko ang kanyang kamay at mariin na tinanggal sa aking braso. Hinimas ko iyon dahil ang sakit.

"Kung hahawak ka ng braso ko puwede bang paki-ayos?" nanggigil kong wika.

Ang expression ng kanyang mukha ay biglang nanlambot, napairap na lang ako at bumaba ang tingin sa aking braso. Magkakapasa na naman ako, lintik.

"I-i'm sorry," nauutal niyang wika.

Tinalikuran ko siya at nag-lakad na papalabas sa PCA. Tumingin ako sa aking relong pambisig, 3:45 am na. Habang naglalakad ako iniisip ko kung may jeep pa bang dadaan dito.

Bago ako maglakad papunta sa waiting shed tinignan ko ang building ng PCA. Gising na gising ito.

Pagkadating ko sa waiting shed naupo ako roon at hinintay kung may jeep na dadaan. Wala pang isang minuto may umistop na blue na kotse sa aking harapan. Bumaba ang wind shield ng kotse.

"Hi, gusto mo bang sumabay? Mukhang ikaw lang nandito, ah. Delikado ang mag-isa lalo na ngayong oras," salita ng lalake na nakaupo sa shotgun seat.

Ang pananalita nila mukhang mabait pero sila hindi. Nalipat ang tingin ko sa kabila ng biglang dumungaw ang isa nilang kaibigan. Nakataas ang sulok ng kanyang labi habang naninigarilyo, hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.  

Hindi na ako nailang sa ginawa niya, halos lahat naman yata na makakasalubong kong lalake puro ganyan ang ginagawa.

"No thanks, hihintayin ko na lang dumaan yung jeep dito," binigyan ko sila ng tipid na ngiti at tinuon ang pansin sa iba.

Wala silang nagawa kundi hayaan ako. Umalis na sila habang ako ay naghihintay parin sa pagdaan ng jeep. Sa pangalawang pagkakataon may dilaw na kotse ang tumigil sa harapan ko. Dumungaw ang lalake, nakashades ito at may hawak na vape.

"Madaling araw na miss. Wala ng jeep na dumadaan dito, gusto mo bang ihatid ka na lang namin?"

Umiling ako. "No thanks."

Mahina silang natawa at tinanggal ang shades. "Pakipot ka pa, tara may bakante pa naman dito sa kotse namin. Ihahatid ka namin kung saan ang bahay mo."

"No thanks-"

"She's with me. Umalis na kayo."

Napalingon ako ng biglang may nag-salita kasabay niyon ang pagalis ng dilaw na kotse. Napabugtong hininga na lang ako at tinuwid ang pag-upo ko.

"Anong ginagawa mo rito? Baka hanapin ka ni Mr. Cancon," salita ko habang nakatingin parin sa daan.

Naupo siya sa tabi ko.

"Kanina pa dapat ako aalis pero nilibot pa namin ang buong PCA para hindi ako maligaw," sagot nito sa 'king tanong.

Tumango lang ako. Namayani ang katahimikan, siya rin ang bumasag n'on.

"Let's go," hinawakan niya ang kamay ko at hinila.

Kumunot ang noo ko. "Saan na naman ba tayo pupunta? Gusto ko ng umuwi kanina pa ako pagod."

Napasuklay siya sa kanyang buhok. "Ihahatid nga kita sa bahay mo."

Palaging pumapasok sa utak ko ang sinasabi ni Stephanie. Dahan dahan akong tumango at nagpahila sa kanya papunta sa parking lot ng PCA.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa shotgun seat bago siya pumasok sa driver seat.

Tahimik lang ang buong byahe, sinandal ko ang ulo ko sa wind shield at pinikit ang mata ko. Ramdam ko ang kanyang pagtitig sa akin pero binalewala ko ito.

"There's a lot of job but why did you choose to be a prostitute," pag-basag ni Dominic sa katahimikan.

Napadilat ako at nilingon siya. Huminga ako ng malalim bago magsalita.

"Doon lang kasi ako makakakuha ng malaking pera sa isang gabi. Saan ka makakuha ng sampung libo sa isang araw? Sa PCA lang 'yon. Hindi ko naman gustong maging pokpok pero kailangan ko ng malaking pera," mahina kong wika pero sapat na 'yon para marinig niya.

"Reason?"

Umirap ako at tumingin sa labas ng kotse. "It's none of your business."

Pinikit ko ang mata ko at hinayaan na lamunin ng dilim sa sobrang pagod.




