CHAPTER 7
CHAPTER 7
ANG PAGKAKASAMPAL niya sa 'kin ay parang kinuha yung kaluluwa ko sa sobrang lakas. Nakaramdam ako ng hilo at na out of balance.
Hindi ako bumagsak sa sahig dahil may dalawang brasong sumalo sa akin. Agad akong tumayo ng tuwid at hinarap ang lalakeng nanampal sa 'kin.
"Ano bang—"
Hindi ko naituloy ang sinabi ko ng biglang nag-salita si Dominic.
"What the fuck, Why did you slap her? Are you gay?"
Dinuro siya ng lalake habang ang katabi nitong babae ay umiiyak. Kumunot ang noo ko dahil doon. Hindi ko maintindihan kung bakit ako sinampal nitong lalakeng 'to.
"Manahimik ka! Girlfriend mo ba 'to?" nanggigil na dinuro ako ng lalake.
Hindi sumagot si Dominic.
"Hindi mo ba alam na puta 'tong girlfriend mo? Binayaran siya nang asawa ng kapatid ko para mag bigay ng aliw!" muling umiyak ang babaeng nasa likod nito.
Nanatili akong tahimik sa isang tabi. Napalunok ako dahil doon. Grabe ang pag-iyak nung babae.
"Nasira ang relasyon nila dahil sa 'yong putangina ka!" napaatras ako dahil akmang susugurin niya ako ng pigilan siya ng kapatid nito.
"Kuya!"
Kinuha ko ang wallet ko sa bag at kinuha ang sampung libo.
"Ibabalik ko na lang ang pera na binigay niya. Hindi ko na matandaan kung sino ang—"
"Syempre puta ka! Malandi! Pokpok! Bayaran—"
"Watch your words motherfucker," kinwelyohan ni Dominic ang lalake.
Nakagagawa na kami ng eksena rito. Ano ba namang buhay 'to! Seryoso ang mukha ni Dominic habang nakatingin sa kaharap namin.
Humalakhak ang lalake. "Ano? Hindi mo nagugustuhan ang sinasabi ko sa girlfriend mo?"
"Excuse me, hindi ko siya boyfriend," singit ko.
Nilapitan ko sila at tinignan si Dominic. "Alis."
Automatic itong inalis ang pagkakahawak sa kwelyo ng lalake. Napabugtong hininga ako, hindi naman ito first time na nangyari.
"Ibabalik ko na lang ito—"
"Bakit!? Mababalik mo ba ang relasyon nila kapag binalik mo 'yang sampung libo sa'min? Hindi! Sa 'yo na lang 'yang puta ka!"
Sa isang iglap nakahandusay na ang lalake at sapo sapo ang kanyang mukha. Si Domimic, sinapak niya ang lalake.
"You're so noisy! Fuck you!" Dominic snapped.
Sakto no'n ang pagpunta ng mga security guard ng PCA. Hinawakan ni Dominic ang kamay ko hinila papalayo ro'n. Wala sa sariling bumaba ang tingin ko sa kamay ko na hawak-hawak niya.
Hinayaan ko na lang kung saan niya ako dalhin.
"ANO BA may kamay ako," inagaw ko sa kanya ang cotton balls na may betadine.
Nag-kasugat ako nung sinampal ako nung lalake, ang lakas nga. Mas gusto ko pang mag-pasabunot sa limang babae.
Huminga siya ng malalim at sumandal sa upuan. Nandito na kami ngayon sa starbucks na malapit lang sa PCA.
"Palagi bang mag nangyayaring gano'n?" biglang tanong nito sa 'kin.
Tumango ako at sumimsim sa kape. "Oo."
Napailing na lang siya at humalukipkip. Napatingin ako sa kanya, seryoso ang mukha niya. Bumaba ang tingin ko sa kanyang labi at biglang umangat 'yon dahil nakita niya na nakatingin ako roon.
Bumalik ang tingin ko sa kanyang mukha at inirapan siya.
"Bakit ka nag tratrabaho sa whore house?" he asked.