"SALAMAT sa pag hatid," pag-papasalamat ko.

Tinanguan niya lang ako at ningitian. Saglit akong natulala sa ginawa niya, p'wede siyang maging model ng colgate o close up.

Aabutin sana ng ilang segundo ang pagtitigan namin ng marinig ko ang boses ng atribida kong kapatid.

"Fria?"

Sabay kami napatingin sa nakabukas na pintuan ng bahay. Nakapajama si Aksana at nakasando na puti, yakap yakap niya ang kanyang paboritong doll na si Merida. Ang cute niya habang kinukusot ang kanyang mata, ang magulo nitong buhok ay nakatabing sa kanyang mukha.

Tumakbo siya papunta sa akin at niyakap ang binti ko. Nag-katinginan kami ni Dom at nagpalitan ng ngiti.

Umisquat ako para mag pantay kami.

"Bakit nagising ka? Tulog kana ulit sa kwarto natin," malambing kong wika at hinalikan ang kanyang noo.

"Nawiwi ako tapos narinig ko yung tahol ni Burdagol yung alagang aso ni Aling Ising sa ukayan. Sisilip sana ako para sawayin pero nakita kita," mahina niyang wika, halatang inaantok.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Dom. Akala ko umalis na siya. Sabay kaming napatingin ni Aksana kay Dominic na nakapasok na sa gate.

"Ikaw sumira ng pana ko, a! Bakit ka nandito?" masungit nitong wika.

Para siyang matandang landlady sa inasta niya. Napailing na lang ako at kinarga siya.

"I'm Dominic, what's your name?" lumapit siya sa amin at hinawi ang buhok ni Aksana na naka tabing sa kanyang mukha.

"Nasa Pilinas tayo kaya p'wede bang huwag mo akong englishin d'yan," maarte nitong sambit.

Mahina kong tinapik sa braso si Aksana.

"Bakit ganyan ka magsalita? Bad 'yan."

Nilingon ko si Dominic. "Pasensya kana sa pananalita niya."

Ngumiti siya sa akin at nilingon si Aksana na kanina pang nakabusangot.

"It's okay. I like her," natatawa niyang sabi.

"Aksana ang pangalan niya," pag-papakilala ko sa kanya.

Inis na lumingon si Aksana sa akin.

"Bakit mo sinabi sa kanya ang pangalan ko? Hindi ka man lang humingi ng permiso sa akin," naiinis nitong wika.

Baka mamaya topakin ito, mahirap na. Ngumiti ako sa kanya at pinupog ng halik ang kanyang mukha.

"Sorry na, nakikipagkaibigan siya sa 'yo. Bakit ayaw mong sabihin pangalan mo sa kanya?"

Umangat ang kamay ni Dominic at hinawakan ang kulot na buhok ni Aksana. Iniwas ni Aksana ang kanyang buhok pero nahawakan na ito ni Dominic.

"Ano ba, bakit mo hinahawakan buhok ko? Close ba tayo?" asik nito at sinuklay ang kayang munting daliri sa kanyang buhok.

Mahinang natawa si Dominic at ginulo ang buhok ni Aksana.

"Ate!" tawag nito sa 'king ngalan dahil naiinis na siya.

May nilahad sa 'kin si Dom na paper bag. "Cattalina gave this to you."

Tatanggihan ko na sana iyon ng biglang iyong hinablot ni Aksana. Napairap na lang ako, atribida talaga.

"Aksana! Ikaw ba si Fria?"

Humaba ang nguso niya at sinilip ang nasa loob ng paper bag, nagningning ang kanyang mata ng makita kung ano ang laman niyon.

"Fria, May cupcake!" masaya niyang wika.

Nilingon ko si Dominic. "Maraming salamat pasabi na lang sa kanya."

"Sure," tipid nitong wika at pinaglandas ang kanyang daliri sa kanyang buhok, pinagpapawisan na siya. Paano ba naman naka business attire ito, maiinitan talaga siya.

Sabay kaming bumaba ang tingin ng makita may nahulog sa kanya, kumunot ang noo ko roon. Oh... dairy milk.

"Sorry, this is for Cazy. Bunsong anak nila Catt. Nanghihingi kasi," natatawa niyang sabi.

"Dairy milk..." bulong ni Aksana.

Hinarap ko siya at hinalikan ang pisngi. "Bibili tayo, may cupcake kana 'di ba? Mauumay ka kung puro matatamis ang kakainin mo."

Napalabi ito at nanubig ang kanyang mata. "Ate... dairy milk."