I rolled my eyes. "Hinila mo ba ako papunta rito para tanungin ako sa mga personal na bagay?" irita kong saad.
Mahina siyang natawa sa sagot ko. Dinig ko tuloy ang malalim niyang boses, akala mo ay bagong gising. Pero 'yon ang normal niyang boses.
"Fine, another question. You know how to defense yourself right?"
Agad akong tumango sa sinabi n'ya at inirapan ito.
"Bakit 'di mo pinagtanggol sarili mo?" tanong ulit nito sa 'kin.
Napakamot ako sa 'king ulo, bakit ba tanong nang tanong 'to nakakairita.
"E'di napatay ko na siya kung gano'n."
Natigil ang usapan namin ng dumating ang inorder ni Dominic na pagkain. Kinuha ko ang kutsara at nagsimulang kumain.
"Cattalina gave this to you," nilahad niya sa 'kin ang maliit na sobre.
Bumaba ang tingin ko doon at binaba ang kutsara. Kinuha ko 'yon at binuksan.
Sulat ni Cattalina. Sinarado ko 'yon dahil gusto ko 'yon basahin kapag nasa bahay na ako. Kinuha ko ang dalawang picture, kumunot ang noo ko ng makita ang dalawang bata na karga ni Levin at Cattalina. Isang lalake at isang babae.
"Her children," singit ni Dom.
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Ang ganda at gwapo, kung sakaling ipapakilala ko si Cattalina kay Aksana may bago na siyang kalaro! Nakakatuwa naman.
"Lauro is the oldest and his little sister is Cazy. She's spoiled brat just like her mom," pag-kwekwento nito sa 'kin.
Lalong lumawak ang ngiti ko sa sinabi niya. Mukhang nag- mana ito kay Catt. Natigilan ako ng maramdaman kong nagvibrate ang cellphone sa sout kong jeans. Binaba ko ang litrato at kinuha 'yon.
"Sasagutin ko muna," binigyan ko siya ng tipid na ngiti at sinagot ang tawag.
"Hello?" tanong ko.
"Fria! Kauuwi lang namin ni Tita Stephanie. Akala ko mamayang gabi ka pa aalis, nag-bago na naman ba ang schedule mo?"
Mahina akong natawa at napasuklay sa 'king buhok. Ito talagang si Manang Aksana.
"Uuwi na rin ako, Axe. May kausap kasi ako ngayon."
Binalingan ko ng tingin si Dom, kumunot ang noo ko ng biglang umigting ang panga nito at iba ang kanyang aura.
"Sino? Lalake ba 'yan Baka kunin ka n'ya sa 'kin!"
Hindi ko na mapigilan na tumawa. Napahawak ako sa 'king labi para mabawasan 'yon nakakahiya sa ibang tao.
"Sayong-sayo lang ako."
"Talaga ba? Sige na nga, hihintayin kita sa pag-uwi mo. I love you!"
"I love you too! Mwah!"
Natatawang binababa ko ang tawag at binalingan ng tingin si Dom. Ganoon parin ang kanyang hitsura.
"You had a boyfriend," seryoso nitong wika.
Natulala ako sa sinabi nito. Boyfriend? Shit! Naalala ko si Axe! Baka na missunderstood niya 'yon. Napailing na lang ako. Wala naman akong dapat ipagexplain sa kanya.
Napakamot ko sa 'king ulo. "No, hindi mo lang naintindihan."
"No, I already understand," tumayo na siya at inayos ang kanyang sarili.
Sumunod ako sa kanya hanggang sa makalabas kami sa labas ng starbucks. Nag-volunteer siya na ihatid ako sa waiting shed, doon ako mag-hihintay ng jeep.
Bumaba ang tingin ko sa sapatos ko, hindi maayos ang pagkakasintas ng sintas ko.
"Pahawak," inabot ko sa kanya ang bag ko.
Hinawakan n'ya 'yon. Sa huling pagkakataon tinignan ko siya.
"Okay lang ba sa 'yo?" I asked.
He nodded. "Yes."
Yumuko ako at inayos ang aking sintas. Napangiti ako ng maayos ko 'yon.
"Bagongbuhay! Bagongbuhay!"
Napatayo ako ng marinig ko ang salitan 'yon. Nilingon ko si Dom na seryoso parin ang hitsura.
"Salamat pala sa libre mo. Aalis na 'ko, bye!"
Hindi ko na hinintay ang sagot nito. Pumasok kaagad ako sa jeep at sinabi kung saan ako bababa. Buong byahe akong tulala, napahawak ako sa 'king labi kung saan ang sugat ko.
Napabugtong hininga na lang ako at hinayaan na lang ang nangayari. Minsan nga may nambabanta pa sa 'kin pero wala lang din 'yon. Meron din pinapademanda ako pero nawala lang din 'yon dahil kay Mr. Cancon.
Pagkadating ko sa bahay rinig na rinig ko ang boses ni Aksana at sumunod ang boses ni Stephanie. Kumunot ang noo ko dahil doon.
"Ayaw ko nga!"
"Isa beses lang naman! Please, para kay Tita Stephanie mo."
"Ayaw!"
Lalong lumakas ang boses ni Aksana. Hanggang sa magkasalubong kami nito sa harap ng pintuan, ang nakabusangot nitong muhka ay napalitan ng saya.
"Fria! Nandito kana!" tumakbo siya papunta sa 'kin. Niyakap n'ya ang aking hita.
Yumuko ako at hinalikan ang kanyang noo. "Kumain kana ba?"
Tumango siya. "Oo!"
"Axe—oh nandito kana pala Delaihla," biglang saad ni Stephanie.
Habol nito ang kanyang hininga. Ningitian ko siya at kumunot ang noo ng makita ko ang kanyang hawak. Maliit na heels.
"Para saan 'yan?" tanong ko.
Ninguso niya si Aksana na parang tuko na nakakapit sa 'king binti. Nakuha ko naman ang ibig sabihin nito.
Binuhat ko si Aksana at hinalikan ang kanyang pisngi.
"May binigay si Tita Stephanie sa 'yo," kausap ko sa kanya. Humaba ang nguso kito at pinaglaruan ang kanyang daliri.
"Kasi ayoko ng h-heels gusto ko lang yung rubber shoes," mahina nitong wika sa 'kin.
Nakatinginan kami ni Stephanie. Tumawa lang siya sa 'kin at tumango. Bumulong siya sa 'kin na ayos lang daw kung ayaw niya ng heels at p'wede namang palitan nalang sa department store.
"Tanggapin mo parin 'yon kasi binigay sa 'yo ni tita Stephanie mo 'yon. Gusto mo bang magtampo sa 'yo si Tita Stephanie mo? Sige ka, hindi mo na siya makikita kapag nagtampo siya sa 'yo," pananakot ko sa kanya.
Nanlaki ang mata nito sa sinabi ko. Nag-pupumilit siyang bumaba kaya dahan dahan ko siyang nilapag sa baba. Tumakbo siya sa pwesto ni Stephanie at niyakap siya.
"Sorry na! Tinatanggap ko na 'yong regalo mo."
Napangiti si Stephanie at binuhat si Aksana. "It's okay baby, love parin kita."
"Love rin po kita!"
Tinanguan ako ni Stephanie at nauna na silang pumasok sa loob ng bahay. Huminga ako ng malalim bago pumasok sa loob ng bahay.
Basta ko na lang binagsak ang sarili ko sa upuan. Bigla na lang akong napagod, kumunot ang noo ko ng pakiramdam ko ay parang may kulang sa 'kin .
Napatayo ako at hinanap ang bag ko. T-teka may dala ba 'kong bag pauwi rito?
"Stephanie?"
Lumabas siya galing sa kusina. "Bakit?"
"May dala ba 'kong bag pauwi rito?" tanong ko.
Kumunot ang kanyang noo at umiling. "Wala."
Nanlaki ang mata ko dahil doon. "Ano!?"
Tumakbo ako palabas ng bahay para bumalik sa PCA. Akmang lalabas na 'ko sa gate namin ng biglang may bumisina. May mga importanteng gamit doon sa bag ko!