Tumingin ulit siya sa hawak na chocolate ni Dominic. Kinarga ko ng mabuti si Aksana at kinuha sa kanya ang paper bag na binigay ni Dominic.

"Papasok na kami. Inaatake na ng topak ang kapatid ko."

Ngumiti siya sa akin at tumango. Kinuha niya at susi ng kanyang koyse sa bulsa ng suot nitong black slocks at may pinindot doon. Tumunog ang kotse.

Napalingon siya kay Aksana na nag-simula ng suminghot. Nilingon ko ito at napabugtong hininga. Kulang lang ito sa tulog kaya nag kakaganyan siya.

"Here take this. Sa'yo na lang 'to," nilahad ni Dominic kay Aksana ang dairy milk.

"Huwag na," pag-pigil ko.

Umiling siya sa sinabi ko at inilapit ang chocolate kay Aksana. "No, it's okay. Bibili na lang ako ng bago."

Hindi tinanggap ni Aksana ang bigay ni Dominic. Kahit makulit siya masunurin ito, kapag ayaw ko hindi niya tatanggapin.

"Fria," naiiyak niyang wika.

Huminga ako ng malalim at tumango. Mamaya bigla na lang 'tong pumalahaw ng iyak. Mahirap pa naman siyang  patahanin.

"Here take this, pumayag na ate mo."

Akala ko hindi siya mahilig sa mga bata. Maingay at makulit sila pero nakakatanggal ng stress, kahit atribida itong kapatid ko marinig ko lang ang boses niyang walang tigil sa pagiingay nawawala na ang pagod ko.

"S-salamat," mahinang wika ni Aksana at niyakap ang chocolate na bigay ni Dom.

Ngumiti si Dom at ginulo ang buhok ni Aksana. Nilingon niya ako at tinanguan.

"I'm leaving," pag-papaalam nito.

Tumango ako. "Sige, ingat."

"Bye, leaving," kumaway si Aksana kay Dominic habang yakap yakap niya parin ang chocolate.

Natawa si Dominic sa sinabi ni Aksana. Kumaway siya at pumasok na sa kotse, pumasok na kami sa loob at nagtungo sa kwarto ko.

"Anong 'bye, Leaving' ka d'yan. Kuya Dom ang tawag mo sa kanya, malinaw?" pag-tatama ko sa kanya.

Inirapan niya ako at binuksan ang chocolate.

"Sabi niya kasi siya raw si Leaving, e'di sana sinabi niya i'm Dom hindi i'm leaving," pag-sagot nito sa akin at kumain ng chocolate.

Napakamot na lang ako sa aking kilay. Hindi talaga siya nag papatalo kahit kailan. Hinablot ko sa kanya ang chocolate at pumutol pagkatapos ay binigay sa kanya. Ang natira ay nilagay ko sa ref.

"Mas maganda kung hindi ka magsasalita, kumain ka na lang at ubusin mo 'yang chocolate mo," naupo ako sa harap ng vanity table at tinanggal ang make up ko.

"Fria, Bakit ka may pasa sa noo?"

Napalingon ako sa kanya. Nakaupo ito sa kama at ningunguya ang pagkain.

"Wala, nauntog lang ako," pag-sisinungaling ko.

Kita ko sa repleksyon ng salamin na lumapit siya sa 'kin. Tinignan niya ng mabuti ang mukha ko pagkatapos ay biglang sinundot ang sugat sa gilid ng aking labi.

"Aray!"

"Masakit?" inosente nitong tanong.

"Ay hindi! Hindi," asik ko rito at nag-palit ng damit.

Pagkatapos ay humiga na ako sa kama, sumunod siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Napangiti ako at sinuklay ang buhok niya, kusa siyang inaantok kapag sinusuklay ko ang buhok niya.

"Teka, nag toothbrush ka ba? Gusto mo bang magkauod 'yang ngipin mo?" pananakot ko sa kanya.

"Inaantok... na ako," mahina nitong wika.

"Anong inaantok hindi p'wede... 'yan," wala na akong nagawa ng marinig ko ang mahina nitong hilik.

Napabugtong hininga na lang ako tinaas ang kumot namin. Hinalikan ko ang kanyang noo at niyakap ng mahigpit.

Naramdaman kong sumiksik siya sa akin. Napangiti ako at pinikit na ang aking mata, bago ako tuluyang makatulog narinig ko ang binubulong nito na ikinangiti ko. Mahal niya raw ako.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top