Tumigil sa harap ng bahay ang isang Lamborghini na kotse, kulay itim 'yon. Nanlaki ang mata ko ng lumabas si Dominic sa kotseng 'yon.
Napaawang ang labi ko. "D-dom."
Hindi ko na siya napigilan na buksan ang gate para makapasok dito. Inabot niya sa 'kin ang bag pati ang sobre. Kinuha ko kaagad 'yon ang sinakbit ang bag sa 'king balikat.
"Paano mo nalaman ang address ng bahay ko?" tanong ko habang nakatingin sa kanyang mukha.
"Sinundan kita," tipid nitong saad.
Napabugtong hininga ako. "Salamat sa pag hatid nitong bag ko, may mga importante bagay kasi rito."
Tumango lang siya sa 'kin. "You're welcome—"
"Sino ka!?"
Sabay kaming napatingin sa likod ko. Nanlaki ang mata ko ng makita si Aksana, may hawak itong pana at palaso. Nakatutok 'yon kay Dominic.
"Aksana! Ibaba mo 'yan," seryoso kong wika.
Nilingon ko si Dominic, imbis na matakot ito ay parang natuwa pa siya! Biglang naman akong kinabahan dahil doon.
"Ayaw ko! Sino ba siya, Fria!? Sabi mo sa 'kin walang kukuha sa 'yo!" malakas nitong sigaw sa akin.
Napaiwas ako ng biglang niyang binitawan ang palaso. Nanlaki ang mata ko at binalingan ng tingin si Dominic, nakahinga ako ng maluwag ng nakaiwas siya ang kaso ang tumama iyon sa puno ng mangga.
"Cool," mahinang sambit nito.
Lumapit siya kay Aksana. "Teka—"
"Hi, what's your name?" tanong nito sa kapatid ko.
Kumunot ang noo ni Aksana. "Anong what's your name! Ayaw ko sa 'yo, huwag mo 'kong hawakan!"
Nilapitan ko si Aksana at binuhat. Nagulat pa 'ko ng biglang hinampas ni Aksana si Dom.
"Bad ka! Kukunin mo si Fria sa 'kin, Ayaw ko sa 'yo!"
Natahimik ang paligid ng biglang naputol ang kanyang pana. Kahit ako ay nagulat, matagal na 'yon sa kanya at ngayon lang talaga nasira.
"A-ang pana ko," mahinang wika ni Aksana.
Yumuko si Dom at kinuha ang pana pagkatapos ay pumunta sa pwesto namin.
"I'll just buy you a new bow," wika nito kay Aksana.
Napalabi si Aksana at nangilid ang luha. Tumingin siya sa 'kin pagkatapos ay pumalahaw ng iyak.
"Fria! Nasira, Sinira niya!" humihikbi nitong sambit.
Nakatinginan kami ni Dom at tipid na ngumiti sa kanya. Tinanguan niya ako at umalis na. Sumakay siya sa kanyang kotse pinaandar papalayo.
Nanatiling umiyak si Aksana sa 'king bisig.
"Shh. . . Bibili na lang tayo ng bago, huwag ka ng umiyak," pag-aalo ko.
Umiling siya. "Kukunin ka n'ya sa 'kin. S-sabi mo akin ka lang."
Mahina akong natawa. "Ano ka ba naman. Hindi nga ako mawawala sa 'yo, hinatid niya lang sa 'kin ang bag ko kasi nakalimutan kong kunin sa kanya."
Automatic na tumigil ang kanyang pag iyak. Hinarap niya 'ko at pinunasan ang kanyang luha.
"Talaga?"
"Opo."
Muling nangilid ang kanyang luha.
"Ang p-pana ko," naiiyak niyang sabi.
"Bibili ako ng bago, okay. Huwag kang mag-aalala," salita ko at sinuklay ang kanyang buhok gamit ang aking daliri.
"Promise?" malungkot nitong wika.
Ngumiti ako at tumango. "Promise."
"Okay! I love you, Fria!"
Hinagkan ko siya ng mahigpit at naglakad papasok sa loob ng bahay.
"I love you too."
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top